Share

Enchanted: Chapter 1.1

"Good bye, Ma. Papasok na po ako," pagpapaalam ko bago h*****k sa kaniyang pisngi. Ni-pat niya ang ulo ko bilang sagot.

Tsk, palagi niyang ginagawa 'yon. And then, I always look like a kid.

"Ingat, ha? Huwag na maging careless at malalagot tayo," pagpapa-alala niya habang kumakaway.

Naglakad na ako papuntang school dahil walking distance lang naman. Para na rin makapag-exercise ako. Lalo na at hindi pa bumibisita si Tanda. Ibig sabihin wala pa akong training. Nagkakaroon lang naman ako ng hell days tuwing nandito siya sa bahay o ako ang dumadalaw sa kaniya. Eh, sa ngayong hindi kami nagtatagpo, wala rin namang naging ganap. Pakiramdam ko nga ay nangangalawang na ako eh.

Sa paglalakad, hindi ko na namalayan na nasa school na pala ako. Doon ay naramdam ko ang tinginan nila sa 'kin.

"What?" tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang kanilang nanunuring tingin.

They didn't remember anything, right? My Mom's magic worked, right? . . . .Right?

"Oh, dear. Look who's here?" panimula ni Witch. Lumabas siya mula sa pagkukumpulan ng mga estudyante. Kasama ang mga alipores niyang natatapalan ng makakapal na make-up.

"The monster,” gatong ni Angelique. Nakangisi ito habang may nanunuya ang tingin sa akin.

“Bakit ka pa ba nandito, ha? Bawal ang monster dito. So that simply means bawal ka rito. Sa ipinakita mo kahapon. May lakas ng loob ka pa para pumasok? Ang tindi mo rin eh, 'no?" mahabang litanya naman ni Maxine habang nakakrus ang braso.

These bitches.

Magsasalita na sana ako nang pangunahan nila ako.

"Bawal ang monster dito, Arya. So get the hell out!" Halos panindigan ako ng balahibo nang marinig ko iyon.

They started to throw names at me such as monster, freak, alien, and anything na siya naman talagang hindi ko ma-absorb. I stepped back, pakiramdam ko ay ume-echo ang mga salita nila sa utak ko.

While making distance among all of us, I gasped when I heard a growl from somewhere nearby. It was enough to make me feel fragile, I feel like I’m melting.

"Oh-ho! Look what I've just found," the thing that suddenly came out of nowhere growled while staring intently at me. "Tasty, daughter of the witch craft."

I have no idea what that shit is! And what did it just call me? Daughter of the witch craft?

"Mag-transfer ka na lang sa school na tumatanggap ng halimaw like you,"

Nakuha noon ang atensiyon ko kung kaya't wala sa sariling nagpatama ako ng isang malaking fireball sa likod nila Evelyn. Tumama ito sa mga wiring kung kaya nagsimula ang isang sunog.

Dumilim din ang paligid dahil sumabog ang kuryente. Kaya wala sila makita sa paligid nila.

"Where the hell – "

"I will see you soon, charmer," a gleam flashes on the right corner. I turned around and the only thing I saw was complete darkness. Saan naman nagpunta ang nilalang na 'yon? And what even is that?

Napuno ng sigawan nilang lahat ang paaralan. Nagsitakbuhan ang mga estudyante palayo sa akin. Nakita ko pa ang iba na nagkakandarapa habang tumatakbo para sa kaligtasan nila. Napansin ko ang ilang flashes of light na sa tingin ko ay galing sa mga gadget ng ibang estudyante.

Because of so much curiosity. I decided to look for the weird monster. Dahil sa tingin ko ay hindi pa 'yon nakakalayo. And I can still sense its weird aura that is slowly becoming more familiar in my system.

I started to walk away from the crowd and make my senses lead the way when someone grabbed my left arm.

"Where do you think you're going? I'll report you. Tignan mo ang ginawa mo!" Ramdam ko ang gigil sa pagitan ng mga ngipin ni Evelyn habang binabanggit 'yon. Napansin ko rin na unti-unting bumabaon ang mahahaba niyang kuko.

“Let go!” sigaw ko rito, but she did not mind.

Itinuon ko ang buong atensyon sa kaniya. Dinakma ko si Evelyn na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa 'kin. "What now? Are you scared?" I asked, smirking.

"Monster!" sigaw niya.

Lalong nanlaki ang mata niya nang lumutang siya.

You called me a monster? Then I will be.

"Evelyn!"

"Hoy, bitawan mo nga siya!"

"Ooh . . . you look so cool. Fly, Evelyn, fly," Natatawang sabi ko. Hindi ako nito pinansin saka nagsisisigaw sa takot habang nasa ere. "Kaya mo na pala lumipad ngayon, Evelyn?"

"Witch! Ibaba mo ako ngayon na!"

"Don't you dare mess with me," bulong ko sa kaniya. Walang emosyon ko siyang tinignan nang bitawan ko siya. Agad siyang sinalo ng mga kaibigan niya saka inalalayan.

She will not die. Ako ang may hawak ng buhay niya at that time. Kaya alam ko kung mamamatay siya sa kamay ko or hindi. Lucky her, may awa pa ako sa kaniya.

Naglakad na ako palayo sa school. I do not have plans on coming back anymore. I think he will kill me if he knows what I have done. Knowing him, ayaw niya na hindi siya sinusunod.

***

Gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Halos maubos ko na ang stock ng gatas namin dito sa ref pero hindi naman tumatalab. Naglakad ako paakyat sa kuwarto ko upang magbasa. Baka sakaling dalawin ako ng antok habang ginagawa 'yon.

Kumuha ako ng isang libro na nakahanay sa Fantasy section saka umupo sa higaan ko at sumandal. Natigilan ako nang makarinig ako ng ingay. Napatingin ako sa bintana ng kuwarto ko saka napagdesisyonan na sumilip.

"Ilabas ninyo siya! Nasira ang Greenfield High dahil sa kanya!"

May mga tao sa labas na may dalang sulo. Ang akala ko sa Wansapanataym ko lang 'to napapanood. Mangyayari rin pala sa buhay ko.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon. Iniluwal nito si Mama na nakasuot ng black cloak.

"Arucis heard everything,"

Tumango ako bilang sagot. Hindi ko na siya tinanong pa kung paano. Kung sino ang may gawa ng pagpaparating ng nangyari kay Arucis o ano pa man. Mama will handle them. Then I will handle myself.

"Mag-iingat ka, ha? Ayaw ko na magsumbong sa akin si Arucis kasi napakakulit mo roon. Saka nandoon ang Papa mo. Kaya may tiwala naman ako na hindi ka pababayaan doon,"

'Yon ang sinabi ni Mama sa 'kin bago ako umalis ng lugar na kinalakihan ko. Mali talaga na nandito ako. 'Di ako nababagay sa mundo na 'to–mundo ng tao. As what I've mentioned before, I have a power. And I'm the one who knows where I should go right now. Kaya ngayon nga, nasa gitna ako ng gubat. Which will be the entrance to the World of Charms. And I will be entering my Academy now.

This is the oldest way para makapasok sa World of Charms. The modern way ay through your own magic na. Mama wants to do it, para kapag balak ko bumalik ay sa kuwarto ko agad ako didiretso. But no, I'm fine with travelling alone.

Here I am now. In front of the portal na hindi pa nabubuksan. Kumuha ako ng coin. 'Di lang 'to basta coin dahil may mark ito na nagsisilbing pass ng papasok. Hinawakan ko ito ng mahigpit at pumikit ng mariin.

Sana kabisado ko pa ang pass.

Saka ko na lang naramdaman ang matinding hilo at pagsakit ng pwetan ko. Nanlambot ang tuhod ko dahil nanibago ulit ang katawan ko. Badtrip. Babagsak na nga lang sa marmol na bato pa. Teka . . . sino 'tong mga nasa harapan ko? Bakit ang dami nila? Oh no, don't tell me mali ako ng binanggit na pass.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status