مشاركة

Chapter 5

مؤلف: Mairisian
last update آخر تحديث: 2023-11-13 03:42:36

Flashback 2

"Hm...? Ano ba? Inaantok pa ako."

Naalimpungatan ang diwa ko dahil sa may pilit na gumigising sa ‘king mahimbing na pagtulog.

"Martelle, wake up."

"Ano ba? Stop it." Nagtalukbong pa ako ng kumot.

"Get up, honey. Handa na ang hapunan natin sa baba." Inalis nito ang kumot sa katawan ko at doon na ako napamulat.

Tumitig ako rito. "Ikaw na lang muna ang kumain, hindi pa naman ako nagugutom," sabi ko dito sabay talukbong ulit ng kumot.

"No, you need to eat. Kahit kaunti lang."

"Ayoko nga!"

"I’ll count from one up to three. Kung magmamatigas ka pa rin, bubuhatin na kita hanggang dining."

I blow a heavy breath. Bumangon ako at naupo sa kama na nakakunot pa rin ang noo. "You win!" naiinis kong untag dito.

Iniabot nito ang kamay sa akin. Inabot ko rin naman iyon dahil sa nakaramdam ulit ako ng biglang pagkahilo.

"Magbibihis muna ako."

"Okay, I'll wait for you here. Nandiyan na ang dressing room sa loob ng shower room. Nandiyan na rin ang mga damit mo sa hanging cabinet. Sa'yo ang kanan at akin ang kaliwa," narinig ko pang sinabi nito nang pumasok na ako sa loob ng pintong itinuro nito.

Mabilis akong pumasok sa loob ng walk-in closet nito dahil naiilang ako sa suot nitong boxer short at puting sando lang. Ini-lock ko ang pinto, nag-toothbrush at nag half-bath dahil nalalagkitan na ako sa katawan ko.

I am amazed as I fully open the cabinet where my clothes are. It's all well-arranged and organized inside. Masinop talaga ang taong iyon. Nagtataka pa ako nang naghahanap na ako ng damit. Marami kasing damit ang naidagdag doon na hindi naman sa akin, and as I remember wala akong masyadong dress na sinabay sa bagahe ko kahapon.

White cotton short at maluwang na kulay blue na T-shirt lang ang isinuot ko. Pagkalabas ay dumeretsyo ako sa tokador at nagsuklay lang ng buhok ko at naglagay ng pulbo sa mukha.

I'm not really comfortable with Alex around. Alam ko talagang pinagmamasdan niya ako simula pagkalabas ko ng banyo. Lalo na sa suot ko at mas lalong nakatitig ito sa mapuputing mga binti ko.

Ramdam kong pumasok ito ng dressing at agad ding lumabas na naka-black short na at nakasando pa rin.

"You done?" tanong nito sa sa ‘kin.

"Yes," tugon ko dito sabay lapag ng hairbrush sa tokador.

Nabitin ang hininga ko nang maramdaman ko ang kamay nito sa braso ko. Babawiin ko sana ngunit nag-umpisa na itong akayin ako kaya hinayaan ko na lang ito hanggang narating na namin ang hapag-kainan.

"Dalina mga anak, kumain na kayo," bungad agad ng ginang sa amin nang makita kaming pumasok na sa loob ng dining room.

"Yaya Belle, sumabay na lang kayo ni Mang Ricardo sa amin ni Martelle na maghapunan."

"Naku, iho, mamaya na lamang kami. Alam mo naman si Mang Ricardo mo, mahiyain yun," tanggi ng ginang kay Alex.

"Okay, kayo hong bahala."

Tinignan ko ang mga nakahain na pagkain sa mesa. Inisa-isa ko pa iyong tignan. I think they’re all good. Pero isa lang ang nagustuhan ko sa lahat. Ang sinigang na bangus.

Tahimik kaming dalawa habang kumakain ng hapunan. Wala ni isang nagsasalita sa amin at pareho lang kaming nagpapakiramdamang dalawa.

"Ako'y nahihiwagaan. Paano nga kayo nagkakilalang dalawa, mga anak?"

Tumigil ako sa pagsubo. Hindi ko kasi naramdaman ang ginang na pumasok muli ng kusina. "H-Ho?"

"We’ve already known each other since five years ago, Yaya Belle," Alex answers her question.

"Talaga? Saan naman kayo nagkita at paano?" backup question nito.

"Sa isang debut party," Alex continues. I know, he's uncomfortable answering that question.

"Debut mo yon, iha?" tanong sa ‘kin ni Yaya Belle.

I shake my head. "No. Sa kaibigang matalik ho."

"Uh, e paano mo siya naging asawa ngayon?" Napalunok ako sa sunod na tanong nito sa akin.

"I courted her even though she's so elusive and aloof to me." Napalingon ako kay Alex. Isang pagkindat naman ang isinalubong nito sa akin. Biglang nag-init ang mukha ko sa sinagot at ginawa nito.

Sinungaling! Anong niligawan? Ang sabihin mo, pinagsamantalahan mo ako, nabuntis at pinilit na magpakasal sa'yo! Iyon ang totoong istorya!

"E ‘di ba matagal kang nasa US, iho? Paanong nangyari 'yon?" tanong na naman ni Yaya Belle.

Lumingon ito sa akin at sumeryoso ng tingin habang ako ay nakakunot-noo lang at naghintay sa isasagot nito.

"Nagkahiwalay kami noon. I needed to go there to US to continue my Masters. Then, when I was finally back, nagkita ulit kami ni Martelle. Then here's the next, we got married."

I gave him a 'napakasinungaling mo' look. Inirapan ko pa ito.

"Oh. Ang ganda naman ng love story ninyo. Kayo talaga ang itinadhana ng Diyos dahil isipin pa lang na five years na ang nagdaan, ang haba ng panahong 'yon, ni hindi nga kayo nagsipag-asawa. Isa lang ibig sabihin noon, umaasa pa rin kayo sa isa't isa at mahal n'yo pa rin talaga ang bawat isa," sabi ni Yaya Belle na agad ikinaprotesta ng aking diwa.

I see him shrug and nod at Yaya Belle.

Napapailing na lang ako sa lahat na sinabi ni Yaya Belle.

Kung alam nyo lang ho sana. Kung alam n'yo lang.

Tumahimik na lang ako, I don't want to interrupt their conversation. This is our first dinner as husband and wife. Magsinungaling siya hangga't gusto niya, I don't care. Hindi ko rin naman kailangan i-explain at itama na ang totoo ay pinagsamantalahan talaga niya ako kaya nandito ako ngayon at napipilitang makisama sa kanya. Kahit ang totoo ay napakalabag sa akin na magpakasal sa kanya.

Habang sumusubo ay hindi ko mapigilan ang pagbabalik-tanaw ko sa aking nakaraan.

[Flashback]

*

"Tay, malala na ata yang ubo ninyo ah."

"Hindi. Okay lang ito anak. Huwag mo akong alalahanin masyado."

Ngunit patuloy pa rin ito sa walang tigil na pag-ubo.

"Hindi, tay. Matagal na ho iyan e. Pahinga muna kayo ni nanay. Si nanay oh nangangayayat na rin talaga."

"Naku, anak, kailangang-kailangan naming kumayod ng nanay mo. Lalo na ngayon at nag-aaral ka na sa kolehiyo sa unibersidad ng Maynila," sabi ni tatay na wina-walang bahala pa rin ang sinasabi ko.

"Naku, tay. Huwag n'yo ho akong alalahanin. Nagsisikap naman ho akong mag-working student e, para kahit papano ay matutustusan ko ang allowance ko sa school. Please. Nay, Tay? Ako ho ang nag-aalala sa inyong mga kalusugan e." Patuloy pa rin akong nag-aalala sa kanilang dalawa.

"Anak, okay lang talaga kami ng tatay mo. Isipin mo, para sa'yo lahat itong ginagawa namin. Ha, anak?"

"Alam ko naman po 'yon. Kaya nga napakaswerte ko na kayo po ang naging mga magulang ko."

"Kami din ng nanay mo. Napakaswerte dahil biniyayaan kami ng Diyos ng anak na kasingbait mo at kasingtalino. At isa rin, mapagmahal at magalang sa kapwa tao."

Nag-iisang anak lang ako ng mga magulang ko. Laking probinsya ang pamilya ako sa dulong Quezon Province. Ang ikinabubuhay namin ay ang limang hektaryang lupain na may mga pananim na iba't ibang klaseng gulay at prutas.

Sa negosyong pinagkukuhanan ay nakapagpundar sila tatay at nanay ng simpleng bahay namin, truck para sa mga gulay at prutas na ibinabagsak pa sa Maynila. Mayroon din kaming mga alagang hayop para sa mas dagdag kita pa ng mga magulang ko.

Masasabi kong maginhawa ang buhay naming mag-anak. Ngunit nang dumating sa buhay namin ang Pamilya Montecillo, doon na unti-unting nagbago ang lahat. Iyon ay dahil ginipit nila ang mga magulang ko kaya naghirap ang mga ito sa pagpapatakbo ng maliit na gulayan at prutasan namin noon. Hanggang sa dumating ang araw na ang lupain ng pamilya ko ay sapilitang kinamkam ng pamilyang mapagmataas sa lipunan. Yung mga pananim na pinaghirapan nila itay ay sinira pa ng mga ito, dahilan iyon ng sobrang pagka-stressed ng mga magulang ko. Kahit gabi na noon ay kumakayod pa rin sila para lang sa akin. Ganyan nila ako kamahal—mas inuuna pa nila ako kesa sa mga sarili nila.

Kaya hinding-hindi ko mapapatawad ang pamilyang matapobre. Kung hindi dahil sa unti-unting pagsira nila sa mga pananin namin ay hindi mapipilitan ang mga magulang kong magpursige na ibenta na lang 'yung mga produktong natira sa pinsalang ginawa ng mga ito.

Kung hindi sana dahil sa kanilang kasamaan at kasakiman, sana hindi nangyari yung aksidente na ikinawala ng mga magulang ko noon. Kung hindi dahil sa kanila, sana may magulang pa rin ako hanggang ngayon!

*

"Hon?"

Bigla akong nagising sa pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan. Umangat ang mga mata ko sa kanya.

"What's wrong?" tanong nito sa tonong pag-aalala.

Naramdaman ko pa ang paglapat ng kamay nito sa pisngi ko. Nagtaka ako nang may luha na palang sumungaw sa mata ko.

Damn! Bakit ba hindi ko pa rin maiwasang isipin yung malagim na trahedyang 'yon? Bakit ba ang sakit pa ring tanggapin ang nangyari, ang mawalan ng mga magulang? My heart is still aching for my parents. May kirot pa rin.

Naikuyom ko kamao at may galit ko itong tinitigan. Hinawi ko ang kamay ni Alex na pumunas ng luha ko.

"Don't mind me. I'm okay." Umiwas ako ng tingin dito.

"What's with the tears?"

"Iha, anong nangyayari sa'yo? May masakit ka bang nararamdaman?"

"I said don't mind me!" may diin na pagkakasabi ko. Ngunit sa bandang huli ay nakonsensya agad ako sa inasal ko dahil sa biglang nanahimik si Yaya Belle. "I'm sorry. I'm done. Mauuna na ako," sabi ko at nagmamadali na akong lumabas ng kusina.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Elusive Heart   Chapter 39

    Take Me"Ayoko na... Ayoko na, Alex... Maghiwalay na lang tayo. Please? Ayoko na!" sabi ko nang diretso at habang nakatitig sa mga mata nito.Ewan at kung saan ako humugot ng lakas ng loob para lang masabi iyon sa harapan niya nang paulit-ulit.Nakita kong nanlilisik ang mga mata nito sa akin. Bigla niya akong binitiwan at tumalikod ito sa akin. Kitang-kita ko ang sunod-sunod na buntong-hininga nito habang nakapamewang. Lumapit ito sa lamisita at kinuha nito ang isang bote ng alak saka iyon tinunga. Hindi nito tinigilan ang alak hanggang hindi niya naubos ang laman niyon.Muntik pa akong mapalundag sa gulat at nerbiyos nang itapon nito ang bote sa kung saan mang sulok ng silid na iyon. Basag na basag iyon at lumikha ng napakalakas na ingay sa loob ng silid.Napakagat labi ako nang bigla itong humarap sa akin na nagtatangis ang bagang.'What I've done?'"You really want to quit?!" seryoso ngunit may diing tanong nito sa akin.I bit my lips and I nodded. "Y-yes... I want an annulment, Al

  • Elusive Heart   Chapter 38

    QuitMasaya ako. Masayang-masaya sa natuklasan kong may pamilya pa pala ako sa mga katauhan nina Tita Lethicia at Kuya Reymond. Buong akala ko, wala na talaga akong pamilya at kaanak na matatakbuhan ko sa oras na kailangan ko.Dumaing ako ng pasasalamat sa Diyos pati na sa aking mga magulang at anak dahil hindi talaga nila ako pinabayaan nang tuluyan. Pati na rin sa Tito Roberto ko na ni minsan ay hindi ko nasilayan.Binuhay ko na ang aking cellphone nang nasa loob na ako ng taxi. Pinatay ko kasi iyon kahapon dahil sa tumatawag lagi si Alex. Itinext ko lang ito kahapon saka pagkatapos ay pinatay ko na. Ayaw kong maraming iniisip lalo pa at sariwa pa rin sa akin ang nangyari kahapon-ang kanyang pagsisinungaling sa akin.Nakauwi ako ng bahay ng hapon ding iyon. Laking pasasalamat ko't wala pa rin si Alex nang mga oras na iyon. Agad kong sinimulan ang gagawin kong pagliligpit ng mga damit ko sa malaking maleta. Nang matapos ako ay nilagay kong muli ang malaking maleta sa loob ng dressing

  • Elusive Heart   Chapter 37

    Martelle New FamilyKumawala akong bigla sa bisig ni Mrs. Gomez."K-Kayo ho ba ang may gawa sa pagpapaganda ng puntod ng mga magulang ko sa San Vicente?" tanong ko dito na natitigilan pa rin sa mga oras na iyon."Ako nga. Pinagandahan ko iyon, alang-alang sa pangako ko sa asawa ko. Nagpabalik-balik ako doon nang maraming beses, para naman sana mapag-abot tayo sa pagdalaw mo sa iyong mga magulang. Ngunit hindi ako pinalad na makatagpo ka doon. Pero kahit ganoon pa man ay hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Sinabi ko sa isip ko noon na mahahanap din kita. Sinubukan ko ring ipahanap ka sa isang private investigator, pero wala talagang lead kung nasaan ka na. Hanggang sa kusa na lang talaga tayong pinaglapit ng tadhana sa araw na ito."May mga ipinakita itong litrato sa akin. Ang asawa nitong si Don Roberto at ang mga magulang nito at ng aking ama. Pati na ang mga baby picture ng ama ko at litrato noong kabataan pa nito. Tinutukan ko talagang mabuti ang mga larawan ng ama ko. Mayaman nga

  • Elusive Heart   Chapter 36

    One Of Gomez"U-um..." Napabuntong-hininga na lang ako at lumabas na rin ng kotse nito.Pagpasok namin sa loob ng bahay nito ay namangha ako dahil sa sobrang magara ang lahat ng mga kagamitan na nasa loob ng bahay na iyon."Good afternoon, Madam Lethicia." Nagbigay pugay agad ang mga naka-uniporme na kasambahay dito.I didn't expect that the Madam is very rich. At ibang-iba siya sa Nanay ni Alex na may pagkamatapobre ang dating."Good afternoon. Lusing. Pakihandaan naman kami ng pananghalian nitong magandang bisita ko," marahang utos nito sa mayordoma ng bahay na iyon."Masusunod, Madam Lethicia." Nagsialisan agad ang mga ito sa aming harapan."Hija, halika, doon tayo sa dining table nang makapananghalian na tayong pareho," tawag nito sa nakatulalang diwa ko."O-oho, Mrs. Gomez." Martelle hesitates, but still, she obediently follows the middle-aged woman.Sumabay na ako sa paglalakad ng ginang. Hindi ko pinapahalatang manghang-mangha ako sa bahay nito, lalo na dito, dahil ang bait-bait

  • Elusive Heart   Chapter 35

    Truth Hurts"U-um. O-okay lang ho ako, Ma'ma. H-hindi naman ho ako nabundol at wala hong masakit sa akin.""O sige. Kung walang masakit sa'yo, ihahatid ka na lang namin kung saan ang punta mo ngayon. Look, sobrang mainit kung maglalakad ka lang. Mahihirapan ka ring makasakay sa parteng lugar na ito." prisinta ng ginang na nakangiti pa rin sa akin.I nodded shyly. "S-salamat ho, Ma'am." At sinabi ko rin dito kung saan ako magpapahatid.Nang nasa harapan na kami ng isang sikat na restaurant ay agad akong nagpaalam sa ginang at muli ay nagpasalamat ako rito. Bumaba na ako ng kotse at walang lingon-lingong tumawid ako ng kalsada.Agad akong tumungo sa restaurant na sinadya ko. To check if it's true. And, the truth really hurts.Napapakurap ako sa aking nakikita. Napapalunok at napahawak ang aking palad sa may entrance frame door ng restaurant na iyon.Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha habang nakatanaw kay Alex at sa kasama nitong babae. Ito rin ang babae na nakita niya sa mg

  • Elusive Heart   Chapter 34

    First Love “Hindi ako naniniwala sa'yo. Hindi, dahil ramdam ko na mahal niya ako. Minahal ako ng asawa ko!""Okay. If you don't believe me bahala ka, but I have something to show you para may ideya ka sa sinasabi ko sa'yo." Then she laughs like a crazy demon mother-in-law. May kinuha ito sa bulsa nito at pagkatapos ay ipinakita sa akin. "Alam mo naman siguro ang lugar na iyan, ‘di ba? You can go there now to check the whole place. Kung gusto mo lang naman na makasiguro. Look, my son is with another woman right now." wika nito na ipinagmamalaki pa sa akin.Tutok na tutok ang aking mga mata sa screen ng cellphone nito. It’s really him, my husband, Alex. Inisa-isa pa nito ang lahat na mga kuhang larawan. Tinutukan kong maigi ang damit nito. At iyon nga ang suot ni Alex kaninang umaga na magkasabay kami sa pagalis ng bahay. It was clear, it's really, Alex.May larawan na magka-holding hands, halik sa pisngi, yakapan, masayang nagtatawanan at marami pang iba. Sa nakikita ko, parang matagal

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status