“Emergency couple chapter five”
“Koreaaaa im here again!” Sigaw ni Elaine habang nakalawit ang ulo sa bintana ng kotse“Hoy! Ano kaba? Umupo ka nga ng maayos dyan! Tuwing mag tatravel tayo nagkaka-ganyan ka hindi ka paba nag sasawa?”“Kailan man hindi ako mag sasawang mag travel dito dahil para sakin korea is life.” Nakangiti nitong sagot “Kung ganon bakit hindi ka nalang magpa petition kina kuya Jin at ate Yhannie?”“Hindi mo parin ba alam ang dahilan kung bakit hindi ko maiwan ang pilipinas?”“Teka hulaan ko ahh. Hmm si kuya Neil ba?”“Haha paano mo nalaman?” Di makapaniwala nitong tanong“Hoy! Obvious kayang crush mo ang kuya ko.”“Ganon ba talaga ka obvious? Haissst! Kung hindi lang dahil sa kuya mo susunod na talaga ako dito kina ate yhannie para updated ako sa mga oppa ko.”“Maganda at payapa ang bansang ito yon nga lang medyo mahirap makipag commiunicate, hindi naman kasi tayo marunong ng langguage nila.”“Ano kaba sabi nga nila kung gusto may paraan kaya kung hindi parin magiging kami ng kuya mo, dito na talaga ako mag sstay at mag fofocus nalang ako sa mga oppa ko.”“Hay! Puro kasi kdrama ang inaatupag mo ayan tuloy hindi mo maasikaso ang lovelife mo.” Tudyo niya sa kaibigan“Sus! Palibhasa nahanap mo na yung sayo eh.” Sagot nito sabay sulyap sa tulog na si Jaycee“Nahanap ko na?! Sino yang lalaking yan? duhhhh! Pwede ba Elaine alam mong hindi ko type ang mga lalaking sobrang puti dahil hindi sila machong tingnan.” Taas kilay niyang saad“Hoy ano kaba? Hinaan mo naman ng konti yang boses mo baka marinig ka nya.” Saway nito sa kanya at saka sumulyap muli kay jaycee“Anong marinig hindi mo ba alam na malala pa sa mantika kung matulog ang lalaking yan.” Inis na baling niya sa lalaki“Ang hard mo naman kay Jaycee, friend samantalang kanina para kang palay na tinutuka ng manok. Umamin ka nga hindi ka man lang ba kinilig kahit konti kanina?” Pang iintriga nito“Kinilig? No way!! Kahit kailan hinding hindi ako maiinlove sa lalaking yan! Kung sa butterfly lang din na iyan magpapakaburo nalang ako! Anyway hindi naman iyon mangyayari dahil gagawin ko ang lahat para mahanap ko agad ang Mr. right ko at nang matapos narin ang kalokohang ito.” Sagot niya at pinag krus pa ang kanyang braso“Uyy! Wag kang ganyan diba nga may kasabihang “The more you hate the more you Love.” Ani Elaine“Pwede ba! Hindi ko sya hate pero mas lalong hindi ko sya love kaya tumigil ka!” Singhal niya sa kaibigan“Kung hindi mo siya hate at hindi rin love ano mo sya?” Tanong nitong may halong pang aasar“Ayy ewan! Matulog ka na nga lang umiral na naman yang kadaldalan mo eh.”"Oo na matutulog nalang ako. Baka sa panaginip ko umamin kana." Muling tudyo nito at saka sumandal at pumikitMahaba ang naging byahe kaya nang marating nila ang vacation house na pagma- may ari ng mag asawang Jin at Yhannie, agad silang bumaba ng kotse dahil maginaw sa labas at bukod pa duon gusto rin nilang ipahinga ang ngawit at pagod nilang katawan.“Dalawa lang ang room dito, so siguro naman pwedeng share nalang kayo ng room ni Jaycee tutal naman husband and wife na kayo.” Baling nito sa kanila“Anooo?! Ayoko nga!” Mabilis niyang tanggi“Wag kang mag alala dahil ayoko din namang katabi ka, dito nalang ako sa couch okay na ako dito.” Sagot nitong tila nainis sa inasal niya“Hay naku! Kayong dalawa hindi ba talaga pwedeng lumipas ang isang oras nang hindi kayo nag babangayan huh? Nakakalimutan nyo na bang kailangan nyong mag panggap bilang mag asawa? Marami na tayong hirap dito kaya pwede bang kahit minsan mag kasundo naman kayo?” Saway nito sa kanilaNatahimik naman silang dalawa kaya pumasok na ito sa sarili nitong kwarto. Kinuha niya ang kanyang mga gamit at mabilis na pumasok sa isa pang kwarto at dahil sa pagod na nararamdaman dala ng mahabang byahe agad silang nakatulog maliban kay Jaycee.“Grabe talaga ang babaeng iyon! Hindi man lang ako inabutan ng unan o kahit blanket man lang ang ginaw pa naman.” Inis na bulong niya sa sariliPilitin man niyang ipikit ang kanyang mga mata ay hindi siya makatulog dahil sa lamig na nanunuot sa buo niyang katawan. Nag pasya siyang kumatok sa kwarto ng asawa ngunit hindi ito naka lock kaya pumasok nalang siya at hindi na ginambala pa ang tulog na babae. Palabas na sana siya ng silid bitbit ang mga kailangang gamit ng masulyapan ang himbing na himbing niyang asawa na nakabalot sa makapal na blanket. May kung anong nag udyok sa kanyang tabihan ito at pagmasdan habang natutulog.“Maganda naman siya at mayaman pa pero bakit kaya lagi siyang iniiwan ng mga nakarelasyon nya? Hmmp. Kung sabagay hindi sana kita katabi ngayon kung natuloy ang kasal mo sa lalaking iyon.” Bulong niya sa isipPatayo na sana siya ng bigla itong pumihit paharap at yumakap sa kanya. Marahil napagkamalan siya nitong unan dahil ikiniskis pa nito ang mukha sa dibdib niya. Tila may kuryente siyang nararamdaman dahil sa pagkakadantay ng ulo nito sa kanyang dibdib, gusto niya itong itulak palayo ngunit natatakot siyang baka magising ito at gumawa ng eskandalo. Minabuti nalang muna niyang manatili at hintayin na ito ang kusang kumalas sa pagkakayakap sa kanya.Hindi na niya maalala kung ilang butiki na ang nakita niyang pagapang gapang sa kisame at hindi narin niya mabilang kung ilang beses na siyang naghikab dahil sa sobrang antok. Pakiramdam niya sobrang bigat na ng kanyang mga talukap ngunit pilit niya itong nilalabanan.Sinubukan niyang gawin ang lahat upang labanan ang antok na nagsusumiksik sa kanyang mga mata ngunit bigo siya nang tuluyan siyang iduyan ng lamig ng aircon.Kinabukasan...Isang malakas na tili ang gumising sa kanya kaya bigla siyang napa bangon sa kama.“B- bakit nandito ka huh?! Sabi ko na nga ba manyak ka eh!” Sigaw nito habang takip takip ng blangket ang katawan“Ako Manyak?! Hoy! Para sabihin ko sayo pumasok ako dito kagabi para kumuha ng unan at blanket pero bigla mo akong niyakap.”“Wag mong akong baliktarin dahil ikaw ang pumasok sa kwarto ko.”“Makinig ka okay? Ikaw ang yumakap sakin, ginusto kong tanggalin ang pagkakayakap mo pero natakot akong baka magising ka at magsisigaw ng tulad nito kaya hinintay kong ikaw na ang kusang lumayo pero dahil parang nag enjoy ka sa katawan ko nakatulugan ko ang pag hihintay.” Mahabang paliwanag niya“A- ako ba talaga ang yumakap ako sayo?” Kanda utal niyang tanong“Ganon na nga! Ano masarap bang gawing unan ang dibdib ko?” Sarkastikong niyang tanong“Tulog ako kaya paano ko iyon malalaman?! Isa pa sabihin nating yumakap nga ako sayo, pero dapat ginising mo parin ako hindi yung hinayaan mo lang. Malamang nag enjoy ka rin kaya hindi mo ako sinubukang gisingin! Ang sama mo talaga!” Maktol nito“Anak ng kamote naman! Tumigil nga kayong dalawa! Ang aga aga pa para mag away! Nakakahiya sa mga neighbor natin umaabot sa kanila ang pag aaway ninyo.” Saway nitong tila nag saway ng makukulit na anakNatameme naman sila dahil sa sinabing iyon ni Elaine. Naisip nilang tama ito, na maaga pa para mag talo at mayroon silang kapitbahay na pwedeng mabulabog.Masamang tingin ang ipinukol niya kay Jaycee bago tuluyang lumabas ng silid. Kahit maaga pa ay pakiramdam niya'y kumukulo ang dugo niya dahil sa sobrang inis at pagka pahiya kanina yun nga lang ay mas malakas ang pagkulo ng sikmura niya kaya nag hanap siya ng pwedeng makain sa kitchen.“Sam and Jaycee may pupunta tayo mamaya kaya mag ready kayo. Kailangan nyo ng ilang picture na nasa vacation para may mai post tayo sa social media. Im sure naghihintay na ng update ang fans ninyo. Isa pa baka mag tanong si tito Emilio atleast may proof kayong pwedeng ipakita.”Wala imik ang mga ito kaya muli siyang nagsalita.“Oo nga pala importanteng sweet kayo sa mga picture's kaya stop fighting muna okay?”“Kailangan ba talaga yan? Ang hirap naman ng pinapagawa mo.” Reklamo niya samantala nanatili namang tikom ang bibig ni Jaycee“Wag nga kayong puro reklamo! Madali lang ang pinapagawa ko lalo na kung susubukan nyong magkasundong dalawa kahit bukas lang. Isipin nyo nga bakit ba tayo nandito? Ikaw Sam diba kaya mo ito ginagawa dahil ayaw mong malaman ni tito na hindi natuloy ang wedding mo? At ikaw Jaycee diba kaya ka pumuyag na mag panggap para sa perang kailangan mo? Kailangan nyo ang isa't isa kaya please mag tulungan kayo. Ang hirap kasi sainyo para kayong aso't pusa eh. Gusto nyo bang sabuyan ko kayo ng asukal para maging sweet naman kayo kahit konti?” Wika nitong tila nauubusan na ng pasensya sa dalawa“Sakin walang problema ewan ko lang sa kanya.” Sagot nito sabay sulyap sa gawi niyaPumayag na ang damuho niyang asawa kaya nasa kanya na ngayon ang nagtatanong na mata ng kaibigan.“Oo na pumapayag na ako.” Kanda haba nguso nitong sagot“Okay good! Pupunta muna ako kina ate Yhannie, duon muna ako hanggang 5pm nakiusap si ate na ako muna ang mag bantay kay Gabbin dahil may lalakarin silang importante. Basta mag ready kayo before 5pm susunduin ko kayo dito okay?” Paalala niya“Oo na sige na, ingat sa pag didrive.” Paalala niya“Thanks pero tingin ko ikaw ang dapat mag ingat.” Sagot niyang may halong pang aasar bago tuluyang ini start ang kotseDahil sa sinabing iyon ng kaibigan ay bigla siyang kinabahan. Sila nga lang pala ng peke niyang asawa ang maiiwan sa bahay at tiyak na disaster ito dahil wala si Elaine na laging pumapagitna sa tuwing sila'y nag aaway.Habang nagkakape ito hindi niya sinasadyang matabig ang baso nitong may lamang kape at tumapon itong lahat sa dibdib ng kanyang asawa. “Naku! Sorry Hindi ko sinasadya.” Hingi niya ng tawad habang tarantang pinupunasan ang parteng dibdib nito“Hindi mo sinasadya? I don't think na nagsasabi ka ng totoo. Base sa nakikita ko pati na sa ginagawa mo ngayon intention mo talaga ito para ma tyansingan mo ako. Alam kong gusto mo ako pero wag ka namang masyadong mag pahalata.” Sarkastikong wika nito“What? Type kita? Ang lakas naman ng bilib mo sa sarili mo nuh?! Tsina-tyansingan kita? Gusto mong ipagtimpla ulit kita ng kape?” Tanong niya habang tumatawa ng mapakla“Ipagtitimpla mo ako? Bakit para ba magising ako o di kaya'y kabahan?” Nang iinis nitong tanong“Hindi isasaboy ko sa makapal mong mukha!” Mataray niyang saad“So ang ibig bang sabihin ng pagsusungit mo sakin, hindi mo ako type?” Tanong nito kasunod ang pilyong ngiti“Oo ganon na nga! Kaya wag kang mangarap ng gising dahil mabibigo ka lang at gusto kong ipapaalala sayo baka kasi nakalimutan mo agad na kaya tayo nag pakasal dahil lang sa kasunduan?” Taas kilay niyang sagot“Ngayon malinaw na hindi mo nga ako type. So kung hindi mo nga ako gusto dapat kahit na gawin ko ang bagay na ito hindi ka maapektuhan.” Sagot nito habang hinuhubad ang damit na nabasa ng kape“Anong ginagawa mo?! Mag suot ka nga ng damit ang halay mong tingnan!” Sigaw niya habang nakatakip ang mga kamay sa kanyang mata“Mahalay nga bang tingnan o mahalay ang tumingin?” Tanong nito habang unti unti lumalapit sa kanya“Ano ba lumayo ka nga sakin! Pag hindi ka lumayo sisigaw ako.” Banta niya ngunit tila bingi ito kaya sinubukan niyang sumigaw ngunit maagap ang kamay nitong tumakip sa kanyang bibigRamdam niya ang init na nagmumula sa kamay nito kaya muntik na niyang makalimutang huminga mabuti nalang at inalis din kaagad nito ang kamay na tumatakip sa kanyang bibig ngunit hindi iyon duon nagtatapos. Bawat hakbang nitong palapit ay siyang hakbang niya paatras, nagulat pa siya ng maatrasan ang sulok na bahagi ng bahay at nang tuluyan siya nitong ma- corner.Automatikong napapikit ang traydor niyang mga mata ng makita ang dahan dahang pag lapit ng mukha ng kanyang asawa ngunit napadilat siya ng marinig niyang pindutin nito ang switch ng ilaw at mag salita.“Maliwanag na sayang naman ang kuryente.” Wika nitong kasunod ang nakakalukong ngitiMuling nag kulay kamatis ang kanyang pisngi ngunit hindi dahil sa kilig kundi sa labis na kahihiyan. Sobrang sama ng loob niya dahil nahulog siya sa patibong ng peke niyang asawa kaya dali- dali siyang pumasok ng kwarto at duon nag kulong. Duon niya ibi-nuhos ang mga luha kanina pang gustong mag alpasan sa kanyang mga mata dahil muli na namang napag laruan ang kanyang damdamin.Nakatanggap ng text si Jaycee mula kay Elaine na hindi daw matutuloy ang lakad nila dahil hindi ito makakauwi. Kinatok niya ang asawa para ipaalam ang message ni Elaine ngunit hindi ito sumasagot. Marahil galit pa ito sa ginawa niya kanina kaya naman hinayaan na lamang muna niya itong magpalipas ng sama ng loob.Nilalamig man kailangan niyang mag shower dahil nanlalagkit siya sa kapeng tumapon sa kanyang katawan. After niyang maligo ay muli siyang nag timpla ng kape para maibsan ang lamig na nanunuot sa kanyang balat. Nagbasa basa siya ng mga nakakalat na magazine duon ngunit sumakit lang ang ulo niya dahil hindi naman niya ito maintindihan dahil Hangeul ang naka imprinta dito.Naubos na ang lahat ng pwedeng niyang gawin ngunit hindi parin lumalabas ng kwarto ang kanyang asawa kaya nag simula na siyang mag alala. Gusto na niya itong pasukin ngunit nag hintay parin siya na lumabas ito. Dumidilim na ang paligid at nakaramdam narin siya ng gutom kaya nagpasya siyang ipag luto na muna ang sarili.Matapos kumain ay muli siyang naghintay sa pag labas nito ngunit pasadong alas dyes na ng gabi hindi parin ito lumalabas ng kwarto kaya duo'y nag pasya na siyang pasukin ang asawa. Hinanap niya ang master key ngunit hindi niya ito makita kaya sinubukan niyang ibunggo ang sarili sa pintuan ngunit hindi parin umubra kaya muli siyang naghanap ng gamit na pwede ipang sira sa pinto.All Rights Reserved 2020Copyright © 2020 by LEEANNA89_________________________________A/N: Hello guys kamusta kayo? Sanay nagustuhan nyo ang chapter nato.Ps. Vote, comment and dont forget to follow me for more kiligs story! Thank you♡“Emergency couple final chapter”Nangako siyang sa kanyang asawa na hindi na niya muling pipilitin ang sarili na maalala ang nakaraan ngunit hindi parin niya magawang hayaan nalang na tuluyang malimutan ang mga alaalang iyon dahil pakiramdam niya'y nawalan siya ng isang parte ng katawan kaya't kailangan niya itong mahanap“Honey! Gusto ka daw makita ni kuya Neil at Elaine halika muna dito.” Tawag ng Misis niyang medyo maumbok na ang tiyan“Okay, Wait lang hon mag bibihis lang ako.” Sagot niya habang nagmamadali na makapag suot ng damit pang itaas Matapos makapag bihis ay mabilis niyang tinungo ang garden kung saan nakikipag video call ang kanyang asawa sa kanyang brother inlaw“Jaycee long time no see kamusta kana? Mukhang okay na okay kana ahh.” Nakangiting bungad nito sa kanya“Medyo okay na nga ako kuya salamat. Kamusta naman kayo d'yan?” Balik tanong niya sa mga ito“Heto sinusulit ang bawat araw namin dito sa italy, Ilang days nalang kasi balik na namin ng pilipinas kaya pinupun
“Emergency couple chapter twenty four” Ilang araw na ang nakalipas mula ng ma discharge si Jaycee sa ospital kaya't sa bahay na ito tuluyang nagpapagaling. Bawat araw sinusubukan niyang gawin ang mga bagay na sa akala niya'y makakatulong para muli siyang maalala ng asawa.“A- anong bang ginagawa mo?” Gulat nitong tanong ng ma corner niya sa isang sulok“Hindi mo ba ito natatandaan? Ginawa mo ito sa akin nuon para maakit ako sayo.” Bulong niya sa tenga nito“Sorry pero wala talaga akong maalala ehh tsaka pwede bang medyo lumayo ka? H- hindi kasi ako komportable.” Sagot nitong paalis na sana ngunit mas lalo pa niyang inilapit ang kanyang sarili dahilan para masandal ito sa wall kasabay ang pagpindot niya sa switch ng ilaw“Sinong nag switch off ng ilaw sa salas ang dilim wala akong makita.” Reklamo ni Don EmilioMabilis silang naglayo ng marinig ang boses ng ama at dali daling pinindot ang switch ng ilaw.“Ohh hija, anong ginagawa ninyo bakit nakapatay ang ilaw?” Usisa nito habang nagp
"Emergency couple chapter twenty three"Mabilis na rumesponde ang mga police kaya't hindi nakaligtas sa mga ito si Troy. Agad nilang itong dinala sa police station para duon imbistegahan. Samantala mabilis namang nilang isinugod sa ospital ang duguang si Jaycee. Sinalubong naman sila ng ilang nurse at doktor at mabilis na dinala ng mga ito sa emergency room si jayceeHindi siya matahimik kaya't panay ang lakad niya habang naghihintay sa paglabas ng mga doctor na nagsagawa ng operasyon sa kanyang asawa. Hindi niya mapigilang mapaluha dahil sa sobrang pag aalala na baka hindi ito maka survive at tuluyan silang iwan nito. “Sam hija, maupo ka muna at mag relax. Maaaring makasama sa baby mo ang labis na pag aalala kaya please maupo ka muna.” Nag aalalang wika ni Don Emilio“Dad, n- natatakot po ako. P- paano kung iwan n'ya kami ng anak ko?” Garalgal ang tinig niyang tanong sa ama“Hija, lakasan mo ang loob mo para sa magiging baby ninyo. Naniniwala akong makaka survive si Jaycee kaya plea
“Emergency couple chapter twenty”One year later...“Hanggang ngayon nalulungkot parin ako para kay Tito Clark. Hindi parin ako makapaniwala ng humantong sa ganito ang lahat.” Baling niya kay Sam habang inaalis nito ang ilang tuyong bulaklak“Honey, nasa heaven na si Tito Clark ngayon kaya wag kang malungkot. Isa pa siguradong masaya na siya dahil okay na si Rhea ngayon.” Sagot naman nito na sinundan ng isang ngiti “Hindi ko lang talaga maiwasang malungkot kapag naalala ko si Tito.” Muling sagot niya “Tama na ang pag e- emote mister. Pupuntahan pa natin si Rhea remember?” Paalala pa nito"Okay, okay. Hindi ko naman nakakalimutan iyon." Natatawang baling niya itoSumulyap pa muna siya sa puntod bago tuluyang tumalima sa asawa. Naisip nilang dalawin si Rhea dahil matagal narin ang huli nilang pagkikita. Naging busy sila at maging ito'y naging busy din sa pag bawi ng kumpanyang iniwan ng kanyang ama at nag tagumpay naman ito kaya ito na ngayon ang pinakabago at pinaka batang presidente
Puno ng pagtataka ang mukha ni Jaycee ng ihinto niya ang kanilang kotse sa harap ng isang lumang bahay na animo'y walang nakatira kaya mukhang napabayan na ito. Hindi naman niya pinansin ang tila malaking question mark sa mukha nito at diretsong bumaba ng kanilang sasakyan. "Sino ang nakatira sa bahay na iyan at paano siyang makakatulong para makalaya si Rhea?" Hindi mapigilang tanong nito"Dito nakatira ang isa sa mga dumukot sa atin ng araw na iyon." Saot naman niya habang inililibot ang paningin sa kabahayan"Kung ganon hindi dapat tayo nandito na tayong dalawa lang. Delikado ang lugar na ito para sa atin." Nag aalalang wika nito"Wala na si Mr. Ignacio kaya ano pang saysay kung sasaktan nila tayo? Bukod duon nalaman ko din na hindi talaga masamang tao si mang Ben kundi napilitan lang itong sumama sa grupong dumukot sa atin dahil kailangan niya ng pera para sa operasyon ng kanyang bunsong anak." Sagot niya habang papalit sa pinto at saka kumatok sa naka awang na pinto "Si Ben ba
“Emergency couple chapter twenty”Isang pamilyar na tunog ang narinig nilang umaalingawngaw mula sa labas ng gusali kaya't kahit nanlalambot pa ang kanyang mga tuhod dahil sa labis na takot ay pinilit parin niyang tumayo at iwan panandalian ang kanyang asawang si Sam upang salubungin ang mga rescuer. Agad naman niyang nabungaran ang mga rescuer at mga pulis na nagmamadaling umakyat sa gusali kaya tinawag niya ang pansin ng mga ito upang makita ang kinaroroonan nila. Dali- dali namang pumunta ang mga ito sa kinaroroonan nila at agad na dinaluhan ang dalawang taong duguan at nakahandusay sa lapag.“May pulse pa isang ito, mag mabilis kayo't isakay natin siya sa ambulansya.” Tawag pansin nito sa mga kasama Agad naman lumapit ang iba pang rescuer at mabilis ngang isinakay sa ambulansya ang may buhay pang si Rhea. Dinali din sila ng mga ito sa ospital para magamot ang ilang sugat sa katawan. Matapos silang lapatan ng first aid ay agad silang naghintay sa labas ng operating room para alami
“Emergency couple chapter nineteen”Puno ng takot ang kanyang dibdib habang binabagtas nila ang hindi pamilyar na daan. Idagdag pa duon ang mga malalagkit na pagtitig sa kanya ng ilang armadong lalaki habang wala parin malay ang asawa niyang si Jaycee. Nagkakatuwaan pa ang mga ito nang huminto ang sinasakyan nilang van. Muling siyang sinalakay ng matinding takot ng matanaw mula sa hindi kalayuan ang isang luma at abandunadong building. Marahas niyang ipinilig ang kanyang ulo upang tingnan ang kalagayan ng kanyang asawa ngunit mas lalo lamang nadagdagan ang takot sa kanyang dibdib ng makitang nakatutok sa ulo nito ang hawak na baril ng lalaking nasa pagitan nila.“Kakaladkarin ko nalang ba ang lalaking ito papasok?” Nakangising tanong ng isang lalaking armado“Bahala na kayo, basta't dalhin ninyo iyan sa loob!” Sabad ng isa pang lalaki na tila leader ng grupo“P- paki- usap wag po ninyong kaladkarin ang asawa ko.” Umiiyak na paki- usap niya sa mga ito“Paano ba iyan pre, nakiki- usap s
“Emergency couple chapter Eighteen”“Hija, wala ka parin bang balak patawarin ang asawa mo? Ilang araw na ang lumipas hindi parin ba nawawala ang galit mo sa kanya?” Di mapigilang tanong ni Don Emilio Hindi ito sumagot bagkus ay tinalikuran lamang siya nito at saka pumasok ng sarili nitong silid. Napailing na lamang siya sa pag mamatigas ng anak. Alam niyang miss narin nito si Jaycee ngunit pilit nitong pinapairal ang pride. Naisip niyang tawagan ang kanyang son inlaw para ibalita dito ang patuloy na pag mamatigas ng kanyang anak.“How are you hijo?” Bungad niya sa kabilang linya“Okay lang naman po ako Dad. Si Sam po kamusta na? Nag uusap na po ba kayo?” Tanong nito“Jusko Jaycee! Hindi man lang ako ininform ng asawa ko bago siya pumanaw na gawa pala sa adobe ang ulo ng anak namin.” Sagot niyang tila nawawalan na ng pag asa “Okay lang po ba na pumunta ako dyan at subukan siyang kausapin?” Muling tanong nito“Mas mabuti pa nga siguro. Please gawin mo ang lahat para maging okay na ka
“Emergency couple chapter seventeen”Malalim na ang gabi kaya siguradong tulog na ang lahat ng tao sa mansion. Tiyak din na walang makakapansin sa gagawin niyang pag alis kaya marahan niyang pinihit ang seradura ng pinto ng kanyang silid at maingat na lumabas bitbit ang isang maleta. Naka off ang lahat ng ilaw kaya ingat na ingat siyang makalikha ng kahit anong ingay. Buong ingat niyang isinara ang pinto matapos lumabas ngunit nagulat at halos mapasigaw siya ng may mabunggo siyang isang bulto.“Hon? Bakit ka naglalakad ng naka off ang ilaw baka ma-Kusa itong napahinto sa mga nais pa nitong itanong sa kanya ng i- on nito ang ilaw at tumambad sa dito ang bitbit niyang maleta.“Aalis ka? Ganon ba talaga kalaki ang galit mo sakin para iwan mo ako?” Naluluhang nitong tanong“Oo ganon kalaki! Gusto ko sanang patawarin ka pero isang kasinungalingan na naman ang sumampal sa mukha ko kaya't hindi ko na kaya. Itigil na natin ito paki usap. Baka hindi ko na kayanin pa kung sakaling malaman kon