Share

Chapter 6

"Anong trip mo, master?" tanong sa kanya ni Lance na ngayon ay nakatunganga dahil sa bumungad saamin. Taray naman kasi, may pa confetti pang nalalaman ang matandang 'to.

Wala namang fiesta.

"I want a small celebration dahil nadagdagan kayo. Isn't it exciting?! Come on! Na excite kayo, 'di ba?" excited na sabi nito. Napa facepalm na lang ako dahil sa rason niya.

So, dahil saakin? Pwede naman sigurong batiin na lang ako, 'di ba? Hay nako.

"Seriously? Ano nasan pagkain?" agad na tanong ko rito. Total sabi niya naman ay celebration 'to. Hanapin ko na lang din kung nasaan ang mga pagkain.

Gutom na kami, e. Kanina pa sana kami nakakain kung hindi kami pinapunta ni tanda rito.

"Ang takaw niyong mababaho kayo! Nandiyan," sabi niya at itunuro ang isang gawi.

Tumingin kami kung saan siya nakaturo ay may mahabang lamesa kaming nakita na punong-puno ng mga pagkain. Amoy na amoy din namin ang mga iyon.

Halatang masarap. Mukhang mapapadami ang kain ko nito.

I can really feel my tummy asking for it. Mga mukha naman ng mga kasama ko ay nag hugis puso. Excited din sila. Halatang natatakam. Well, kahit sino naman, 'di ba?

Unang pumunta roon sina Aira at Lance. Hay, Lance. Matakaw ka rin naman pala, e. Parehas talaga sila ni Aira.

Lumapit na kami roon at kumuha ng mga pagkain. Uh, what should I eat? Napakamot naman ako sa ulo. Can I eat this all? Kasya naman siguro 'to lahat sa tiyan ko, e.

"Eat a lot." Nabigla ako nang nilagyan ni Clark ng napakaraming pagkain ang plato ko.

What the hell. Desisyon din ang isang 'to, e. Hindi pa nga ako nakakapili ng pagkain!

"Hey, namimili pa 'yong tao, o!" I protested.

Baka mamaya hindi pala masarap ang mga 'to, e. Paano ko na lang 'to uubusin?

"Anong diet? You look like a walking stick. You're so thin," sabi niya. Inirapan ko nalang ito at naupo nalang. Bahala na nga.

Wala naman akong magagawa. Nandito na 'yan, e. Alangan naman ibalik ko roon; parang ang bastos naman yata.

Kumain lang ako nang kumain. Hmm. The food is amazing. Wala akong masabi sa sarap, grabe.

Sulit din naman pala ang pag-aabala saamin ni master. I could eat this everyday! Hinding-hindi ako magsasawa sa mga 'to, sobra sa sarap ba naman.

Clark sat down in front of me at naglapag ng dalawang tubig. Ang bait nito ngayon, ah. May nakain ba 'to?

He was never like this before naman. Wala naman siyang pakialam sa mundo katulad ko. Why the sudden change of attitude? Baka hindi na si Clark 'tong nakakasama namin, ah?

"Why are you staring?" tanong nito kaya napaiwas ako ng tingin. Paanong hindi ako mapapatitig sa kanya, e, kahit sino ay magtataka sa mga kilos niya.

"Just wondered kung anong espiritu ang sumapi sa'yo ngayon. You're acting really kind and that shit is weird," sagot ko rito at sumubo ng pagkain.

Hmm. I just can't get enough of them. Ang sasarap!

He just hissed at kumain nalang din nang tahimik. I looked at his plate at napakunot ang noo ko dahil kaunti lang ang laman no'n!

Aba? Kung makalagay ng madaming pagkain sa plato ko parang madami rin kakainin niya. Ganyan lang pala kaliit!

"Ang daya mo naman!" I blurted out.

Ano 'yan? I am eating on his behalf kaya ganito kadami pagkain ko at ganyan ka kaunti sa kanya?! Dang this Clark... So unpredictable.

"Ba't na naman?" tanong nito saakin as he stared at me. He is acting so cool. Damn annoying.

"Kaunti lang kinain mo, e. Tapos ang dami mong nilagay sa plato ko," sabi ko. He chuckled at hindi ako sinagot. Aba, tignan mo nga naman ang isang 'to.

How should I interpret that chuckle? Goddamn. Hindi ako na inform na we're talking riddles here.

"Alam niyo, guys, kapag 'yang dalawang bato magkaharap nalulusaw bigla, e. Alam niyo 'yon? Tatawa, ngingiti sila kapag sila lang magkausap. Ang weird, 'no? Akala ko kapag yelo plus yelo equals sobrang yelo na, e. Hindi ako informed na natutunaw pala," biglang sabi ni Lance kaya napalingon ako sa kanya.

Uh... Are we that obvious? Hindi ko napansin na nakikita pala nila ang pag-uusap namin. Hindi rin naman kasi malakas ang mga boses namin, e.

"Oo nga! Something's fishy," sabi ni Aira at binigyan ako ng kakaibang tingin. Mas fishy pa nga sila ni Kuya, e. Halatang may gusto sa isa't-isa ayaw lang mag aminan; parang sina Aira at Lance lang din.

"Wow. Kapatid ko lang pala tutunaw sa'yo, bro," sabi naman ni kuya. Wala namang pakialam si Clark at nagpatuloy lang sa pagkain ng mga nasa plato niya.

"Oo nga. Nasa table for two pa nakaupo," sabi naman ni Aly. Oo nga naman pero sinadya ko rito, e, kasi maliit lang ang table. Akala ko walang tatabi saakin.

Pero itong isa, ewan ko kung ano ang nakain. Sa dami ba naman ng upuan, e, dito pa ang napili. Ano pa ang magagawa ko? Tumabi na saakin, e. Alangan naman paalisin ko?

"I suddenly want a toasted friends. Sounds delicious. Right, El?" tanong saakin ni Clark.

I smirked when I understood what he was trying to say.

"Yeah, sure. Maybe we can freeze someone for dessert. Sounds fun, right?" I said as I eyed them. Nakita ko namang sabay sabay silang napalunok.

Para tuloy silang natatae na ewan. Takot na takot.

"Parang joke lang, e!" sabi kaagad ni Lance. We just shrugged at hindi nalang pinansin ang mga ingay nila.

Wala rin naman kaming magagawa sa mga 'to. Hinding-hindi naman matatahimik ang mga 'yan not unless sapilitang itikom ang mga bibig nila.

***

We finished eating at nandito kami ngayon sa dorm namin, nagpapahinga. Wala iyong prof namin kaya we decided to just go home. Bagot na bagot na ako rito sa kwarto ko at kanina pa ako naka titig sa kisame.

I sighed at tumingin sa labas. Hindi naman masyadong mainit. Siguro ay maglilibot na lang ako to kill time.

I put on my hoodie at lumabas sa kwarto ko. Nang makababa ako ay naabutan ko sila sa baba na nagkakagulo na naman. What's new? Ganyan naman sila palagi. Nasanay na lang din ako.

"Saan ka, El?" tanong saakin ni Aira na siyang unang nakapansin saakin. May chocolate pa sa pisngi nito, dungis.

"I'll just stroll around," sagot ko.

"Pakihanap nalang din si Clark, El. Baka matagalan na naman sa pag uwi at maabutan ng gabi, e," sabi naman ni Aly. I just nodded at lumabas na.

Ah. Bakit ako tumango? Hindi naman ako lumabas para maghanap ng nawawalang tao. Baka kung ano-ano na naman ang isipin ng mga 'yon.

There are lots of students here kasi may meeting naman lahat ng professor kaya may time ang lahat na maglakad sa labas. They were all staring at me when they noticed me and I couldn't help but roll my eyes on them.

These days, nagiging iritahin na ako. Well, I always feel irritated pero mas malala lang ngayon. Ewan. Nakakairita naman kasi talaga kapag tinitignan bawat galaw mo.

Para bang walang lugar dito na pwede akong huminga mula sa mga tingin nila. They shouldn't make it their culture. Ang bastos nilang tignan sa ginagawa nila.

Parang mga walang proper etiquette ang mga taong 'to.

Naglakad lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa garden. Hindi ko nga pala ito nalibot dahil sa babaeng baliw na kumausap saakin dito noong nakaraan. Harangin ka ba naman bigla tapos pagbibintangan na kabit ng kapatid.

Sinong hindi mawawalan ng gana riyan?

Umupo ako sa bench at tumunganga doon. Now what? Ugh, total hindi naman gaanong mainit ay matutulog muna ako rito. I laid down on the bench at ipinikit ang mga mata ko.

"You didn't even think of the boys that might go here and harass you, huh." Napamulat ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng lalaking may amats kagaya ng uncle niya.

"What?" I raised my brow. Nasa paanan ko ito nakaupo. Naka hood din ito tulad ko. Gaya gaya, walang originality.

"You're just wearing your skirt and a hood. Sa tingin mo walang masamang loob dito? Nagiging tanga ka na, Elodie," sermon nito saakin.

Pakialam niya ba? Kaya ko naman ang sarili ko. Baka sila pa nga ang matakot saakin kapag nagtangka sila, e. Talagang hindi na sila masisikatan ng araw.

"May misa ba? Makasermon ka naman," I said and rolled my eyes. Daig pa sina mommy at daddy kung manermon ang isang 'to.

Hindi naman niya ako anak o kapatid o ano ba.

"What happened to the emotionless El I first saw?" Ang mata nito na kanina ay nasa puno ngayon ay nakatingin na saakin.

Did I really change? Hindi ko alam. Kung para saakin lang naman ay wala namang nagbago. Ganoon pa rin naman ako. Siguro ay nasasanay lang talaga sila saakin kaya akala nila ay may nagbago saakin kumpara sa una nila akong nakilala.

"Hindi naman ako kasing tigas mo," I replied. Totoo naman. I can be like this naman siguro without putting my guards down? I don't know.

Basta sigurado naman ako na I am still protecting myself. Alam kong hindi pa rin ako madaling madaan sa mga salita. I can still fight for myself.

"I never knew may pakialam pala ang isang Clark Phyro," I mocked. Mukhang nahuli ko naman siya dahil doon. He scoffed at muling tumingin sa mga puno.

Hm. Now that I think about it. He really is a cold person pero kapag tinitigan mo siya ay para bang makikita mo na sobrang lambot niya deep inside.

I couldn't explain it very well pero I have a feeling na hindi naman talaga siya ganito dati. Something changed him. I wonder kung ano.

Katulad din ba saakin? O mas malala 'yong sa kanya? O mas magaan kumpara saakin? Hindi ko alam.

"If you think I care, so be it. Iyan na naiisip mo, e. Ayaw ko rin naman ipaglaban ang sarili ko because you will just think that I am just being defensive kahit hindi naman,," he said and shrugged.

I mean, compared to me ay sure akong mas nakakatakot ang ugali niya. Even the other students here ay halatang takot sa kanya.

Kaya nakakapagtaka na he is acting this way in front of me. Saaming dalawa, siya naman talaga iyong nag bago. Ayaw lang niya aminin sa sarili niya kasi labas na iyon sa pagkataong gusto niyang ipakita sa iba.

"Sabay na tayong bumalik sa dorm," I said remembering what Aly told me.

Akalain mo 'yon. Hindi ko na kailangan hanapin ang isang 'to kasi kusa na siyang lumapit saakin. Buti naman. Less hassle on my part.

"And why is that? May gusto ka ba saakin?" Nakataas na ang kilay nito.

At saan naman niya napulot 'yan? Me? Like someone? To hell with that. I couldn't even imagine myself marrying someone in the future— ang magkagusto pa kaya? At sa kanya pa talaga?

Hindi ako na inform na makapal din pala ang mukha ng isang 'to. Delulu much.

"Makapal pala mukha mo, 'no? Aly told me to find you. I'm just doing what she asked me. Mag aalala mga kaibigan mo." I rolled my eyes at muling ipinikit ito.

Parang kanina lang balak kong umidlip, ah? Ngayon ay naudlot na naman ang balak kong gawin kasi may biglang sumulpot na naman.

Bakit ba ang hilig sumulpot ng mga taong 'to? Hindi ba pwedeng bigyan nila ako ng me time rito sa labas?

"Hanap lang naman pala. You can tell me to go home before it's dark. Hindi naman kailangan na sabay. May hidden agenda ka, e," sabi nito. Nakakaasar na, ah. Babangasan ko 'to!

Kung ano-ano na lang naiisip. Grabe. To the highest level din ang kakapalan ng mukha ng isang 'to.

"Gusto mo maging yelo?" I asked him. He smirked at me na para bang sinasabi niya saakin na hindi niya ako aatrasan.

"Gusto mo maging abo?" hamon niya rin saakin. Tinignan ko siya nang masama at tumayo na lang.

Ano namang mapapala ko sa pakikipag-away sa kanya? Hindi naman ako yayaman diyan. Unless bibigyan niya ako ng cash prize.

Isa pa, malapit na rin dumilim, e. Hindi ko man lang napansin na may katagalan na pala ang pagtambay ko rito.

Ang bilis din naman kasi ng oras sa mundong 'to. Hindi ako sanay pa talaga.

"Tutunawin kita, El. Tutunawin ko ang yelong nakabalot sa'yo. Wait for it," sabi nito at ngumisi. Naglakad na ito paalis, leaving questions in my mind.

Ano raw? Literal ba na tutunawin? As if naman kaya niya. I am stronger than him, sure ako riyan. Mapapahiya lang siya kapag hinamon niya ako.

And even if he meant another meaning then...

Umiling na lang ako at humabol sa paglalakad niya. I won't let you, Clark. Patitibayin ko ang mga yelony nakapalibot saakin. You may think that I am slowly melting, then you are wrong. Mas matigas pa sa bato ang puso ko.

No one can break the walls I built for myself, for my heart...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status