Share

Enchanted: Chapter 4

THE LAST OF THE ABSOLUTE CHARMER

"You're joking!" sabay na sabi ni Brian at Paul.

"Right?" dugtong ni Paul.

"Lol, I knew it," dagdag pa ni Brian kaya sabay rin silang tumawa nang malakas dahilan kung bakit nagtinginan ang ibang estudyante sa amin.

Si Carmina naman ay nagulat sa biglang pag-amin ko. Maging si Brina rin ay siniko pa ako. Psh. It's no longer a secret. Dahil as far as I remember, na-broadcast na ang full name ko.

"She's telling the truth, guys." sabi ni Carmina na nagpatahimik kila Brian at Paul.

"How come?"

"Yup. Paano naman nangyari 'yon?"

"What do you mean 'paano naman nangyari 'yon?' Are you questioning my existence?" tanong ko sa kaniya. Umiling ito saka tumikom ulit ang bibig.

"Well, wala sa hitsura mo – " mas lumalim ang pagkunot ng noo ko dahil sa sinabi niya.

"Eat," sabi ng kanina pa tahimik na si Zach. Nagsimula na silang kumain kaya nagsimula na rin ako.

Hindi ko na lang pinansin ang kanina pa nagkukuwentuhan na sila Paul at Brian. Si Carmina naman ay panay ang buntong-hininga dahil sa kadaldalan ng dalawa.

Pinaggigitnaan si Carmina ng dalawang maingay. Sino ba naman ang hindi maririndi roon? Kahit ako ay mawawalan ng pasensiya, e.

Nasa kaliwa ni Carmina si Brian. Habang si Paul naman ay nasa kaliwa niya.

Magkatapatan naman ng puwesto si Zach at Brian. Nakaupo ako sa kanan ni Zach habang nasa tabi ko naman si Brina.

Buti na lang at hindi madaldal si Zach kaya wala akong problema.

"Alam mo ba noong nakalaban ko si Jake. Natalo siya sa kapangyarihan ko. Apoy ang gamit niya at lagi siyang nagde-defense kaya kapag open siya saka ako dumedepensa," pagmamalaki ni Brian.

"Kami naman sa Witch and Wizard On-The-Battle Training. Itong si Carmina ang nakalaban ko. Grabe, brad. Inabot na kami ng isa't kalahating oras wala pa ring nangyayari," gatong pa ni Paul.

Kung titignan siya para siyang bata kumilos. May mga kalat pa sa paligid ng plato niya. Tsk. Pati kamay niya ay marumi rin dahil sa pagkain.

'Yong isa naman. Well, medyo malinis pa naman siya.

"MAS MAGALING KAMING MGA CHARM USERS," rinig kong biglang sigaw ni Brian.

Nasamid tuloy ako. Narinig ko rin ang pag-ubo ng mga katabi ko na obvious naman na nakiki-chismis. Ugh, ew.

What the heck? Bakit biglang pumasok 'yon?

Natawa naman si Paul sa sinabi niya. Uminom ito ng tubig bago sumagot ng "KAMING WIZARDS, BRO,"

"USERS,"

"WIZARDS,"

"USERS,"

"WIZARDS,"

Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante rito dahil sa pagtatalo nila. And that is so embarrassing. Dahil sa kanila ang dami rin tumitingin sa 'kin. I hate attention, you know. Pero-char! Assuming ako. Kaya joke lang.

Bumulong ako sa hangin ng isang spell. At nanahimik na sila bigla. Ah, so peaceful. I love it.

Even though I'm a charm user. May alam pa rin naman ako sa spells. 'Di lang ganoon kagaling kagaya ng mga rookies or, siyempre, seniors.

'Pfft, nice. I would like to say thanks,'

Napalingon ako kay Carmina na nagpupunas ng bibig. Tapos na pala siyang kumain. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain ko.

'Why? But . . . you're welcome, '

Napahagikhik si Carmina kaya napalingon ang apat sa kanya. Itinikom niya ang bibig niya.

'So . . . mabilis ka pala mawalan ng pasensiya.'

'I just hate noisy people. That's all.'

After that, she ended.

Tumingin sa 'kin sila Brian at Paul na nagmamakaawa ang hitsura. Bumulong ulit ako sa hangin at nawala na ang tapal sa bibig nila. Pasalamat sila alam ko kung paano alisin 'yon. Kung hindi, ewan ko na lang.

"Hay, salamat!" sabi ni Brian pagkaalis ng tapal.

"Why did you cast that spell?" tanong ni Paul sa 'kin habang nagtatampo ang hitsura. Parang bata.

"Bakit mo ginawa 'yon, Arya? Saka paano 'yon?" tanong ni Brina.

"Ang iingay, e" sagot ko sa una niyang tanong. "I'm done," dagdag ko pa. Binalewala ko ang pangalawa niyang tanong. Wala rin naman sense kung sasagutin ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Brina nang tumayo ako.

"Diyan lang,"

Naglakad ako papunta kay Papa na busy makipag-usap sa ibang teachers.

"Hey," tawag ko sa atensyon ni Papa.

Agad naman itong napatayo nang mapansin niya ako. Lumapit ito sa kinatatayuan ko at inakbayan. "Teachers, I want you to meet my beautiful daughter. Kitang-kita ninyo naman kung kanino mana, 'di ba?" Tumawa ang ibang guro sa sinabi niya.

Si Papa talaga. Kahit kailan, napakapalabiro. Siyempre kay Mama ako nagmana. Duh!

"Opo naman. Sa Mahal na Reyna siyempre." Nawala ang malaking ngiti na nakapaskil sa mukha ni Papa nang sabihin niya 'yon.

"Hay nako. Wala naman dito ang Reyna. Hindi niyo kailangan pang sabihin 'yan. Umamin na kayo." Pero hindi 'yon pinansin ng mga teachers. Bagkus ay ako ang pinansin.

Buti nga!

"Maligayang pagbabalik,"

"Welcome home, Arya,"

Yes. This is my home.

"Excuse, teachers. Kailangan ko lang po kausapin ang Papa ko," sabi ko sa mga teachers. Tumango naman sila.

Hinatak ko si Papa palayo roon. I need to tell him what I heard when I did some eavesdropping on someone else's mind.

"Kill her. Kill the Princess,"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status