Share

Ended in the Club
Ended in the Club
Author: Blue Haven

Chapter 1

Tangina. Nakakatangina talaga buwiset. Biruin mo ba naman, pagod na pagod nako sa dami ng school works namin tapos vice president pako ng student council imbes na makakauwi nako at makakapag pahinga eh hindi ko magawa. Dahil sa lintik kong kaibigan nagpakalasing na naman di pala kayang umuwi mag isa. Sabi ko magpahatid na lang sa mga kaibigan niya tutal may kotse naman yung mga yon tsaka sila ang nag aya sa kaniya. Ang gago ayaw daw at gusto eh ako ang susundo sa kaniya kasi nandun daw yung ex niyang niloko at pinagpalit siya. Gold digger pala ang hayop na babaeng yon kala mo naman kung sinong anghel kung umasta yun pala demonyo hay naku.

"Elle umayos ka nga. Kanina ka pa nakabusangot diyan. Hayaan mo na at naglalambing lang sayo yun. Halos isang buwan na din nung huli ka niyang nakita dahil sa sobrang busy mo." sabi sakin ni Faye habang nagmamaneho. She's my bestfriend, bukod pa dun sa lalaking susunduin namin sa club. She's my best buddy, she's like a sister to me. Actually magkaibigan na kami since high school ni Chance, yung lalaking susunduin namin, then I met Faye nung first year college kasi same kami ng course which is civil engineering. We're on our third year kaya naman puspusan ang pag aaral sayang yung ilang taon na ginugol namin kung babagsak lang din naman kami.

"That's the point Faye, he knows I'm busy. Yet he still calls me just to fetch him, in the club? really?" halos umusok na ang ilong at tenga ko sa gigil at galit.

"Shhh calm down hayaan mo na. Just understand him. Malamang hanggang ngayon dinadamdam pa din non yung ginawa sa kaniya ng ex niya."

Dahil don ay nakaramdam ako ng awa sa kaibigan ko. At lalong nadagdagan ang galit ko sa bruhildang yon.

Pagkarating namin sa parking lot ng club ay agad kaming bumaba.

"Good evening ma'am susunduin niyo po ba ulit si sir Chance?" tanong sakin nung waiter pagpasok namin. See? Kilala nako ng halos lahat ng waiter dito. Pagmamay-ari kasi nung isang kaibigan ni Chance na yayamanin tong club na to. Idagdag pa na halos gabi gabi kong sinusundo dito.

"Yes where are they?" iginaya niya naman ako patungo sa isang VIP room. Hayys bakit pa nga bako magtataka eh puro anak mayaman yung magbabarkadang yun eh. Oo pati si Chance. 7 silang magkakaibigan.

"Sige ma'am iwan ko na po kayo. Katok na lang po kayo may mga customer po kasing dumating eh." tinanguan ko lang siya at kumatok nako sa pinto. Btw nagpaiwan na lang si Faye sa labas di kasi siya sanay pumasok sa mga ganito. Usually kasi ay ako ang laging laman ng mga club sa buong Manila kaya sanay nako.

Ilang segundo lang ay bumukas na ang pinto.

"Where is he?" agad kong tanong Aeron pagbukas niya ng pinto. Isa siya sa mga kaibigan ni Chance. Bilib din ako sa pagkakaibigan nila. Biruin mo since 5 years old magkakaibigan na sila. Nga lang muntik na silang masira noon dahil sa isang babae buti na lang nagkaayos din naman sila.

"Ayan knock out na. Sinubukan namin siyang pigilan pero ayaw niyang papigil, obviously. Then we offered to take him home but he refused. Ikaw daw ang gusto niyang sumundo at maghatid sa kaniya kasi miss na daw niya ang nag iisang girl bestfriend niya." buwiset talaga ang lalaking to.

"Chance. Hoyy Chance gumising ka." sinampal ko siya ng malakas kaya naman nagising siya ng tuluyan.

"Damn how sadist."

"Grabe panigurado bro masakit yon"

"Kung ako yun baka sinapak ko na kung sino mang gumawa sakin non."

"Shut up di mo kilala yan mapapaurong ka diyan bro."

"Well obvious naman since takot na takot sa kaniya si Chance."

"Mismo. Biruin mo isang Chance Saavedra napapatiklop lang ng isang babae?"

"Are you guys even aware that I can still hear you even you're just whispering words?" taas kilay kong tanong sa kanila. Kaniya kaniya naman silang kamot sa batok dahil sa sinabi ko. Bubulong na nga lang yung naririnig ko pa. Palibhasa anlalaki at anlalalalim ng boses kaya ganyan. Kahit bumulong dinig na dinig pa din.

"Sorry in behalf of my friends. Hindi lang kami sanay na makitang may hinahayaan si Chance na saktan lang siya. Alam mo na, may pagkasiga at suplado yang kaibigan natin eh."

"Hah takot niya lang sakin no."

"May kasama ka bang pumunta dito?" tanong ni Raf.

"Yeah I'm with my bestfriend, Faye. She's just outside because she's not into this place."

"Oh sige tulungan ka na namin. Kami na aakay kay Chance." this time it's Nico.

"Oh thank you. Sa condo ko na lang muna siya dadalhin since walang tao sa bahay nila. I'm not comfortable to leave him there alone."

"Our friend was very luck to have you."

"Oh come on small thing." pagkasabi ko nun ay nagtawanan kami.

"Come on let's go masyado ng malalim ang gabi." napatingin ako sa taong pinanggalingan ng malalim na boses na yon. It's from Ace. Sa lahat ng kaibigan ni Chance sa kaniya ako pinaka ilag. Sobrang seryoso kasi niya kaya parang ang hirap biru biruin baka biglang manapak. Ang laki pa naman ng kamao niya baka isang suntok lang tulog agad ako at may bonus pa, baka basag na muka ko paggising ko. Tsaka everytime na mapapatingin ako sa kaniya nahuhuli ko siyang nakatitig sakin gaya ngayon. At imbes na mahiya or umiwas dahil nahuli ko, mas lalo lang niya kong tititigan sa mata. At dahil nakakailang nga at hindi ko kayang makipag sabayan ng titigan kaya ako na lang ang umiiwas.

"Hi?" alanganin kong bati sa kaniya dahil kami ang nahuhuli sa paglalakad. Ewan ko kung sinadya niya talagang magpahuli para magkasabay kami sa paglalakad o ano. Sinabi ko sa mga kaibigan ni Chance na kotse ni Chance ang gagamitin ko kaya dun kami patungo ngayon.

"Hi." grabe ang lalim talaga ng boses niya tsaka anlamig. Jusko daig ko ang nasa antarctica dahil sa kaniya.

"Kakagaling mo lang sa school?" tanong niya pa. In fairness ha kinakausap niya nako ngayon unlike before na sobrang tahimik niya talaga.

"Yup. Matutulog na sana ako kung hindi lang tumawag ang asungot na yon para magpasundo. Hindi ko na sana susunduin because I'm really tired physically and mentally but, he's my friend so." kibit balikat kong sagot sa kaniya.

"Then you should've just go home and rest. Nandito naman kami para mag uwi sa kaniya." hindi ko alam kung guni guni ko lang ba o talagang may narinig akong galit at pag aalala sa boses niya.

"Nah it's fine."

"But it's not for me. Ako na ang magmamaneho ng kotse ni Chance. Sa passenger seat ka umupo para makatulog ka kahit papano habang nasa byahe." may pinalidad sa tono niya kaya nag aalinlangan akong umalma.

"But how about your car?"

"I'll just ask Denver to drive it."

"Oh, okay. Thank you. I'll just talk to my friend, Faye." tumango naman siya kaya dali dali akong naglakad papunta sa kotse ni Faye. Pagkalapit ko ay andun na siya nag aabang sa loob ng kotse niya.

"Babe hindi ako sasabay sayo okay? Dun ako sasakay sa kotse ni Chance. Ace is the one who's going to drive." may nakakaloko namang ngiti ang sumilay sa labi niya kaya napaikot na lang ang mga mata ko.

"Oh please stop whatever shit you're thinking right now. It's not like that."

"I'm not saying anything, babe." ngising tugon niya kaya hindi ko naiwasan at kusa na lang ulit umikot ang mata ko.

"Bahala ka na na diyan. Kita na lang tayo sa condo. Dun muna si Chance, walang tao sa bahay nila eh." pumayag naman siya kaya naglakad nako palapit sa kotse ni Chance. Nakaalis na si Faye ganun din ang iba ta agad namang sumunod ang kotseng sinasakyan namin.

"Matulog ka muna habang nasa biyahe, gigisingin na lang kita when we're already there."

"Okay thank you."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status