Share

Chapter 3: Agent

Chapter 3: Agent

I m arranging the things we just brought sa fridge. Nag-re-restock ako dahil ubos nanaman, arranging the canned beers kay tita Aj yon, mga juice para sa amin ni Daryll at mga gulay. After restocking nagpunas ako sa may lamesa, doon ko kasi inilapag kanina yung mga pinamili naming ni tita Aj kaya narumihan, nang babanlawan ko na ang ginamit kong towel ay pinigilan ako ng kasama naming sa bahay.

“Naku, ma’am Mist naman ako na dapat ang gumawa niyan,” sabi niya saka akmang aagawin ang ginagawa ko.

“Ate Maya naman kaya ko naman po, hindi naman mabigat na Gawain.”

“Naku ka talaga, pero salamat ha, ikaw pa ang sumama sa tita mo para mamalengke,” sabi niya, may sakit kasi siya kaya kailangan niyang magpahinga.

“Ate, may sakit ka kaya understandable na iyon,” sabi ko saka ngumiti sa kaniya.

“Si Daryll po pala?” tanong ko habang tinutuyo ang kamay.

“Naroon sa kwarto niya, alam mo naman yon, namuhay na sa computer,” sagot niya natawa nalang ako, nahumaling nga naman kasi talaga ang kapatid ko sa computer games, minsan ayaw na non lumabas, ayos na rin yon, atleast napapasaya siya ng computer games habang hinaharap ang mahirap na hamon sa buhay niya.

“Si tita Aj ba ate nakabalik na?” tanong ko ulit at nag kibit balikat lang siya.

“Hindi niyo ho siya nakita?”

“Hindi iha eh, kasi kalalabas ko lang din sa kwarto ko.”

“Nga pala mag va vacuum pa pala dapat ako.”

“Ate tapos na, huwag ka na munang magpagod, baka mabinat ka, magpahinga ka muna, malinis pa naman ang bahay,” mahabang sabi ko saka siya pinapasok ulit sa kwarto niya.

Sinilip ko pa saglit si Daryll sa kwarto niya, nang makitang natutulog ito ay lumabas na ako para magpahangin, nagtimpla muna ako ng ice coffee saka umupo sa may garden.

“Spending time alone here huh,” boses iyon ni tita Aj saka umupo sa tabi ko.

“Si ate Maya?”

“Pinagpahinga ko muna tita, may sakit pa siya, baka mabinat kung magta trabaho siya agad,” sabi ko tumango naman siya.

“It’s been three years, ayaw mo bang dumalaw?” pagbasag ni tita sa mahabang katahimikan umiling lang ako. Hindi ko pa kaya, I can’t look at my parents grave, baka manghina ako at hindi ko kayanin kapag makita ko ang pangalan nalang nila.

“Daryll and I went there last week,” alam ko iyon sinabi din sa akin ni Daryll tumango lang ako kay tita.

“He’s hurting too,” dagdag pa niya.

“Sorry,” sabi pa niya.

“It’s feel so wrong to go there tita, hindi ko pa kaya, maiintindihan naman nila ako,” sabi ko saka may tumulong luha sa mata ko, hindi ko kayang pigilan ang luha tuwing naiisip sila. The world is so unfair to them. Narinig kong bumuntong hininga si tita saka ako niyakap, her warmth always reminds me of my parents warmth.

“Tita bakit ganon…” iritadong sabi ko pero pinapatahan lang ako ng tita ko.

Umiyak ako nang umiyak sa balikat ni tita, hindi naman siya nagreklamo sa halip ay pinapatahan niya ako. It’s been three years pero hindi ko pa rin kayang tanggapin, after all the things that happened ganon ganon lang pala mawawala ang mga magulang ko. Hanggang ngayon I don’t want to accept the fact that they have left us.

“Zyra, nasabi ko ba sayo ang trabaho ng mga magulang mo?” tanong ni tita, umiling ako, hindi pa niya sinasabi pero may ideya na ako, “they’re actually agents,” sabi niya tumango ako, hearing those words from her makes me weak.

“Matagal na kaming magkakasama, siguro may ibinigay siya sayong susi, hindi mo pa iyon kailangan sa ngayon, pero I need you to do something,” kumalas ako sa yakap kay tita saka siya tinignan, ngumiti siya sa akin saka pinunasan ang mga luha ko.

“I need you to work under Wise,” sabi niya saka ngumiti.

“Wise?”

“Come here look,” sabi niya saka ipinakita sa akin ang itsura ng mga tao ng Wise. Damn.

“Tita…”

“I know, siya yon diba, ngayon I want you to work with him,” sabi niya kinuyom ko ang kamay ko, “huwag mong iisipin ang paghihiganti maaaring si Daryll ang mawala sayo kapag ginawa mo yon,” sabi niya kay tumingin ulit ako sa kaniya nagtatanong.

“Wise is a wicked group, most of us hate how they work, pero dito nagtrabaho ang ama mo, that Angelo is a freaking asshole that he made way to pull Wise down,” sabi niya saka tumawa, huh? Si papa.

“You can’t understand it yet, pero that happened, your mom actually work on the other agency, pero they have a better agenda, for world peace.”

“Napaka-impossible naman ng world peace tita.”

“Tomorrow, I’ll train you, hindi ka dito mag e ensayo, homeschooled ka kaya hindi pwedeng dito sa bahay, dadalhin kita sa headquarters doon ko hahasain ang kakayanan mo, after your classes you should become Mist, or should I say Agent Mist,” sabi niya.

“Tita…”

“No pressure Zyra, this is only for the both of you, may bayad ang pagtatrabaho sa kanila, at kailangan mo ng pera para sa kapatid mo,” seryosong sabi ni tita, wala na akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon.

Tatlong teachers and tutors ko, pumupunta sila dito para I advance ang pag-aaral ko, Mabuti nalang at nabayaran na lahat ito nina mama at papa, hindi na ako aasa kay tita, sa gastusin dito sa bahay hindi siya naniningil, wala naman daw siyang pag-aaksayahan ng pera kaya kami na muna. Si Daryll ay homeschooled din pero online class siya.

“Mist,” tawag sa akin ni tita, pagka alis ng last tutor ko.

“Ligo lang ako tita,” paalam ko, I need to freshen up, baka antukin ako doon.

Nag-drive si tita patungo doon sa headquarters, kinakabahan pa ako dahil iba ang awra ni tita ngayon, napakamisteryoso. Ayaw ko ng ganitong awra ni tita nakakatakot.

“We’re here,” sabi niya iginala ko ang mga mata ko, namangha ako sa nakita ang lawak.

“Headquarters?” tanong ko at tumango siya, tinanggal ang shades saka ako sinenyasan na sumunod sa kaniya.

“Marcus, this is Mist, Mist this is Marcus,” pakilala sa akin ni tita sa binatilyo doon, ngumiti siya sa akin gayundin ako nagkamayan kami.

“Huwag mong landiin Marcus,” sambit bigla ni tita Aj.

“Hindi naman eh,” sabi pa noong lalake saka kakamot kamot sa ulo. Nakipagkamay lang naman kasi si tita masyadong malisyosa.

“Marcus, paki-gabayan, gabayan ha,” warning pa ni tita.

“Opo, Miss Aj,” sabi noong Marcus saka ako sinenyasan na sumunod sa kaniya.

“Ilang taon kana,” tanong niya habang naglilibot kami.

“16,” maikling sagot ko.

“Wow, matanda lang pala ako ng isang taon, 17 na ako,” sabi niya tumango lang ako sa kaniya.

“ito yung barracks, obvious naman diba,” sabi niya saka tumawa, tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Biro lang, dito naman yung pool area, doon yung court, doon din kami madalas mag ensayo, may gym dito sa loob sa basement. Parking dito,” sabi niya ginagala naming ang buong lugar at wala akong ibang naramdaman kundi ang pagkamangha. Napakayaman naman pala nina tita Aj.

“Kina tita Aj to?” tanong ko, tumango siya.

“Oo doon sa matandang dalaga, suplada kasi kaya hindi na nakasyota,” sabi niya tumawa lang ako, Alpha female si tita Aj, kaya siguro wala nang naghasik, she’s living the best of her life naman no need to be worried.

“Ibigay ko nalang sayo yung mapa mamaya, nakakapagod maglakad,” reklamo niya saka ako pinaupo doon sa bench, nagpaalam siya sa akin kukuha daw ng maiinom, malapit lang naman ang kusina sa kinaroroonan namin.

“Oh,” abot niya sa akin sa apple juice, nagpasalamat ako.

“Si Kraigner ba ang mission mo?” tanong niya pero umiling ako.

“Ah wala pa siyang ibinigay, baka kung sinong tao lang,” sabi niya saka tinungga ang alak.

“Beer?”

“Red horse,” sagot niya saka ngumisi.

“Allowed na ako, lalo kapag di nakikita ni Miss Aj,” sabi niya saka tumawa.

“Isusumbong kita,” biro ko tapos agad siyang nag-alala.

“Hoy, hindi to red horse, ano lang to, uh, san mig, nakalagay lang sa boter ng redhorse,” pagdepensa niya sa sarili pero tinawanan ko lang, ako pa gagawing tanga.

“Biro lang,” saka ininom din ang binigay niyang apple juice. Habang umiinom nararamdaman ko ang titig niya sa akin.

“Kamukha mo yung mama mo, maganda kaso wicked ka rin no, gaya ni Agent X, hmm ano kaya ipapangalan sayo Agent M or Agent Mist? Pwede rin siguro Agent Lost,” sabi niya nag-iisip.

Agent x, si mama ba yon?

“Alam mo bang ang angas ni Agent X, iniidolo ko siya bata pa lang ako, sobrang ganda at galing niya, kaya siya mahal na mahal ni sir Angelo,” sabi niya saka tumawa.

Angelo si papa yon, so si mama si Agent X. Pero iyong din ang nakalagay sa id ni tita Aj.

--

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status