Share

Chapter 3

Author: Moanah
last update Last Updated: 2025-02-23 21:05:41

“Ate, birthday ni kuya Yael ngayon baka nakalimutan mo?”, si Lance habang busy sa harap ng stove. Ito ang tumatayong chef nila sa bahay at tagalaba din ng kanilang damit samantalang taga hugas ng mga pinagkainan at taga linis ng bahay naman ang pangatlo niyang kapatid na si Mark. Since siya naman daw ang naghahanap buhay para sa kanilang lahat ay hindi na siya pinapagawa ng anumag gawaing bahay. Paggising at pagdating niya galing trabaho ay wala na siyang gagawin kundi kumain na lamang dahil nakahain na rin ang mga pagkain sa mesa para sa kanya kaya kahit gaano man kahirap ang responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat ay masaya pa rin siya sapagkat mababait ang kanyang mga kapatid.

“Oo nga, hindi ko nga sure kung makakapunta ako o hindi.”, tugon niya sa kapatid. Ilang beses na kasi niyang tinangkang tawagan ang nobyo ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Nagtampo na nga siguro sa kanya ng husto at hindi pa niya alam kung paano ito susuyuin. Naintindihan naman niya ito pero siyempre kailangan niya munang unahin ang kapatid na may sakit. Nag-iisang anak kasi si Yael at nasanay na ito lamang ang iniintindi  kaya siguro  hindi niya masyadong maintindihan ang kanyang sitwasyon.

“Bakit naman? Di mas lalong magtatampo yun saiyo, punta kana kami na bahala kay Karl.”, ang kapatid at nginitian lamang niya ito.

‘Sige na, plantiyahin ko na ang pinakamaganda mong damit.”, saad pa nito at lalo siyang natawa.

„Okey, sige na nga! Siguraduhin niyong alagaan niyo si bunso.”,

“No, problem! Magaling na iyan, bibili kami ng ice cream mamaya sa tindahan.”, pagmamalaking pahayag ng kapatid kung kayat napilitan siyang bumalik sa kanyang silid upang maghanda kahit parang ayaw niyang umalis. Simula kasi noong siya na ang tumatayong magulang ng mga kapatid ay hindi na siya masiyadong dumadalo sa mga party o outing kung hindi lamang kinakaialangan. Mas gusto niyang nasa bahay na lamang at kasama ang mga kapatid o di kaya ay mamasyal kasama ang mga ito.

“Wow! Ang ganda naman ng ate mommy na yan, parang princess of Genova ang datingan ah?”, pang-aalaskador ni Lance sa kanya ng bumaba siya mula sa silid habang akagayak para sa birthday party ni Yael. Manganingani niyang kutusan ang kapatid dahil hindi naman siya ganon kagarbo kundi simpleng gown na kulay itim lamang ang kanyang suot at simpleng make-up lamang ang nilagay sa mukha. Ayaw niya ng mga bonggang pananamit sa kahit na anumang okasyon ganon din ang paglalagay ng sandamakmak na make-up upang makakuha lamang ng atensiyon. Hindi kasi siya comportable kapag maraming tao ang nakataingin sa kanya kaya as much as possible ay ayaw niyang makakuha ng kahit na anumang atesiyon. Kontento na siya sa simpleng aura ngunit presentable naman at kahit paano ay hindi mapapahiya ang kanyang boyfriend.

“Huwag mo na akong echosen, ilabas mo na yung sasakyan at ihatid mo na lang ako hanggang sa FPark.”, sa halip ay turan niya sa kapatid. Kahit paano ay may naiwan namang sasakyan ang kanilang mga magulang, kahit medyo luma ang model ay okey na okey pa namang gamitin.

“Oh, sure your highness, wait lang at ilalabas ko na ang iyong sasakyan.”, si Lance at nailing siya sa pang-aalaska nito.

“Mommy, sama kami?”, si Karl ng marinig na magpapahatid siya kay Lance.

„Huwag na, dito na lamang kayo ni Kuya mo Mark, babalik din naman agad si Kuya Lance mo. Bibili na lamang siya ng pagkain pag-uwi niya.”, pahayag niya dito. Hindi naman sa ayaw niya ngunit parang may trauma siya sa nangyari sa mga magulang. Paano kung madisgrasiya sila di lahat sila mamamatay o di naman kaya ay magsuffer ng mga sugat sugat? Kaya kung lalabas man sila ay hindi sila magkakasama sa iisang sasakyan.

“Dumito na lamang tayo, bunso idrodrop lang naman si ate kina kuya Yael pagkatapos uwi na agad si Kuya Lance mapagod ka lang.”, suwestiyon naman ni Mark sa kanilang bunso at tumango naman agad ito.

Pagkalipas ng ilang minute ay narinig na niya ang pagtawag ni Lance sa labas kung kayat nagpaalam na siya sa dalawang kapatid. Binilin pa niya si Mark na huwag pababayaan ang kanilang bunso at nagthumbs-up naman ito sa kanya.

“Hindi na ako baba ate, pakisabi na lamang ang aming pagbati kay kuya Yael.”, si Lance ng makarating sila sa harap ng mansion ng mga Dominguez. Marami ng nakaparadang sasakyan sa harap ng mansion at dinig na dinig na rin sa labas ang malakas na music na nagmumula sa loob.

“Okey, mag-ingat ka sa pagdrive mo huwag kang masiyadong mabilis makakarating ka pa rin sa bahay kahit mabagal ang pagtakbo.”, paalala niya sa kapatid at nakatawang sumaludo ito.

“Noted po, mommy. Sige na, pumasok ka na doon baka kanina ka pa hinihintay ni kuya Yael. Bye magtext ka na lamang kung magpapasundo ka.”, ang kapatid at tila mabigat pa ang loob niyang kumaway dito. Ewan ba niya parang hindi siya excited na dumalo sa party ng kanyang nobyo o baka affected lamang siya sa hindi nito pamamansin sa kanyang tawag?  Napabuntunghininga na lamang siya pagkatapos ay inayos ang buhok at damit bago lumakad palapit sa gate.

Pagdating niya sa may gate ay may nagmamadaling lalaki habang papasok, narinig pa niya ang mahinang pagmura nito ng magkabunggo ang kanilang mga balikat.

“Sorry.”, agad siyang humingi ng paumanhin dito kahit hindi sure kung siya ang may kasalanan o hindi. Lihim na lamang niyang naipaikot ang mga mata dahil parang walang narinig  ang lalaki na tuloy tuloy sa pagpasok sa loob. Ni hindi pa nga ito sumagot sa pagbati ng guard na na nakabantay sa gate kung kaya ng madaanan niya anng guard ay nagbow siya dito tanda ng pagbati. Nakilala naman siya ng guard agad sapagkat ilang beses na din siyang pumasok sa bahay ng mga Dominguez.

“Magandang gabi ma’am, hindi po kayo pinasundo ni sir Yael?’, saad nito habang nakangiti at gumanti rin siya ng ngiti dito.

“Hindi kuya, nagpahatid ako sa kapatid ko. Alam ko namang busy siya dahil napakarami ng kanyang bisita.”, turan niya at tumango tango ito.

“Ah, okey ma’am, pasok na po kayo kanina pa nagsimula ang party party.”, ang guard sabay senyas  sa kanyang daraanan at nagbow siya ulit dito.

“Thank you, kuya, sige po sa loob muna ako.”, paalam niya kasabay ng pagkaway dito.

Pagpasok niya sa gate ay tumambad ang napakalawak na bakuran ng mansion na napalamutian ng ibat ibang ilaw. May kumukutikutitap na parang Christmas light at may mga malalaking nasteady sa bawat sulok na kung saan kitang kita ang napakagandang design at decoration ng party. Napakabongga ang birthday party ng kasintahan at halatang puro sosyal ang mga bisita nito. Sa apat na taon nilang magkasintahan ni Yael ay taon taon naman siyang present sa kaarawan nito kung kayat alam niyang puro mayayaman ang lahat ng mga bisita nito.  Siya lang yata ang nawawalang pooresa na nakikihalubilo sa mga ito ngunit magkaganon man ay maganda naman ang pakikisalamuha niya sa mga ito lalo na sa mga magulang ni Yael. Mababait ang mga ito at hindi matapobre, rinerespeto nila kung ano ang gusto ng anak nila at kung sino ang mamahalin nito hindi kagaya ng ibang mayayaman na namimili ng magiging girlfriend ng mga anak nila.

“Hi, tita, good evening po!”, magalang niyang bati sa mommy ni Yael ng madatnan niya ito sa bukana ng bahay at personal na nag-aassist ng mga basita.

“Hello, iha, mabuti naman at nakapunta ka? Akala ko hindi ka makakadalo?”, ang ginang pagkatapos siya nitong ibesobeso at yakapin.

“Sorry, tita kung nagtampo na naman saakin si Yael, pero hindi ko naman po palalagpasin ang kaarawan niya na wala ako.”, paghinga niya agad ng paumanhin sa mommy ng nobyo. Alam naman niyang alam ng Ginang na nagtampo na naman sa kanya ang anak nito. Bahagya itong napangiti ngunit unti unting nawala iyon at tila naging balisa habang tumingin sa paligid.

“Puntahan ko na lamang po si Yael, tita, hindi niya po alam na pupunta ako kaya susurpresahin ko po siya.”, nakangiting turan niya at alanganin itong tumango.

“Sige,iha,  nandiyan lang kanina feel at home na lang, okey?”, ang Ginang at nakangiti siyang tumango dito pagkatapos at tila naexcite din siyang hanapin kung nasaan ang kanyang nobyo.

Mga ilang minuto rin naglilikot ang kanyang mga mata upang hanapin ang bulto ni Yael mula sa crowd. Halos lumukso pa ang kanyang puso ng matanaw niya ito habang nakikipag-usap sa may di kalayuan kasama ang kumpol ng mga babae at lalaki. Nakatalikod ito at halatang nag-eenjoy sa pakikipag-usap sa mga kasama. Dahil gusto niya itong surpresahin ay dahan dahan siyang lumapit sa kinaroroonan nito pagkatapos ay bigla niya itong niyakap sa may likuran. Nagulat ito sa kanyang ginawa dahil tila hindi nakapagsalita ng lingunin siya ngunit nginitian niya ito at pagkatapos ay hinalikan sa pisngi.

“Happy birthday!”, pagkatapos ay masayang bati niya dito. Hindi niya mawari kung nasiyahan ito o hindi ngunit sa hitsura nito ay parang nakakita ng multo.

“I’ve been calling you pero hindi ka sumasagot.”, kunwari ay nagtatampong turan niya ito ngunit parang biglang wala ito sa sarili.

“Babe?”, maya maya ay narinig niyang turan ng isang babae na ngayon ay nasa tabi na nila ni Yael. Hindi sana niya papansinin ang babae sapagkat alam naman niyang siya lang ang girlfriend ni Yael ngunit naging aligaga ito at halatang hindi malaman kung ano ang gagawin.

“What is the meaning of this?”, halos mangiyak ngiyak na turan ng babae habang nakatagin sa nobyo at kahit nabigla siya ay pasimple siyang kumalas mula sa pagkakayakap kay Yael.

“Let me explain, it’s not what you think.”, mabilis na pahayag ni Yael sa babae kasabay ng pagtatangkang paghawak sa kamay nito ngunit bigla iyong tumalikod at nagmamadaling umalis. Tumingin sa kanya ang nobyo na tila nagdadalawang isip ngunit halos hindi niya malunok ang laway na nakabara sa kanyang lalamunan ng bigla itong umalis at sinundan ang babae. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa pagkakatulos sa kinatatayuan ngunit bago pa tumulo ang kanyang mga luha ay bahagya siyang ngumiti at nagbow sa mga taong naroon pagkatapos ay tila nakalutang ang pakiramdam na umalis.

“Anna!”, tila nagising ang kanyang diwa ng hawakan siya sa braso ng mommy ni Yael.

‘Where are you going?”,  saad nito dahil halata yatang wala siya sa sarili.

“Ah, pauwi na po ako tita, opo pauwi na po ako.”, nalilitong turan niya na may kalakip na bahagyang pagngiti. Hinila siya ng ginang at hindi na niya alam kung saang lupalop ng mansion sila naroon.

„Sorry, iha.”, turan agad ng ginang ng makalayo sila sa karamihan ng tao.

“Okey lang po tita, actually napadaan lamang po ako para batiin si Yael. Opo napadaan lamang po ako.”, wika niya  habang kinokontrol ang damdaming huwag mapaiyak.

„Ako na ang humihingi ng paumanhin saiyo, iha, sana maintindihan mo…”,

“Opo, naiintindihan ko naman po.”,

„Kailangan din ni Yael ng totoong magmamahal at mag-aalaga sa kanya.”, ang ginang at ramdam niya na ang bawat katagang lumalabas sa bibig nito ay tila tinik na tumutusok sa kanyang puso. Napapikit siya ng mariin upang hindi tumulo ang kanyang luha.

„Naiintindihan ko po yun tita, sorry kung hindi ko naibigay sa kanya ang pagmamahal at pag-aalagang hinahanap niya. Sige po,  mauna na po ako pakisabi na lamang po sa kanya na nauna na kong umuwi.”, turan niya sa ginang bago pa bumagsak ang kanyang mga luha ay nagmamadali na siyang umalis.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 69

    Tirik na ang haring araw pagkagising ni Anna kinabukasan. Hindi niya naibaba ang kurtina sa bintana kagabi at direchong tumama sa kanyang mukha ang nakakasilaw na sinag ng araw. Pinilit niyang binuksan ang kanyang mata ngunit agad niyang nasapo ang ulo sapagkat tila ito mabibiyak sa matinding sakit. Napaungol siyang bumiling sa kabilang side upang tumayo at magtungo sa banyo. Tnanggal niya ang kumot na nakapulupot sa kanyang katawan ngunit agad din niyang ibinalik iyon ng mapagtantong wala siyang kahit na anong saplot sa katawan. Sa pagkakataong iyon ay pumasok sa kanyang balintataw ang nangyari sa kanila ni Ezekiel kagabi. Naalala niyang magkayakap silang natulog kagabi pagkatapos ng mainit nilang pagniniig, bakit nawala na ito ng siya’y magising? Sabagay tanghali na, bukod sa hindi ito bed lover ay busy na tao ang binata at palaging may ginagawa. Baka may early appointment kaya hindi na niya ito nagisnan sa kanyang tabi. Medyo guminhawa naman ang pananakit ng kanyang ulo pagkatapos

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 68

    Halos mapatalon si Anna ng biglang magsalita sa kanyang tabi. Sa Lalim nga ng kanyang iniisip hindi niya namalayang ang paglapit ni Brent.“Grave ka! Muntik na akong atakehin sa puso, ah?”, napahawak siya sa kanyang dibdib ngunit dahil sa matinding pagkabigla ay nabigwasan din niya ito sa balikat. Sa ginawa niya ay natawa ng malakas si Brent na tuwang tuwa sa kanyang pagkagulat.„Bakit kasi nag-iisa ka dito? Para namang may hinihintay kang engkanto.”, nakatawang turan ni Brent at napalo niya ulit ito sa braso.„Ikaw talaga, kaaalis lang naman nina Arabella. Sinamahan niya si Tyron para magbihis.”, saad niya at napangiti ito.„Ganon pala talaga kapag may -asawa na kailangan kasama pati sa pagbibihis.”, si Brent at siya naman ang natawa dito.„Ganon talaga, nagsumpaan ba namang magsasama sa hirap at ginhawa.”, pahayag niya dito.„Oh, okay. I’m not ready for that yet.”, parang biglang allergic na turan ni Brent at nailing siya dito. Sa itchura nito ay malabong magpapatali."Let's go insi

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 67

    At dahil nakatingin sina Brent at Ezekiel sa direksiyon niya ay hindi na siya pwedeng magback-out na kagaya ng iniisip niya kanina. Parang gusto na lamang kasi niyang bumalik sa taas kaninang makita niyang nag-uusapang dalawa. Hanggat maaari sana ay ayaw niyang makaharap at makasama si Ezekiel. Hanggang ngayon ay nanggigigil pa rin siya sa lalaki. Saan naman kaya nito nakuha ang notion na sinundan niya ito sa Singapore? Ni wala nga siyang kaalam alam kung saan lupalop ng lupa ito napadpad matapos nitong hindi magparamdam. Kung noon ay namimiss niya ng sobra ang lalaki, ngayon naman ay tila ayaw niyang makita kahit anino nito. Pinagsisihan niyang iniiyakan niya ito gabi-gabi at sa tuwing naaalala niya ito. Gosh! Wala na talagang natitirang matinong lalaki.Bago lumapit sa dalawa ay kinompos niya ang sarili. Wala namang kinalaman si Brent sa inis niya kay Ezekiel kaya sinikap niyang ngumiti ng maganda habang palapit sa mga ito. Pero siyempre kay Brent nakatuon ang kanyang mga mata haban

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 66

    Pagbalik ni Anna sa silid ay agad siyang nagbihis. Pinalitan niya ang damit niyang pang-upisina at isinuot ang dinala na extra casual clothes. Para kasing nagparamdam sa kanya noong nag-iimpake siya na makapamasyal siya sa Singapore bago man lamang sila bumalik sa Pilipinas. Simpleng white shirt na pinaresan ng lagpas tuhod na denim skirt na may slit sa gitna at white sneakers. Naglagay din siya ng kaunting make-up at inilugay lamang ang hanggang balikat niyang buhok. Natuwa siya sa sarili ng tignan ang kabuuan sa full length mirror na nakakabit sa kanyang kuwarto. Para siyang bumalik sa pagiging college student, hindi niya alam kung epekto lamang ito ng once in a blue moon niyang pagsusuot ng ganitong damit or dahil nasanay lamang siya sa everday niyang suot na formal attire. Back in her earlier years ay nakasunod din siya sa uso when it comes sa pananamit. Palagi nga siyang isinasali sa mga fashion show sa school nila noon dahil maganda siyang manamit at bagay na bagay ang lahat ng

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 65

    Halos kutosan ni Anna ang sarili dahil sa kinalabasan ng pagyakap niya kay Yael. Sa kabila ng paghingi niya ng paumanhin ay may pagdududang tumingin si Abby sa kanilang dalawa ni Yael. Gusto niyang magpaliwanag dito subalit bigla itong tumalikod at halos patakbong lumayo. Labis tuloy siyang nag-alala kay Yael, baka awayin ito ni Abby o di naman kaya maging sanhi pa ng hindi nila pagkakaunawaan. Akmang susundan ni Yael ang kasintahan subalit pinigilan niya ito.“Ako na.”, saad niya kasabay ng paghawak sa kamay ni Yael. Kahit tumaas ang dalawang kilay nito ay wala naman siyang nakitang kahit na anong pagkainis sa mukha nito.“Ako ang may kasalanan kung bakit siya nagtampo kaya dapat lang na ako ang magsettle dito. Pasensiya ka na.”, wika niya dito.“Sigurado ka?”, paninigurado naman ni Yael at tumango siya dito.“Okey. Pero ano nga pala ang dahilan kung bakit napayakap ka saakin?”, si Yael na may gana pa yatang makipagchismisan sa kanya.„Yun nga, ibabalita ko sana na approved na yung s

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 64

    Ngayon lang yata kumain si Anna ng napakabilis. Subo lang siya ng subo at hindi tumitingin sa paligid. Ang goal niya ay tapusin na agad ang inilagay ni Ezekiel na pagkain sa kanyang plato upang makapagdisappear na agad. Ngunit napairap siya dito dahil naglagay na naman ito sa kanyang plato. Aangilan na sana niya ito subalit kumuha ito ng table napkin at pinunasan ang kanyang labi pagkatapos ay kinuha ang glass of water at inilapit sa kanya kaya hindi siya nakapagsalita at itinuloy na lang ulit ang pagkain.„Tama na.”, turan niya dito ng tangkain na naman nitong maglagay sa kanyang plato. Busog na talaga siya at wala na talagang paglagyan sa loob ng kanyang tiyan.„This is a dessert, try it.”, saad ng binata na sa wakas ay normal na sa pandinig ang tono nito. Parang nagtantrums lang kanina dahil nagugutom o gutom lang kaya nagtatantrums. May kasabihan kaya na “an angry man is a hungry man” o di naman kaya ay “a hungry man is an angry man”, basta ganon. Hindi na siya nakatanggi ng kumuh

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status