Share

Chapter 5

Late nakong nagising kaya naman nagmamadali akong nagbihis. I don't have time to eat breakfast kaya baka sa school na lang. Saktong pagbaba ko sa lobby ay nakita kong naghihintay na si Ace.

"Hey gorgeous, good morning." wow mukhang good mood ah?

"Good morning handsome."

"You seems in a hurry."

"Yeah late nako my god. Hindi na nga ako nakakain ng umagahan eh."

"What? Why didn't you eat? Come on let's grab some breakfast muna."

"No Ace I can't. Kanina pa dapat ako sa school mamaya na lang akong break time kakain."

"But—

"Come on, I promise kakain na ako mamaya. Kailangan ko ng umalis eh, madami pa kong dapat gawin sa school."

"Okay fine, halika na ihahatid na kita. Make sure na kakain ka mamaya, alright?"

"Yes I promise."

Nang makarating kami sa harap ng campus ay dali dali akong bumaba.

"Oh siya mauna nako ha late na talaga ko eh marami pakong gagawin. Pupuntahan mo bako mamaya?"

"I'm not sure yet baka kasi maraming activities na ibigay yung prof namin. But I'm sure na masundo kita."

"Okay just text or call me kapag pupunta ka mamayang lunch ha? Baka rin kasi mabusy ako sa pagde decorate kaya hindi agad kita malalabas kung sakali."

Tanghali na pero hindi pa din kami tapos sa pag aayos ng gymnasium. Dito kasi napiling ganapin ang pageant kaya todo effort kami sa pagdedecorate. May mga dadating din kasing bisita. Mga shareholders na minsan lang bumisita. Actually hindi ko pa sila nakikita kasi tuwing pumupunta sila dito eh sakto namang busy ako sa mga activities na binibigay ng prof.

"Pres may naghahanap po sa inyong lalaki." nagulat ako dahil may biglang nagsalita sa gilid ko.

"Huh? Sino daw?"

"Ace daw po." oh shit nakalimutan ko.

"Sige pakisamahan na lang siya dito, thank you."

"Yung speaker ba ayos na?" tanong ko sa Secretary.

"Yes Vice Pres. Patapos na rin tayo dito pwede na tayong magpahinga."

"Hay salamat sa wakas, makakakain na rin ako." natawa siya sa sinabi ko. Grabe siya totoo naman hindi pa kasi ako kumakain.

"Sabay na tayong kumain?" nakangiti niyang sabi sakin. By the way lalaki po ang secretary namin.

"Hindi siya sasabay sayo dahil kami ang magsasabay kumain." baritonong boses ang narinig ko kasabay ng pagpulupot ng matigas na braso sa bewang ko.

"Ace, bakit hindi ka nagtext or tumawag man lang? Akala ko tuloy busy ka kaya hindi ka makakapunta." baling ko sa kaniya pero galit siya. Nanlilisik yung mg mata niya as in.

"Ah Vice Pres may boyfriend ka na pala. Pasensya na akala ko kasi single ka." nahihiyang sabi ni Lance, yung secretary.

"At kung wala nga, talagang popormahan mo? Pwes malas mo nauna ako sayo. Sakin lang to at hindi ko hahayaang makawala pa sakin to."

"Ace come on tama na yan."

"Hindi, nag iinit ang ulo ko sa isang to eh." balak niya pa sanang sugudin si Lance kaya naman pinigilan ko siya kaso dahil nga malaki siyang tao hirap na hirap ako. Basketball player ba naman.

"But baby——

"Halika na gutom na ako." hay sa wakas napilit ko din siya.

"Sa susunod hayaan mo na lang yung mga ganun okay?"

"No, hindi pwede sakin ang ganun. Akin ka lang at hindi ako papayag na may ibang poporma sayo." ayan inis na naman siya. Busangot na busangot ang mukha eh.

"Hays wag ka ngang sumimangot diyan nababawasan kagwapuhan mo eh."

"Stop that, natutunaw yung inis ko." then he looked away.

"Asus oh fries." tinapat ko sa bibig niya kaya napangiti siya bago kinain yung fries. Namumula ang buong mukha niya hanggang leeg pati tenga niya namumula ang cute lang.

"Ang cute cute mo talaga." hindi ko na napigilan at pinanggigigilan ko na ang pisngi niya. Sumimangot naman siya kaya tinigilan ko na pero binalik niya ang kamay ko sa pisngi niya.

"I thought I'm handsome, but why are calling me cute now?" nakanguso niyang tanong kaya natawa ako. Kaya naman pala nakasimangot ayaw ng cute gusto gwapo.

"Oh sige gwapo ka given na yon, pero para sakin cute ka." ayun namula na naman siya.

"By the way, I'm not sure if masusundo kita mamaya."

"Why? May lakad ka ba?"

"No pero pinapapunta kasi ako nina dad sa company, marami daw akong kailangang pirmahan kaya baka abutin ako dun ng 10pm."

"No worries okay lang. Tsaka pagkalabas ko mamaya didiretso ako sa condo ni Chance." dun na siya napatingin sakin. Kanina kasi nakatutok siya sa pagkain.

"And why are going there?" nakakunot ang noong tanong niya. Tinigil niya rin muna ang pagkain niya para makapag usap kami ng maayos.

"Diba nga kagabi sabi ko sa kaniya na pupuntahan ko siya sa condo niya para pag usapan lahat ng problema niya?" malumanay kong sabi sa kaniya.

"Sasamahan kita."

"Hindi pwede. Diba nga kailangan mong pumunta sa kumpanya niyo kasi marami kang pipirmahan?"

"I can do that tomorrow."

"No hindi pwede. Tsaka mag uusap lang naman kami. Hindi naman ako mag isang pupunta don kasama ko naman si Faye."

"Hindi pa din ako pumapayag." kaya naman niyakap ko na siya. Sumandal ako sa dibdib niya my gosh ang tigas mga besh. Pasimple ko din siyang inamoy. Ang bango yawa.

"Sige na pumayag ka na please." dinungaw niya ako kaya tumingala ako at nginitian siya ng pagka tamis tamis. Ilang minuto din siyang hindi nagsasalita kaya hindi rin ako umaalis sa pagkakayakap sa kaniya. Hanggang sa narinig ko siyang bumuntong hininga kaya alam kong payag na siya.

"Fine just call me okay? Update me about your where abouts."

"Yes I will. Thank you." hinalikan ko siya sa pisngi kaya't natigilan siya pero pagkatapos ng ilang segundo ay inirapan niya ako. Grabe talaga to kalalaking tao ang hilig mang irap.

"Alam mo ang sungit mo talaga no? Kaya hindi kita masyadong nilalapitan at kinakausap noon eh."

"Masungit ka rin naman ata sakin kaya patas lang ang laban." sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa siya at niyakap ako.

"Wala ka na bang klase?"

"Wala na dinaanan lang talaga kita dito para sabay tayong mag lunch."

"Pagkatapos nating kumain diretso ka na sa kumpanya niyo?"

"Yes."

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam siyang aalis na kaya naman pumunta na din ako sa susunod kong klase.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status