Share

Chapter 3

CHAPTER 3

HEAVEN'S POV

Nakailang katok na ako wala parin sumasagot kaya napagdesisyunan kong pumasok na. Hindi naman ito naka lock. Sinarado ko ito ulit pagkapasok baka kasi may makarinig sa amin at sabihin pa sa daddy ni Akira na ang boyfriend ng anak niya ay anak ng kalaban nila.

Wala akong makitang Akira sa loob. Oh god where is she?

"Akira?" I shouted.

"Akira are you here?" sigaw ko ulit ng walang sumagot. Arghhh nasaan ang babaeng iyon?

*BLAG*

Nagulat ako sa malakas na kumalabog sa loob ng cr. Don't tell me...

"Oh my gosh!" agad agad akong pumunta sa cr. Sana mali ang iniisip ko na magpapakamatay si Akira. No no no. God wag naman sanang maisipan ni Akira na magpakamatay dahil lang lalaking yun

Buti at hindi naka lock ang pinto ng cr kaya naman agad ko itong binuksan.

"AKIRA!" nagulat ako sa bumungad sa akin.

Si Akira walang malay na nakabulagta sa sahig.

Agad ko siyang dinaluhan at niyugyog.

"AKIRA WAKE UP. DON'T DO THIS. DON'T WASTE YOUR LIFE ON THAT FUCKING BASTARD!" sa sobrang lakas ng sigaw ko ay malamang sa malamang pag 'di sound proof etong kwarto niya ay maririnig ito ng kung sino man ang nasa bahay na'to.

"Aghhhhh" gumalaw naman ito. Thanks god. Akala ko mawawalan nako ng kaibigan.

AKIRA'S POV

Ang sakit ng ulo ko.

"Thanks god. Akala ko mawawala kana. Ba't kaba magpapakamatay?" anong pinagsasabi netong bruhang to?

"Tabi nga!" sabi ko dito para nakaupo ako ng maayos. Ay abah dinaganan ba naman kasi ako.

Tumayo siya at umupo naman ako.

"Sinong magpapakamatay hah?" tanong ko dito.

"Ikaw?" nag aalangan na sagot nito.

"Bruha. Na slide lang ako at tumama ang ulo ko dito sa pader. Kung sa bowl pa tumama baka nga namatay na talaga ako. At saka sa lakas ng sigaw mo ay kahit patay nako talagang mabubuhay ako ulit. "

"Ayy hehe. Akala ko kasi magpapakamatay ka dahil dun sa gagong yun!"

Inilahad niya ang kamay niya at inabot ko naman ito para makatayo. Huhu ang sakit ng likod ko.

Lumabas na kami sa CR at umupo sa kama.

"So, did you contact him?" tinutukoy nito ay si Reigh.

"Yes. He contacted me first..."

"Anong sabi niya?" pagputol niya sa sasabihin ko.

"Oo daw..." napayuko ako dahil naaalala ko ang nangyari kagabi. Tapos ang video kanina. Naramdaman kong tumulo ang luha ko.

Niyakap naman ako ni Heaven. Ilang minuto kaming nasa ganong posisyon ng biglang mag ring ang phone niya.

"Si Reigh tumatawag!" oh. I blocked him after I ended the call kanina.

"Don't answer it. I can't face him right now or even talk with him."

"I know," and she ended the call. Nakita kong may kinalikot pa ito sa phone niya. "I also blocked him na." sabi pa nito.

"May nangyari sa amin kagabi." lakas loob kong kwento kay Heaven.

"Oh tapo—WHAT? OH DAPAT PANAGUTAN KA NG LOKO AY ABAH!"

"Calm down girl. Let's just keep it a secret. Hindi naman na mauulit. I'll break up with him." I grab my phone then unblocked his number.

I texted him to meet me later 1pm at Seinko Restaurant na pag-aari nila Heaven. It's safer there at dun kami palaging nagkikita. It is manage by Heaven kaya walang mga paparazzi na nakakapasok doon at may secret room din every VIP na pumapasok doon at isa ako sa VIP na yun.

"Dapat lang. Hiwalayan mo na. Gosh ako ang naiistress. Bwiset na mga lalaki, kung sino sino ang kinakalantari." napayuko na lang ako. Ginusto ko namang may mangyari sa amin kagabi kaya di ako nagsisisi.

___________

Nandito kami ngayon ni Heaven sa Seinko Restaurant. Maaga talaga kaming pumunta. We waited for him.

Pumasok ang isang waiter.

" Mr. Briar is here ma'am. " nakayukong sabi nito.

"Papasukin mo." sabi ko lang.

Kinakabahan ako.

"I'll leave first, babalikan kita. Tatagan mo loob mo. Wag kang magpapadala sa mga matatamis niyang salita Akira. Remember, a cheater will always be a cheater." hinawakan niya ang kamay ko at pinisil bago umalis.

Nakaalis na si Heaven. Nakaupo lang ako dito sa loob.

"Akira..." mahinang boses ni Reigh.

Nakapasok na pala siya ng di ko namalayan.

"Sit down first Mr. Briar." formal na saad ko. Sanay naman ako sa gan'tong approach dahil gan'to kami pag may mga social gathering. Bawal kaming maging sweet baka makita ng mga ka negosyo nila at ng pamilya namin. We're mortal enemy.

Ngunit di siya nakinig. Lumapit ito sa pwesto ko at lumuhod. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Please here me Akira. Let me explain first." nagmakakaawang sabi nito.

Inalis ko ang kamay niyang naka hawak sa kamay ko.

"Let's break up." may diing sabi ko at tumayo. Ayokong manatili dito baka lumambot ang puso ko at patawarin siya. He looks so fragile that any moment mag b-breakdown siya.

I walked towards the door. Pero yumakap siya sa likod ko bago ko mabuksan ang pinto.

"No you can't leave me. I won't break up with you. Let me explain first Akira."

Nagpumiglas ako para makawala sa yakap niya. I slapped him.

"Anong gusto mo? Tanggapin kong niloloko mo ako? Tatanggapin kong may babae ka habang tayo? Fuck you Reigh fuck you!" Di ko mapigilang sigaw habang umiiyak. I can't take this anymore.

Umalis agad ako. Narinig kong tinatawag niya ako pero di ako lumingon. Tumakbo ako at nakasalubong ko naman si Heaven. Agad niya naman akong hinila papunta sa kotse niya. Pinaandar niya agad ito papunta sa bahay. It's safer there. Alam kong di siya susunod sa bahay dahil lagot siya sa pamilya ko at pamilya niya.

After a minute of Heaven's driving nakarating din kami sa bahay. The guard gladly opened the gate para makapasok kami.

Pagka park ng kotse ay lumabas ako at tumakbo agad sa kwarto. I locked the door. Ayokong may makausap. Gusto kong mapag-isa.

*knock knock*

"Besh I'm here. Don't harm yourself. Makikinig ako. Andito lang ako hindi kita iiwan."

I didn't reply. Umiyak lang ako. Masakit talaga kasi. Kagabi lang ang sweet niya tapos may ginawa pala silang kababalaghan ng kabit niya. Putangina ang sakit di ko kaya. I never cheated kahit nung una pa na hindi ako seryoso sa kanya. Katuwaan lang lahat pero I really fall in love with him. I guess laro din lahat para sa kanya.

Pero he's sincere apologising earlier bulong ng isip ko.

NO! He's not sincere. Ginawa niya lang yun para makita niya kung gaano ako ka uto-uto.

May kumatok na naman sa pintuan pero di ko pinansin kasi alam kong si Heaven lang yun. Pero lumakas ng lumakas ang katok.

*KNOCK KNOCK KNOCK*

"AKIRA VICHELLE OPEN THIS DOOR!" hala that's kuya Lexus.

I hurriedly dried my tears and open the door.

"Why kuya?" mahinang saad ko.

"WHAT'S THE MEANING OF THIS?" Hinila niya ako ng mariin papunta sa labas.

Tumingin ako kay Heaven na nakasunod lang sa likod. She mouthed something na 'di ko maintindihan.

Pagdating sa labas ay halos lumuwa ang mata ko sa nakita.

It's Reigh, outside the gate shouting my name and saying sorry several times.

Fuck anong ginagawa niya dito? Ang lakas naman ng loob niya pumunta dito. Ano bang binabalak ng lalaking to'? Gusto niya ba talagang masira ang image niya.

Hindi ba ito nag-iisip?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status