DALA-DALA ko ang itim na bulaklak na ito habang nakatayo pa rin ako hanggang ngayon sa harapan ng bahay nina Mageline. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya at halos isang oras na akong nakatayo rito pero wala pa ring nagbubukas ng pinto.
Sinubukan ko na rin na tawagan ang number niya pero walang sumasagot.
“Mageline! Mageline, please may ibibigay lang ako. Mageline,” paulit-ulit na tawag at sigaw ko sa kaniya. Naghintay pa ako ng ilang oras at tinatawagan din ako ni Bliz pero hindi ko 'yon sinasagot. Isinantabi ko si Bliz dahil mas mahalaga si Mageline.
Mayamaya pa ay may nagbukas na ng pinto nila at sa wakas hindi na ako maghihintay nang ilang oras pa rito. Pagkalapit na pagkalapit ko pa lang ay nakita ko na kaagad si Mageline.
“Ano bang ginagawa mo rito?!” sumisigaw na bungad niya habang lumalapit sa akin.
“Gusto ko lang sana ibigay sa'yo 'to.” Iniabot ko ang mga bulaklak at nagulat ako dahil sa naging reaksyon niya.
“Mukha na ba akong mamatay?! Umalis ka na nga rito! Alis!” Tinulak-tulak niya ako at hindi ko maintindihan, akala ko ba ay gusto niya ang mga bulaklak na ito?
“Akala ko gusto mo ng itim na bulaklak?” tanong ko sa kaniya pero mas lalong kumunot ang noo niya.
“Huwag na huwag ka nang babalik dito, tapos na tayo.” Pumasok ulit siya sa bahay nila. Hindi ko na siya magawang tawagin pa dahil sa binalot na ako ng hiya.
Labis akong nairita dahil mas lalong nagalit sa akin si Mageline kaya tinawagan ko si Zayra.
Wala pang ilang segundo nang sagutin niya ang tawag ko.
“Ano bang ginawa mo?! Sabi mo gusto niya ng mga itim na rosas?!” Imbes na humingi ng tawag ay narinig ko pa ang malakas na pagtawa niya.
“Gusto niya ng itim na rosas baka hindi niya lang gusto 'yong nagbigay.” Binato ko ang mga rosas na hawak-hawak ko at pinagtatapak-tapakan ang lahat ng iyon.
“Galit ka?” Isang malakas na tawa ang isinagot ko sa kaniya. Mukha bang matutuwa ako sa nangyari? Malamang, galit ako!
“Sorry, galit ka ba?” tanong niyang muli.
“To be honest, I'm a little bit angry pero ayos lang. Masarap ba manloko?” Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga niya.
“Okay, I'm sorry pero sinabi ko lang ang totoo. Gusto niya ang itim na rosas.” Pinatay ko na ang tawag dahil wala rin namang kuwenta ang sasabihin niya. Isa lang ang ibig niyang ipalabas, na kahit ano pa ang gawin ko ay hindi ko na muling mababawi si Mageline dahil ayaw niya sa akin.
Pumasok ako sa kotse ko at mabilis akong nagmaneho. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya pinuntahan ko na lang si Bliz.
Pagkarating na pagkarating ko pa lang ay ngiti niya agad ang bumungad sa akin.
“Bro, nahanap mo na ba kung sino 'yon?” I asked him pero umiwas siya ng tingin.
“Sorry, bro. Ang hirap mahanap,” sambit niya kaya bumuntong hininga na lamang ako.
“Magaling talagang magtago. Hanapin mo 'yong lalaking 'yon, pakiusap.” Lumakad ako patungo sa sofa nila at sumunod naman siya sa akin. Umupo kaming pareho at tinawag niya ang katulong niya para magpahanda ng juice.
“Pero, paano kung kakilala mo 'yong lalaki? Ano ang gagawin mo?” Nabigla naman ako sa katanungan niya kaya nagsalubong ang kilay ko.
“Papatayin ko siya,” walang alinlangang sambit ko. Hindi na siya umimik pa at nanahimik na lang.
Hindi ko alam pero kung kakilala ko ang dahilan ng lahat, ang dahilan kung bakit hindi ako ang pinili ni Mageline, hindi ko 'yon mapapatawad, hindi ko siya mapapatawad.
May biglang tumawag sa kaniya at hindi ko nabasa kung sino 'yon dahil agad niya itong pinatay.
Paulit-ulit pa na tumawag sa kaniya 'yong taong 'yon pero ayaw niyang sagutin na para bang may itinatago siya sa akin na isang malaking sikreto. Nararamdaman ko na may kakaiba.
“Aalis na ako, sagutin mo na 'yan.” Lumakad ako palayo at bumalik na sa kotse ko.
Nakapagtataka ang ikinikilos ni Bliz. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya pero kung may kinalaman siya na ayaw niyang sabihin sa akin. Hindi ko siya patatawarin.
Kaibigan ko na siya simula nang bata pa lang kami kaya naniniwala rin akong hindi niya magagawa sa akin ang mga bagay na 'yon. Malaki ang tiwala ko sa kaniya dahil sa lahat ng tao, siya lang pinagkakatiwalaan ko.
Isang malakas na tunog ang nanggagaling sa cellphone ko. May tumatawag sa akin kaya sinagot ko 'yon.
“Bakit, Zayra?” bungad na tanong ko kaagad sa kaniya.
“Magkita tayo,” sabi niya bago ibinaba ang tawag.
Itinext niya sa akin ang lugar kaya nagmaneho ako papunta ro'n.
Kahit galit ako sa kaniya ay hindi ko magawang hindi siya siputin. Paano na lang kung may mangyari sa kaniyang masama, edi ako pa ang magiging dahilan n'on.
Ilang minuto pa ay nakarating na ako. Bumaba ako ng sasakyan at umupo sa duyan habang hinihintay siya.
Mayamaya ay nagulat ako dahil may nagtakip ng mata ko at pagkatanggal ko ay si Zayra 'yon. Tinitigan ko siya kaya natahimik siyang bigla. Hindi ako sanay na tinatakpan ang mga mata ko pero bakit tila natuwa ako?
“Sorry.” Sumimangot siya at natawa naman ako dahil sa inasta niya.
“Huwag mo na ulitin 'yon, hindi ka na bata,” sabi ko sa kaniya kaya lumapit siya sa likod ko at itinulak ang duyan nang sobrang lakas.
Halos malula ako dahil sa ginawa niya. Sinusubukan kong pahintuin siya pero ayaw niyang huminto.
“Ihinto mo na!” sigaw ko sa kaniya pero tawa lang siya nang tawa.
“Ang duwag mo naman.” Ihininto niya na ang pagtulak sa duyan at pumunta siya sa harapan ko.
“Ang guwapo mo rin pala,” sambit niya habang nakatingin sa mga mata ko kaya umiwas ako. Hindi ako makatingin nang maayos dahil sa ginawa niya.
“Pinagsasabi mo?” nagmamaang-maangan na tanong ko sa kaniya.
Tumayo ako at tinitigan ang mga batang naglalaro. Ang sasaya nila, hindi ko naranasan maglaro sa labas noong bata pa ako kaya labis akong naiinggit kapag nakakakita ako ng mga batang naglalaro sa kalsada.
“Hindi ko naranasan maging bata,” sabi niya na naging dahilan ng pagtingin ko sa kaniya.
“Simula noong bata ako puro pagpapasakit na lang ang naranasan ko sa mundong 'to, hanggang ngayon,” dugtong niya pa kaya nginitian ko siya at pinaupo ko siya sa duyan. Unang beses kong makita na ganito siya, na sobrang lungkot ng itsura niya.
“Upo ka, ako naman ang magtutulak sa 'yo para ma-try mo.” Sinunod niya naman ako at itinulak ko ang duyan nang sobrang lakas pero parang wala lang sa kaniya dahil ang emosyon niya ay gano'n pa rin, walang pagbabago.
“Hindi ka ba natatakot?” tanong ko sa kaniya pero tumawa lamang siya nang malakas.
“Ako? Matatakot? Halos lagi akong nilalambitin at pinapaikot ng nanay ko.” Nabigla ako sa sinabi niya kaya hininto ko ang pagtulak sa duyan.
“What do you mean?” Tinitigan ko siya at nakita ko ang mata niya na hindi mahinuha kung masaya ba o hindi, kumbaga walang emosyon ang makikita sa kaniya.
“Wala,” sambit niya bago tumayo at inaya akong umuwi.
Tila nakaramdam ako ng kakaiba na hindi ko magawang maipaliwanag. Nalungkot ako dahil sa mga sinabi niya sa akin at para bang gusto kong hamakin ang mundo niya nang biglaan.
Ngunit...
Alam kong mali ang isipin ito dahil hindi ko ugaling mangialam ng buhay ng mga tao. Wala akong pakialam sa kanila dahil ang tanging buhay ko lang ay si Mageline.
Makaraan ang ilang buwan ay napagdesisyunan namin ni Zach na mag-ampon. Alam na ng mga magulang niya na hindi siya makakabuo ng isang bata at alam din 'yon ng pamilya ko. Sa ngayon ay matiwasay kaming namumuhay at napag-isip-isip din namin na kumuha ng bata para maalagaan at mapalaki nang maayos. "Ito na po siya," bungad na wika ng Madreng kaharap namin ngayon. Magkahawak ang mga kamay namin ni Zach at hinarap namin nang nakangiti ang batang babae na may mahaba ang buhok. "Gusto ko siya. Para siyang si Mageline kung iisipin," ani ko kay Zach. Tumingin siya sa akin."Mageline?" naguguluhang tanong niya. Napangiti naman ako habang tinititigan ang batang nasa harap namin ngayon. Siguro ay mga nasa pitong taong gulang pa lamang siya. Kulot din ang mga buhok niya. "Para siyang si Mageline nang mga bata pa kami," nakangiting sambit ko. Napatango-tango naman si Zach at lumuhod siya para matitigan niya nang mabuti ang bata. "Magiging Javier ka na, gusto mo ba 'yon?" tanong ni Zach sa ba
Abalang-abala ang lahat dahil sa kasal namin ni Bliz. Habang inaayusan ako ay iwinawagayway naman sa akin ni mama ang gown na susuotin ko. "Ano ba, 'ma?" I asked her. She looked at me and gave me a smile. Alam kong masayang-masaya siya, halatang-halata naman sa istura niya. "Kasal mo ngayon that's why I'm so happy," she said. Napakunot ang aking noo, mukhang gusto niya na talaga akong makaalis sa puder niya. Napatingin ako sa kawalan nang maalala ko ang araw na 'yon. Hindi ko inakalang gagawian sa akin ni Zach ang mga bagay na 'yon, labis akong nasasaktan pero huli na. Ako rin naman ang may kagagawan ng lahat. "Why so sad?" my mom asked. I looked at her and a tear escaped my eyes. "Do you think magiging masaya ako? What I mean is, ikakasal ako sa taong hindi ko naman mahal? 'Ma, ang hirap nito," sabi ko sa kaniya. Lumakad siya palapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Anak, para sa'yo 'to at tandaan mo, bawal ka nang umatras. Magiging masaya ka, pangako." Napasinghap na lang
"Hija, kung mahal mo siya dapat puntahan mo na siya ngayon at sabihin mo sa kaniya kung ano ang nararamdaman mo," ani ng ina ni Zach. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naisipan kong pumunta rito sa bahay nila at kausapin siya tungkol sa mga naging desisyon ko."Tita kasi po..." Yumuko ako bago magsalitang muli, "Baka po magalit si mama kung aatras po ako sa kasal namin ni Bliz."Biglang tumawa ang mama ni Zach. Hindi ko alam kung anong rason ng pagtawa niya. May nasabi ba akong nakatatawa? "Pardon me. Kasal niyo ni Bliz? Are you kidding?" Naguluhan ako sa itinanong ni tita kaya napakunot ang noo ko. Nagtataka na talaga ako mula kahapon pa."May mali po ba?" tanong ko. Nagambala kami sa pag-uusap nang biglang may kumatok. Pagkabukas ng pinto ni tita ay lumaki ang mga mata ko. Nabigla ako sapagkat si Zach ang taong kumatok at nagulat din siya nang makita niya ako."Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Zach sa akin. Napairap ako at nang susubukan ko ng tumayo ay hinatak ako ng mama niya
"Anong ginagawa mo rito?" bungad sa akin ni Bliz. Nakangiti siya sa akin at ayaw na ayaw ko talaga ang kakaibang ngiti niya."Tungkol sa kasal natin," sagot ko sa kaniya. Nabigla ako sa pagtawa niya nang sobrang lakas kaya napakunot ang aking noo."May nakatatawa ba?" tanong ko sa kaniya kaya tumigil siya sa pagtawa at inayos niya ang kaniyang sarili.Mukhang may sayad na ata siya sa utak. Tumatawa na lang siya bigla-bigla. Minsan ay seryoso ang kaniyang mukha pero may pagkakataon din na nakangiti lang siya. "Wala naman. Upo ka," aya sa akin ni Bliz. Umupo ako sa sofa at tumabi siya sa akin."Ano bang gusto mong malaman? Tungkol sa kasal natin? Walang kuwenta kung pag-uusapan natin 'yon. Mas mabuti kung pag-uusapan natin kung sino ang tunay na ama ng dinadala ni Mageline," ani niya kaya mas lalo pang kumunot ang noo ko. Alam ko na kung sino ang tunay na ama ng dinadala ni Mageline at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya iyon kay Zach at sa mama ni Zach. Naba
Zayra's POVTuloy-tuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko at walang tigil ito sa pag-agos habang binabasa ko ang huling liham ni Mageline. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumuha nang sobra-sobra lalo pa't para ko na rin siyang kapatid. "Ito ba talaga ang gusto mo?" tanong ko sa kawalan. Para akong timang na nagsasalita mag-isa. Iniisip ko na nandito siya sa tabi ko at nakikinig sa akin ngunit para na akong baliw sa ginagawa ko."Hindi maaari itong gusto mo dahil sa sabado ay ikakasal na ako--ikakasal na ako sa taong hindi ko gusto." Napangiti ako nang mapait nang maalala ko ang mga sinasabi sa akin ni mama. Wala na akong kawala at ito rin ang dahilan ko kung bakit ayaw ko na makita si Zach. Hindi na ako puwedeng umatras pa at baka magalit ang magulang ko, lalong-lalo na si mama. Ayaw kong mangyari 'yon.Ito na ba ang parusa sa akin ng langit? Ito na ba ang kabayaran sa mga maling nagawa ko? Bakit ganito naman kalupit? Ang mga tao'y parang rosas, unti-unting nalalanta. Sa paglipas
"Zayra! Papasukin mo ako!" sigaw ko mula rito sa gate na kinatatayuan ko. Mahigit dalawang oras na akong naghihintay sa kaniya at hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. "Zayra! Dalawang oras nang nakatayo ang mga paa ko. Maawa ka," dugtong ko pa. Halos malanta na ako dahil sa ngalay. Sumasakit na ang tuhod at ang paa ko. Lumabas ang ama ni Zayra at lumapit sa akin. "Anong ginagawa mo rito?! Wala si Zayra rito, umalis ka na," pasigaw niyang sabi. Napakagat ako ng labi at napasinghal. "Kailangan ko lang po siyang makausap," pangungumbinsi ko. Tinitigan ako nang masama ng ama ni Zayra at hindi ako nagpatinag. Kailangan kong maiabot itong sulat na dala-dala ko. "Ang kulit mo! Umalis ka na! Ayaw kang makita ni Zayra," ani ng ama ni Zayra. Inilabas ko ang sulat at iniabot ko ito sa kaniya. "Pakibigay na lang po. Sulat po iyan ni Mageline," sabi ko bago tumalikod. Wala na akong narinig pa na salita mula sa ama ni Zayra. Hindi rin lumabas si Zayra sa lungga niya. Mukhang ayaw niya talag