Paglabas ni Anna sa gate ng mga Domiguez ay doon na niya pinakawalan ang kanina pang gustong kumawalang mga luha. Ang sakit sakit sa dibdib na ang taong minahal mo ng ilang taon ay malalaman mong meron ng iba. Parang may dalawang malalaking bato na umiipit sa kanyang puso at kung hindi siya iiyak ay maalagutan siya ng hininga. Kung alam lamang niya na ganito ang mangyayari hini na lamang sana siya pumunta dahil bukod sa parang pasan ng kanyang dibdib ang mundo ay nagmukha siyang katawa tawa kanina sa pag-aakalang boyfriend pa niya si Yael. Ang sweet pa ng pagkakayakap niya mula sa likuran nito upang surpresahin, yun pala siya ang nasorpresa sapagkat meron na pala itong iba. Nabigla siya ng husto at hindi niya namalayan kung paano siya nakawala sa mata ng mga taong naroon. Inaamin niyang may mga pagkukulang siya pero ginagawan naman niya ng paraan upang mamend ang lahat ng shortcomings niya sa kanilang relasyon. Hindi perpekto ang relasyon nila bilang magkasintahan ngunit mas marami naman ang mga magaganda at masasayang nangyari. Although may instances na nagtatampo ito sa kanya pero most of the time naman ay napakaunderstanding nito lalo na sa respnsibilidad niya sa kanyang mga kapatid kaya wala sa kanyang isip na maari siyang palitan ng ganon kadali. Ngunit wala naman siyang magawa kundi umiyak at ibuhos ang lahat ng sama ng loob habang mag-isang naglalakad sa napakatahimik na kawalan. Mukhang nakikiayon pa ang paligid, naglalakihang bahay ang mga nasa gilid ng kalsada ngunit ni huni ng kulisap ay walang naririnig. Sa layo ng nilakad niya upang tunguhin ang pinakamain gate ng subdivision ay wala pang sasakyang dumaraan, may curfew ba ang mga tao at sasakyan sa lugar na ito? Sabagay nasa exclusive subdivision siya, ang FPark ay lugar ng mga pinakamayayamang tao sa bansa kaya kahit siguro mamuti ang kanyang mata ay wala na siyang mahihintay na taxi na dadaan doon. Sa isiping iyon ay mas lalo siyang naawa sa sarili, nawala na nga ang lalaking mahal niya tapos naglalakad pa siyang parang baliw na mag-isa sa tahimik na kalsada. Mukhang ipinagdamot ang lahat sa kanya sa gabing ito. Masakit na rin ang kanyang paa sa kalalakad, malayo pa naman ang main gate ng subdivision at doon siguradong makakakuha na siya ng masasakyang pauwi. Sa inis niya ay umupo siya sa gilid ng kalsada upang tanggalin ang may kataasang heels. Magpapaa na lamang siyang maglakad tutal wala namang makakita sa kanya dahil wala namang pakalat kalat na tao o di kaya ay dumadaang sasakyan. NapaThank you Lord pa siya ng maramdaman ang relief ng matanggal ang mataas na heels at iunat ang dalawang paa. May ilang minuto din siya sa ganong posisyon, yung parang nasa bahay lang at feeling nakaunat ang paa habang nakaupo sa mahabang sofa. Ngunit bigla ay may naaninag siya ilaw mula sa malayo at tila may sasakyang paparating kung kayat excited siyang tumayo at wala sa sariling pumagitna sa may kalsada upang parahin.
“Sir may pumapara sa gitna ng daan, magstop po ba ako?”, si Delfin ng mapansin ang biglaang paglitaw ng isang tao sa may di kalayuan. Napaangat naman mula sa pagkakaupo sa likod si Ezekiel ng marinig ang tinuran ng kanyang driver. Bakit may pagala galang tao sa ganitong oras sa loob ng subdivision? Di yata’t may nakapuslit na masasamang loob sa napakahigpit na security sa main gate?
“Just go on.”, utos niya dito. Puro mamayamang tao ang nasa loob ng FPark, baka umaakto lamang ang tao sa harapan at may planong mangidnap. May party pa naman sa loob at maraming mayayamang tao ang dumalo.
“Sir, babae po ang pumapara.”, turan ni Delfin ng makalapit sila sa kinaroroonan nito at mailawang mabuti. Napatingin naman siya sa harap at napakunot ang kanyang noo ng maalala ang babaing nakabungguan niya ng balikat habang papasok sa may gate ng mga Dominguez at ang reason kung bakit umiyak ang kanyang pinsan kanina sa party ng boyfriend nitong si Yael.
“Stop!”, bigla ay utos niya sa kanyang driver at muntik siyang mapasubsob sa likuran ng upuang nasa harap.
“Sorry sir, nabigla po ako. Okey lang po kayo?”, agad namang paghingi nito ng paumahin sa biglaang pagtapak nito sa break.
“Balikan mo.”, sa halip ay utos niya dito.
„Sigurado po kayo? Baka kidnapper yan sir?”, may pag-aalang turan ni Delfin ngunit sinunod din nito ang kanyang utos ng hindi siya umimik. Umatras ito sapagkat nalagpasan na nila ang kinaroroonan ng babae at kitangkita niya mula sa bintana na halos magtatalon ito sa tuwa habang patakbong sinalubong ang pag-atras ng kanilang sasakyan. Agad itong kumatok sa harapang bintana at may pag-aalinlangan pang tumingin sa kanya si Delfin bago ibinaba ang bintana.
“Sir, baka pwede po akong makisakay hanggang sa labas ng main gate, kanina pa po ako naglalakad pero wala naman po palang dumadaang taxi dito. Please po!”, narinig niyang pakiusap ng babae at nakikita niya mula sa binta ang pagdaop ng dalawang palad nito habang hawak ang ang magkapares na sapin sa paa. Automatic na napadpad ang mga mata sa paa nito at napataas ang kanyang kilay ng makitang wala itong suot na sapatos.
“Pakiusap po kahit hanggang sa main gate lang.”, turan pa nito kung kayat napatingin sa kanya si Delfin. Tinanguan niya ito at hindi naglaon ay excited na itong umupo sa tabi ng driver.
“Maraming maraming salamat po sainyo.”, hindi magkamayaw ang pasasalamat nito ng maikabit ang seatbelt.
‘Walang anuman, miss. Saan ka pala nanggaling?”, narinig niyang tanong ni Delfin dito.
„Diyan lang po, may dinaluhang party.”, maikling turan ng babae at tumago na naman ang kanyang driver.
“Wala ka bang dalang sasakyan?”, si Delfin na parang may ganang mag-interview.
“Nagpahatid lamang po ako sa aking kapatid, hindi ko naisip na wala palang pumapasok na taxi dito.”, tugon nito.
“Oh, hindi ka taga rito kung ganon?”,
“Ai naku hindi po, ordinaryong mamamayan lamang po ako.”, mabilis na pahayag ng babae at napangiti siya ng may pagkasarkastiko habang nakikinig dito.
Ordinaryong mamamayan? Hindi halata, isa din siguro ito sa mga Golddiggers bitch na gustong makapasok sa mundo ng mga mayayaman. Hindi nga kataka takang ganoon ang inakto niya sa kasintahan ng kanyang pinsan kanina, akala siguro nito ay seseryosohin siya ni Yael kung pinakitaan man siya ng konting interest. Hindi naman niya masisi si Yael kung nagkainterest siya dito sapagkat kakaiba din ang taglay nitong ganda. Hindi man ito pansinin dahil sa kasimplehan ngunit kapag titigan mo ng mabuti ay parang hindi ka makakawala sa taglay nitong kakaibang awra. Naatest niya sa sarili kanina. Hindi niya sinasadyang tignan ito, nagsorry kasi ito ng mabunggo niya sa gate kahit siya ang may kasalanan and just rolled her eyes imbes na mag-eskandalo dahil sa kawalan niya ng response. Maraming mga babae ang nagiging OA just to get his attention but this one doesn’t care about his existence. He just let him pass peacefully kung kayat nacurious siyang tignan ito. Sabi nga niya hindi ito pansinin because she’s like any ordinary girl; or maybe she doesn’t want to be notice. She dressed nicely despite her simplicity not unlike sa karamihang babaeng bisita sa party na all dressed in glamour and elegance just to show off. She looks sweet and polite because she bowed to everyone while her sweet smile attached to her face. No doubt that the prettiest face wears the prettiest smile as they say. She became prettier and prettier in his eyes, and he can’t take it off on her not until she sweetly hugs Yael in the back and kiss him in the cheek. Halos mapamura siya sa pagkabigla or disappointment rather, kaya pala hindi niya ito nakitaan ng kahit na konting interest sa kanya because she’s eyeing for another man and no other than the birthday celebrant and his cousin’s boyfriend.
“Saang way ka?”, narinig niyang turan ni Delfin dito kung kayat napatingin siya sa kanyang driver dahil mukhang may balak pa yatang ihatid ito.
“Sa EHomes po, medyo may kalayuan dito pero baba na lamang po ako sa main gate.”, tugon nito.
„Ah, doon ka nakatira? Company ni boss ang developer doon ah, tamang tama doon kami dadaan papuntang airport.”, parang naexcite pa si Delfin ngunit nakimkim nito ang bunganga ng pangunutan niya ng noo ng magtama ang kanilang mga mata sa rear mirror.
„Gonon po? Hindi po ba nakakahiya na makikisakay po ako hanggang doon?”, saad nito.
„Hindi, saka doon talaga ako dadaan para iwas traffic.”, si Delfin at mangani ngani niya itong kutusan. Kailan pa naging paladesisyon ang kanyang driver?
“Thank you po, ako nga po pala si Anna. Anna Marie Lacuesta pero tawagin niyo na lamang po akong Anna.”, pagpapakilala nito at walang kasinglawak ang ginawang pagngiti ni Delfin.
„Tawagin mo na lang akong Delfin at...”, hindi naituloy ni Delfin ang sasabihin sapagkat may pagbabantang minulagatan niya ito.
“At driver ng amo kong walang kasinggwapo at kasingbait.”, patuloy nito kalakip ang bahagyang pagtawa.
“Hello po, kuya Delfin, iginagagalak ko po kayong makilala. Salamat sa kabaitan niyo, sana dumami pa ang katulad niyong handang tumulong kahit sa alanganing oras.”, turan nito at may pagmamalaking ngumiti ang kanyang driver.
„Sa tabi na lamang po, kuya Delfin. Yung pangatlong bahay po ang amin.”, after five minutes ay narinig niyang turan ni Anna. Nagslow down naman si Delfin at ilang sandal lamang ay huminto na ito sa harap ng pangatlong bahay.
Napatingin siya sa labas kung saan lihim niyang pinasadahan ng tingin ang sinabi nitong bahay nila. Isang hindi kalakihang up and down at hindi naman pahuhuli sa ganda ang design. Not bad para sa isang ordinaryong mamamayan na tulad ng sinabi nito. Sabagay lahat naman ng nakatira sa Ehome ay nasa middle class ang pamumuhay or else paano nila maafford ang bumili ng lupa sa subdivision kung naghihikahos sila sa buhay. Batay sa kanilang datus ay mga disenteng pamilya ang mga nakatira dito, kung hindi mga professionals ay mga OFW’s at mga small scale entrepreneurs.
“Maraming salamat po ulit, Kuya Delfin, mag-iingat po kayo palagi lalo na po sa pagdadrive.”, magalang na paalam ni Anna bago binuksan ang pintuan sa harap.
“Salamat din, Anna, walang anuman.”, si Delfin habang nakangiting nakatingin sa pababang babae. Nang tignan niya ito sa labas mula sa bintana ay nakasuot na sa paa ang hawak nitong sandals kanina. Kumaway pa ito kay Delfin bago isinara ang pintuan pagkatapos ay biglang humehistro ang lungkot sa maganda nitong mukha. Nakita pa niyang napahilamos ito sa mukha bago lumakad palapit sa hindi masyadong mataas na gate.
“Tara na po, sir?”, halos napaigtad siya mula sa pagdungaw sa bintana ng marinig ang boses ni Delfin.
„Yah, bakit ba kasi hindi ka pa umaalis?”, pasuplado niyang turan dito ngunit muntik niya itong hampasin ng bahagyang tumawa ng nakakaloko.
„Magaganda po ang mga ordinaryorng tao, ano sir?”, buska pa nito.
“The hell I care! Now move, ikaw ang may kasalanan kung hindi ko maabutan ang flight ko.”, pagbabanta niya kung kayat mabilis nitong pinasibad ang sasakyan.
Tirik na ang haring araw pagkagising ni Anna kinabukasan. Hindi niya naibaba ang kurtina sa bintana kagabi at direchong tumama sa kanyang mukha ang nakakasilaw na sinag ng araw. Pinilit niyang binuksan ang kanyang mata ngunit agad niyang nasapo ang ulo sapagkat tila ito mabibiyak sa matinding sakit. Napaungol siyang bumiling sa kabilang side upang tumayo at magtungo sa banyo. Tnanggal niya ang kumot na nakapulupot sa kanyang katawan ngunit agad din niyang ibinalik iyon ng mapagtantong wala siyang kahit na anong saplot sa katawan. Sa pagkakataong iyon ay pumasok sa kanyang balintataw ang nangyari sa kanila ni Ezekiel kagabi. Naalala niyang magkayakap silang natulog kagabi pagkatapos ng mainit nilang pagniniig, bakit nawala na ito ng siya’y magising? Sabagay tanghali na, bukod sa hindi ito bed lover ay busy na tao ang binata at palaging may ginagawa. Baka may early appointment kaya hindi na niya ito nagisnan sa kanyang tabi. Medyo guminhawa naman ang pananakit ng kanyang ulo pagkatapos
Halos mapatalon si Anna ng biglang magsalita sa kanyang tabi. Sa Lalim nga ng kanyang iniisip hindi niya namalayang ang paglapit ni Brent.“Grave ka! Muntik na akong atakehin sa puso, ah?”, napahawak siya sa kanyang dibdib ngunit dahil sa matinding pagkabigla ay nabigwasan din niya ito sa balikat. Sa ginawa niya ay natawa ng malakas si Brent na tuwang tuwa sa kanyang pagkagulat.„Bakit kasi nag-iisa ka dito? Para namang may hinihintay kang engkanto.”, nakatawang turan ni Brent at napalo niya ulit ito sa braso.„Ikaw talaga, kaaalis lang naman nina Arabella. Sinamahan niya si Tyron para magbihis.”, saad niya at napangiti ito.„Ganon pala talaga kapag may -asawa na kailangan kasama pati sa pagbibihis.”, si Brent at siya naman ang natawa dito.„Ganon talaga, nagsumpaan ba namang magsasama sa hirap at ginhawa.”, pahayag niya dito.„Oh, okay. I’m not ready for that yet.”, parang biglang allergic na turan ni Brent at nailing siya dito. Sa itchura nito ay malabong magpapatali."Let's go insi
At dahil nakatingin sina Brent at Ezekiel sa direksiyon niya ay hindi na siya pwedeng magback-out na kagaya ng iniisip niya kanina. Parang gusto na lamang kasi niyang bumalik sa taas kaninang makita niyang nag-uusapang dalawa. Hanggat maaari sana ay ayaw niyang makaharap at makasama si Ezekiel. Hanggang ngayon ay nanggigigil pa rin siya sa lalaki. Saan naman kaya nito nakuha ang notion na sinundan niya ito sa Singapore? Ni wala nga siyang kaalam alam kung saan lupalop ng lupa ito napadpad matapos nitong hindi magparamdam. Kung noon ay namimiss niya ng sobra ang lalaki, ngayon naman ay tila ayaw niyang makita kahit anino nito. Pinagsisihan niyang iniiyakan niya ito gabi-gabi at sa tuwing naaalala niya ito. Gosh! Wala na talagang natitirang matinong lalaki.Bago lumapit sa dalawa ay kinompos niya ang sarili. Wala namang kinalaman si Brent sa inis niya kay Ezekiel kaya sinikap niyang ngumiti ng maganda habang palapit sa mga ito. Pero siyempre kay Brent nakatuon ang kanyang mga mata haban
Pagbalik ni Anna sa silid ay agad siyang nagbihis. Pinalitan niya ang damit niyang pang-upisina at isinuot ang dinala na extra casual clothes. Para kasing nagparamdam sa kanya noong nag-iimpake siya na makapamasyal siya sa Singapore bago man lamang sila bumalik sa Pilipinas. Simpleng white shirt na pinaresan ng lagpas tuhod na denim skirt na may slit sa gitna at white sneakers. Naglagay din siya ng kaunting make-up at inilugay lamang ang hanggang balikat niyang buhok. Natuwa siya sa sarili ng tignan ang kabuuan sa full length mirror na nakakabit sa kanyang kuwarto. Para siyang bumalik sa pagiging college student, hindi niya alam kung epekto lamang ito ng once in a blue moon niyang pagsusuot ng ganitong damit or dahil nasanay lamang siya sa everday niyang suot na formal attire. Back in her earlier years ay nakasunod din siya sa uso when it comes sa pananamit. Palagi nga siyang isinasali sa mga fashion show sa school nila noon dahil maganda siyang manamit at bagay na bagay ang lahat ng
Halos kutosan ni Anna ang sarili dahil sa kinalabasan ng pagyakap niya kay Yael. Sa kabila ng paghingi niya ng paumanhin ay may pagdududang tumingin si Abby sa kanilang dalawa ni Yael. Gusto niyang magpaliwanag dito subalit bigla itong tumalikod at halos patakbong lumayo. Labis tuloy siyang nag-alala kay Yael, baka awayin ito ni Abby o di naman kaya maging sanhi pa ng hindi nila pagkakaunawaan. Akmang susundan ni Yael ang kasintahan subalit pinigilan niya ito.“Ako na.”, saad niya kasabay ng paghawak sa kamay ni Yael. Kahit tumaas ang dalawang kilay nito ay wala naman siyang nakitang kahit na anong pagkainis sa mukha nito.“Ako ang may kasalanan kung bakit siya nagtampo kaya dapat lang na ako ang magsettle dito. Pasensiya ka na.”, wika niya dito.“Sigurado ka?”, paninigurado naman ni Yael at tumango siya dito.“Okey. Pero ano nga pala ang dahilan kung bakit napayakap ka saakin?”, si Yael na may gana pa yatang makipagchismisan sa kanya.„Yun nga, ibabalita ko sana na approved na yung s
Ngayon lang yata kumain si Anna ng napakabilis. Subo lang siya ng subo at hindi tumitingin sa paligid. Ang goal niya ay tapusin na agad ang inilagay ni Ezekiel na pagkain sa kanyang plato upang makapagdisappear na agad. Ngunit napairap siya dito dahil naglagay na naman ito sa kanyang plato. Aangilan na sana niya ito subalit kumuha ito ng table napkin at pinunasan ang kanyang labi pagkatapos ay kinuha ang glass of water at inilapit sa kanya kaya hindi siya nakapagsalita at itinuloy na lang ulit ang pagkain.„Tama na.”, turan niya dito ng tangkain na naman nitong maglagay sa kanyang plato. Busog na talaga siya at wala na talagang paglagyan sa loob ng kanyang tiyan.„This is a dessert, try it.”, saad ng binata na sa wakas ay normal na sa pandinig ang tono nito. Parang nagtantrums lang kanina dahil nagugutom o gutom lang kaya nagtatantrums. May kasabihan kaya na “an angry man is a hungry man” o di naman kaya ay “a hungry man is an angry man”, basta ganon. Hindi na siya nakatanggi ng kumuh