Share

Enchanted: Chapter 4.1

"I know about that," ang sagot ni Papa nang ilahad ko ang mga narinig ko. "We're expecting it to happen. Especially when they knew about you being here,"

What did he mean by that?

Hindi ko aakalain na alam ni Papa ang tungkol dito. Dahil hindi man lang ito nag-atubili na sabihan ako. O baka wala lang talaga silang balak?

Tumingin ako sa mataas na tore na may liwanag ng kulay asul. Nakatayo ito ilang kilometro ang layo sa Camster Academy. Iyon ang palasyo kung saan tumitira ang Hari at Reyna.

"What are we going to do?" tanong ko kay Papa. I don't have anything in my mind. Baka sila na matagal ng alam ito ay may naisip na plano kung paano ito malulutas.

Someone wants to get rid of me. At wala akong balak na magpadaig doon. Sino ba sila sa tingin nila para mapabagsak ako? Pangarap ko ang maging reyna. Kaya hindi ko hahayaang matapos ang buhay ko ng ganoon lang.

"Pumunta ka sa likod ng dining hall. Fight them,"

Napatingin ako kay Papa na nanlalaki ang mata.

'Is this a fucking clone?' Napaisip ako dahil sa inaakto ni Papa.

"I'm not." Bumuntonghininga ito saka ni-pat ang ulo ko. "We got your back, Arya. Your Lolo is here . . . I'm here. We have the support from the Gods and Goddesses. Kaya huwag ka mag-alala."

Gods and Goddesses? What in the world is he talking about?

"Like I would let my daughter die." Tumawa pa ito habang ginugulo ang buhok ko. "I trust you,"

"Oo na. Papa nga kita," sabi ko saka sumulyap ulit sa mataas na tore.

'I will live. I will become a Queen. Hindi ako puwedeng mamatay hangga't hindi ako nagiging Reyna.'

"Mauuna na 'ko," saad ko bago iwan si Papa.

Tumalikod ako sa kaniya saka huminga nang malalim. Naglakad ako papunta sa likod ng dining hall. Wala masiyadong ilaw sa parte na ito kaya't nangangapa pa ako. Lalo na at hindi naman ako pamilyar sa lugar. Sa likod ng dining hall ay may nakakabit na parang malaking storage room.

Tinulak ko ang malaking pinto saka bumalandra sa akin ang dalawang estudyante. Nabigla pa nga sila nang makita ako. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang dalawa saka tuluyang pumasok sa loob. Malawak at mataas ang nasabing kuwarto. Kita ko pa ang mga nakasabit na kagamitan na sa tingin ko ay para sa events. Isinara ko ang pinto saka pinagmasdan ang loob. Dim ang ilaw rito. Tama lang para makita ang mga bagay sa silid.

Naglakad ako papunta sa malapit na tool rack. "Ikaw si Arya, 'di ba?" Nanginginig ang boses na tinanong ako ng isa. Huminto ako sa paghakbang.

Magsisimula na ba siya?

Pinihit ko ang katawan ko paharap sa dalawa at nginitian ang mga 'to. "Ako ba?"

Palihim na nagtinginan ang dalawa bago sabay na tumango. "Oo, ikaw nga," sagot ng isa.

"Hmm, ako nga." Naglakad ako papunta sa gawi ng dalawa. Parang naestatwa naman ang mga ito at hindi makagalaw. "May kailangan ba kayo sa 'kin? Fan signs? Autographs? Pictures?" tanong ko.

"Meron – " Natigil ang pagsasalita niya nang makita ko na siniko siya ng kasama niya. "W-Wala . . . wala pala," utal na sagot niya. Ngumiti ito ng peke pagkasabi 'yon.

"Sigurado ka ba?" tanong ko pang muli. Humakbang ako papalapit sa kanila na dahilan ng kanilang pag-atras.

Mabilis ko niliitan ang distansya namin saka hinatak sa braso ang isang babae. Dinig ko ang pagkagulat nito nang hatakin ko siya paharap. Tinitigan ko sa mata ang babae na matapang nitong sinalubong.

Wala pang isang minuto ay isang malakas na hangin ang dumaan. Lumipad palayo sa akin ang babae at tumama sa pader. Tumama ang ulo nito kaya agad itong nawalan ng malay.

"Kate!" sigaw ng natira. Kumaripas ito ng takbo papunta sa kasama niyang nakahiga sa sahig.

Seriously? Sila raw ang papatay sa akin? Oh, my goodness.

Ngunit bago pa niya mahawakan ang kasama ay pinalibutan ng ugat ang dalawa niyang binti. Narinig ko ang pagbitak ng sahig na nasa likod ko. Lumingin ako upang panoorin lumabas doon ang malaking ugat. Lumagpas ang taas nito sa ceiling ng storage room kung kaya't nawasak ito. Pinaligiran ng mumunting ugat ang main root na matutulis. Ang pinakapang-atake naman nito ay patulis ang dulo na may halo ng isang poison. Aakalain mo ito na isang malaking spear kung titingnan sa malayo.

Narinig ko ang malalakas at nakaririnding tunog na nagmumula sa malayo. Naalarma yata sila dahil sa pagkawasak ng storage room.

Masama na tingin ang ipinukol ko sa babae na ngayon ay puno na ng dugo ang kaniyang paa. "You are ordered to kill me, right?"

"No . . . pakawalan mo na ako," umiiling na sagot nito.

"Sino ang nag-utos sa 'yo?" tanong ko pa.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Kaya pakawalan mo na ako!"

"Uulitin ko ang tanong. Ano ba?!" pag-ulit ko. Para siyang nasindak sa bigla kong pagtaas ng boses.

Omg, effective? Kavouge.

"Inii-stress ako ng babaeng 'to. Simpleng pangalan hindi mabanggit," bulong ko. "Sinong nag-utos sa 'yo na ipapatay ako?" tanong ko pa ulit.

Nanahimik ito habang nakayuko. Rinig ko rin ang bulong nito na parang nagdadasal. Ilang beses ko pa inulit ang tanong hanggang sa magsawa ako. Nanatiling tahimik ang babae kaya nakapagdesisyon na ako sa gusto ko gawin.

"I'm sorry," bulong ko. Sa isang kisap mata ay makikita na ang pag-atake nito.

Malapit na tumama ang atake ko ngunit may biglang bumato ng malaking apoy direkta sa katawan ng ugat. Dahilan kung bakit nasunog ang kanang parte nito. Kasabay nito ay ang biglang pagdilim ng silid.

Hinanap ko ang pinanggalingan noon – sa gawing kanan. Pero hindi ko makita ito dahil sumabog ang ilaw ng kuwarto. Natamaan kasi ito ng apoy na ginawang pangpigil sa atake ko kanina.

"Coward,"

Naglabas ako ng malaking bola ng hangin sa palad ko. Ramdam ko ang marahas na hangin na pumapalibot sa aking katawan. Maya-maya pa ay umangat ako sa lupang tinatapakan at malaya nang lumilipad.

Wala akong abilidad na lumipad. Pero kaya ko naman gumamit ng mahika.

Pikit ang mata ang pag-atake na ibinabato ko sa kung saang direksyon na naisip ko. Malayang gumagalaw ang kamay upang bumato ng malalaking hangin.

Kapag tinamaan, eh 'di aray.

Para akong malayang sumasayaw habang nasa ere. Kinumpas ko ang kamay ko upang maglabas ng iba't ibang charm kung kaya't marami ang nasira sa loob ng kuwarto.

Umingay na rin ang buong paligid. Hindi tumigil ang nakaririnding ingay mula pa kanina. Isang senyales na mayroong gulo na nagaganap sa loob ng Akademya.

'Idiots. I'm an Absolute Charmer. Do you think you can kill me that easy?'

Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang hindi makapaniwalang bilang ng ilaw na nasa paligid ko.

1 . . . 2 . . . 3 . . . no . . . it's 15.

Ang ilaw na tinutukoy ko ay ang mga charm galing sa mga handa na umatake. Lahat ng iyon ay nakatutok sa iisang tao lamang – sa akin. Pinanood ko ang mga ito na umatake papunta sa gawi ko. Tumama ang mga ito sa akin dahilan kung bakit nagkaroon ng makapal na usok sa paligid ko. At saka ko naramdaman ang pagkawala ko ng balanse sa sarili at malayang pagbagsak sa lupa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status