Share

SIXTEEN (2)

“Ano sa tingin mo ang sasabihin ni dad sa ‘tin?” tanong ni Zaeia sa kanyang kapatid na si Kara. Kasalukuyan silang nakatayo sa labas ng opisina ng kanilang ama. Hindi nila malaman kung sino ang dapat unang pumasok sa loob.

Mayroon daw importanteng sasabihin si Alfonso sa kanilang dalawa ngunit ang kanilang ipinagtataka ay bakit silang dalawa lamang? Dapat kung mayroong magandang balita sa kumpanya ay dapat magpatawag ito ng pagpupulong kasama ang ibang miyembro ng board.

“I don’t know. Maybe he needs to fire you?” wika ni Kara habang nakangisi na nagpakulong muli ng dugo ni Zaeia. Kahit pa anong pilit nyang makipag-usap nang mahinahon sa kanyang kapatid ay puno ng hinanakit at selos ang sagot nito.

Ngayon pa’t hawak nilang dalawa ang mga matataas na posisyon sa kompanya ay kinakailangan nila ng kooperasyon ngunit mukhang malabong mangyari ito. Halos ang trabaho ni Kara ay si Zaeia na ang gumagawa dahil sa inis niya rito at hindi niya gugustuhing makita ang kanyang pagmumukha upang m
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status