Share

CHAPTER FOUR

Author: Leeanna89
last update Huling Na-update: 2023-06-07 21:09:30

“Emergency couple chapter four”

 

Habang inaasikaso ni Elaine ang mga kakailanganin sa pag alis nila ng bansa ay abala naman silang dalawa sa kanilang secret wedding. Sa titong judge ng kaibigang si Elaine sila humingi ng tulong para manatiling sekreto ang kanilang pangalawang kasal.

“Sam okay na nga pala yung mga pinapaasikaso mo sakin. Tumawag na ako kina ate Yhannie at kuya Jin para ipaalam sa kanila na duon tayo mag sstay sa vacation house nila sa Gangman.”

“Maasahan ka talaga nae-excite na tuloy ako sa flight natin.” Nakangiti niyang sagot sa kaibigan

“Talaga naeexcite ka? Parang bago yata yun sa pandinig ko ahh?” Tanong nitong napapangiti

“ I mean naeexcite ako sa flight natin dahil kahit paano matatahimik ang buhay ko ng panandalian.”

“Yeah i know, Alam ko naman na hindi ka nag tatravel sa korea dahil gusto mo duon kundi ginagawa mo itong taguan kapag naee- stress kana sa buhay mo dito sa pilipinas.”

“Haha, Kilala mo talaga ako Elaine.”

“Sus! Sa loob ba naman ng maraming taon tayong naging may kaibigan imposible bang malaman ko ang lahat tungkol sayo? Isa pa mag karugtong na ang mga buhay natin kaya pati tunog ng utot mo alam ko.”

“Grabe ka talaga!”

“Haha pinapatawa lang kita. Ayy! oo nga pala hiniram ko narin yung extra car nina kuya Jin para hindi na natin kailangang mag taxi hassel kasi yun eh. Ahh teka wala naba akong nakalimutan maliban duon? Ahh 7 am nga pala ang flight natin bukas at yung ticket nyo nasa side table mo.” Ani Elaine

“Thank you and sorry kasi  naabala kita ng sobra ngayon pero promise babawi ako kapag nasa korea na tayo.”

“Hmp, Iisipin kung may utang ka sakin at babayaran mo yun kapag gusto na kitang singilin.” Natatawa niyang sagot

“Sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan magka utang.” Natatawa niyang baling sa kaibigan

“Isang malaking karangalan na magkaroon ka ng utang sa akin kamahalan.” Biro niyang sagot

“Haha, Sira ka talaga.”

“Oo nga pala nasaan si Jaycee? Sorry, hindi ako umabot sa wedding nyo natagalan kasi ako sa kinuha kong paper's tapos ang lala pa ng traffic sa manila.” Paliwanag niya

“Okay lang, wala namang espesyal sa kasal na iyon. Hindi man lang nga kami nag kiss.” Kanda habang nguso nitong sagot

“Eh bakit parang malungkot ka? Don't tell me gusto mong mag kiss kayo ni Jaycee?” Intiresado niyang tanong

“Ako? Malulungkot? Hindi uyy! Hmp. Naiinis lang ako kasi pinaparamdam niyang kahit konti wala siyang gusto sakin. Madalas kahit mag kasama kami pana'y ang tawag niya sa babaeng iyon at ang pinaka worse nagpa-palitan sila ng i love you over the phone habang katabi niya ako.” Inis nitong pagkukwento dito

“Ano kaba natural iyon dahil mag girlfriend and boyfriend sila.”

“Alam ko naman iyon pero kailangan ba talagang sabihin niya iyon habang nasa tabi niya ako? Hindi man lang ba niya naisip na masakit iyon sakin bilang babae?!”

“Edi inamin muna rin na affected ka nga sa kanila.” Panghuhuli niya

“Halata ba talagang affected ako?” Tanong nito habang inaayos ang kanyang facial expression

“Sa totoo lang sobrang obvious talaga. Sam alam kong masakit pero wag kang papa apekto sa babaeng yon! Remember pag mamay- ari mo na ngayon si Jaycee dahil legal na ang wedding nyo. Ang kailangan mo nalang gawin ay paibigin sya.”

“Malabo yan dahil mukhang mahal na mahal no'n ang girlfriend nya kaya nga halos ayaw man lang akong tingnan ng lalaking yun eh.” Walang gana nitong sagot

“Uyy friend saan napunta ang fighting spirit mo? Naubos naba agad? Kala ko pa naman confidence kang mapapa ibig mo sya.”

“Change topic na nga. Naee- stress ako sa pinag uusapan natin eh. Teka nakalimutan ko mag eempake pa pala ako. ”

“Uyy! Tumatakas hahaha. ” Kantyaw niya

“Bahala ka kung iyan ang iniisip mo, may gagawin pa ako kaya dyan kana.”

“Sam nag bibiro lang naman ako, masyado ka namang seryoso ehh.”

“Kapag dumating ang lalaking iyon sabihin mong tigilan muna niya ang pakikipag flirt at i ready na ang dadalhin niya. Ayokong ma hassel tayo kaya kailangan agahan natin bukas.”

“Okay po Mrs. Domingo.” Pang iinis niyang lalo sa kaibigan

 Naiiling siyang pumasok ng kwarto dahil sa pangungulit at pangangantyaw nito pero sa halip na mainis ay nagpa-pasalamat parin siyang may kaibigan siyang tulad nito bagaman may kakulitan ito kung minsan, lagi naman itong handang dumamay sa mga kadramahan niya sa buhay. Aminado siyang hindi siya maswerte sa lalaki pero maswerte naman siya sa pagkakaroon ng kaibigan tulad nito.

Habang nag lalagay sa maleta ng mga daldalhing gamit bigla niyang naalala ang matamis na i love you ni Jaycee sa girlfriend nito samantalang hindi niya narinig ang salitang yon kanina habang ikinakasal sila. Hindi niya maintindihan kung sinasadya ba nitong iparinig sa kanya ang mga sweet reminder nito sa kasintahan dahil wala itong kapaki pakialam sa kanyang damdamin.

Kung tutuusin wala siyang karapatan mag reklamo o masaktan dahil ikanasal sila para sa isang kasunduan ngunit para sa kanya hindi parin tamang baliwalain nito ang damdamin niya. Hindi niya mapigilang mainis at malungkot dahil sa mga naalala kaya't wala sa loob na pinag sasalpak niya ang mga gamit sa maleta kahit hindi pa maayos ang pagka-kasalansan ng mga ito.

“Ano nga bang aasahan ko sayo hindi ba't binayaran lang kita para pakasalan ako?” Tanong niya sa sarili habang pinupunasan ang gilid ng mata

Nagsimulang pumatak ang kanyang mga luha kaya't pabagsak siyang humiga sa malambot na kama. Naglagay siya ng earphone sa mag kabilang tainga at isang malungkot na music ang bumungad sa kanya na lalong nag palala ng lungkot na kanyang nararamdaman.

Hindi man tama kung iisipin ngunit nakakaramdam siya ng selos at inggit sa girlfriend ng asawa. Masasabing halos nasa kanya ang lahat ngunit bakit walang lalaking sumiseryoso sa kanya at palagi siyang iniiwan ng mga ito. Bakit kailangan pa niyang mag bayad ng malaking halaga para lang pakasalan at hindi mapahiya sa maraming tao?

Tuluyan siyang naiyak ng muling makita ang mga picture's nila ng dating nobyo na hanggang ngayon ay hindi pa niya na bubura sa kangang gallery. Nakatulugan niya ang labis na pag iyak kaya naman kinabukasan ay naningkit ang kanyang mga mata hindi tuloy niya malaman kung paano haharap kina Elaine at Jaycee dahil siguradong mag uusisa ang kaibigan nya.

“Good morning Sam ang aga mo yatang nagising 4:30 am palang. Gising kana rin naman kaya sabayan mo na akong breakfast. Maaga akong nagising kaya naisip kong mag luto para sating tatlo.”

“Thank's pero wala akong gana. Mag co- coffee nalang siguro ako.” Sagot niyang pilit na ikinukubli ang pamamaga ng kanyang mga mata

“Uyy teka! Bakit namamaga iyang mata mo? Umiyak kaba kagabi? Hindi ka naman siguro umiyak dahil inasar kita hindi ba?” Sunod sunod nitong tanong

“Ano kaba syempre hindi, napuyat lang ako kagabi kaya namaga ang mata ko wag mo nalang akong pansinin. Oo nga pala gising naba ang lalaking iyon?” Kunwaring tanong niya para maiba ang usapan

“Hindi pa nga eh katukin mo kaya para makapag breakfast na din siya bago tayo umalis.”

“H- huh? T- teka bakit ako?” Kanda utal niyang tanong

“Haler! Malamang ikaw, Ikaw ang wife nya diba? Anong gusto mo ako ang pumasok sa kwarto nya? Mamaya topless pala syang matulog rape- in ko yon ikaw rin baka mag sisi ka.” Biro nito

“P- pero hindi naman kami tunay na mag asawa diba kaya bakit kailangan kong pumasok sa kwarto nya? Hindi natin alam baka rapepist pala ang lalaking iyon kaya bakit ako papasok sa room nya?” Mariing tangi niya

“Rapepist? Eh halos ayaw ka nga ka mong tingnan diba?”

“P- pero kas-

“Wala nang pero pero! Kung hindi mo siya papasukin duon baka malate tayo sa flight kaya puntahan mo na. ” Wika nito habang tinutulak siyang palapit sa kwarto ng asawa

Wala na siyang nagawa kundi ang sundin ang utos ng bruha niyang kaibigan. Halos tatlong minuto na siya sa harap ng kwarto ni Jaycee ngunit hindi niya mapag pasyahan kung kakatukin ba niya ito o hindi ngunit. Paalis na sana siya nang maalala ang sinabi ng kaibigan na may karapatan siya bilang asawa nito. Lakas loob siyang kumatok ngunit wala siyang narinig na sagot mula sa binata kaya nag pasya siyang pumasok sa kwarto nito.

 

Tulad ng imagination ni Elaine, topless nga ito kung matulog nalantad tuloy sa mga mata niya ang maganda nitong pangangatawan. Halos kumawala ang dibdib niya sa kaba dahil sa mga pandesal  na tila kumakaway sa kanya. Nanghinayang tuloy siya dahil hindi niya nadala ang kapeng tinimpla niya kanina sakto sana ito habang walang sawa niyang tinititigan ang mga mainit init na pandesal ng asawa.

Pinilit niyang labanan ang kalokohang tumakbo sa isip niya at ginising nalang ang tila mantikang natutulog na lalaki. Nakailang tawag din siya sa pangalan nito ngunit walang senyales na gising na ito. Lalabas na sana siya ng kwarto ngunit laking gulat niya ng biglang may kamay na pumigil sa kanya at bigla nitong hatakin ang kanyang kamay dahilan para mawalan siya ng balanse at tuluyang matumba sa topless nitong katawan.

Pinamulahan siya ng mukha ng maramdaman ang init na nagmumula sa katawan ng asawa at halos pigilin niya ang kanyang paghinga dahil sa takot na marinig nito ang mabilis na pag tahip ng kanyang dibdib.

“Bakit namamaga ang mata mo? Umiyak kaba?” Seryoso nitong tanong

“B- bakit naman ako iiyak?” Pagsisinungaling niya

“Dahil nag seselos ka, tama ako hindi ba?” Tanong nito habang nakatingin sa labi niya bagay na lalong nagpakaba sa kanya.

“A- ang kapal ng muk-

Pinutol nito ang kanyang mga sasabihin sa pamamagitan ng isang mabilis na halik. Saglit siyang natulala ngunit naka bawi rin kaagad kaya naisip niyang kumawala sa pagkaka yakap nito ngunit mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkaka yakap nito sa kanya.

“Walang hiya ka talaga! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” Galit niyang tanong habang binabayo ang dibdib nito

“Masama bang yakapin at halikan ang sarili kong asawa? Your my wife kaya sa tingin ko walang masama sa ginawa ko.”

“Bwesit na lalaking to! May pagka butterfly pala! Pag katapos makipag palitan ng i love you sa babaeng iyon ngayon ay hahalikan ako't sasabihing your my wife.” Inis na bulong niya sa sarili

“Oo nga naman Sam! Haha, Sorry ang tagal nyo kasi kaya susunduin ko na sana kayo. Bukas din yung pinto kaya pumasok na ako.”

“K- kanina ka pa ba nanjan?” Kanda utal niyang tanong sa kaibigan

“Oo pero don't worry hindi ko naman nakita na hinalikan ka niya, pumikit kasi ako. Tsaka pwede bang mag layo na kayo naiingit ako eh.” Wika nitong pinipigilang matawa

Automatiko niyang naitulak ang asawa ng mapagtanto niyang magkalapat parin ang kanilang katawan dahil sa higpit ng pagkakayakap nito sa kanya.

“Ouchh! ang sakit no'n ahh. Pagkatapos kitang i comport ito ang igaganti mo sakin?” Kunwaring reklamo nito

“Iyan ang bagay sayo at kung tutuusin kulang pa iyan sa pang ma- maniac mo sakin! Hmp.”

“Ahh mauna na ako sa labas lumalamig na kasi ang pagkain.” Singit ni Elaine

“Hintayin mo ako Elaine, bigla akong na gutom.” Tawag niya sa kaibigan at saka mabilis na lumabas ng kwarto

“Akala ko ba gusto nya akong ayain mag almusal bakit hindi nya man lang ako hinintay makalabas? Pero ang galing ng ginawa mo Jaycee naka isa ka duon.” Nangingiting bulong niya sa sarili habang dina-dama pa ang malambot na labi ng asawa

Matapos mag shower agad siyang lumabas para makapag almusal. Naabutan niyang tinutukso ni Elaine ang namumula niyang asawa ngunit bigla rin itong tumigil ng makita siya.

“Kain na Jaycee mahirap mag byahe ng walang laman ang tyan.” Ani Elaine

“Salamat.” Maiksing niyang sagot at saka naglagay ng pagkain sa pinggan

Tila naging sementeryo ang dining area dahil sa naka-kapanis laway nilang katahimikan. Pinigil ni Elaine ang sarili na dumaldal dahil ramdam niyang beast mode ang kaibigan at tiyak na malilintikan ang taong mang iinis dito kapag nananahimik ito.

Matapos mag almusal agad silang nag asikaso para hindi ma late sa flight. Habang sakay ng taxi papuntang airport pansin niyang wala paring imikan ang dalawa kaya naisip niyang pabuksan ang radio sa taxi driver para kahit pano'y magkaroon ng kaunting ingay ang ang kanilang byahe.

Kapag tumibok ang puso wala kanang magagawa kundi sundin ito, Kapag tumibok ang puso lagot kana siguradong huli ka... 🔊

“Manong paki patay nga po iyang radio.” Inis na baling ni Sam sa driver

Natawa naman siya sa inasal ng kaibigan palibhasa parang ito mismo ang pinapatamaan ng kanta iyon.

All Rights Reserved 2020

Copyrights © 2020 by LEEANNA89

_________________________________

A/N: Thank you for continue reading my story lab you guys!

Ps. Vote, comment and dont forget to follow me for more kilig story♡

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Emergency couple series 1   FINAL CHAPTER

    “Emergency couple final chapter”Nangako siyang sa kanyang asawa na hindi na niya muling pipilitin ang sarili na maalala ang nakaraan ngunit hindi parin niya magawang hayaan nalang na tuluyang malimutan ang mga alaalang iyon dahil pakiramdam niya'y nawalan siya ng isang parte ng katawan kaya't kailangan niya itong mahanap“Honey! Gusto ka daw makita ni kuya Neil at Elaine halika muna dito.” Tawag ng Misis niyang medyo maumbok na ang tiyan“Okay, Wait lang hon mag bibihis lang ako.” Sagot niya habang nagmamadali na makapag suot ng damit pang itaas Matapos makapag bihis ay mabilis niyang tinungo ang garden kung saan nakikipag video call ang kanyang asawa sa kanyang brother inlaw“Jaycee long time no see kamusta kana? Mukhang okay na okay kana ahh.” Nakangiting bungad nito sa kanya“Medyo okay na nga ako kuya salamat. Kamusta naman kayo d'yan?” Balik tanong niya sa mga ito“Heto sinusulit ang bawat araw namin dito sa italy, Ilang days nalang kasi balik na namin ng pilipinas kaya pinupun

  • Emergency couple series 1   CHAPTER TWENTY FOUR

    “Emergency couple chapter twenty four” Ilang araw na ang nakalipas mula ng ma discharge si Jaycee sa ospital kaya't sa bahay na ito tuluyang nagpapagaling. Bawat araw sinusubukan niyang gawin ang mga bagay na sa akala niya'y makakatulong para muli siyang maalala ng asawa.“A- anong bang ginagawa mo?” Gulat nitong tanong ng ma corner niya sa isang sulok“Hindi mo ba ito natatandaan? Ginawa mo ito sa akin nuon para maakit ako sayo.” Bulong niya sa tenga nito“Sorry pero wala talaga akong maalala ehh tsaka pwede bang medyo lumayo ka? H- hindi kasi ako komportable.” Sagot nitong paalis na sana ngunit mas lalo pa niyang inilapit ang kanyang sarili dahilan para masandal ito sa wall kasabay ang pagpindot niya sa switch ng ilaw“Sinong nag switch off ng ilaw sa salas ang dilim wala akong makita.” Reklamo ni Don EmilioMabilis silang naglayo ng marinig ang boses ng ama at dali daling pinindot ang switch ng ilaw.“Ohh hija, anong ginagawa ninyo bakit nakapatay ang ilaw?” Usisa nito habang nagp

  • Emergency couple series 1   CHAPTER TWENTY THREE

    "Emergency couple chapter twenty three"Mabilis na rumesponde ang mga police kaya't hindi nakaligtas sa mga ito si Troy. Agad nilang itong dinala sa police station para duon imbistegahan. Samantala mabilis namang nilang isinugod sa ospital ang duguang si Jaycee. Sinalubong naman sila ng ilang nurse at doktor at mabilis na dinala ng mga ito sa emergency room si jayceeHindi siya matahimik kaya't panay ang lakad niya habang naghihintay sa paglabas ng mga doctor na nagsagawa ng operasyon sa kanyang asawa. Hindi niya mapigilang mapaluha dahil sa sobrang pag aalala na baka hindi ito maka survive at tuluyan silang iwan nito. “Sam hija, maupo ka muna at mag relax. Maaaring makasama sa baby mo ang labis na pag aalala kaya please maupo ka muna.” Nag aalalang wika ni Don Emilio“Dad, n- natatakot po ako. P- paano kung iwan n'ya kami ng anak ko?” Garalgal ang tinig niyang tanong sa ama“Hija, lakasan mo ang loob mo para sa magiging baby ninyo. Naniniwala akong makaka survive si Jaycee kaya plea

  • Emergency couple series 1   CHAPTER TWENTY TWO

    “Emergency couple chapter twenty”One year later...“Hanggang ngayon nalulungkot parin ako para kay Tito Clark. Hindi parin ako makapaniwala ng humantong sa ganito ang lahat.” Baling niya kay Sam habang inaalis nito ang ilang tuyong bulaklak“Honey, nasa heaven na si Tito Clark ngayon kaya wag kang malungkot. Isa pa siguradong masaya na siya dahil okay na si Rhea ngayon.” Sagot naman nito na sinundan ng isang ngiti “Hindi ko lang talaga maiwasang malungkot kapag naalala ko si Tito.” Muling sagot niya “Tama na ang pag e- emote mister. Pupuntahan pa natin si Rhea remember?” Paalala pa nito"Okay, okay. Hindi ko naman nakakalimutan iyon." Natatawang baling niya itoSumulyap pa muna siya sa puntod bago tuluyang tumalima sa asawa. Naisip nilang dalawin si Rhea dahil matagal narin ang huli nilang pagkikita. Naging busy sila at maging ito'y naging busy din sa pag bawi ng kumpanyang iniwan ng kanyang ama at nag tagumpay naman ito kaya ito na ngayon ang pinakabago at pinaka batang presidente

  • Emergency couple series 1   CHAPTER TWENTY ONE

    Puno ng pagtataka ang mukha ni Jaycee ng ihinto niya ang kanilang kotse sa harap ng isang lumang bahay na animo'y walang nakatira kaya mukhang napabayan na ito. Hindi naman niya pinansin ang tila malaking question mark sa mukha nito at diretsong bumaba ng kanilang sasakyan. "Sino ang nakatira sa bahay na iyan at paano siyang makakatulong para makalaya si Rhea?" Hindi mapigilang tanong nito"Dito nakatira ang isa sa mga dumukot sa atin ng araw na iyon." Saot naman niya habang inililibot ang paningin sa kabahayan"Kung ganon hindi dapat tayo nandito na tayong dalawa lang. Delikado ang lugar na ito para sa atin." Nag aalalang wika nito"Wala na si Mr. Ignacio kaya ano pang saysay kung sasaktan nila tayo? Bukod duon nalaman ko din na hindi talaga masamang tao si mang Ben kundi napilitan lang itong sumama sa grupong dumukot sa atin dahil kailangan niya ng pera para sa operasyon ng kanyang bunsong anak." Sagot niya habang papalit sa pinto at saka kumatok sa naka awang na pinto "Si Ben ba

  • Emergency couple series 1   CHAPTER TWENTY

    “Emergency couple chapter twenty”Isang pamilyar na tunog ang narinig nilang umaalingawngaw mula sa labas ng gusali kaya't kahit nanlalambot pa ang kanyang mga tuhod dahil sa labis na takot ay pinilit parin niyang tumayo at iwan panandalian ang kanyang asawang si Sam upang salubungin ang mga rescuer. Agad naman niyang nabungaran ang mga rescuer at mga pulis na nagmamadaling umakyat sa gusali kaya tinawag niya ang pansin ng mga ito upang makita ang kinaroroonan nila. Dali- dali namang pumunta ang mga ito sa kinaroroonan nila at agad na dinaluhan ang dalawang taong duguan at nakahandusay sa lapag.“May pulse pa isang ito, mag mabilis kayo't isakay natin siya sa ambulansya.” Tawag pansin nito sa mga kasama Agad naman lumapit ang iba pang rescuer at mabilis ngang isinakay sa ambulansya ang may buhay pang si Rhea. Dinali din sila ng mga ito sa ospital para magamot ang ilang sugat sa katawan. Matapos silang lapatan ng first aid ay agad silang naghintay sa labas ng operating room para alami

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status