“YO te quiero con todo mi corazon.” Nagsasanay kami ngayon ni Zayra dahil ang sabi niya sa akin ang gusto raw ni Mageline ay ang mga lalaking marunong magsalita ng Spanish.
“Iyan! Tama! Ang galing mo!” Pumalakpak siya at pinaghahampas niya ako.
“Tumigil ka nga! Mamaya pinag-tri-trip-an mo na naman ako,” saad ko sa kaniya kaya nag-iba bigla ang ekpresyon ng kaniyang mukha.
“Sure ako.” Tumalikod siya at lumakad palayo sa akin. Maya-maya pa'y bumalik na siya. Pagkabalik niya ay may dala-dala na siyang libro.
“Oh, 'yan, mag-aral ka.” Hinagis niya sa akin ang libro at agad ko 'yong sinalo.
Nandito kami sa bahay nila dahil pinapunta niya ako rito, tuturuan niya raw ako. Maganda ang bahay nila, kulay itim na may halong puti ang pintura.
“Ano pala 'yong tunay mong pangalan? 'Yong buo,” tanong niya habang dahan-dahang umuupo sa tabi ko.
“Zach Grey Javier, ikaw ba?” sagot ko sa kaniya.
“Ako, ang pangit ng pangalan ko pero sasabihin ko sa 'yo. Ako si Zayra Blu Jaiden.” Tumawa naman ako kaya natigilan siya. Hindi naman pangit ang pangalan niya, sa katunayan ay napakaganda nga nito.
“Sabi na nga ba, pangit.” Tatayo sana siya nang hawakan ko ang kamay niya.
“Ang ganda,” I said kaya bumalik siya sa puwesto niya.
Tinuruan niya pa ako ng maraming salita at pinipigilan ko ang pagtawa dahil hindi ko sinasabi sa kaniya na marunong ako ng wikang Spanish. Wala man lang siyang kaide-ideya.
“Yo quiero hacer el amor.” Lumaki ang mga mata niya at pinaghahampas ako. Tila gulat na gulat siya sa mga sinabi ko.
“Aray! Bakit ba?” Pinapatigil ko siya pero tuloy-tuloy pa rin siya sa paghampas sa akin.
“Marunong ka mag-spanish?! Bakit hindi mo sinabi? I hate you! Tsaka, yo quiero hacer el amor? Kanino?” Tumawa ako dahil sa sinabi niya kaya tinitigan niya ako nang masama.
“I want to make love, siyempre kay Mageline,” saad ko sa kaniya.
“So gross,” she said na nagpangiti sa akin.
“Gusto mo ba sa 'yo ako makipag...” Bigla niyang tinakpan ang bibig ko kaya napahinto ako sa sinasabi ko.
“Manahimik ka nga! Marinig ka pa ng papa ko!” Tumingin-tingin siya sa paligid at natawa ako sa naging reaksyon niya.
“Okay, okay. Hindi na pero gusto mo ba?” Tinitigan ko siya at pilit siyang umiiwas sa mga tinginan ko. Hindi ko alam pero ang sarap niyang biruin.
“Joke lang. Si Mageline lang ang gusto kong maka-sex,” saad ko sa kaniya na dahilan ng pag-iba ng ekspresyon sa mukha niya.
“Mabuti, hindi rin kita papatulan, mahiya ka nga,” aniya kaya tumawa lang ako sa kaniya.
“Haranahin ko na rin kaya siya?” Humarap sa akin si Zayra at parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya.
“Marunong kang kumanta?” namamanghang tanong ni Zayra.
“Hindi pero kakayanin ko,” sagot ko naman sa kaniya. Sa totoo lang, hindi ko pa nasubukan ang kumanta sa harapan ng isang tao. Kung sakali, ito ang kauna-unahan.
“Sige, ano ba ang kakantahin mo?” tanong niya sa akin. Ilang minuto akong nag-isip bago ko sinagot ang tanong niya.
“Grenade,” I answered.
“Grenade? Magandang kanta. Punta lang ako sa kusina.” Lumakad siya palayo sa akin hanggang sa maiwan na lang ako na mag-isa.
Iniisip ko kung tama ba na Grenade ang kantahin ko pero 'yon ang gusto ko. Ang nilalaman ng kantang 'yon ay ang mga gusto kong sabihin kay Mageline. Gusto kong iparating sa kaniya na kaya kong gawin ang lahat para lang sa pagmamahal. Kaya kong isakripisiyo kahit na ang sarili ko.
Naisipan kong kantahin 'yon at inalala ko muna ang lyrics. Nang pumasok na sa isipan ko ang buong kanta ay sinimulan ko na ang pag-awit.
“Easy come, easy go
That's just how you live
Oh take, take, take it all
But you never give...”
Tumigil ako sa pagkanta nang marinig ko si Zayra na nagsalita, “Ang galing!”
Tumingin ako sa kaniya at nakita ko na may dala-dala siyang cookies at juice. Lumakad siya patungo sa akin at inilapag niya ang mga pagkain na dala niya.
“Magaling kang kumanta, nakaka-turn-on.” Nanatili lang akong tahimik at hindi na umimik.
“Mukhang magugustuhan kita,” dugtong niya pa. Bigla naman akong natawa dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang nais niyang iparating sa sinabi niya pero hindi ko na lang iyon pinansin. Sa halip ay sinubukan ko na lamang siyang biruin sa ibang paraan.
“Ingat ka,” sambit ko bago ko ipagpatuloy ang pagkanta.
“Should've known you was trouble
From the first kiss
Had your eyes wide open
Why were they open...”
Bumuntong hininga ako at tumingin kay Zayra na taimtim na pinapakinggan ako sa pagkanta.
“Gave you all I had and you tossed it in the trash
You tossed it in the trash, you did
To give me all your love is all I ever ask...”
Ramdam ko ang mga luhang gustong-gusto nang magsilabasan mula sa mga mata ko pero pinipigilan ko 'yon, ayaw kong magmukhang duwag sa paningin ni Zayra. Ayaw kong magkalat ng mga luha sa harapan ng ibang tao.
“Because what you don't understand is
I'd catch a grenade for ya
Throw my head on a blade for ya
I'd jump in front of a train for ya
You know I'd do anything for ya...”
Ngunit hindi ko inaasahang iiyak ako, sobra-sobrang luha ang naubos ko dahil sa kaniya. Hindi ko na napigilan pa at nagsialon na ang mga luhang kanina ko pa iniingatang huwag tumulo.
Unti-unting bumagsak ang mga luha ko at kasabay nito ay ang pagpiyok ko sa pagkanta.
Sinubukan ko pa rin na kumanta kahit hindi ko na kaya, susubukan ko pa rin lahat kahit ayaw na niya, kahit ayaw na ni Mageline.
Sobrang sakit, ang sakit-sakit!
Sa gitna ng aking pag-iyak ay may mga bisig na biglang yumakap sa akin.
“Huwag ka nang umiyak, please. It hurts seeing you like that, I may not know you that well but fuck I don't want to see you crying so please stop. Hindi bagay sa 'yo.” Pilit niya akong pinapatahan pero hindi ko na kaya, tuluyan nang lumabas ang pagiging mahina ko. Pagdating sa kaniya nagiging mahina ako.
Mas lalong humigpit ang yakap niya at mas lalo lang na lumakas ang pag-iyak ko.
“Sino ka para gawin sa akin 'to! I gave everything, I gave all of me,” isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko sa pagbabakasaling baka mabawasan ng kahit kaunti man lang ang kirot.
Kumawala sa pagkakayakap sa akin si Zayra at ipinagtapat niya ang mukha naming dalawa.
“Babawiin natin siya, don't worry.” Ngumiti siya sa akin at niyakap niya akong muli. Pagkasabi niya ng mga salitang 'yon ay nakampante akong bigla. Huminahon ako at nawala ng para bang bula ang mga luha ko.
Naisip ko na ang suwerte ko ngayon dahil may isang babaeng nandito sa tabi ko para iparamdam sa akin na magiging maayos din ang lahat.
Napakasuwerte ko dahil, ito ang kauna-unahang beses na umiyak ako nang may karamay.
Makaraan ang ilang buwan ay napagdesisyunan namin ni Zach na mag-ampon. Alam na ng mga magulang niya na hindi siya makakabuo ng isang bata at alam din 'yon ng pamilya ko. Sa ngayon ay matiwasay kaming namumuhay at napag-isip-isip din namin na kumuha ng bata para maalagaan at mapalaki nang maayos. "Ito na po siya," bungad na wika ng Madreng kaharap namin ngayon. Magkahawak ang mga kamay namin ni Zach at hinarap namin nang nakangiti ang batang babae na may mahaba ang buhok. "Gusto ko siya. Para siyang si Mageline kung iisipin," ani ko kay Zach. Tumingin siya sa akin."Mageline?" naguguluhang tanong niya. Napangiti naman ako habang tinititigan ang batang nasa harap namin ngayon. Siguro ay mga nasa pitong taong gulang pa lamang siya. Kulot din ang mga buhok niya. "Para siyang si Mageline nang mga bata pa kami," nakangiting sambit ko. Napatango-tango naman si Zach at lumuhod siya para matitigan niya nang mabuti ang bata. "Magiging Javier ka na, gusto mo ba 'yon?" tanong ni Zach sa ba
Abalang-abala ang lahat dahil sa kasal namin ni Bliz. Habang inaayusan ako ay iwinawagayway naman sa akin ni mama ang gown na susuotin ko. "Ano ba, 'ma?" I asked her. She looked at me and gave me a smile. Alam kong masayang-masaya siya, halatang-halata naman sa istura niya. "Kasal mo ngayon that's why I'm so happy," she said. Napakunot ang aking noo, mukhang gusto niya na talaga akong makaalis sa puder niya. Napatingin ako sa kawalan nang maalala ko ang araw na 'yon. Hindi ko inakalang gagawian sa akin ni Zach ang mga bagay na 'yon, labis akong nasasaktan pero huli na. Ako rin naman ang may kagagawan ng lahat. "Why so sad?" my mom asked. I looked at her and a tear escaped my eyes. "Do you think magiging masaya ako? What I mean is, ikakasal ako sa taong hindi ko naman mahal? 'Ma, ang hirap nito," sabi ko sa kaniya. Lumakad siya palapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Anak, para sa'yo 'to at tandaan mo, bawal ka nang umatras. Magiging masaya ka, pangako." Napasinghap na lang
"Hija, kung mahal mo siya dapat puntahan mo na siya ngayon at sabihin mo sa kaniya kung ano ang nararamdaman mo," ani ng ina ni Zach. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naisipan kong pumunta rito sa bahay nila at kausapin siya tungkol sa mga naging desisyon ko."Tita kasi po..." Yumuko ako bago magsalitang muli, "Baka po magalit si mama kung aatras po ako sa kasal namin ni Bliz."Biglang tumawa ang mama ni Zach. Hindi ko alam kung anong rason ng pagtawa niya. May nasabi ba akong nakatatawa? "Pardon me. Kasal niyo ni Bliz? Are you kidding?" Naguluhan ako sa itinanong ni tita kaya napakunot ang noo ko. Nagtataka na talaga ako mula kahapon pa."May mali po ba?" tanong ko. Nagambala kami sa pag-uusap nang biglang may kumatok. Pagkabukas ng pinto ni tita ay lumaki ang mga mata ko. Nabigla ako sapagkat si Zach ang taong kumatok at nagulat din siya nang makita niya ako."Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Zach sa akin. Napairap ako at nang susubukan ko ng tumayo ay hinatak ako ng mama niya
"Anong ginagawa mo rito?" bungad sa akin ni Bliz. Nakangiti siya sa akin at ayaw na ayaw ko talaga ang kakaibang ngiti niya."Tungkol sa kasal natin," sagot ko sa kaniya. Nabigla ako sa pagtawa niya nang sobrang lakas kaya napakunot ang aking noo."May nakatatawa ba?" tanong ko sa kaniya kaya tumigil siya sa pagtawa at inayos niya ang kaniyang sarili.Mukhang may sayad na ata siya sa utak. Tumatawa na lang siya bigla-bigla. Minsan ay seryoso ang kaniyang mukha pero may pagkakataon din na nakangiti lang siya. "Wala naman. Upo ka," aya sa akin ni Bliz. Umupo ako sa sofa at tumabi siya sa akin."Ano bang gusto mong malaman? Tungkol sa kasal natin? Walang kuwenta kung pag-uusapan natin 'yon. Mas mabuti kung pag-uusapan natin kung sino ang tunay na ama ng dinadala ni Mageline," ani niya kaya mas lalo pang kumunot ang noo ko. Alam ko na kung sino ang tunay na ama ng dinadala ni Mageline at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya iyon kay Zach at sa mama ni Zach. Naba
Zayra's POVTuloy-tuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko at walang tigil ito sa pag-agos habang binabasa ko ang huling liham ni Mageline. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumuha nang sobra-sobra lalo pa't para ko na rin siyang kapatid. "Ito ba talaga ang gusto mo?" tanong ko sa kawalan. Para akong timang na nagsasalita mag-isa. Iniisip ko na nandito siya sa tabi ko at nakikinig sa akin ngunit para na akong baliw sa ginagawa ko."Hindi maaari itong gusto mo dahil sa sabado ay ikakasal na ako--ikakasal na ako sa taong hindi ko gusto." Napangiti ako nang mapait nang maalala ko ang mga sinasabi sa akin ni mama. Wala na akong kawala at ito rin ang dahilan ko kung bakit ayaw ko na makita si Zach. Hindi na ako puwedeng umatras pa at baka magalit ang magulang ko, lalong-lalo na si mama. Ayaw kong mangyari 'yon.Ito na ba ang parusa sa akin ng langit? Ito na ba ang kabayaran sa mga maling nagawa ko? Bakit ganito naman kalupit? Ang mga tao'y parang rosas, unti-unting nalalanta. Sa paglipas
"Zayra! Papasukin mo ako!" sigaw ko mula rito sa gate na kinatatayuan ko. Mahigit dalawang oras na akong naghihintay sa kaniya at hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. "Zayra! Dalawang oras nang nakatayo ang mga paa ko. Maawa ka," dugtong ko pa. Halos malanta na ako dahil sa ngalay. Sumasakit na ang tuhod at ang paa ko. Lumabas ang ama ni Zayra at lumapit sa akin. "Anong ginagawa mo rito?! Wala si Zayra rito, umalis ka na," pasigaw niyang sabi. Napakagat ako ng labi at napasinghal. "Kailangan ko lang po siyang makausap," pangungumbinsi ko. Tinitigan ako nang masama ng ama ni Zayra at hindi ako nagpatinag. Kailangan kong maiabot itong sulat na dala-dala ko. "Ang kulit mo! Umalis ka na! Ayaw kang makita ni Zayra," ani ng ama ni Zayra. Inilabas ko ang sulat at iniabot ko ito sa kaniya. "Pakibigay na lang po. Sulat po iyan ni Mageline," sabi ko bago tumalikod. Wala na akong narinig pa na salita mula sa ama ni Zayra. Hindi rin lumabas si Zayra sa lungga niya. Mukhang ayaw niya talag