Share

CHAPTER FORTY-EIGHT

Babalikan niya ako?

Bahagya akong napangisi sa sarili ko nang muling umugong sa tenga ko lahat ng salitang pinakawalan niya nitong nakaraan. Babalikan niya raw ako. Hindi niya ba alam na ikakasal na ako sa ibang lalaki pagbalik ko sa trabaho? Pagkatapos sasabihin niya babalikan niya ako?

Ano? Gagawin niyang kabit ang sarili niya?

"Kailan ka pa naging gago, Travis?" tanong ko sa sarili bago umismid.

Napunta ang titig ko kay Kuya Lucho na ngayon ay walang ibang nagawa kung hindi ang naiiritang tumitig sa sapatos niyang may magkaibang kulay ng medyas. Narito kami ngayon sa airport para sunduin ang parents naming galing pa ng Barcelona para lang umuwi sa kasal ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagmamadali kaya magkaibang medyas ang suot niya. Mukha tuloy siyang tanga sa ayos niya.

"Ang sabi ko kasi sa 'yo, ayusin mo na yung medyas ko bago pa man tayo umalis, Faye—"

"Bakit parang kasalanan ko pa na magkaiba iyang medyas na suot mo?" reklamo kong balik sa kanya. Pinagtitinginan na kami nga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status