Share

Chapter 5

Time flies so fast at pasukan na ngayon. Parang kailan lang ay kararating ko pa rito. Ngayon ay papasok na talaga ako.

Kinakabahan? Nah. I feel bored, to be honest. What do I need to learn here? Feeling ko ay naituro na saakin lahat nina mom and dad.

And speaking of them... Simula noong dumating ako rito ay hindi ko pa sila nakikita. Kinakabahan ako pero pinanghahawakan ko na lang na malakas sila kaya kaya nilang lumaban.

Dumating kahapon ang set of uniforms ko at mapapangiwi ka nalang talaga sa sobrang ikli ng skirt nila.

Hindi ko tuloy alam kung makakagalaw ako nang maayos dito. Baka panay hawak na lang ako sa skirt ko. Ano ba naman 'to.

Uniforms should be comfortable. Why do I feel like shit in this? Hindi ko pa nga nasusuot ay gusto ko na hubarin.

I did my morning routine at isinuot na ang uniform ko. It's a white long sleeve na pinatungan ng maroon coat at pleated skirt na maroon ending 3 inches above my knee. A long black sock and a black shoes. MWF lang ang pagsuot ng uniform namin. Meaning, Tuesday and Thursday is the day na you can wear anything.

Buti naman. Hindi ako mabubuhay wearing this everyday for how many years. Tatalon na lang ako sa bulkan kung sakali man.

May kaunting consideration pa pala si tanda.

Bumaba na ako at naabutan ko sila roon sa dining area. As usual, Aly is the one preparing the foods. Nang makababa na ako ay agad akong umupo sa tabi ni kuya.

"Good morning," bati nila saakin. I nodded dahil mas nakakatamad magsalita kapag ganito kaaga.

Nasasanay na rin naman na sila sa ugali ko kasi hindi na sila naninigas sa takot at gulat. Buti naman. Para silang tanga, e. Hindi naman sana ako nangangagat o ano.

"We're in the same class pala, El. So you will be going with us anywhere!" masiglang sabi ni Aira. She's always that 'conyo' type and she is very hyper. Hindi ko talaga alam kung saan galing ang energy niyang 'yan.

Just the thought of being hyper about things makes me sick. Hindi ko talaga kakayanin.

"Why are you so conyo?" Lance mocked. Okay, they're starting it again. Wala na atang araw na hindi sila nagbabangayan, e.

It's an everyday routine for the both of them.

"Why are you so pakialamero ba?" inis na sagot sa kanya ni Aira.

"Enough with it. Ang aga niyong mag bangayan. Let's eat first, ayaw niyo naman sigurong malate?" sabi sa kanila ni Aly. Aly is a mother type talaga, grabe mag-alaga.

She can start building her own family now.

"Oo nga. Terror pa naman first subject natin," dagdag naman ni kuya.

Ang kabisado ko pa lang dito ay ang mga lugar at pasikot sikot, pero iyong mga nagtuturo rito ay hindi ko pa kilala.

Kumain lang kami and as usual tahimik lang si Clark. Parang wala nga siya rito, e. Parang hangin lang sa dorm.

We finished eating at sabay kaming lumabas. They are all staring at nakakairita 'yon. Bakit ba kasi mga sikat itong kasama ko? Ang dami tuloy inggit.

Pinag-uusapan pa talaga and these people wouldn't even bother lowering their voices. Parang sinasadya nilang marinig ang mga pinag-uusapan namin. Ang sakit sa ulo.

"So it's true, kasama niyo nga ang newbie." May biglang humarang saamin na babae. She looks really, uh, funny? Ang daming kolorete sa mukha, akala mo naman saang perya nag tatrabaho.

Parang iyong umaway din saakin kasi girlfriend daw siya ng kuya ko. Ito mas malala yata 'to.

"And that's totally none of your business," bored na sabi ni Aly.

Wow. I never thought I'd see her reac this way sa isang tao. Mabait kasi si Aly.

"Ano na naman ba kailangan mo, Melisa?" tanong sa kanya ni Aira. Ah, the name's Melisa, bagay sa kanya. Mukhang ewan.

And Aira is actually serious right now. Nawala yata ang playful aura niya.

"Just wondering kung paano 'yan napasama sa inyo? Is she some royal blood? She don't look one kasi," sabi niya at tinignan ako nang may mapang husgang mata.

Siya nga mukhang taong kalye, may sinabi ba ako? Napaka pangit ng dila ng babaeng 'to.

"Just wondering what would you look like if I'll throw you some lightning bolts? Sounds wonderful, right?" Kuya said. Melisa raised her brow at tinignan si kuya na hindi makapaniwala.

"Why are you defending her?" inis na sabi nito.

"Why don't you shut up?" sabi naman ni Lance.

"Pesteng 'yan, nakakadamay accent ni Aira."

"Nakakainis kayo!" sabi nito. Okay? Sino ba kasi babaeng 'to? I get it, Melisa is her name pero ang lakas naman ng loob nitong harangin ang mga kasama ko.

Bakit kung makaasta siya ay parang belong siya rito? Sa nakikita ko ay ayaw nga sa kanya ng mga kasama ko, e.

"No one cares, Melisa. Mamatay ka man sa inis wala kaming pake. Now, let us pass bago pa kita gawing yelo," I said staring at her blankly.

And just like the others, nagulat siya sa tono ng pagsasalita ko. Hindi niya siguro akalaing malamig akong tao.

"W-whatever!" takot na sabi nito at umalis na sa harap namin. I can feel her glares but who cares? Hindi pa siya nakalapit saakin ay magiging yelo na siya.

We continued walking hanggang sa marating namin ang classroom. Kaunti pa lang ang nandito and hey, that's a good thing! Mabuti 'yon para peaceful kaunti ang buhay ko.

Quotang quota na ako sa mga kasama ko, e, ayaw ko na may dumagdag pa. Baka sumabog ulo ko dahil sa stress.

"Tumabi ka nalang kay Clark, El. Diyan lang kasi 'yong vacant," sabi ni kuya. I nodded at tumabi kay Clark. His seat is near the window. Ayos na 'to, tahimik na katabi.

At least hindi pakialamero ang katabi ko. Mas peaceful

"Is she the new student? Maganda nga."

"Oo nga. Kabog ang beauty ko, bes!"

I rolled my eyes as I heard those murmurs. Hanggang dito ba naman pag-uusapan ako? Pwede bang tigilan nila ako. Parang walang sariling buhay ang mga 'to, nakakainis.

Hindi naman sila yayaman sa pakikialam nilang 'yan. Buti sana kung lalakas sila lalo kapag pinag-uusapn nila ang buhay ng iba, e. Kaso hindi naman. Para tuloy silang bubuyog na bulong nang bulong.

Clark chuckled kaya napalingon ako rito. I raised my brow at him.

"Wow. That's new," bulong ko rito.

"I just found your face really amusing," sabi niya. Ano daw? Aba!

Naiirita na nga 'yong tao, amusing pa rin? May sira yata ang utak ng isang 'to, e.

"Anong meron? Ba't kayo nagbubulungan?" biglang singit ni Lance. Siya 'yong isa kong katabi, sa kasamaang palad.

We just stared at him coldly kaya napaiwas siya ng tingin. Nadadaan naman pala sa tingin.

"Ilayo niyo ako sa dalawang bato rito! Baka manigas ako rito bigla!" sumbong niya kina Aira.

"Buti nga sa'yo! Nang matahimik na 'yang bunganga mo!" singhal sa kanya ni Aira. Ayan nanaman sila, nagsisimula na naman.

"Akala mo naman sinong tahimik. Tahimik ka, gorl? Tahimik ka?" inis naman na ganti ni Lance.

"Bakla!" pang-aasar sa kanya ni Aira.

"Ingay niyo. Lunurin ko kayo, e," singit naman ni Aly na nasa harap namin.

"Lagyan mong tubig, ako bahala sa kuryente. Tignan natin kung makakapag-ingay pa mga 'yan," dagdag naman ni kuya.

"Ang bad niyo!" sabay na sabi nina Aira at Lance. Yeah, magkakatuluyan 'yan. Sure na ako sa dalawang 'to.

"Good morning." We all stood up when a terror looking woman stepped inside our room.

"Good morning, Prof," sabay na bati nila. Me and Clark just remained silent. She motioned us to sit down and so we did.

"Where's the new student? Come in front and introduce yourself," agad na sabi nito. I followed her order at pumunta sa harapan, not minding their stares.

Hindi pa rin sila tapos sa mga titig na 'yan. My god. How long do I have to endure these stares?

"Elodie Cassiphea Apostle," maikling sabi ko.

"Your power?" I mentally rolled my eyes dahil sa tanong nito. Hindi pa ba halata sa buhok ko?

"Ice." She nodded kaya bumalik na ako sa upuan ko. I can't take their states, nakakairita talaga.

She started discussing and it's all history. Buti nalang ay may naituro saakin sina mom and dad. Buti na lang din at mahilig akong magbasa kaya 'yong mga itinuro niya ay alam ko na.

At least I wouldn't have to deal with this boring subject everyday. Kahit umabsent pa ako ay sure akong may isasagot ako sa mga test.

"Someone is not listening," bulong ng katabi ko. I looked at him, showing no emotions on my face. Ano bang paki nito? Bakit dumadaldal 'to?

Akala ko pa naman walang makikialam sakin dito. May tinatagong madaldal side pala 'tong si Clark.

"Someone is talking during class," pabalik na bulong ko.

"Aren't you talking too?" mapang asar na sabi nito. Since when did he learn how to irritate someone?

Damn. Totoo nga ang sabi nila na madaming sides ang isang tao. Hindi ko naman akalain na madaldal side pala ang hidden personality nito. Akala ko ay certified taong yelo na siya.

"Whatever. Makinig ka na nga, mahuli pa tayo rito," inis na sabi ko at ibinalik ang tingin sa harapan.

He's right, hindi naman kasi talaga ako nakikinig. It's boring lalo na't alam ko naman kung ano ang sinasabi niya. Just a basic knowledge about the five kingdoms.

The water, fire, air, water and the dark kingdom. There's nothing much to learn, basic nga lang diba. And even if mahirap 'yong lesson ay sure akong alam ko na ang mga 'yon.

****

Mabilis na tumakbo ang oras at natapos ang klase. Dalawang subject lang meron sa schedule namin ngayong araw and all were discussions! Alam niyo 'yon, I'm expecting this to be our free day kasi hello? First day pa naman, but no. Walang balak magsayang ng oras mga teachers dito.

"Tiisin mo muna 'yong discussion, El. We will be exposed to missions katagalan kaya be patient lang," sabi ni Aly. Missions? Sounds cool and fun.

Mukhang magagamit ko na ang kapangyarihan ko nang malaya. I can finally use what I learned so far in a real battlefield.

"Grabe, ang hirap pigilan ng antok!" reklamo ni Lance sabay unat-unat.

"Oo nga! Takot ko lang matapunan ng lamesa, 'no!" sang-ayon naman ni kuya.

Ganoon ba talaga ka terror ang professor na 'yon? Pati si Kuya ay takot sa kanya, e.

"Kain na tayo," aya naman ni Aira.

Buti naman. Gutom na rin kasi ako, e.

"Tara na. Nagwawala na dragons sa tiyan ni Aira, e," sabi ni Lance. Akmang hahagisan siya ni Aira ng ballpen pero mabilis na nakatakbo ito palabas.

Itong si Lance pasimuno rin talaga ng gulo, e.

"Let's go," sabi ni Clark at nauna nang maglakad. We followed him silently. Ang daming nakatingin saamin just like kanina and ang sarap dukutin ng mga mata nila.

"Don't mind their stares, El. Masasanay ka rin," bulong ni Aira na nasa tabi ko pala. As if naman may choice ako? Parang ganito naman yata talaga mga tao rito.

Tinignan ko ang mga kasama ko at napailing nalang. Kuya and Lance are loving the stares, akala mo talaga mga artista, e. Ang dudugyot naman.

May kinindatan si Lance sa gilid kaya umingay ang paligid. Nakita ko naman ang pagsama ng timpla ng mukha ni Aira. Oh, someone is jealous.

Hindi pa siguro naiintindihan ni Aira 'yong feelings niya ngayon pero masyado siyang halata. Si Lance naman manhid. Bagay nga talaga sila.

Napahinto kami sa paglalakad nang may lumapit saamin na lalaki. His eyes are black and so is his hair. Ngayon ko lang nalaman na ang royals at noble bloods lang ang may iba't-ibang kulay ng buhok. As for me? Siyempre may kulay din. Considered noble naman ang bloodline namin.

"Uh, sa office raw kayo ni master mag lunch," deretsang sabi niya. Nagkatinginan naman kami. Weird naman, master.

May hinanda ba siyang maraming pagkain para saamin doon sa office niya?

"Alright. Papunta na kami," sabi ni Aly at umalis kaagad ang lalaki. I stared at him kasi may something sa lalaking iyon.

Hmm. He is weird... Hindi ko lang matukoy kung ano ang weird sa kanya.

"Ano nanaman kayang trip ng matandang 'yon?" sabi ni Lance na nakapamulsa.

"Oo nga. Lakas talaga ng amats," sabi naman ni kuya.

"Let's just go. Baka may libreng pagkain," nakangising sabi ni Aira.

"Takaw talaga," sabi ni Lance. Before they could start fighting again ay hinila na sila ni Aly.

Ayan, tama 'yan. Pigilan mo 'yang mga 'yan baka sumabog ang buong lugar.

Nakarating na kami sa office at walang pasabing binuksan 'yon. Napahinto naman kami dahil may nagsibagsakan na confetti.

"Welcome, my lovely students!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status