Share

Chapter 2: Memories

Chapter 2: Memories

Tw: death, abuse

8 years ago

“Ice cream!” sobrang saya ko dahil sa ngayong kaarawan ko nagawa naming makalabas, kasama ko si mama at papa ngayon pati na ang nakababatang kapatid ko.

“Happy birthday anak,” malambing na bati sa akin ni papa, niyakap ko siya “Pasensiya kana anak ha, hindi kasi kaya ni papa magpa-party kagaya ng mga sa kaklase mo,” ngumiti ako sa kaniya at mas sumiksik pa sa kaniya.

“Okay lang pa, ang mahalaga kasama ko kayo ni mama, pati na si Daryll, diba bunsoy,” sabi ko ngumiti naman ang kapatid ko, tumawa ako nang makitang may chocolate pa siya sa ngipin, at madungis na ang pisngi pinunasan naman iyon ni mama.

Nagkukwento ang kapatid ko ng kung ano-ano, mga naririnig niyang kwentong kalye ng mga kalaro niya, kaya naman panay ang tawa naming mag-anak. Sinasabayan pa ni papa at dinudutungan ang mga kwento ni Daryll kaya naman hindi na kami natigil ni mama sa pagtawa. Inilibot ko ang paningin sa amusement park, at nagliwanag ang mga mata ko nang makita ang Ferriss wheel.

“Mama, may pera ba tayo para sumakay doon?” tanong ko saka itinuro ang Ferriss wheel, tumango naman sila. Kaya sumakay kami doon, napakalawak ng ngiti ko habang nakadungaw sa mga bintana, nakakalula pero napakasarap sa pakiramdam. Lalo na ng maramdaman kong gumalaw na ang aming sinasakyan. Nag-apir kaming magkapatid saka kami naghawak ng kamay, kinakabahan pero nakangiti pa rin sa isa’t isa. Pagkababa namin mula doon ay hindi na nawala ang ngiti sa aming mga labi.

“Happy birthday anak, 13 kana, mag-aaral kang mabuti ha,” bilin ni papa, ako naman ay tangu nang tango.

“Ikaw naman bunsoy, magpapakabait ha,” iyon naman ang bilin ni mama sa kapatid ko.

“Promise po,” sabi niya naman. Nabulol pa dahil may laman ang kaniyang labi.

“Papa, papasok na ako bukas hindi po ba?” sabi ko tumango sila, unang araw na sa school bukas at ito ako nagce celebrate ng birthday dapat talaga hindi na kami nagsayang ng pera.

“Papa, may gamit na po ba kami sa school?” Hinawakan ni papa ang kamay ko saka tumingkayad para matapatan ang mukha ko.

“Mist, huwag kana mag-worry anak, kasi nakabili na kami ni mama, nakapagbayad na rin kami sa school, may advance payment pa hanggang makatapos ka, ganoon din sa kapatid mo, kaya huwag kang mag-aalala ha,” sabi ni papa kaya ngumiti ako, atleast wala na akong iisipin.

“Anak, hindi mo kailangang alalahanin ang mga bagay na iyon, dahil bilang mga magulang niyo, obligasyon naming kayo,” malambing na sabi ni mama na ngayon ay buhat buhat na si Daryll, marahil napagod na sa kakalakad ang kapatid ko.

Kinabukasan maaga akong nagising para pumasok sa school, ganundin ang kapatid ko. Pagkarating sa school dumeretso ako agad sa classroom naming. Nagbaon na ako dahil gusto kong magtipid, napakahirap ng gawain ni papa isang collector ng mga pautang ganoon din si mama kaya dapat nagtitipid ako dahil hindi basta-basta pinupulot ang perang pinampapaaral sa amin, gayundin sa kapatid ko, gumagastos pa kami sa hospital bills niya.

Excited akong umuwi matapos ang klase dahil nakasagot ako sa recitation gayun din sa quiz mataas ang nakuha ko. Excited akong sabihin iyon kay mama at papa kaso paglabas ko sa gate ng school naman may isang lalake ang lumapit sa akin, may ina-abot na panyo na dahilan kaya nandilim ang paningin ko. Ang huling naalala ko ay nasa van ako.

Papa.

Mama.

Daryll.

Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa, gusto kong buksan ang mga mata ko pero hindi ko kaya, hindi rin ako makagalaw, naririnig ko lang ang tawanan ng mga lalaki sa loob ng van. Tulong! Kailangan ko ng tulong! Hindi ako makasigaw hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

Nagising ako sa isang sampal, gusto kong haplosin aang pisnging nasampal pero nakatali ang mga kamay ko.

“Pakawalan niyo na po ako, parang awa niyo na po,” pagmamakaawa ko pero tinawanan lang nila ako.

Sinampal pa ulit niya ako bago umalis sa harapan ko, naiyak nalang ako, wala na akong pag-asa, mukhang papatayin na nila ako rito.

“Papa!” sigaw ko nang mag nagtanggal sa panyong nasa labi ko.

“Tumahimik ka!” sinigawan ako ng lalaki pero mas umiyak pa ako.

“Boss, ang ingay nito!” sumbong ng lalaki, pero walang sumagot sa kaniya.

Sa buong gabing iyon umiiyak ako, tuwing naririndi sila sa akin sinasampal nila ako, kaya naman umiiyak ako ng tahimik, ang sakit sakit na ng pisngi ko pati ng dibdib ko. Kailangan ko si papa, si mama, at si Daryll.

Nagdarasal na ako sa mga oras na iyon, Papa, please.

“Mist!” narinig ko ang boses ni papa, pero nakarinig din ako nang putok ng baril. Napahiyaw ako doon saka tumingin sa kinaroroonan nila. Nakita ko si papa umiiyak katabi ni mama at Daryll.

“Makakalaya kayo kung ibibigay mo sa akin ang flashdrive!” sigaw noon malaking lalaki, nanginginig si papa habang iniaabot ang flash drive.

“Pakawalan niyo ang anak ko.”

Pinakawalan nila ako saka mabilis na tumakbo kay papa.

“Layas!” sigaw nung boss nila saka nagpaputok muli ng baril. “Huwag na huwag kayong magsusumbong sa pulis dahil lagot kayo sa akin!” sigaw pa niya.

Hindi ako nakapasok sa school pagkatapos ng insidente, si papa at mama naman ay binabantayan si Daryll, dahil may sakit nanaman. Gusto kong magtanong kung bakit ginawa sa akin iyon. Pero pinili kong manahimik nalang marami nang iniisip si papa pati si mama, ayoko nang magtanong.

“Mist,” tawag sa akin ni papa habang abala akong nagma-mop sa sahig.

“Pa, kumain ka na, kaunti lang iyong niluto kong kanin,” sabi ko saka sinalubong siya at tinulungang tanggalin ang kaniyang sapatos.

“Okay lang anak, may iniuwi akong manok, ito na ang ulamin mo,” sabi ni papa saka iniabot sa akin ang lutong ulam, nagtungo ako agad sa kusina at naghanda na para kumain.

Abala ako sa pagkain ng hapunan nang maupo sa harapan ko si papa, ngumiti ako sa kaniya at siya’y seryoso lang.

“Anak, papasok ka ba bukas?” tanong niya at tumango naman ako.

“Sige, mag-iingat ka ha,” sabi niya.

Si papa na ang naligpit ng kinainan ko saka niya ako inutusan ayusin na ang higaan.

“Mist anak,” tawag niya sa akin.

“Papa, dito ka matutulog?” tanong ko at tumango siya, niyakap niya ako.

“Anak, kung sakaling may masamang mangyari, itong susi na to, huwag na huwag mong ipagkakatiwala sa iba,” sabi niya tiyaka ibinigay sa akin ang isang susi.

“Ilalagay ko ito dito,” sabi niya at ipinasok yon sa isang souvenier, “Naroon lahat ng kailangan mong malaman, at huwag mong ipapaalam kanino man.”

“Papa?”

“Anak makinig ka, Zyra Mist Alejandro huwag na huwag kang magtitiwala sa kahit na sino,” bilin niya sa akin “At kung sakaling hindi ako magtagumpay o may hindi magandang mangyari sa amin ng mama mo, itong susi ito ang tanging daan para alam mo ang susunod mong gagawin.”

“Papa?”

“Alam kong maguguluhan ka, pero anak, 3 years mula ngayon, kapag hindi kami magtatagumpay ng mama mo, alam kong papasukin mo rin ang mundo namin.”

“Ito kwintas na ito rin,” sabi niya tsaka may ipinakita sa akin na kwintas “May mensahe ito sa loob, kaya anak, huwag na huwag mo itong ipagkakatiwala kahit na kanino.”

“Ikaw na rin ang bahal sa kapatid mo,” sabi niya saka ako niyakap.

Hindi ko maintindihan si papa pero pinili ko pa rin at sinubukang matulog ng payapa. Inihatid ako ni papa sa school. Ako naman’y nagfocus sa inaaral, paglabas sa school ay nag-ingat na ako, hindi na ako dumadaan at naglalakad mag-isa tinitiyak kong may kasabay ako lagi.

Pagkarating ko sa bahay naabutan ko sina mama at papa naghahanda para sa kaarawan ni Daryll. Ngumiti ako at tumakbo palapit sa kanila niyakap ng mahigpit.

“Wow, happy birthday Daryll!” sabi ko saka pinugpog ng halik at niyakap ng mahigpit ang kapatid ko.

“Ate!” reklamo niya pero pinagtawanan ko nalang.

Simpleng celebration lang ang ginawa namin pero masaya kami, si Daryll ay tawa nang tawa. Nakakatunaw ng puso makita siyang masaya kahit na nahihirapan na siyang lumaban dahil sa sakit niya.

Pagdating ng sabado sobrang excited ko dahil sa wakas walang pasok, ibig sabihin maglilinis nalang sa bahay ang gagawin ko.

“Zyra!” pagtawag sa akin ng mama ko.

“Ma?” tanong ko pero hindi niya ako sinagot sa halip ibinigay niya sa akin ang kwintas, isiniksik sa sipit sa aking buhok.

“Ingatan mo yan,” sabi niya. Nagtataka pa rin ako pero nagsimula nalang akong maglinis habang abala ako ay bigla akong nakarinig ng putok ng baril.

“MAMA!” sigaw ko at agad agad namang naroon si mama sa tabi ko.

“Shit, Angelo! Halika,” tawag niya kay papa, ngayon ay bitbit na si Daryll.

“Narito na sila,” sabi ni papa saka ako niyakap, h******n pa nila pareho ang mga tuktok ng noo naming nagtataka kami sa ikinikilos nila. Anong nangyayari?

“Papa, mama,”

“Mist, Daryll, may mga red ribbons akong itinali palabas dumaan kayo sa back door, sundan niyo iyon kapag nagpaputok pa sila ulit,” sabi ni mama tumango lang ako.

Biglang may sumipa sa main door naming at minadali ako ni mama na ipasok sa isang pintuan, iyong bookshelves naming sa sala. Sumisilip ako sa maliit nab utas doon. Naramdaman ko ang kapatid kong humihila sad ulo ng damit ko umiiyak, sinenyasan ko siyang manahimik.

Pinanood ko si mama at papa, sa nakikita ko para hindi sila ang malambing at puno ng pagmamahal kong mga magulang ibang tao silang nakikipaglaban. Ngayon ko lang Nakita si mama na halos balian lahat ng buto ang sinumang susugod sa kaniya.

“Mama…” bulong ko nang masipa si mama sa tiyan dahilan ng pagtumba niya, agad naman siyang tinulungan ni papa, pero pinalo ng tubo si papa sa likod.

“ASAN ANG MGA BATA!” tanong noong isa, nagulat ako doon at halos mapasigaw Mabuti nalang at natakpan ko kaagad ang aking mga labi.

“Fuck, the two of you!” sabi noong isa at saka sinipa ulit si mama, si papa ay pinalo ulit ng tubo.

“Hayaan niyo na sila, nabenta na namin,” sabi ni papa sa nanghihinang boses.

“So you’re actually like us,” sabi noong isang tumawa pa ng pagak.

“Mga walang kwenta! Barilin sila,” gusto kong lumabas doon para pigilan sila pero hinila ni Daryll ang damit ko umiiling iling.

“Daryll…” sabi ko umiiyak na.

“Ate, huwag… please…” sabi niya.

Bang! Tunog ng baril ang narinig ko, umiiyak na kami ng kapatid ko. Sumilip ako doon at Nakita ko si mama at papa nakabulagta na doon. Nakita kong lumilinga linga ang isang lalake, kaya binuhat ko na si Daryll, saka sinundan ang red ribbons na nakatali doon, hanggang sa nakarating kami sa labas, dumiretso ako kahit na puro na kakahuyan ang nakikita ko. Natatakot na rin at nag-aalala sa kapatid ko, nawawalan nanaman siya ng hangin. Tumakbo ako ng mas mabilis habang bitbit na siya ngayon sa likod ko. Hindi ko na ininda kung gaano siya kabigat ang gusto ko’y makarating na sa dulo nitong ribbons na ito. Bawat nadaraanan kong ribbon ay kinokolekta ko bilang bilin din ni papa sa akin.

“DARYLL! MIST!” nakarinig ako ng sigaw ng babae ng makarating ako sa dulo.

“Sino ka?” maangas kong tanong dahil sabi ni papa huwag magtitiwala sa kahit na sino.

“Zyra Mist Alejandro, I am Alena Jane, kasamahan ako ng mga magulang mo,” sabi niya pero hindi pa rin ako nagtitiwala.

“Here’s my id,” sabi niya ipinakita iyon pero tingin pa rin ang ipinukol ko sa kaniya.

“Anak ka nga talaga ni Zarry, my gosh,” sabi niya. Nang matanto kong kilala niya si mama ay sumama na ako sa kaniya.

“Oxygen para kay Daryll please,” sabi ko at tumango siya saka nilagyan si Daryll ng oxygen. Nag drive siya palayo. Nagtataka pa rin ako pero kailangan kong magtiwala.

“Bakit may agent yung id mo,” tanong ko pero ngumisi lang siya.

“Great secret keeper talaga ang dalawang yon, mukhang kailangan kong maghanda ng mahabang explanation,” natatawang sabi niya pero tinignan ko lang siya.

“Here, eat this,” iniabot niya sa akin ang burger, lumingon ako sa kapatid at iniabot ang isa sa kaniya.

“Sana hindi ako nagkamaling sumama sa’yo,” sabi ko saka kumagat sa burger.

“What do you think, Zyra?” mapanghamong tanong niya.

--

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status