Share

Chapter 4

CHAPTER 4

AKIRA'S POV

"AKIRA I'M SORRY PLEASE FORGIVE ME. THAT WAS A MISTAKE BABY. LET ME EXPLAIN PLEASE!"

Fuck! Anong ginagawa niya?

"What is this Akira?" mariing tanong ni kuya Lexus sa akin. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakagawak sa pulsuhan ko.

"A-aray kuya!" pilit kong pinipiglas ang hawak niya.

Nagulat naman ako sa sigaw ni Reigh.

"DON'T TOUCH HER ASSHOLE, CAN'T YOU SEE SHE'S HURTING? LET GO IF HER!" agad namang binitawan ni kuya ang kamay ko at binaling ang tingin kay Reigh.

"YOU BASTARD SHUT UP AND GO HOME. YOU'RE NOT WELCOME HERE!" sigaw nito pabalik.

Agad namang sinenyasan ni kuya ang mga guard na paalisin si Reigh. Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng maigi.

"So, can you explain that?"

"Ahh ehh kuya..." napa pout ako. Di ko alam ang sasabihin ko.

"Wag kang mag pout dyan di moko madadala sa pagpapakyut mo Akira Vichelle."

"Lexus, kita mo nang nagluluksa ang kapatid mo pinapagalitan mo pa. Can't you understand the situation? They're in a relationship. God ang slow naman!" nakasapo pa sa noong saad ni Heaven. Her guts talaga.

"WHAT? SO DO YOU MEAN SHE'S THE GIRL I THAT VIDEO—"

"ARGHHHH OF COURSE NOT LEXUS. UMAYOS KA NGA!"

Lumapit sa akin si Heaven at inakbayan ako. Di naman nakapagsalita pa si kuya. Tiklop talaga kay Heaven. Malamang in love yan eh. He's 3 years older than me and 1 year older that Heaven.

Yes mas matanda sakin si Heaven pero we're friends dahil na din sa family namin.

"Tara na besh, hayaan mo na yang slow mong kuya."

Bago kami makalayo ay nagsalita pa si kuya. Nabalik na siguro sa hwisyo.

"Cut all your ties with that guy Akira kung ayaw mong malaman ito ni daddy."

Lumingon ako at tumango.

"Yes kuya." bago kami tumuloy sa kwarto.

________

Weeks passed.

Ilang araw ng masama ang pakiramdam ko. I can't talk to kuya kasi wala siya. Nasa business trip at ang step sister ko lang ang kasama ko dito together with her bruhildang mother na stepmom ko si tita Belle. Tapos ang step sis ko is si Anna. Oh diba ganda ng name nila ANNA and BELLE, Annabelle. Mga impakta.

Masama kasi talaga ang ugali ng dalawa pero ang galing magpakitang tao pag andyan si daddy at kuya. Kala mo kung sinong mabait.

Tinatawagan ko si Heaven pero hindi sumasagot ang bruha. Busy ata. Balita ko last week may pupuntahan din ito. Mag tatravel siguro. Field trip lang.

*blskksrhej*

Arghhh nasusuka na naman ako.

Halos isang linggo na akong ganito. Di naman ako bobo para di malaman kung ano 'to. It's been 3 weeks nung may nangyari sa amin ni Reigh. We didn't use protection so I guess nag bunga ata.

Hindi ako makalabas ng bahay dahil sa dami ng media na nakaabang sa labas. Balak ko sanang magpabili ng pregnancy test kay Heaven pero hindi ko alam saang lupalop ng mundo nagsusuot ang bruha.

Simula nung may reporter na nakakita kay Reigh na nag eeskandalo sa labas ng bahay ay sunod sunod ng  pumupunta dito araw araw ang mga reporter.

I saw on a news na hula daw nila ay ang family namin ang nag kalat ng scandal ni Reigh kaya daw pumunta si Reigh dito ay para paaminin kami na kami nga ang nag post ng video.

Fuck those reporters, ang galing gumawa ng story.

*brghhhhh* sound of my stomach

Huhu gutom nako. Kaya napagdesisyunan kong bumaba. Magluluto na lang ako ng noodles. For sure wala pang pagkain for lunch kasi 10am pa lang.

Pagkababa ko ay naabutan ko sa sala si Anna.

"Oh gosh kaya pala ang init kasi andito na ang anak ni Satanas!" sabi nito ng kunwari nagpapaypay gamit ang kamay niya. Eh siya tong kampon ng kadiliman.

"Oh sorry, ganito kasi talaga pag hot." I then flipped my hair at dumeretso sa kusina.

I cooked noodles at kumain na din. Pero ramdam ko parin ang gutom. Naka tatlong noodles na ako pero gutom parin talaga.

Bumalik na ako sa sala at wala na doon ang impakta. Sumilip ako sa bintana. Gosh ang dami palang reporter. Mukhang di na sila natutulog ahh.

Musta na kaya si Reigh? Is he okay? Arghhhh as if I care. Bahala siya sa buhay niya. Manloloko.

*RING RING RING*

REIGH CALLING...

Ayy di ko pala na blocked tong lalaking to. Almost 3 weeks din niya akong di kinontact ahh.

I answered it pero di ako nagsalita.

"Hello? Baby can you here me?" lakas ng loob mag baby baby ahh.

Narinig kong madaming maingay sa paligid niya. May naririnig pakong boses na kinukuha ang phone sa kanya.

"CAN'T YOU FUCKING KEEP QUIET? I'M TALKING WITH MY GIRLFRIEND RIGHT NOW!" agad kong inilayo ang phone sa tenga ko sa lakas ng sigaw ay baka masira ang eardrum ko.

Binalik ko naman agad ito. Wala ng maingay.

"BABY LET'S GET MARRIED!"

"What are you talking—"

*Toot toot toot*

WHAT? Tiningnan ko ang phone ko. Pinatayan pako ng gago.

"AHHHHHHHH NOOOOOOO!" I jump out of surprise.

Nakabalik na pala si Anna sa sala. Nanlaki ang mata ko ng makita kung ano ang pinapanood niya sa TV.

"WHAT HAPPENED MY DAUGHTER?" sigaw naman ni tita Belle na kakababa lang galing sa taas, alangan naman galing sa baba?

"MOOOOM LOOK AT THIS LOOK AT THIS GOD NO I CAN'T TAKE THIS. THIS IS FAKE NEWS."

The news says "MR. REIGH BRIAR IS IN A RELATIONSHIP WITH MS. AKIRA VICHELLE GRIFFIN"

"Oh god!" mahinang usal ko.

Napatingin naman sa akin ang dalawang mag-ina. Kasabay nito ang pagpasok ni kuya at ni Heaven. Ba't magkasama 'tong dalawang 'to? Ay ewan.

"Besh sorry ngayon lang, i received your chats. I bought you a PT on my way—" bigla siyang napatigil ng dumako ang mata niya sa dalawang impakta na nakamasid lang sa amin.

"oh god!" sabay takip nito sa bibig.

Buti na lang at mukhang hindi naman narinig ng dalawa dahil malayo sila sa kinatatayuan naming tatlo.

"Tita Bella andito pala kayo." bati ni kuya sa kanila.

"What's the meaning of this Lexus? Are you aware that your sister is in a relationship with that guy?"

Hindi naman sumagot si kuya at tumungo lang. Arghh nadamay pa siya sa gulong ginawa ko.

"Dapat 'tong malaman ng daddy niyo."

"Dapat lang talaga mom. Reigh is my long time crush. If I can't be with him then no one could be!" pag mamaktol ng anak nitong impakta.

"Let me fix this tita. I can handle this po. Daddy's busy so let's not tell him regarding this for the meantime."

Tumayo si Anna sa pagkakaupo at kinuha ang phone niya sa mesa.

"No, dapat tong malaman ni daddy. Alam kong kukunsintihin mo na naman yang kapatid mo." maarteng sabi nito kay kuya. Abah ang bruha.

"Hoy bruha, hindi ka kasali sa usapan wag kang sumabat. Walang respeto kahit mas nakakatanda sa kanya sinasagot sagot. Pwede bang manahimik ka? Di ka belong sa family girl." palaban talaga tong babaeng to.

"You're not belong din naman sa family namin ah?" maarteng sagot nito kay Heaven. Ayy di mo matatalo si Heaven girl.

"Kaya nga ikaw ang sinagot ko diba kasi were both not belong Sa family nila. Reminder ahh family nila not family niyo. Ewww nakikibelong ang adopted."

Yes, you heard it right. Adopted lang ni tita Belle si Anna. If I'm not mistaken di daw kasi sila makaanak nung first husband niya kaya nag adopt sila then nung naghiwalay sila dinala naman ni tita Belle tong impakta.

" Nakiki daddy pa nga kahit di niya naman daddy, wala talagang hiya." dagdag pa ni Heaven. Pag ito talaga inaway mo, pati kaluluwa mo mahihiya hahahah.

Lumapit ako sa kanilang dalawa ni kuya at hinila si Heaven. Baka kasi makipagsabunutan pa ito.

"Tama na besh, tara na sa kwarto para ma gamit ko na 'yang pinabili ko." saka ko siya hinila pupunta sa kwarto. Tiningnan ko si kuya at tumango lang ito.

"I can handle this." he mouthed. Ang bait talaga ni kuya kahit kailan.

Narinig ko pang nagmamaktol si Anna pero di ko na ito pinansin.

_______

Nandito kami ngayon nakapalibot sa dining area. Dumating si daddy kanina. I think tinawagan parin talaga siya ni tita Belle or ni Anna.

"Is it true that your in a relationship with Mr. Briar?"

Tumungo ako bago sumagot. "Opo."

"Alam mo ba kung anong pinasok mo Akira?" he's mad. He never called me Akira unless he's mad. He always call me baby Aki.

"Dad, let's eat first. Let's talk about that later."

"kaya ganyan ang kapatid mo dahil kinukunsinti mo palagi Lexus." sabat naman ni tita Belle.

Huhu gutom nako kanina pa. Hindi ba pwedeng mamaya na nila to pag-usapan?

"BESHHHHH IT'S POSITIVE!"

Napatayo ako sa pag sigaw ni Heaven.

Oh my gosh pahamak ka talaga Heaven.

Nakalimutan ko, siya pala ang pinabantay ko sa result ng pregnancy test na kanina'y ginamit ko. Bigla kasi akong tinawag ni kuya, yun pala ay dumating si daddy. Aish di ko nasabi sa kanya na andito si daddy.

Nagulat naman ito ng makita si daddy.

"WHAT'S POSITIVE AKIRA? ARE YOU PREGNANT?"

Malakas na sigaw ni daddy. Sabay hampas sa mesa. Nasindak naman kaming lahat. Nakita kong agad na itinago ni Heaven ang PT sa likod niya.

"Dad calm down. You're scaring everyone." lumapit si kuya kay daddy para pakalmahin nito.

"Scaring? Aren't they scared of what their family can do to us?"

Di ko mapigilang di umiyak. Ano yong pinasok ko na gulo? Ang tanga ko talaga.

"I'm s-sorry dad."

"So you're pregnant." na estatwa ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses ni Reigh.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Theresa Dufale
update....
goodnovel comment avatar
Ner Garabel II
nice naman ang story hehe
goodnovel comment avatar
Clarissa Layam
maganda ang story super
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status