Share

Enchanted: Chapter 3

Penulis: Vikkuwu
last update Terakhir Diperbarui: 2022-04-27 10:58:52

THEY KNOW ME?!

-

Ramdam ko na ang pagod habang naglalakad ako sa isang malawak at hindi pamilyar na lugar. Pakiramdam ko ay nagrereklamo na ang mga binti ko sa sobrang sakit. Hindi rin nakatutulong ang init na tumatama sa balat ko kaya halos maligo na ako sa pawis.

"Geez, saan na ba ako napadpad?" tanong ko sa sarili ko nang pakiramdam ko ay naliligaw na ako. Sobrang lawak naman kasi rito. Puro building ang nakikita ko, kung hindi building, malalawak na lupain naman na halos walang laman.

Natanaw ko mula sa malayo ang isang lugar kung saan may kaunting lilim. Lumakad ako papunta roon at saka naupo sa isang bench na nasa ilalim ng malaking puno. Napag-isipan ko na rin na magtatagal na muna ako rito kung saan maraming bulaklak at benches na nakapaligid. Wala naman sigurong makakahuli sa 'kin dito. Lahat kasi ng nadaanan ko na classroom ay sarado, tahimik at walang tao sa hallway. Class hours na siguro kaya ganoon.

May mga guards kaya sila rito na rumoronda? Paano kung hulihin nila ako kasi iisipin nila na nagc-cut ako ng class? Pero may common sense naman sila, 'no? Hindi naman nila iisipin na matagal na akong estudyante dahil sa hitsura ko.

Tumingin ako sa kawalan at saka pumasok sa isip ko ang mga nangyari sa akin. Simula sa panggugulo ni Evelyn hanggang sa makaharap ko si Arucis. Ano na kaya ang nangyayari kay Mama? Ligtas kaya siya roon? Tsk. Nag-iwan pa ako ng gulo bago umalis. Pero babawi naman ako sa kaniya. I'll make her proud soon.

"Tama na nga ang pag-iinarte," sabi ko sa sarili ko. Bakit pala hindi ko pa inaayos ang mga gamit ko, 'di ba? Ay, naliligaw nga pala ako. Susubukan ko na lang ulit mag-ikot para malaman ko kung saan ba ako dapat mapunta.

Teka nga. Nasaan ba 'yong mapa na binigay sa 'kin ni Papa? Ang pagkakatanda ko ay isa 'yon sa mga gamit na ibinigay niya sa akin.

Inalis ko sa pagkakasukbit ang bag ko at inilapag ito sa may upuan. Nagsimula na ako maghalungkat ng mga gamit doon. Halos mailabas ko na lahat ng gamit ko pero hindi ko pa rin nakikita ang pakay ko. Wala ba akong mapa o bulag lang talaga ako?

"Nasaan ka na ba?" Asar na tanong ko saka tuluyang ibinuhos ang laman ng bag ko.

Nalaglag sa sahig ang mga maliliit at kulay brown na mga notebook. Nakalagay roon ang tatak ng Camster Academy sa bawat pabalat.

Nagsimula na ako muli maghanap sa mga 'yon. Binuklat ko na lahat ng notebook dahil baka nakaipit sa mga 'yon ang mapa ngunit wala akong makita.

Ano ba kasi ang hitsura ng mapa na 'yon?!

"Hey, I think you dropped this." Napalingon ako sa taong nag-abot sa akin ng isang kulay puting scroll. Dahan-dahan ko inangat ang tingin ko papunta sa kaniyang mukha.

Hindi ko mapigilan na mapa-nganga sa kagandahang lalaki niya.

Kumikintab ang kulay itim niyang buhok na nasisinagan ng araw. Lumitaw rin ang pagkaputi ng kaniyang balat. Hindi ko mapigilang mamangha sa maitim niyang mata na parang nangungusap. Isali mo pa ang mapupula niyang labi at matangos na ilong. Para siyang campus heartthrob sa dating niya. Ideal guy!

Add to cart! Add to cart na 'to, 'te!

"Calvin!" Natigil ang pagsipat ko sa kaniya nang may malakas na boses na nangibabaw sa tahimik na lugar.

"Here. Ito 'yong mapa ng school. You can handle yourself, right?" Ngumiti ito sa 'kin nang pagkalawak-lawak, doon ko nakita ang mapuputi niyang ngipin. Hinawakan ang kamay ko at saka inilapag doon ang scroll.

Tumakbo ito papunta sa lalaking tumawag sa kaniya. Pinagmasdan ko silang maglakad papalayo.

Napangiti ako saka tumingin sa scroll. "Thank you."

First day pa lang pero mukhang gaganahan na ako rito, ha? Biro lang, parang ang haliparot ko naman. Sinimulan ko alalahanin ang mga nakilala ko sa unang araw na tumapak ako rito. Ang sabi nila makakakuha ka raw ng kaibigan kapag sa una pa lang ay natandaan mo na sila.

Pero napabusangot ako nang pumasok sa isip ko si Zach. Lalo na ang hitsura noon nang humampas ang likod niya sa pader. Hindi ko makalimutan ang nakamamatay niyang tingin habang bumabangon mula sa pagkakasalampak –– hudas! Bakit naman siya pumasok sa isip ko? Tsk. Maganda na sana, e.

Tumayo na ako at saka pinulot ang mga gamit na nakatambak sa sahig. Ilang minuto ang ginugol ko bago ko ipasok ang mga gamit na ikinalat ko. Napagdesisyonan ko na maupo muna saglit para makapagpahinga pa. Hindi pa sapat ang pagmumuni ko kanina, e.

"Now, let's see. Paano ba gamitin 'to?" tanong ko sa sarili ko habang binabaliktad ang scroll. "Ay, palaka!" Nasapo ko ang dibdib ko nang bumukas ito saka lumabas ang isang papel. Doon pala nakaukit ang mapa ng school.

Ganoon pala 'yon? Sorry na, ignorante lang.

Tumayo ako saka napagpasiyahan na magsimula nang maglakad. Tinahak ko ang tahimik na hallway ng isang building na napasukan ko. Class hours pa siguro kaya tahimik pa rin ang paligid. Binalik ko ang tingin ko sa mapa. Sa tingin ko tama naman ang daan ko. Pagkatapos ko malampasan ang building na ito ay kakaliwa ako.

Tinignan ko naman ang likod ng schedule na ibinigay ni Papa kanina.

May nakalagay roon kung saang building at room number ako pupunta. Ito naman ay kapag mayroon na akong pasok. Which will start tomorrow. Susulitin ko na ang pagdaan sa building na 'to. Para alam ko kung saan ako papasok bukas.

CAB, Room 27.

Third floor yata 'yon eh. Wala namang 27 dito sa baba. Dadalawa lang ang classroom na nandito. Pero bakit walang hagdan? Saan ako daraan paakyat? Sumilip ako sa ibang sulok nitong building pero wala talaga akong makita.

Naglakad na ako palabas nang Academic Building. Pero nasa hallway pa lang ako nang biglang may isang bell na gumawa ng malakas na ingay. Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ako ng masayang sigawan ng mga estudyante. Kumunot ang noo ko saka ipinihit ang aking katawan. Doon ko nakita ang mga estudyante na kalalabas lamang sa isang malaking column nitong building.

Lumabas sila sa isang haligi nitong building? H u h ?

Tinignan ko ang wristwatch na nasa kaliwang bisig ko at saka nakita ang oras. Kasabay noon ay tinignan ko rin ang schedule na ibinigay sa akin ni Papa. 4 P. M. na pala.

Ayon sa schedule ay alas kuwatro nagtatapos ang klase. Bale uwian na nilang lahat. Kailangan ko pa tuloy makipag-siksikan sa mga estudyante na ito.

Ano ba 'yan! Bukas ko na nga lang sisilipin 'yong magiging room ko. Panira naman ng timing, o.

"New student?"

"Obviously,"

"She looks so simple. I don't like her,"

"Same. I guess basics lang ang alam niya,"

Buti sana kung magugustuhan ko siya. Lol.

And what do they mean about 'basics'?! Not to brag pero si Arucis ang nagt-train sa 'kin, 'no! 'Yong Headmaster niyo Personal Trainer ko lang, duh!

"Excuse me,"

"Excuse,"

"Makikiraan lang,"

'Yan ang paulit-ulit ko sinasabi sa mga nakakasabay ko. May naririnig din akong pag-angal ng iba. Tusukin ko kaya stomach mo? Buti nga nakisuyo pa ako at hindi ka itinulak, e.

And after how many minutes sa impyerno. Joke. Nakalabas na rin ako sa kumpulan ng mga estudyante na sabay-sabay lumabas sa isang column.

Also, thankful naman ako na nasa tapat na ako ng mataas na gusali, nakakakuha ng atensiyon ang isang malaking karatula na may nakalagay na CDB. Hindi ako naligaw. And nagamit ko ng tama 'yong mapa, ngayon. Pero may ibang bagay pa rin ako na hindi maintindihan, e. Ano ba 'tong C at S na 'to? Wala naman legend na nakalagay. Akala ba ni Arucis manghuhula ako?

New Achievement Unlocked!

Joke.

Pinagmasdan ko ang mataas na Charmer's Dormitory Building. Lumampas sa sampung palapag ang building na ito. Puno rin ng bintana ang pumapalibot dito bukod sa maraming balkonahe kada palapag. Astig! Ilang kuwarto kaya ang nandiyan?

"Ikaw 'yong babae kanina, 'di ba?"

"Ay, palaka!" Nagulat ako nang may biglang sumulpot sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang babaeng malapad ang ngiti habang nakatingin sa akin.

"Ang ganda ko naman para maging palaka," sabi nito saka tumawa nang malakas.

Tinitigan ko naman siya nang maigi kasi pakiramdam ko ay nakita ko na siya.

Ah! Siya 'yong babae sa portal kanina. 'Yong isa sa mga kasama noong Zach na hindi ko gusto ang aura.

"You're Bri –– "

"I'm Brina. Sa CDB ka pala? Actually noong una kitang makita feeling ko sa SDB ka, e,"

"SDB?"

"Sorcerer's Dormitory Building, 'yong nasa kabilang ibayo pa,"

"Bakit? Mukha ba akong witch?" tanong ko sa kaniya. Grabe, 'te! Sa ganda ko na 'to pagkakamalan mo akong sorcerer? Nahiya genes ni Mamc at Papc ha!

Tumawa naman siya nang malakas kaya napakunot ako ng noo. Baliw ba 'to? Omg, sana hindi ko siya ka-roommate if ever man.

"Hindi ah, mukha ka ngang goddess eh. Tinalo mo si Aphrodite, girl!" Kumindat ito na parang lalaki. Pagkasabi niya noon ay may kulog kaming narinig na galing sa taas. "Oops, sorry," aniya pa. "By the way, anong room number mo?" tanong niya.

"50-A," tipid na sagot ko.

Nag-korteng 'O' ang bibig niya pagkasabi ko noon. "Roommate tayo! Emeged! May ka-roommate na ako! One month din akong nagtiis nang walang ka-room mate eh. I'm so excited na makasama ka!" Halata nga.

Siya pala roommate ko? That's nice –– WAIT, W H A T?! Bakit? Why?!

Naglalakad na kami papuntang 5th floor. Siya na raw ang magtuturo kung saan ang magiging dorm ko. I mean, dorm namin. Since roommate ko siya.

"Anong kaya mo gawin?" tanong ko habang naglalakad kami papaakyat. We're currently on the third floor.

"I can do illusions. Also has a wind charm. How 'bout you?" Wind? Class B.

Napatingin ako sa taas habang iniisip kung akin sa charms ko ang ipapakilala ko. Pero tutal room mate ko siya. "I have those RARE or known as Class S, SPECIAL or known as Class A, Combined which is the Class B, and SUBs or also known as the C. Also I can be a Witch. But it depends kung gusto ko pag-aralan ang Sorcery." Pakiramdam ko napakachismosa ko nang sinabi ko 'yon. Dapat ba nanahimik na lang ako?

Napahinto siya sa paglalakad. Kaya huminto rin ako.

"You have those? That means, you are the –– "

Tumango ako kasi alam ko kung ano ang nasa isip niya. "The daughter of the Head Teacher of this school. The Headmaster's granddaughter. Hmm, the Princess of this creepy world, because I'm the daughter of the Queen. Hmm, ano pa ba?" Tulala siyang nakatingin sa 'kin habang pinagpapatuloy ko ang pagpapakilala.

Absolute Charmer? Nah. 'Di ko pa ma-claim 'yan. Pero panay sabi sila Papa na absolute nga 'ko. But I just can't. I can be an absolute charmer if I've mastered all types of charms. Eh as of now, hindi pa naman.

"O-M-G! I CAN'T BELIEVE." Alam mo 'yang sinabi niya? Capslock. Para dama mo na hindi talaga siya makapaniwala na ako 'yon. Napatingin ako sa mga estudyante na nakatingin sa gawi namin. Ang ingay kasi! Madaldal pala 'to, feeling ko talaga hindi ko dapat ni-chismis, e.

Pero kahit naman nalaman niya, may part pa rin sa akin na gusto ko siyang pagkatiwalaan. I don't know. Maybe that reason is . . .

"Huwag mo munang ipaalam," sabi ko nang may diin. Mahirap na. At baka maling tao ang pagsabihan niya.

. . . I confessed it to her because I can feel that she's trustworthy. Arucis won't let her be one of my escorts kung hindi siya katiwa-tiwala.

"I PROMISE." Sabi niya at itinaas ang kaliwang kamay.

Kumunot ang noo ko saka pinagmasdan ang kaliwa niyang kamay na nakataas. "What was that for?"

"Ah, 'yan? It's a promising gesture,"

A promising gesture, huh?

"Kaliwa kasi malapit sa puso. That's what we believe in. And that means kahit anong mangyari. You won't break that promise kasi isinapuso mo 'yong sinabi mo,"

"Can we be friends?" Pagdugtong niya.

"Sure." Sabi ko at ngumiti.

***

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Enchanted: Camster Academy   Enchanted: Chapter 7.2

    Pinatawag lahat ng estudyante ng Camster Academy sa harap ng Main Hall. Sinakop ng maraming estudyante ang harap nito. Nagmukha tuloy itong pila tuwing flag ceremony.Suot ko ang isang white T-shirt, jeans at rubber shoes. Inayos ko ang tali ko habang naglalakad papunta rito. I don't want to waste more time. Lalo na at malalagot ang buhay ko kapag na-late ako. Kinapa ko ang dalawang royal hair stick na nagsisilbing panali ko.Dumiretso kami ni Brina sa pila ng section namin. Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng pisngi nang makita ko si Calvin."Yo," bati ni Zach pero hindi ko siya pinansin.As if papansinin ko siya. After ng pinaggagagawa niya kahapon? Nah. No way.Ilang minuto pa ang lumipas bago kami makumpleto."Attention." Tumingin ako kay Arucis na nakatungtong sa isang bench para makita namin siya. "Pinapayagan kayong lumabas ng school para lang sa isang bagay. Ang mamili ng kakailanganin ninyo para sa mangyayaring seremonya rito sa loob ng Camster Acdemy."Madami ang nagalak sa

  • Enchanted: Camster Academy   Enchanted: Chapter 7.1

    Pagkarating ko sa room ay nandoon na si Ma'am. Kung ihahalintulad sa mortal world ang subject niya, siya ang parang Values subject. Tinuturuan niya kami kung paano kontrolin ang magic namin. How our emotions affect us and the other people.Nang makita niya ako ay nginitian niya ako, ganoon din ang ginawa ko at umupo na.Maya-maya pa'y nagsidatingan na ang mga classmate ko. Ang iba ay may dala pang snacks. Na panigurado ay pumuslit pa muna sa dining hall bago dumiretso rito.Hindi na 'yon pinansin ni Ma'am at kumuha ng chalk.–––Reminders–––Napakunot ang noo ko nang isulat niya 'yon. Reminders? May quiz ba sa susunod na araw? Geez, hindi pa ako nakakahiram ng notes."Class, starting today. Wala tayong magiging klase, two days to be exact," sa sinabing 'yon ni Ma'am, marami ang natuwa. Malamang, walang pasok, eh.Ako? Hindi. Alam ko may mabigat na mangyayari kapag ganitong walang pasok."Ma'am, bakit po?" tanong ni Mia. Siya ang permanenteng katabi ni Calvin. Kaya sila ang magka-part

  • Enchanted: Camster Academy   Enchanted: Chapter 7

    I ARGUED WITH A GREEK NERD AND A WINGED HORSE – Halos mapunit ang labi ko dahil sa sobrang lawak ng ngiti ko. Paano ba naman kasi . . . ngayong araw na 'to ay nandito kami sa Training Hall. Dahil magt-training kami! Siyempre, duh. Sa sobrang excited ko ay nauna na ako kay Brina pumasok. Hindi ko na siya hinintay dahil busy pa siyang mag-ayos. Malapad ang ngiti na pumasok ako sa loob ng Training Hall. Halos mabura nga lang ito nang bumungad sa akin ang mukha ni Zach. Kalma, Arya. The win was on you last time, remember? At isa pa masiyadong maganda ang araw mo para masira ng isang mukhang bisugo lang, okay? Calm down, puwede mo siyang tustahin ngayong araw. Training niyo naman. Kapag napatay mo, sabihin mo nagt-train ka lang kung paano pumatay ng bwisit sa buhay. Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Nakita ko si Sir Homeres, which will be our trainer and also our adviser. Nagsisimula na siyang mag-head count pagkaupo ko pa lang. Err, bakit parang mas ex

  • Enchanted: Camster Academy   Enchanted: Chapter 6.1

    Maya-maya pa ay may dumating na isang lalaki. I guess his age is in mid-30's. Napaupo ako sa upuan ko. Ganoon din naman 'yong mga lalaki kanina. I guess mamaya ko na lang tatanungin si Ma'am Hobre. May dala siyang maraming libro. 'Di ko alam kung paano niya nabuhat lahat. Bumulong siya sa hangin at maya-maya pa'y nagsibagsakan ang libro sa lamesa namin. Sa bawat mesa namin ay may isang libro. Mukha itong makaluma dahil sa kulay nito - brownish. Mayroon ding dents sa ibang parte ng kaya naman masasabi ko na luma na. Narinig ko ang pag-ubo at pagbahing ng ilan sa mga kaklase ko. Ang iba ay iwinawasiwas ang kamay nila sa hangin upang maalis ang alikabok. "I am Sir David. Your potion crafting teacher. If you have any concerns about my subjects, meet me at my faculty room." Inilibot nito ang paningin niya sa classroom namin na parang may hinahanap. Nahinto ito nang makita niya ako. "I'm sorry kung maalikabok ang libro. I do not have much time to clean it. An

  • Enchanted: Camster Academy   Enchanted: Chapter 6

    I GAVE HIM A PLATE OF TWIGS-Halos iisa lang ang naging reaksyon ng lahat - shocked. Halos lahat sila nagulat or na-amaze sa ginawa ko. "Astig!""Eh, 'di ikaw pala 'yong absolute charmer?""Woah! Akala ko sa libro ko lang siya makikita. Sabi rin kasi ng mama ko inspirasyon ka lang para magseryoso ako sa pag-aaral,""Sample naman!"Tumingin ako kay Ma'am Hobre na tahimik na nakikinig. Nang maramdaman niyang tiningnan ko siya ay agad na itong nagsalita, "Quiet, class. No charms muna tayo, okay?""Yes, Ma'am," plastik na pagsang-ayon nila. Buntonghininga ang mga naging sagot ng iba at panay pa palatak. Talagang binoses ng pagtutol, hindi na nahiya. "You can now take your seat, Arya,"Tumango na lang ako saka naglakad pababa ng mini stage. Napatingin kaming lahat sa pinto nang may biglang walang habas na pumasok doon. Ang angas din ng dating niya. Kung pumasok akala mo siya ang hari rito. Tinaasan ko ito ng kilay dahil sa

  • Enchanted: Camster Academy   Enchanted: Chapter 5.2

    Saktong naglalakad na kami papunta sa Academic Building nang mag-ring ang bell. Inabot pala kami ng ilang oras doon. Grabe rin kasi ang lawak ng Academy na ito. "Tara na," pag-aya niya. Hinawakan ako nito sa pulsuhan saka hinatak ako papuntang Academic Building. Pumunta siya sa gitna nitong first floor. Nabanggit ko kanina na may dalawang daanan dito. Which is paakyat at pababa. Basta mukha siyang elevator or something. Mabilis ang andar nito paakyat nang may isang estudyante na pumasok doon. Wala pang isang minuto ay bumaba na ulit ang 'elevator'. Pumasok na kami sa loob at elevator na elevator nga ang dating! Pinindot ni Brina ang number 3. Hinayaan ko na lang siya kasi alam niya naman kung saan kami patungo. Sa oras na gumalaw ang kinalalagyan namin ay napakapit ako sa railings na nakapaligid. What the hell? Mabilis itong umakyat pataas matapos pindutin ni Brina ang button. Pagkahinto nito ay bigla akong nahilo. Nanlambo

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status