Share

Chapter 19

Ava's P.O.V.

Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Mommy sa kuwarto ko. Abala kasi ako sa pag-aayos dahil mamaya nandiyan na si Elijah para ihatid ako sa opisina.

"Maghanap ka ng bagong driver, Ava.." mahina ngunit may diim niyang sabi kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Ano? Bakit naman ako maghahanap ng bagong driver eh mayroon na ako?"

Nakadekuwatro siyang umupo sa harapan ko kasabay ng paghinga niyang malalim. Bigla akong kinabahan. "Tanggalin mo na ang driver mong 'yan. Ayoko sa kan'ya. Hindi siya magandang impluwensiya sa iyo. At isa pa, napapansin ko ang pagiging malapit ninyo isa't isa. Hindi puwede 'yon."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Ano bang nangyayari sa iyo, Mommy? Bakit ba ang dumi ng isip mo?"

Walang emosyon niya akong tinitigan. "Madumi nga bang talaga ang isip ko? O sadyang tinatago niyo lang kung anong mayroon sa inyong dalawa?"

Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman ang tungkol sa amin ni Elijah? Bakit biglang naging ganito ang mga sinasabi niya sa akin? Sinabi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status