LOGINIsang gabing hindi dapat mangyari sa pagitan ng isang amo at ng kanyang sekretarya. Sinamahan at binantayan ni Callie Zari Montenegro ang kanyang lasing na boss, si Sir Julian Pryce Victoriaux hanggang sa may mangyaring hindi inaasahan. Habang inaayos niya ito, bigla siyang hinalikan at niyakap ng lalaki, na humantong sa isang pagkakamaling hindi nila pinlano. Bago sumikat ang araw, umalis na siya nang palihim, na parang walang nangyari. Ngunit nang magkita muli sila sa trabaho, wala ni isang bakas ng alaala si Julian. Tanging si Callie lamang ang nakakaalam ng katotohanan ng gabing iyon. Pagkalipas ng dalawang buwan, hindi na niya maitatanggi ang nararamdaman niya. Nanginig ang kanyang buong katawan nang makita ang dalawang guhit sa pregnancy test patunay na dinadala niya ang anak ng makapangyarihang si Mr. Victoriaux. Ngayon ay kailangan niyang itago ang kanyang lihim, alam na kapag nalaman ito ng iba, maaari nitong wasakin ang lahat ang relasyon ng lalaki, ang kanyang pangalan… at ang buhay na kanyang pinoprotektahan.
View MoreCHAPTER 1
Ang maririnig mo lang sa loob ng office ay ang tunog ng pagtitipa sa keyboard. This is the usual day in the office. Tahimik, pormal, at puno ng trabaho. I slowly lifter my eyes and stared at Sir Julian's direction. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Binitawan ko ang hawak na mouse at pinagbigyan ko ang aking sarili na titigan muna ito kahit isang minuto lang. He is very muscular, wide shoulders, defined chest and arms. He has a sharp jawline, high checkbones, and a very pointed nose. There is also a faint scar on his left eyebrow. Nakuha niya ito nung bata pa lang siya. Lalo lamang siyang nagmumukhang mapanganib at nakakaakit sa aking paningin. Ito ang pinakapaborito kong tingnan sa mukha niya, ang kanyang mga mata. He has emerald green eyes. Matagal na rin nang magsimula akong humanga sa kanya. Dahil sino ba naman ang hindi hahanga sa isang tulad ni Sir Julian? Pero ako na ata ang pinakaswerteng babae na humahanga sa kanya, dahil nakakasama ko siya araw-araw. Naputol ang aking pagmamasid sa kanya nang bigla na lang umalingawngaw ang tunog ng kanyang cellphone sa bawat sulok ng opisina. "Yes, Sophia?" Sa unang salita pa lamang nito ay alam ko na kung sino iyon. Unti- unting bumalot ang lungkot sa aking puso. Wala sa sarili, dahan-dahan kong ipinatong ang aking kamay sa ibabaw ng aking tiyan. Dito nakatago ang pinakamalaking lihim ko. Dalawang buwan ang nakakaraan. "Sir, lasing na lasing na po kayo. Umuwi na po tayo dahil may meeting ka pa bukas," pagmamakaawa ko kay Sir Julian. . Nandito kaming dalawa sa isang mamahaling bar. Ramdam at rinig pa rin namin ang dagundong ng tugtugan kahit na nandito kaming dalawa sa loob ng isang VIP room. Hindi ko na alam kung ano ang aking role sa buhay niya. Higit pa ata sa secretary ito. All around na ata. Alas-singko pa lang dapat ay uwian ko na, pero heto ako... malapit nang magmadaling araw, at kasama pa rin siya. Sa anim na taon kong pagtatrabaho ko sa Victoriaux Corporation ay nasanay na ako na hindi lang secretary ang role ko sa kanya. Minsan parang tropa na dahil inaaya niya akong uminom sa tuwing may problema siya. Nang makumbinsi ko siyang umuwi ay hinatid ko muna siya sa kanyang condo. "Sir Julian, kapag hindi ka umayos d'yan dito ka matutulog sa labas ng condo mo," banta ko sa kanya. Kinapa ko ang susi sa loob ng kanyang bulsa, pero dahil malikot siya ay ibang bagay pa ata ang nakapa ko! Nanlaki ang mga mata ko at agad na binawi ang kamay. Puta! Ang laki! Tumigil ka d'yan, Callie! Ano ba ang iniisip mo?! "Ang bigat!" Napadaing ako sa bigat niya at ibinagsak siya sa ibabaw ng malambot na kama. "Kapag ito walang extra na pay, mareresign na talaga ako bukas," pagrereklamo ko pa habang hinuhubad ang suot niyang mamahaling leather shoes. Malakas ang loob kong magreklamo ngayon dahil hindi niya naman maalala ang mga nangyari ngayon pagkagising niya bukas. Naglakad ako papunta sa loob ng kanyang malawak na walk-in-closet upang kumuha ng pampalit niyang damit. Minsan secretary, madalas yaya. Sinimulan kong tanggalin ang butones ng kanyang suot na long sleeve polo. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla na lang niyang inangat ang kanyang kamay at hinawakan nang mahigpit ang batok at buhok ko, saka ako biglang hinila palapit sa kanya. Bago pa man ako makagawa ng anumang galaw, dumampi na ang kanyang labi sa akin. Nanatili akong gulat at malakas ang kalabog ng aking puso. Gumagalaw nang mabilis at mapusok ang kanyang mga labi, at sa bawat segundong lumilipas ay pilit niyang binubuksan ang aking bibig upang pumasok ang kanyang dila. Mainit at mapusok ang halik na ibinigay niya. I know how to kiss, but right now my mind went blank. I can't even think. Nang mahimasmasan na ako ay mabilis ko siyang naitulak papalayo sa akin. Ilang beses na itong nalasing pero ito ang unang pagkakataon na hinalikan niya ako. Dahil sa halik na iyon ay parang bigla kong natupad ang pangarap ko. Nagdidiwang sa saya ang puso ko, pero at the same time, nalulungkot din ako. Alam kong pagmulat ng kanyang mga mata bukas, wala na siyang maaalala. Ngunit kahit naitulak ko na siya ay tila hindi siya nakuntento. Muli na naman niya akong hinila papunta sa kanya para na naman sa isang halik. Mas mahigpit at mas mapusok na ngayon. Tila sinisilaban ang aking labi. Muli kong nalasahan ang pinaghalong lasa ng alak at mint sa labi niya na nakakabaliw. Tuluyang nanghina ang buong katawan ko dahil sa mapasuok na halik na ibinigay niya sa akin. Hanggang sa tuluyan ng bumigay ang aking sarili. Mas pinili ko ang init ng aking katawan kesa mag- isip ng maayos. Nadala ako sa nararamdaman ko kay Sir Julian. Sa isang iglap ay pinagpalit niya ang pwesto naming dalawa at pumaibabaw ito sa akin. Nag- aapoy ang kulay emerald green niyang mga mata habang nakatitig sa akin. Namumula na ang mga labi niya dahil sa halik na pinagsaluhan naming dalawa. Nangilabot ang buong katawan ko nang dahan-dahan niyang ipinadaan ang likod ng kanyang daliri sa aking pisngi pababa sa aking panga. "You are beautiful," namamaos na at malalim na bulong niya. Napapikit ako. Sana... sana ay lasing na lang palagi si Sir Julian. Muli na naman niya akong inatake ng halik at uminit ng husto ang buong sistema ko. "Sir, virgin pa po ako," nahihiyang pag-amin ko nang saglit na maghiwalay ang mga labi naming dalawa upang kumuha ng hangin. Wala na akong suot na pang- itaas. Habang ang mini skirt na suot ko kanina ay inihagis na niya kanina pa sa sahig. Ramdam ko ang paghubad niya sa natitirang saplot sa aking aking katawan, ang aking panty. "I'll be gentle. I promise," PRESENT "Callie, are you okay? You are spacing out again," Napakurap- kurap ako ng tatlong beses. Hindi ko alam kung papaano siya nakarating sa aking harapan. Ang lalaking umangkin sa akin noong gabing iyon, ang lalaking ama ng dinadala ko... ay nakatayo ngayon sa harap ko, muli na namang naging istrikto, seryoso, at walang kaalam-alam. "Sir? I'm sorry. Do you need something?" Tanong ko sa kanya. Bahagya niyang inayos ang kwelyo at ang suot niyang coat. "I'm going to fetch Sophia. You go first to our meeting. I'm gonna follow you there," seryosong sabi niya. "Yes, Sir! Noted po," pormal na sagot ko. Wala siyang naalala sa nangyari nung gabing iyon. Hindi niya namalayan na nagbunga ang gabing iyon. Wala siyang ni katiting na alaala sa nangyari noong gabing iyon. Hindi niya namalayan na ang mainit at mapusok na gabing iyon ay nagbunga ng isang buhay. Hindi niya alam... na sa loob-loob ko ay nabubuhay na ang anak niya. Ang pamana ni Julian Pryce Victoriaux na itatago ko habang-buhay, para hindi masira ang buhay na meron siya.CHAPTER 133AFTER FIVE YEARSLimang taon na ang nakalilipas,parang kailan lang. A lot has changed since then. Dumaan ang mga araw na may mahirap at may masaya, pero isang bagay lang ang hindi nagbago, ang pamilyang kasama ko. Limang taon na, at araw-araw pa rin, nagpapasalamat ako. Sa loob ng panahong iyon, nadagdagan pa kami ng isang pang anak, isang lalaki. Gusto pa sana namin ni Julian na magkaroon pa. Pero hindi na maaari. Naging maselan ang pagbubuntis ko sa pangalawa. Sinabi na rin ng doktor magiging mas delikado pa kung susubukan naming magkaroon ng pangatlo.Takot na rin si Julian. Nakita niya kung gaano ako naghirap, at alam niyang muntik na akong mawala sa kanya. Hindi niya kayang isipin na maulit pa iyon. Plano ni Julian na magkaroon kami ng maraming anak, pero iba ang plano ng Diyos sa amin. Kahit dalawang anak lang ang binigay sa amin at hindi iyon umayon sa aming plano ay naging masaya pa rin kami.Binata na ngayon si Cael, sampung taong gulang na. Si Calvin naman, ang
CHAPTER 132Nakakapagod ang mag-asikaso ng kasal at sa kasal na mismo. Pero kahit gaano pa ito nakakapagod ay sobrang saya ko pa rin. Nakangiti lang ako buong araw kahit ang init na ng suot ko at ang sakit na ng aking paa. Kasi alam kong pagkatapos ng araw na ‘yon uuwi na kami ni Julian bilang isang mag-asawa. Ang bilis-bilis lang matapos ng oras. Ilang buwan namin iyong pinaghandaan ng mabuti at naging successful naman ang lahat. All our efforts are truly worth it in the end. Sa hotel natulog ang aming mga bisita kasama na rin ang pamilya ni Julian. Maliit lang ang bahay namin at hindi sila magkakasya doon. Sa dami ba naman ng mga bisita namin. Kahit nasa malayo pa pero ang ibang mga business partners ni Julian ay bumyahe pa talaga rito para lang makadalo sa aming kasal. Julian is a powerful person, kahit gustuhin man naming maging private ang kasal namin. Kung sa lugar lang sana ni Julian ay alam kong mas marami pa ang dadalo sa kanila. We reserved the whole hotel para may matutul
CHAPTER 131The priest looked at us gently and nodded. "Now, you may share your vows with one another."Malalim akong huminga, ang lakas-lakas ng tibok ng aking puso, tumitig ako ng mariin sa mga mata ni Julian.“I, take you, Julian, to be my wedded husband. To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, all the days of my life. I promise to stand by your side through every season. I will be your refuge when you are weak, and your greatest cheerleader when you are strong. With our son Cael here beside us, I choose you today. All that I am, I give to you.”Nanginig pa ang aking boses dahil umiiyak na ako. By the way, hindi si Papa ang nagkasal sa aming dalawa. Mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Julian habang nakikinig. Nang siya na ang magsalita, malambot ang kanyang boses.“I take you, Callie, to be my wedded wife. To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer,
CHAPTER 130 Nagsimula na ang musika, dahan-dahang umalingawngaw sa paligid, at nandito na ako, nakatayo sa simula ng daanan, hawak ang aking bulaklak. Malakas ang pagtibok ng aking puso, na parang may ibon na lumilipad nang mabilis sa loob ng dibdib ko. And there he is, Julian, waiting for me at the altar, looking so handsome, his eyes already glistening. Looking at him now, I can't help but remember everything that brought us here…It feels like only yesterday when I first walked into his office. I was his secretary then, trying my best to do my job well, answering calls, arranging his schedule, keeping his desk neat. He was the busy boss, always serious, with so many things on his mind. But deep down, hindi lang ako ang kanyang sekretarya, para na rin akong kanyang yaya kapag pumupunta siya sa bar o kung saan-saan. I’d make sure he ate, remind him to rest, keep him safe when he was tired, and look after him just like family.“Good morning po, Sir Julian,” I would say every day, an
CHAPTER 6“Are you okay? Does it hurt?” nag-aalalang tanong niya sa akin.Mabilis kong inalis ang kanyang kamay mula sa aking tiyan. Ayokong may makakita sa aming dalawa at mapag-usapan pa kami ng iba. “Ayos lang po ako, Sir…” sagot ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya, ang paghawak sa
CHAPTER 5“Sir, I will just remind you that you have a meeting with the investors later at 2 pm,” paalala ko sa kanya.Limang buwan na ang aking tiyan, kapag nagsusuot ako ng mga pencil skirt ay halata na ang umbok ng aking tiyan. Kaya ang ginagawa ko palagi ay nagsusuot ako ng dress na maluwag sa
CHAPTER 4Nanlaki ang aking mga mata at nalaglag ang aking panga nang marinig ko iyon mula sa mga labi ni Sir Julian."Sir, pasensya na po. Hindi naman po magkakaroon ng problema kung magtatrabaho ako habang buntis ako, Sir. Hindi na po mauulit 'to," pagpapaliwanag ko.Hindi ako pwedeng mawalan ng
CHAPTER 3Lumipas ang mga araw at naging mas mahirap para sa akin na itago ang aking pagbubuntis. Madalas ay inaantok ako, at ilang beses na akong nahuhuli ni Sir Julian na nakakatulog sa oras ng trabaho.“Aren’t you getting enough sleep at night?” nagtatakang tanong ni Sir Julian dahil nahuli na


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews