Our Room
Tapik ng kamay sa aking pisngi ang nagpagising sa akin mula sa pagidlip. Pagmulat ko ng mga mata ay mukha agad ni Alex ang namulatan ko.
"We're here. Hindi pa sana kita gigisingin kaya lang nananaginip ka at umuungol."
"I-It’s okay. Napagod lang siguro ako," humihikab at walang emosyong tugon ko dito.
"Let's get inside the house para makapagpahinga ka na nang maayos sa loob."
"Okay."
Pinagbuksan niya ako ng kotse niya at aalalayan din sana niya ako. Ngunit tinanggihan ko na naman ang kamay nito.
"I can manage, Alex."
He sighs. "Okay."
As expected, malaki ang bahay na pinagdalhan niya sa akin.
Mayaman na nga, pero mandaraya naman ang pamilyang meron siya! Hmp!
I silently let my eyes wander around his big two-storey house. Nasa labas pa rin kami ng mga sandaling iyon. I only stop my gaze from roaming nang sumulyap sa gawi ko si Alex at pinagbuksan ako ng front door.
Maganda, malapad at maraming makabagong kagamitan sa sala—iyan ang agad natanaw ng aking mga mata pagpasok.
"Do you like the place?" untag ni Alex sa tahimik kong pagmamasid. "Want me to tour you around before you go to rest?"
I only nod at him. Kailangan ko 'yon, dahil baka maligaw ako sa laki ng bahay niya.
Then he gives me a glimpse of each and every corner of his house. From the living room, dirty kitchen, dining area, music room and even his minibar area. Lumabas rin kami sa likod-bahay nito. There's a swimming pool in his backyard area.
Bukod sa swimming pool, marami pang magagandang tanawin ang likod ng bahay nito. May isang magandang kubo na umagaw ng atensyon ko. Napakunot ang noo ko ng may nakita rin akong maliit na bahay sa may dulo ng bahay ni Alex.
"That house, it belongs to Yaya Belle and her husband, Mang Ricardo. Diyan sila nakatira. Sila rin ang gumagawa ng mga gawain sa loob ng bahay natin," untag ni Alex sa tabi ko habang itinuro nito ang maliit ngunit magandang kubo.
Bahay natin?Bahay n'ya lang kamo kasi hindi ako kasali at nakikitira lang ako ngayon dito sa bahay niya.
"Okay," tipid ko na lang na sagot dito na kahit pa gusto kong magprotesta sa sinabi nitong 'bahay natin'.
"Here they are," untag nito sa akin nang may palapit na dalawang tao na medyo may katandaan na.
"Iho, Alex, dumating na pala kayo. Pasensya na kung ngayon lang kami nakarating, ha? Napaka-traffic kasi at saka ang daming nagsisimba sa mga oras na ito," hinging paumanhin noong ginang rito."It's okay. Anyway Yaya, Mang Ricardo, let me introduce my wife, Martelle," pagpapakilala nito sa amin.
"Oh, napakagandang bata. Tama nga ang sinabi ni Alex sa amin, iha. Sobrang ganda mo nga talaga—"
Nagtataka akong sumulyap kay Alex."—alagaan at pakamamahalin mo itong asawa mo anak, ha? Hindi ka talaga magsisising napangasawa mo 'yang batang iyan, dahil sa napakabait niyang si Alex at maalagain pa."Kimi lang akong ngumiti nang bahagya sa ginang bilang pagsagot ko sa mga sinasabi nito.
"Teka nga, iho. Magluluto na muna ako para makakain na kayo ng asawa mo. Ricardo, tena at tulungan mo na ako at nang makapaghapunan na ang mga batang ire mamaya," sabi ni Yaya Belle sa kabiyak nito.
"Iho, dito na kami ni Yaya Belle mo. Magpahinga na muna kayo ng asawa mo," sabi ni Mang Ricardo at nagpaalam din sa akin.
"Sige ho at iaakyat ko ho muna ang asawa ko para makapagpahinga na muna kami."
Napapalunok ako sa sinabi niya sa dalawang matanda.Asawa ko? Asawa na talaga niya ako. At wala nang makapagbabago pa n’on simula sa araw na ito.
Pumasok na ulit kami ni Alex at pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay nito. Aalalayan na naman sana niya ako, ngunit bigla na naman akong umiwas sa braso nito. Alam kong nagtataka na naman ito sa ginawa ko, ngunit hindi na lang niya ako pinansin sa lagay na iyon."This is the guest room," tukoy nito sa unang pinto na nadaanan namin. Bahagya niya pa itong binuksan. Napapailing na lang ako sa aking naalala.
Guest room—kung saan niya ako pinagsamantalahan.
Napabuntong-hininga ako at bigla na namang nanumbalik ang poot ko sa ginawa nito. Nangyaring naging asawa ko ito ngayon dahil sa ginawa nito ng gabing iyon.
"This one is also a guest room, but I'm planning to renovate it by next month to a nursery room. Para sa anak natin."
Nursery room? Para sa anak natin? Ang tagal pa nga ng kabuwanan ko. Renovate na agad ang iniisip nito?
"M-Masyado namang malaki ang silid na ito para sa anak ko."
Bahagya itong ngumiti sa sinabi ko. "Yeah, that's because I want the best for our child, honey. Ngayon pa lang ay pag-isipan mo na ang design ng silid na ito para sa kanya," sabi nito at bahagya pang kumindat sa akin.
Umiwas agad ako ng tingin sa kanya dahil biglang pumintig ang puso ko isang ngiti lang nito. Ibinaling ko na lang sa iba pang nakasaradong pinto ang mga mata ko.
"That one is my library and home-based office where I spend most of my time kahit weekends na walang pasok."
Well, maganda 'yon ng binuksan niya ang loob. Ang daming mga libro at puno rin iyon ng mga makabagong kagamitan. May nasilip din akong mini bed na pwedeng tulugan nito ‘pag tinatamad na sigurong pumanhik sa silid nito.
"Come, I'll show you the other room." Inakay niya ako at hindi ako nakaiwas ng nakahawak na ito sa braso ko.
"A-Alex," tawag ko dito, pero parang wala itong naririnig. Hanggang sa may binuksan pa ulit itong isa pang pinto.
"And this is our room. The master's bedroom."
"W-What? O-Our room?" I frown.
"Yes. Is there any problem with that?" Nagtataka itong sumulyap sa akin.
"Yes! As far as I remember, we only got married just because of this child. So I think, we don't need to stay in one room, Alex. Pwede na sa akin doon sa guest room. Doon na lang ako."
Nakita ko ang pagkunot ng noo nito. "As far as I also remember, you are my wife now. So you should stay where my room is, whether you like the idea or not. You will stay beside me. Period," may diin nitong saad sa pag-ayaw ko.
"NO! Hindi ako papayag. Mas gugustuhin ko pang matulog sa isa sa mga guest room dito sa bahay mo, kesa ang makatabi kang matulog," pagmamatigas ko pa rin rito.
"Don't be so stubborn, Martelle. Dito ka sa silid na ito matutulog." Nagsukatan kami ng mga titig. "I am your husband, so learn to obey my decision from now on."
Kahit mabigat sa pakiramdam ay sumunod na lang ako dito, kasi kahit anong pagmamatigas ko ay sa tingin ko talo pa rin ako sa aming dalawa. Hindi kasi talaga ito pumayag sa gusto kong mangyari.
Nagmamaktol akong sumunod dito dahil kanina pa talaga ako nakakaramdam ng pagkahilo.
Pagkapasok ko sa loob ng malaking silid ay agad akong humiga patalikod sa kanya, saka ko ipinikit nang mariin ang mga mata ko.Hindi ko na lang muna pinansin si Alex na sa ngayon ay pumasok na ng banyo. Dumilat ako at tumihaya. Pinagmasdan ko ang paligid ng silid daw naming dalawa.
All his things are organized. This room reflects his personality. Neat and good-looking. But still, I don't belong here. Hindi ko gustong makasama siya sa iisang bahay—sa iisang silid pa kaya?
Patuloy ako sa pagmamasid ko sa apat na sulok ng kwarto nito, hanggang sa hindi ko na namalayan ang unti-unting pagkahimbing ko. Ang sarap kasi sa pakiramdam ang lamig na buga ng air condition ng silid nito.
Take Me"Ayoko na... Ayoko na, Alex... Maghiwalay na lang tayo. Please? Ayoko na!" sabi ko nang diretso at habang nakatitig sa mga mata nito.Ewan at kung saan ako humugot ng lakas ng loob para lang masabi iyon sa harapan niya nang paulit-ulit.Nakita kong nanlilisik ang mga mata nito sa akin. Bigla niya akong binitiwan at tumalikod ito sa akin. Kitang-kita ko ang sunod-sunod na buntong-hininga nito habang nakapamewang. Lumapit ito sa lamisita at kinuha nito ang isang bote ng alak saka iyon tinunga. Hindi nito tinigilan ang alak hanggang hindi niya naubos ang laman niyon.Muntik pa akong mapalundag sa gulat at nerbiyos nang itapon nito ang bote sa kung saan mang sulok ng silid na iyon. Basag na basag iyon at lumikha ng napakalakas na ingay sa loob ng silid.Napakagat labi ako nang bigla itong humarap sa akin na nagtatangis ang bagang.'What I've done?'"You really want to quit?!" seryoso ngunit may diing tanong nito sa akin.I bit my lips and I nodded. "Y-yes... I want an annulment, Al
QuitMasaya ako. Masayang-masaya sa natuklasan kong may pamilya pa pala ako sa mga katauhan nina Tita Lethicia at Kuya Reymond. Buong akala ko, wala na talaga akong pamilya at kaanak na matatakbuhan ko sa oras na kailangan ko.Dumaing ako ng pasasalamat sa Diyos pati na sa aking mga magulang at anak dahil hindi talaga nila ako pinabayaan nang tuluyan. Pati na rin sa Tito Roberto ko na ni minsan ay hindi ko nasilayan.Binuhay ko na ang aking cellphone nang nasa loob na ako ng taxi. Pinatay ko kasi iyon kahapon dahil sa tumatawag lagi si Alex. Itinext ko lang ito kahapon saka pagkatapos ay pinatay ko na. Ayaw kong maraming iniisip lalo pa at sariwa pa rin sa akin ang nangyari kahapon-ang kanyang pagsisinungaling sa akin.Nakauwi ako ng bahay ng hapon ding iyon. Laking pasasalamat ko't wala pa rin si Alex nang mga oras na iyon. Agad kong sinimulan ang gagawin kong pagliligpit ng mga damit ko sa malaking maleta. Nang matapos ako ay nilagay kong muli ang malaking maleta sa loob ng dressing
Martelle New FamilyKumawala akong bigla sa bisig ni Mrs. Gomez."K-Kayo ho ba ang may gawa sa pagpapaganda ng puntod ng mga magulang ko sa San Vicente?" tanong ko dito na natitigilan pa rin sa mga oras na iyon."Ako nga. Pinagandahan ko iyon, alang-alang sa pangako ko sa asawa ko. Nagpabalik-balik ako doon nang maraming beses, para naman sana mapag-abot tayo sa pagdalaw mo sa iyong mga magulang. Ngunit hindi ako pinalad na makatagpo ka doon. Pero kahit ganoon pa man ay hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Sinabi ko sa isip ko noon na mahahanap din kita. Sinubukan ko ring ipahanap ka sa isang private investigator, pero wala talagang lead kung nasaan ka na. Hanggang sa kusa na lang talaga tayong pinaglapit ng tadhana sa araw na ito."May mga ipinakita itong litrato sa akin. Ang asawa nitong si Don Roberto at ang mga magulang nito at ng aking ama. Pati na ang mga baby picture ng ama ko at litrato noong kabataan pa nito. Tinutukan ko talagang mabuti ang mga larawan ng ama ko. Mayaman nga
One Of Gomez"U-um..." Napabuntong-hininga na lang ako at lumabas na rin ng kotse nito.Pagpasok namin sa loob ng bahay nito ay namangha ako dahil sa sobrang magara ang lahat ng mga kagamitan na nasa loob ng bahay na iyon."Good afternoon, Madam Lethicia." Nagbigay pugay agad ang mga naka-uniporme na kasambahay dito.I didn't expect that the Madam is very rich. At ibang-iba siya sa Nanay ni Alex na may pagkamatapobre ang dating."Good afternoon. Lusing. Pakihandaan naman kami ng pananghalian nitong magandang bisita ko," marahang utos nito sa mayordoma ng bahay na iyon."Masusunod, Madam Lethicia." Nagsialisan agad ang mga ito sa aming harapan."Hija, halika, doon tayo sa dining table nang makapananghalian na tayong pareho," tawag nito sa nakatulalang diwa ko."O-oho, Mrs. Gomez." Martelle hesitates, but still, she obediently follows the middle-aged woman.Sumabay na ako sa paglalakad ng ginang. Hindi ko pinapahalatang manghang-mangha ako sa bahay nito, lalo na dito, dahil ang bait-bait
Truth Hurts"U-um. O-okay lang ho ako, Ma'ma. H-hindi naman ho ako nabundol at wala hong masakit sa akin.""O sige. Kung walang masakit sa'yo, ihahatid ka na lang namin kung saan ang punta mo ngayon. Look, sobrang mainit kung maglalakad ka lang. Mahihirapan ka ring makasakay sa parteng lugar na ito." prisinta ng ginang na nakangiti pa rin sa akin.I nodded shyly. "S-salamat ho, Ma'am." At sinabi ko rin dito kung saan ako magpapahatid.Nang nasa harapan na kami ng isang sikat na restaurant ay agad akong nagpaalam sa ginang at muli ay nagpasalamat ako rito. Bumaba na ako ng kotse at walang lingon-lingong tumawid ako ng kalsada.Agad akong tumungo sa restaurant na sinadya ko. To check if it's true. And, the truth really hurts.Napapakurap ako sa aking nakikita. Napapalunok at napahawak ang aking palad sa may entrance frame door ng restaurant na iyon.Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha habang nakatanaw kay Alex at sa kasama nitong babae. Ito rin ang babae na nakita niya sa mg
First Love “Hindi ako naniniwala sa'yo. Hindi, dahil ramdam ko na mahal niya ako. Minahal ako ng asawa ko!""Okay. If you don't believe me bahala ka, but I have something to show you para may ideya ka sa sinasabi ko sa'yo." Then she laughs like a crazy demon mother-in-law. May kinuha ito sa bulsa nito at pagkatapos ay ipinakita sa akin. "Alam mo naman siguro ang lugar na iyan, ‘di ba? You can go there now to check the whole place. Kung gusto mo lang naman na makasiguro. Look, my son is with another woman right now." wika nito na ipinagmamalaki pa sa akin.Tutok na tutok ang aking mga mata sa screen ng cellphone nito. It’s really him, my husband, Alex. Inisa-isa pa nito ang lahat na mga kuhang larawan. Tinutukan kong maigi ang damit nito. At iyon nga ang suot ni Alex kaninang umaga na magkasabay kami sa pagalis ng bahay. It was clear, it's really, Alex.May larawan na magka-holding hands, halik sa pisngi, yakapan, masayang nagtatawanan at marami pang iba. Sa nakikita ko, parang matagal