Share

Enchanted: Chapter 2

I GOT THROWN BY MY OWN FATHER AND IT'S NOT MY FAULT

"Intruder!" Kasabay noon ay bigla kong naramdaman ang pagtama ng likod ko sa isang matigas na bagay.

"What?!" angil ko habang naghahabol ng hininga. Tinulungan ko ang sariling tumayo nang dahan-dahan. Pakiramdam ko ay nabasag ang likod ko.

"Zach!" sabay na saway ng dalawang boses.

"Hello. Welcome to Camster Academy," bati noong babaeng maliit at maikling buhok. Agad niya akong dinaluhan saka inalalayan tumayo nang maayos. Para na kasi akong matandang walang tungkod kanina.

Ang ganda naman ng pag-welcome ninyo. Psh.

Pero wait – tama ba ang narinig ko? Camster Academy? Camster is my surname. Thank goodness at nandito na ako. Mabuti na lang hindi ako naligaw!

"Hi," bati ko habang nakangiti. Nawala sa isip ko kung gaano sumakit ang likod ko nang ma-realize ko na successful akong nakapunta rito. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak saka pinagpagan ang sarili ko.

"I'm Brina Riyoka," pagpapakilala ng babaeng maliit na may maikling buhok na tinulungan ako kanina. 'Di naman siya ganoon kaliit. Pero ngayon kasi na magkaharap kami ay mas matangkad ako.

"This is Brian Riyoka, my twin," pagpapakilala niya sabay turo sa lalaking nasa kanan niya. Doon ko napansin na may pagkakapareho sila. Medyo katangkaran nga lang ito at itim ang buhok, maputi at may kulay green na mata.

"And this is Van Zach Fier Edison," sabi niya sabay turo sa lalaking namumukod-tanging matangkad na nasa kaliwa niya. Mukhang masungit dahil sa nakabusangot na hitsura nito.

Inalis ko ang tingin ko sa kaniya dahil pakiramdam ko ay sumasakit ang mata ko. Sa pagkakatanda ko, siya ang sinaway kanina dahil sa pagbato niya ng charm.

"Nice to meet you," bati ni Brian.

"Me, too," bati ko pabalik.

"Not nice to meet you," bulong noong Van.

Hindi ko mapigilan iikot ang mga mata ko. I have a name you stupid brat.

'Tss, at sa tingin mo ba magiging nice rin ang makakakita sa 'yo kung ganyan ugali mo?'

Gustong-gusto ko isigaw sa mukha niya 'yan hanggang sa bumuga ako ng apoy.

Pero, nah. Kailangan ko magpakabait dahil nasa lungga ako ni tanda. Ayaw ko naman gumawa ng eskandalo dahil malamang ay makararating agad sa kaniya 'yon.

"What's your name?" Nakangiting tanong sa 'kin ng babae.

"Oh, me? I'm – "

"Arya!" Naputol ang sasabihin ko nang may tumawag ng pangalan ko.

Yeah, that's my name.

Lumingon kami sa pinanggalingan noon. Nang makita ko ang paparating ay ngumiti ako. Yumuko sila Brina, LOL feeling close kung maka-first name, nang dumaan si Papa.

Hindi pa ako nakakapagsalita nang magsalita ulit siya.

"Arucis was looking for you. Let's go." Paanyaya niya. Wait, ha? Arucis, as in my grandfather? Nandito siya? Aba naman kung minamalas ka, oo.

"Okay," tipid na sabi ko saka tinignan si Van na nakayuko. Tumalikod si Papa saka nagsimulang maglakad palayo.

Ngumisi ako saka nagpalabas ng charm kung kaya't tumalsik ang nagngangalang Van. Bago pa sila makapagsalita ay tumakbo ako upang habulin si Papa.

Hmp, bumawi lang ako.

"Papa, how did you know na papunta ako rito?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kung saan. Ah basta. Nakasunod lang ako sa kanya. 'Di ko pa kasi kabisado ang lugar dito. Lalo na at sa mundo ng mga tao ako lumaki.

"I had a dream last night, but it's not that detailed. You're going to stay here because your Mama told you to do so," sabi niya habang nakatingin sa 'kin. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "At saka, nagsabi na rin ang Mama mo. Kanina ko lang nalaman pagkagising ko," dagdag pa niya. Tumango ako bago na-realize ang isang bagay.

"So you can predict anything gamit ang isang panaginip? That's incredible! When do you think I will have that?" Manghang tanong ko sa kaniya.

My father is really my inspiration when it comes to these. Pero kung titignan naman nang maigi at kung pagkukumparahin sila ni Mama. Siyempre kay Mama ako.

Tumawa naman ito nang malakas. "You're the known most powerful charmer here. So as far as I know, you can learn new things easily."

Astig! Magagawa ko rin 'yan? Kung ganoon, 'di na 'ko makapaghintay talunin si Arucis.

Pero siyempre joke lang. Si Arucis pa ba? Isang pitik lang noon sa 'kin. Isang linggo na akong tulog eh. Ganoon kalakas si tanda.

Inilibot ko ang paningin ko habang naglalakad kami. Wala talagang taste si Mama pagdating sa mga ganitong bagay. The power of the grass and the flowers doesn't match.

If one of those ay may mas malaking power kumpara sa isa. The one who have the greater power may explode. Its charm will come out and tamed animals will become greedy for it. Magiging masama ang mga hayop na nandito na magreresulta ng mas maraming deadly animals and it will not be safe outside anymore. And that's not a joke.

Kapag pinalitan ko na si Mama sa puwesto niya aayusin ko 'yan.

Pero mukhang matagal pa 'yon. Ni hindi pa nga ako nakaka-graduate sa academy, e.

"We're here." Napatingin ako sa harap namin. Isang malaking pintuan na may tatak ng pa-star na tuldok at nakasulat ang CA sa gitna ng pinto. Na kapag binubuksan ang pinto ay mahahati ang nakakaukit na star. Bukod pa roon ay ang mga hindi pamilyar na imahe ng tao ang nakaukit sa pinto.

"Wow." I gasped.

Manghang-mangha ako sa mga nakikita ko habang inililibot ang tingin. Napakalinis ng loob. Mukhang mahihiyang dumapo ang alikabok sa ibang parte ng kwarto. Malaki siya at sa gilid ng kwarto ay may mga naglalakihang bookshelf.

"Welcome home," Napagitla ako nang may magsalita. Tumingin ako kay Papa habang nakakunot ang noo. Ngumiti lang siya at tumingin sa harap.

Si Arucis.

"Arucis . . . ," Nauutal na tugon ko. Kinakabahan pa rin ako sa kaniya. Masungit kasi at mahigpit pagdating sa 'kin.

"So . . . " Tumingin ito sa 'kin nang masama. Kagaya ng tingin niya sa akin bago kami magsanay. Narinig ko ang pagbuga nito ng malalim na hininga. "Starting from tomorrow, you will be studying here. Studying only at umaasa ako na walang away na mangyayari, okay?" Mariin na sabi ni Arucis.

I rolled my eyes. Oo na, minsan palaaway talaga ako. Pero hindi palaging ako 'yong nauuna. Hmp.

"Nag-aaral naman ako. Akala mo naman," bulong ko.

"Arturo," tawag niya kay Papa kaya natikom ko 'yong bibig ko. Narinig niya pa yata.

"I am not assigning you as your daughter's teacher. You know what I'm trying to say, right?"

"Yes, Papa,"

"At ikaw - " Napaayos ako nang pagkakatayo nang balingan niya ako nang matalas na tingin. "'Yong bulong mo, ha. Hinaan mo minsan para hindi ko naririnig." Narinig pa niya talaga 'yon? Aba't binulong ko na't lahat narinig pa niya?

"Sorry, Papa," paumanhin ni Papa kaya no choice ako kung hindi sumunod.

"Sorry po, Lolo," paumanhin ko saka yumuko.

Lumabas na kami sa office ni Arucis pagkatapos ng ilang diskusyon. Pupunta na raw kami kung saan ako tutuloy habang nag-aaral ako rito.

Inilahad ko ang palad ko saka pinaglaruan ang charm ko.

Fire, Water, Air. Fire, Water, Air. Combine. Rotate. Paulit-ulit ko ginagawa 'yon habang naglalakad kami.

"I can see myself in you, Arya. Mga 10 years ago.'Yong alam mo na . . . palaging napapagalitan," pigil ang tawa niya habang nagbabaliktanaw. Hindi ko siya sinagot dahil mas pinagtuunan ko pa ng pansin ang ginagawa ko. Nilingon ako ni Papa habang nauuna siyang maglakad. Napansin niya siguro na wala akong pakialam sa kahit anong chismis na dala niya ngayong araw.

Agad siyang napakunot ng noo nang makita niya ang ginagawa ko. Agad itong huminto sa paglalakad kaya napahinto rin ako.

"What?" Inosenteng tanong ko.

Umiling ito bago sumagot. "No charms."

Naglabas ng maliit na hangin si Papa at agad pinatamaan ito ngunit hindi niya ito mapatigil. "What the?"

"Pa, stop – "

Hindi pa siya nakuntento kaya mas malaking hangin na ang pinalabas niya. Pagkatama noon ay saka nawala ang technique na iniimbento ko.

At dahil sa sobrang lakas noon ay tumalsik ako at tumama ang likod sa pader. For the second time ngayong araw. Napailing siya. At parang hindi siya natutuwa sa nakikita niya.

"Aish! Parang ako nga talaga. Akala ko nagmana ka sa Mama mo," sapo ang ulo na sabi nito.

Natigilan kaming dalawa nang mag-ring ang bell. Huminga ito nang malalim saka lumapit sa puwesto ko. Inalalayan ako nito tumayo saka tinignan ang kalagayan ng pader.

"By the way, I need to go. May klase pa 'ko sa mga charmers. And I have something important to do. Here is your room number and anything that you will need. Hanggang dito na lang kita mahahatid. At ito ang mapa ng school para hindi ka maligaw,"

Saka niya sa 'kin inabot ang bag na kanina pa niya dala. Kinuha ko ito saka isinukbit sa likod ko. Ginulo niya muna ang buhok ko bago tumalikod at umalis.

Tinignan ko ang pader kung saan ako tumama. Napangiwi ako nang makitang mukhang magigiba na iyon.

Great. Just fucking great.

-

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status