Elijah's P.O.V.
"Let's go, Elijah," wika ni Ma'am Ava ng makasakay siya sa kotse.
Agad akong nagmaneho. Ewan ko ba pero sobrang excited ko ngayon. Sa wakas may trabaho na akong maayos. Hindi na pangangalakal ang ginagawa ko para magkapera. At isa pa, napakaganda at sexy ng amo ko. Nakakalib*g sa totoo lang. Kagabi nga ay napanaginipan ko siya. Katabi ko siya sa kama at kapwa kami walang saplot. Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganoon ang panaginip ko. Napangiti tuloy ako.
"Bakit ka nakangiti, Elijah?"
Nanlaki ang mata ko sa gulat. "Ah...wala po Ma'am. May naisip lang po akong nakakatawa," palusot ko sabay tawa ng alanganin.
Tiningnan ko siya sa salamin. "Mabuti ka pa nakaisip ng nakakatawa. Eh ako hindi. Ang pangit ng araw ko talaga," maktol niya sabay irap.
"Bakit naman po, Ma'am?"
"Nakakainis talaga sila Mom at Dad. Palagi na lang sila nakikialam sa mga desisyon ko sa buhay."
"Baka po gusto lang nila na mapabuti ka kaya nakikialam po sila sa iyo," sagot ko habang nagmamaneho. Itinuon ko na ang tingin ko sa kalsada.
"Hindi ko alam. Palagi na lang silang ganoon eh. At hindi na ako natutuwa. Sa totoo lang, parang wala na akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko."
Ilang minuto akong natahimik. Naisip ko na hindi rin pala ganoon kasaya ang pamilya ni Ma'am Ava. Kahit nasa kaniya na ang lahat.
"Sabagay, hindi naman talaga maganda na hindi mo kayang magdesisyon para sa sarili mo. Parang lumalabas na nalilimitahan ang bawat galaw mo. Para sa akin lang, Ma'am, kung sa tingin mo mali na ang ginagawa nila sa iyo, puwede ka naman pong tumanggi at ipaglaban kung ano ang gusto mong ipaglaban. Kasi minsan hindi naman lahat ng matanda palaging tama. Hindi naman porke matanda sila, alam na nila ang lahat. May mga bagay na madalas tayo lang ang nakakaalam ng makakabuti para sa atin."
Tiningnan ko siya muli sa salamin. Nakita kong nakangiti na siya. "You're right. Maybe I can do that sometime. Hindi lahat alam nila. Kaya siguro oras na para matuto akong ipaglaban kung ano ang sa tingin ko ay tama para sa akin."
Hindi na kami nag-imikan pa. Tahimik na kami buong byahe hanggang sa makarating ako sa company nila. Ang laki ng company nila at habang nakasunod akong naglalakad kay Ma'am Ava, lahat ng mga tao ay binabati siya. Nakasunod pa rin ako sa kaniya at napatingin ako sa matambok niyang puwetan. Napalunok ako. Ang lambot siguro no'n kung hahawakan. Muli akong napalunok. Ewan ko ba pero bigla na lang akong nag-init. Iba ang epekto sa akin ni Ma'am Ava. Nakakapanlambot ng laman.
Nang makapasok kami sa loob ng opisina niya, pinalibot ko ang paningin ko. Ang ganda ng opisina niya at ang lawak. Kasing lawak na yata ito ng bahay namin. Simpleng black, white and gray ang kulay dito sa opisina niya. May mga paintings sa gilid. Simple pero elegante.
"Pakilagay na lang sa likod ng kotse itong mga box. Puro contracts ang laman niyan. Kung uuwi ka na, sabihan mo ako para alam ko," wika niya sabay upo sa swivel chair.
"Parang ayoko nga pong umuwi, Ma'am. Parang gusto ko lang po na dito na lang muna ako. Tutal wala naman po akong gagawin sa bahay. Sa kotse mo na lang po ako matutulog."
Tumaas ang kilay niya. "Sigurado ka ba?"
Mabilis akong tumango sabay ngiti. "Yes po, Ma'am. Para na rin kung sakaling aalis ka, nandito na ako. Tatawagan niyo na lang ako sa parking lot."
Bumuntong-hininga siya. "Parang kawawa ka naman kasi mag-isa doon. Dito ka na lang mag-stay. Diyan. Buksan mo ang room na iyan."
Itinuro niya sa akin ang isang pinto kaya naglakad ako patungo roon.
"Diyan ka na lang muna. Tatawagin na lang kita if I need help or something. If ever na magutom ka, may food diyan sa fridge. Kumuha ka na lang. Huwag kang mahiya."
"Sigurado po ba kayo, Ma'am? Hindi po ba parang ang kapal naman yata ng pagmumukha ko para makitulog dito?"
Mahina siyang tumawa. "Please, don't say that, okay? Ako naman ang nag-offer. Kaya sige na, pumasok na sa loob."
"Sige po, Ma'am salamat po talaga."
Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang magandang silid. Malaki ang kama na naririto. Mayroong isang maliit na sofa set, may T.V., may mini kitchen, at may sariling banyo. Parang maliit na bahay na rin dahil kumpleto ito. Nilanghap ko ang mabangong amoy na nagmumula sa air humidifier. At pagkatapos ay nahiga na ako sa kama. Dahil na rin sa maaga ako nagising, inantok ako bigla kaya ipinikit ko na ang mga mata ko.
*****
NAGISING ako nang makarinig ako ng kalampag. Marahan kong iminulat ang mata ko at nakita ko si Ma'am Ava na may kinukuha sa ref mula sa baba. Kaya naman parang nakatuwad siya dito mula sa puwesto ko. Pinagmasdan ko ang puwetan niyang matambok. Bigla tuloy akong nanggigil. Nang mapansin kong lilingon na siya ay kaagad akong nagpanggap na tulog. Naramdaman kong naglakad siya palapit sa akin.
"Ang guwapo naman ng driver ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganito kaguwapong driver at bata pa. Madalas na matanda ang driver ko," rinig kong wika niya.
"Ang haba ng pilik-mata at ang kapal ng kilay. Mas lalong nakakaakit tingnan ang mukha niya."
Gusto ko nang imulat ang mata ko dahil pakiramdam ko inilapit ni Ma'am Ava ang mukha niya sa akin para tingnan ang mukha ko. Bigla tuloy akong nakaisip ng kalokohan.
"Ay!" sigaw niya nang hatakin ko siya.
Nanatili pa rin akong nakapikit. Nagpanggap pa rin ako na tulog habang yakap ko siya dito sa kamay. Itinanday ko pa ang aking hita sa katawan niya. Mahigpit ko siyang yakap. Ang bango niya sobra. Ang sarap niyang singutin
"Elijah, ano ba? Gumising ka!" sigaw niya sabay palo sa braso ko.
Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya hanggang sa maramdaman ko na ang malambot niyang dibdib. May kung ano tuloy na init ang bumalot sa akin dahil doon. At pakiramdam ko nga ay may nabubuhay na sa akin.
"Elijah!" muli niyang sigaw.
Doon na ako nagpanggap na gumising at nagkunwaring nagulat habang yakap siya. Tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kaniya.
"S-Sorry po, Ma'am hindi ko po sinasadya. Akala ko po kasi unan ang yakap ko," sabi ko sabay yuko. Tinikom ko ang bibig ko dahil parang matatawa ako.
"It's okay. Nananaginip ka siguro." Inayos niya ang kaniyang sarili sabay alis sa kama.
Nag-angat ako ng tingin sabay ngiti. Tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa akin. "Bakit ka na naman nakangiti?"
Kumamot ako ng ulo. "Wala po, Ma'am. Kaya pala ang bango ng nasisinghot ko, kasi kayo na po pala iyon. Ang bango niyo po kasi, Ma'am. Ang sarap ninyong amoy-amuyin."
Hindi ko mapigilang ngumiti matapos kong sabihin iyon. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang mukha.
"Loko ka! Baka mamaya nagpapanggap ka lang na nananaginip!"
Mabilis akong umiling. "Hindi po, Ma'am. Talagang tulog po ako. Pasensya na po talaga."
Inirapan niya ako sabay lakad patungo sa ref. Kumuha siya ng isang basong malamig na tubig at saka uminom. At pagkatapos ay bumaling na siya sa akin.
"Nagugutom ka na ba? Sabayan mo na akong kumain. Nag-order na ako ng pagkain."
"Sige po, Ma'am. Salamat po."
Inayos ko ang kama. Tinupi ko na ang kumot at saka nagtungo na sa mesa at umupo. Nakaupo na rin si Ma'am Ava sa harapan ko habang nagkakalikot ng kaniyang cellphone.
"Nandiyan na ang in-order kong pagkain. Kukunin ko lang saglit."
"Ako na po kaya, Ma'am."
Pinigilan ko siyang tumayo ngunit sa kamay ko siya nahawakan. Nagkatinginan kaming dalawa. Mabilis kong binitawan ang kamay niya at saka alanganing napangiti.
"Sorry po, Ma'am."
Nag-iwas siya ng tingin. "I-It's o-okay."
Kaagad na siyang lumabas ng pinto. Napasipol na lang ako sa tuwa. Mukhang gumagana ang mga the moves ko kay Ma'am Ava. Ang lambot ng kamay niya. Para akong nakuryente nang mahawakan ko siya. Pero mas malambot ang dibdib niya. Kailangan ko kaya siya mayayakap ulit ng ganoon kahigpit?
Bumukas ang pinto at saka pumasok sa loob si Ma'am Ava na may dalang pagkain. Inilapag niya ito sa mesa at inasikaso ko na. Kumuha ako ng lagayan. At pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami, napapasulyap ako kay Ma'am Ava.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit mo ako tinitingnan?"
"Ang ganda mo kasi Ma'am kaya napapatingin ako. Parang hindi lang ako makapaniwala na may magandang babae akong kasabay kumain. Nasanay na kasi ako na mag-isa kumain."
Yumuko ako at nagkunwaring malungkot. Sana gumana ang mga pakulo ko kay Ma'am Ava. Dahil unang araw pa lang na magkita kami, crush ko na agad siya. Sana mapansin man lang niya ako kahit hindi niya ako magustuhan.
"Hayaan mo, sabay na tayong kakain palagi."
Nag-angat ako ng tingin. "Talaga po, Ma'am?"
Ngumiti siya sabay tango. "Yes. Sabay na tayong kakain palagi."
Hinawakan ko siya sa kamay at saka pinisil ito. "Thank you, Ma'am Ava!"
Tinitigan niya ang kamay niyang hawak ko kaya binitawan ko ito. "Sorry po, Ma'am. Nasobrahan lang ako sa saya. Pero ang sarap din kasi hawakan ng kamay ninyo. Ang lambot. Siguro masarap kang humaplos 'no?" Kumunot ang noo niya.
"Lalo na kung katawan ko ang hahaplusin mo," bulong ko sabay iwas ng tingin.
"Loko ka!" sigaw niya sa akin sabay tawa. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi.
Ava's P.O.V.Isang linggo matapos mailibing si Mommy, tila naging tahimik ang buhay ko. Naging malungkot at tila ba walang buhay. Ang anak ko na lang na si Evo ang nagpapasaya sa akin. Laking pasasalamat ko dahil nandiyan siya upang pasayahin ako."Ava...hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Gagawin ko ang lahat para sa iyo. Bakit hindi mo ako mabigyan ng isang pagkakataon para mapatunayan ko na totoo ang nararamdaman ko para sa iyo? Huwag mo ng isipin pa si Elijah. Nalalapit na ang araw ng kasal nila ng bago niya. Bakit ba hindi mo na lang siya kalimutan?" sabi sa akin ni Bryan.Kasalukuyang dinalaw ako ni Bryan ngayon. Pero wala naman akong pakialam sa kaniya. Hindi ko naman siya kailangan. Si Elijah ang kailangan ko ngayon. Pero mukhang busy ito sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Amelia."Hindi natuturuan ang puso, Bryan. At kahit pang mangyari, hindi kita magagawang mahalin dahil si Elijah lang ang hanap ng puso ko. Siya lang ang mahal ko at wala ng iba pa. Kaya kung maaari sana, t
Ava's P.O.V.Malungkot akong nakatanaw sa kalangitan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa sa paghihintay ng pagbabalik ni Elijah. Sobrang nasasabik na akong sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin."Evo...anak ko...wait lang natin si Daddy mo, ha? Alam kong babalikan niya tayo..." Hindi ko napansing tumutulo na pala ang mga luha ko. Kaagad ko iyong pinunasan. Hindi ko lang kasi talaga maiwasang hindi masaktan. Sabik na sabik na akong mayakap at makasama si Elijah. Walang araw o oras na hindi ko siya inisip. At walang araw na hindi ako nagdasal na sana ay nasa mabuting kalagayan lang siya. Kinabukasan, nagulantang ako sa balitang natanggap ko. Nandito na raw si Elijah. Sobrang kabog ng puso kaya naman nagpunta kaagad ako sa kompanya ng kaniyang ama."Hello po, Tito...nasaan po si Elijah?" Kinakabahan kong tanong nang makita ko si Mr. Leonardo.Malungkot siyang tumingin sa akin. At pagkatapos hinawakan niya ako sa magkabilang balikat."Ava...hindi ko alam kung
Elijah's P.O.V.Kahit nahihilo na ako, hindi pa rin ako tumitigil sa kaiinom ng alak. Gusto kong magpakalunod sa alak. Gusto ko ring maglaho na lang bigla. Hindi ko in-expect na magagawa iyon sa akin ni Ava. "Elijah...lasing na lasing ka na. Tama na 'yan," sabi sa akin ni Jack.Bumaling ako sa kaniya. "Ano bang nagawa kong mali para ipagpalit kaagad ako ni Ava? Hindi ba siya naniwala sa akin na babalikan ko siya? Na kinailangan ko lang ng kaunting panahon para maabot ko kung ano na ako ngayon?"Bumuntong hininga si Jack. "Sa totoo lang, ayokong magsalita eh. Kasi hindi ko naman alam ang side ni Ava. Baka may kinalaman na naman ang Mommy niya kaya siya nagkaroon agad ng iba.""Pero kahit na. Kung mahal niya talaga ako, hindi niya magagawang magpabuntis sa iba. Na makakaya niya akong ipaglaban. At alam mo na ang sama niya dahil tunay na anak pala niya ang batang 'yon pero sinabi niya lang na ampon? Hindi ko akalain na ganoon pala siyang klaseng babae. Hindi niya inisip ang anak niya. K
"Ano bang pag-uusapan nating dalawa?" tanong ko kay Amelia nang pumayag akong makipagkita sa kaniya.Malawak siyang ngumiti. "Mas lalo kang gumuwapo ngayon, Elijah. Masaya ako dahil unti-unti mo nang natutupad ang mga pangarap mo. May sarili ka ng kompanya at kilala ka na rin. Hindi magtatagal ay magiging kagaya ka na rin ng Daddy mo."Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman?""Sa akin na lang 'yon. Kailan ko lang ito nalaman. Nagulat nga ako eh. Syempre, sa pagkawala mo, talagang nangulila rin ako dahil mahal pa rin kita. Nag-imbestiga ako tungkol sa iyo at nalaman kong anak ka pala sa labas ng isang kilalang tao. Masaya nga ako dahil maayos na ang buhay mo ngayon. At may maipagmamalaki ka na sa taong umapi sa iyo kagaya ng Mommy ni Ava."Napatango na lang ako. Sabagay, mayaman si Amelia. Marami siyang koneksyon kaya talagang may malalaman siya tungkol sa akin."Okay. Pero ano ba ang dahilan mo para makipagkita sa akin? Ano bang sasabihin mo?" Ngumiti siya. "Hindi naman sa pangingial
Elijah's P.O.V.Dalawang buwan simula nang matungo kami dito sa probinsya, wala akong ibang inisip kun'di si Ava. Labis akong nangungulila sa kaniya. Deactivated ang lahat ng social media accounts ko. Pati ang simcard ko ay sinira ko na rin para wala na siyang contact sa akin. Alam kong mali ang ginagawa kong 'to dahil wala man lang akong pasabi sa kaniya na aalis ako pero ito lang ang paraan ko para hindi na rin siya madamay. Ayokong magkaroon pa siya ng koneksyon sa akin na maaari niyang ikapahamak."Ayos ka lang ba, anak?" tanong sa akin ni Mama na kararating lang galing sa palengke."Ayos lang po ako, Mama. Huwag niyo po akong alalahanin," sagot sabay ngiti. Bumuntong hininga si Mama. "Nakikita ko sa iyong mga mata ang labis na pangungulila mo kay Ava. Pero kailangan muna nating magtago sa ngayon para na rin sa kapakanan ninyong dalawa."Huminga ako ng malalim sabay tango. "Opo, Mama. Naiintindihan ko po 'yon. At isa pa, gusto ko na pagbalik ko, may masasabi na ako. Hindi naman m
Elijah's P.O.V.Habang abala ako sa pagluluto, nagulat na lang ako nang may malakas na katok mula sa gate. Pagkatingin ko, nandoon si Papa. Agad ko siyang pinagbuksan ng gate. Nagmamadali naman siyang pumasok sa loob ng bahay."Umalis na muna kayo, Elijah. Magpakalayo-layo kayo ng Mama mo," mabilis na sabi ni Papa habang nanginginig ang kamay."Ha? Bakit Leonardo? Anong mayroon?" takang tanong naman ni Mama na pababa ng hagdan."Bethrice, nalaman na ni Moira ang tungkol sa anak natin. Alam na niya na anak natin si Elijah. Galit na galit siya sa akin. Ibig sabihin, siya pala ang nag-utos sa tauhan niya na sundan si Elijah para alamin kung sino ba siya. At alam kong may gagawin siyang masama sa inyo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa inyo. Umalis na kayo hangga't maaga pa. Para hindi na niya kayo maabutan pa," bakas sa tono ni Papa ang takot."Pero Papa, paano ka naman? Baka may gawing masama sa iyo ang babaeng 'yon!" Ngumiti si Papa. "Huwag mo akong ala