Share

Enchanted: Chapter 1

THIS IS WHERE IT ALL STARTS . . .

---

What the hell? Kailan ba ako titigilan ng mukhang mandirigmang 'to?!

Nakakasama ng araw. Lalo na kung titingnan mo 'yong lip tint niya na hindi naman bumagay sa hitsura niya. What an eyesore.

"Hoy, monster. Kinakausap kita, 'di ba?"

Hinarap ko siya at matapang na sinalubong ang nanlalait niyang tingin. "How many times do I have to tell you? I'm not a monster. I*****k mo 'yan sa utak mo kung meron ka man."

Pinipilit nila ako umamin na monster ako in front of the students here. Nakita raw kasi ng kaibigan niyang si Maxine ang kapangyarihan ko.

Yes, I am fully aware that I have power. I know that one. Pero I can't just spill the tea here!

To tell you who the hell is me. I am Arya Arabella Dasiria Camster. A fourth year high school student in Greenfield High. Katamtaman lang ang height ko, just like an average high schooler. Namumukod-tangi naman na isa akong estudyante na ang buhok ay kulay abo.

If you're asking how come kulay gray ang buhok ko. The school didn't care about it. Ang mahalaga sa kanila ay matataas ang grades ng estudyante. Wala rin silang pakialam kung mas makapal pa sa make-up ng clown ang nasa mukha ng isang estudyante. Kagaya ni Evelyn.

Kaya huwag ka na magtaka kung bakit ganito mag-ayos ang witch na 'to.

And about my attitude? Aminado ako na may bad side ako. Patola ako eh, char! Masungit ako. Masungit lang . . . siguro?

"How dare you to say that? Walang nagbibigay sa 'yo ng karapatan na utusan ako! Baka nakakalimutan mo kung sino ako, monster?"

That right there is Evelyn. Ang witch sa buhay ko. Top 1 siya sa mahilig mang-bully sa school namin - ng girls. Yes, girls lang. Takot naman kasi 'yan sa mga bully na lalaki rito sa school. Top 1 din yan sa katangahan in case you're interested.

"Whatever, witch. I don't like knowing you because you don't seem interesting at all,"

"How dare you?” asik niya. Dumapo ang mabigat niyang kamay sa kaliwang pisngi ko.

What the - ? How dare this b*tch -

Arya, breathe in . . . breathe out . . .

Ipinikit ko nang mariin ang mata ko.

Since she wanted it.

Nang imulat ko ang aking mga mata, sinampal ko ito nang mas malakas pa sa ibinigay niya. Bakas ang gulat at napasinghap ang mga estudyanteng nanonood sa 'min. She wants a show right? Then I'll give it to her.

"Ang lakas ng loob mo sampalin si Evelyn!" may gigil na sigaw ni Angelique habang nakaamba na rin sumampal.

Good thing, I have fast reflexes kaya hindi lumapag sa pisngi ko ang magaspang niyang kamay.

Maganda na sana itong si Angelique, eh. Puwede na kaibiganin. Kung hindi lang nagpauto sa bobitang Evelyn.

Pinipilit niyang kumawala mula sa pagkakahawak ko kaya't mas lalo ko itong hinigpitan. "Stop! Let me go!"

'Di ko na namalayan na nakaramdam na ako ng pagbabago sa sarili ko. Uminit ang paligid ng mata ko at saka nakaramdam ng kakaibang sensasyon. Naramdaman ko ang rumaragasang enerhiya mula sa aking dibdib na umiikot papunta sa buong katawan ko.

Lahat sila ay nagulat sa nakita nila. Ang iba ay tumili at nanlalalaki ang mata na nakatingin sa akin.

Shit. Lumabas ba? No way!

"I told you, Evs. Maniniwala ka na ba?" bakas ang pagmamayabang na sabi ni Maxine. Pinukulan ko naman ito ng masamang tingin dahilan kung bakit napaatras siya.

Nagsimula na madagdagan ng mga walang takot na chismosa ang puwesto namin. Dahan-dahan akong humakbang paatras upang lumayo sa kanila. Naisipan ko nang tumakbo paalis sa school bago pa nila ako palibutan at pagkaguluhan. Narinig ko pa ang pagsita sa 'kin ng mga guard pero hindi ko na sila pinansin.

Pagkauwi ko sa bahay ay kaagad ko hinanap ang nag-iisang taong makakatulong sa akin.

"Ma?" Sa oras na hanapin ko siya, lumabas si Mama na nanggaling sa kusina. Tumakbo ako papalapit sa kaniya. "Ma!"

"Why, Arya? What happened? Bakit pawis na pawis ka? At saka bakit ang aga mo yata? Did you ditched your class?" she asked. Yumakap ako sa kaniya saka umiyak. Siya lang ang makakatulong sa 'kin ngayon.

"Ma . . . paano ko mabubura sa alaala nila 'yon?" I sobbed while burying my face on her chest.

"What do you mean, Arya? Tell me."

Kinuwento ko kay Mama ang lahat. Wala akong tinira kahit ni isa kasi wala naman magandang mangyayari kung magsisinungaling pa ako.

"Arya, kailangan natin 'to sabihin sa kanya," suhestiyon ni Mama. Umiling ako nang paulit-ulit. That will be the last thing that I will do. Pero dahil mommy is here. Her powers will help me para makalimutan nila ang nakita nila.

Dahil hindi puwede ang sinasabi niya!

Masyadong strikto ang matandang 'yon! Kulang na lang ay ikulong niya ako sa kaniyang bahay noong binisita ko siya.

"No, Mama! Hindi natin sasabihin. You know him, Ma, 'di ba? You won't like him when he's mad. Ma . . . don't tell him, please. Don't . . .," pagmamakaawa ko kay Mama na iling lang ang isinagot sa akin. Ayaw ko na ipaalam sa matandang 'yon kasi gusto ko pa mabuhay.

That may sound as an exaggerated or over acting. Pero that's the truth! The last time na nalaman niya na may ginawa akong kalokohan. Twice a week lang ako pinakain noon tapos araw-araw pa ang training.

"Okay, fine." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya.

"Thank you, Ma! You're the best!

Hindi niya puwedeng malaman. Basta hindi.

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status