“Ate, Nandito kana agad? Halos kararating ko lang sa paghatid saiyo ah?”, gulat na turan ni Lance ng makita siyang pumasok sa may pinto. Nasa sala ito at kasalukuyang gumagawa ng drawing ng bahay.
“Oo, sumakit ang ulo ko kaya umuwi na ako.”, saad niya na pilit ikinubli ang labis na kalungkutan.
„Sina Mark at Karl, tulog na ba sila?”, turan pa niya upang mabaling sa iba ang pagtingin ng kapatid na sa ngayon ay nakatitig sa kanya.
„Pumasok na sa room nila, sigurado kang okey ka lang?”, may pag-aalalang turan nito at tumango siya.
“Okey lang ako, inom lang ako ng gamot mawawala din ito. Sige na, pasok na ako sa kuarto ko.”, pahayag niya pagkatapos ay nagmamadali na niyang tinungo ang hagdanan baka makahalata pa ito. Ayaw niyang mag-alala ang kanyang mga kapatid kaya kung ano man ang nararamdaman niya sa ngayon ay sa kanya na lamang iyon. Pagdating niya sa taas ay binuksan pa niya ang kuwarto ng dalawang kapatid. Tulog na si Karl at inayos niya ang kumot nito pagkatapos ay binigyan niya ng haik sa noo bago lumabas sa kuawrto nito. Si Mark naman ay may hawak pang libro ng mapagbuksan niya ito at tila nagulat din sa mabilis niyang pagdating.
“Nakauwi kana agad, ate?”, takang turan nito at tumango siya kasabay ng bahagyang pagngiti.
“Bakit hindi ka pa natutulog? May exam ka ba bukas?”, wika niya dito at nag-inat muna iyon bago umiling.
“Hindi pa ako inaantok ate, magbabasa na lang muna ako”, tugon ng kapatid at nginitian niya ito. Kaya naman sobrang galing ng kapatid niyang ito dahil ginagawang libangan ang pagbabasa.
“Okey, punta na ako sa kuarto ko. Good night, Mark.”, pahayag niya at kumaway ito.
“Night ate; I love you.”, turan nito kung kayat nakangiti siyang umalis sa pintuan ng silid nito. Tahimik lamang at mukhang supladito ang kapatid niyang ito ngunit pagdating sa kanya ay super sweet nito. Sweet naman silang tatlo sa kanya at ramdam na ramdam niya ang pagmamahal at respeto ng mga ito sa kanya. Hindi gumawa ng hakbang ang mga kapatid niya kung hindi sinasabi sa kanya o kinukuha ang opinion niya. Pagpasok niya sa kanyang kuarto ay bigla ngang sumakit ang kanyang ulo kaya dagli niyang tinanggal ang damit at itinutok ang katawan sa shower. Ngunit natapos siya sa paliligo ay parang mas lalong lumalala ang pananakit ng ulo kaya bumaba siya at kumuha ng gamot sa medicine cabinet at nagtungo sa kitchen upang kumuha ng maiinom.
Pagkainom niya ng gamot ay naupo muna siya sa harap ng mesa habang pinapakiramdaman ang sarili. Napahawak siya sa noo ng maalala ang nangayari sa party ni Yael kasabay pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Hindi pa rin siya makapaniwalang may girlfriend ng iba ang minamahal niyang lalaki at nanunuot ang sakit sa kanyang puso.
“Sorry ate.”, maya maya ay biglang yumakap ang kapatid sa kanyang likuran at mabilis niyang pinunasan ang mukha.
“Okey lang ako, sumakit lang ang ulo ko.”, saad niya na pilit ikinubli ang pag-iyak. Ngunit mas lalo lamang siya nitong niyapos at hinalikan ang ulo.
“Nang dahil saamin nagkaproblema kayo ni kuya Yael, sorry.”, ang kapatid kung kayat hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng kanyang luha.
“Ano ka ba, wala naman kayong kasalanan bakit ka humihingi ng sorry?”, saad niyang bahagyang tumawa kahit patuloy ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata.
“Nasaktan ka tuloy ng dahil saamin.”, patuloy pa nito kaya hinarap niya ito pagkatapos ay hinawakan ang kamay ng kapatid.
“Wala kayong kasalanan, okey? Marahil ay hindi nga kami para sa isa’t isa ni Yael isa pa he deserves someone better.”, saad niya at napatitig ito sa kanya.
“Paano ka?”, si Lance at hindi niya naiwasang ngumiti ng mapait.
“Kayo ang priority ko sa ngayon kaya masaya na ako kung nakikita kong masaya kayong tatlo.”, pahayag niya at napayakap ulit sa kanya ang kapatid.
“Thank you, ate; promise sisikapin kong makapagtapos para ako naman ang magtatrabaho para saating lahat.”, ang kapatid at nakangiti siyang yumakap din dito kasabay ng pagtapik sa likuran nito.
“Magtatrabaho tayong dalawa, mag-iipon alam mo naman na napakataas ng pangarap ng isa nating kapatid.’, saad niya at napakamot ito sa ulo habang nakatawa.
“Oo nga, kaya ba nating magpaaral sa Harvard?”, may pag-aalalang turan nito at kahit malabo pa sa gabi ay nagthumbs up siya dito.
“Kaya yan, tiwala lang!”, mas malakas pa sa kalabaw ang fighting spirit niya at natatawang umiling iling ang kapatid.
Eduardo’s Holding Company
“Sir, narito po ang mga documents ng mga applicants baka gusto niyo pong tignan muna bago sila pumasok isa isa.”, si Mrs. Santos kay Ezekiel kasabay ng pag-abot nito sa mga nakafolder na files ng mga applicants. Nainip na yata ang CEO sa paghihintay ng secretary nito at ito na ang nagvolunteer para mag-interview sa mga aplicante.
“Let me check, ilan silang lahat?”, turan ni Ezekiel kasabay ng pagkuha sa sa folder na hawak ni Mrs. Santos.
“Twelve po silang lahat sir at nagconfirmed po silang lahat na pupunta.”, tugon ni Mrs. Santos at tumango tango ang boss pakatapos ay isa isang pinasadahan ang mga resume ng mga aplicante.
After five minutes ay nagbigay na si Ezekiel ng hudyat kay Mrs. Santos na pwede nang pumasok ang mga ito for interview. Pagkakita pa lamang sa unang applicant ay hindi na niya nagustuhan ang sobrang ikli na palda nito kaya agad niya itong dinismissed. Ang pangalawa naman ay nagpapacute sa pangiti ngiti kaya tulad ng una ay hindi rin tumagal sa harap niya. Ang pangatlo naman ay masyadong mababa ang neckline ng inner nito at kitang kita ang cleavage kaya halos hindi pa nakakaupo ay pinalabas na niya ito. Ang panglima ay masyadong makapal ang make-up kaya tulad ng mga nauna aya napalabas din kaagad.
“Excuse me, sir. May humahabol po na applicant, endorse daw ni Attorney Garcia kung pwede daw pong sumingit dahil umexit lang daw siya saglit sa work niya.”, bigla ay sumingaw ang ulo ni Mrs. Santos sa may pintuan.
“Sabihin mo pumila siya, if she can’t wait pwede na siyang umalis!”, pasupladong pahayag niya. Nainis siya bigla, hindi porke may nag-endorse sa kanya ay nag-eexpect ng special treatment. Sa inis niya ay pinabagal niya ang pag-interview kahit wala siyang bet sa mga ibang pumapasok na applicante. Okey naman ang mga credentials ng mga ito kaso wala siyang magustuhan upang maging secretary niya. Pagkatapos ng labindalawang applicant ay nagbreak muna siya at nagbasa ng mga document ng thirty minutes bago nagbigay ng hudyat kay Mrs. Santos upang papasukin ang huling dumating. Ni hindi siya nagtaas ng mukha ng narinig ang pagbukas ng pintuan at maging ang pagbati nito ng makalapit sa harap ng kanyang mesa. Hindi niya nagustuhan ang ginawa nitong paghingi ng special treatment kung kayat nanatili siya sa pagbabasa at hinayaang tumayo ito sa harap niya ng sampung minuto. Infairness, ito lamang ang nakaslacks sa mga pumasok sa kanyang upisina upang magpainterview.
“Tell me about yourself.”, sa wakas ay turan niya habang nakapokus pa rin ang mukha sa binabasa.
‘Good morning, sir, I’m Anna Marie Lacuesta, twenty-four years old…”, panimula nito at bigla siyang natigilan pagkarinig sa pangalan nito. Pag-angat ng kanyang mukha ay pasimple siyang umayos mula sa pagkakaupo at mariing tumingin sa mukha nito habang nagpapakilala sa sarili. She looks so fresh and simple, nakalugay lamang ang hanggang balikat nitong buhok at kaunting blush on lamang ang nasa pisngi samantalang parang natural na pink lamang ang kanyang mga labi. Nakaslacks ito ng gray na kung saan nakatuck ang putting inner nito na halos natakpan ang skin hanggang sa punong leeg nito na pinatungan din ng kulay gray na blazer at pinaresan ng halos tatlong pulgada yata ang taas ng kulay gray ding close shoes. Wala din itong kolorete sa mga kuko at halos mapataas ang kilay niya dahil ang iiksi ng mga kuko nito. Parang ito lang yata ang babaing nakita niya na hindi mahahaba ang kuko at walang magandang tinta.
“That’s all sir, and thank you.”, narinig niyang turan nito. Agad siyang napakumpas sa mga daliri kahit wala siyang naintindihan sa mga sinabi nito.
“Okey, what do you think of me?”, straight niyang pahayag at halatang nagulat ito.
“Sorry, sir?”, hindi yata makapaniwala sa narinig kung kayat inulit niya ang kanyang sinabi.
“I said, what do you think of me?”, turan na habang tumitig sa mukha nito.
“In my point of view sir, you are a dignified and respectable person.”, saad nito at naitaas niya ang kanyang kilay. Sa isip niya hindi man lang ba nagandahang lalaki ito sa kanya?
“In your wildest dream, don’t you find me attractive and potential to be your boyfriend?”, wika niya at halatang natigilan ito at nanlaki ang mga mata.
“No sir!”, saad nito at ramdam niyang nag-init ang kanyang mukha. Ano ito cynic at hindi man lamang nakaramdam ng ano sa kanya samantalang halos lahat ng mga babaeng lumalapit sa kanya ang gustong makuha ang atensiyon niya?
‘What then?”, hindi niya napigilang magsungit dito.
“Pasensiya na sir, pero trabaho po ang dahilan kung bakit po ako nandito at hindi po ang paghahanap ng boyfriend.”, saad nito kung kayat mas lalong tumaas ang kanyang kilay. Sa hitsura nito ay tila hindi man lamang niya nakitaan na may dating siya dito. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam siya ng pagkainis dito.
“Good! This office maintains decency and does not condone bitches act. You can go!”, pagdidismissed niya dito.
“I’ll give the result to the HR, and they will be the one to contact you for the result.’, saad niya ng hindi ito agad tumalima. Pagkarinig sa sinabi niya ay napilitan itong tumango pagkatapos ay biglang rumehistro sa mukha ang tila kawalan ng pag-asa. Ganon pa man ay nagpasalamat ito sa kanya pagkatapos ay bahagyang yumuko bago tinungo ang pintuan ng kanyang upisina.
Tirik na ang haring araw pagkagising ni Anna kinabukasan. Hindi niya naibaba ang kurtina sa bintana kagabi at direchong tumama sa kanyang mukha ang nakakasilaw na sinag ng araw. Pinilit niyang binuksan ang kanyang mata ngunit agad niyang nasapo ang ulo sapagkat tila ito mabibiyak sa matinding sakit. Napaungol siyang bumiling sa kabilang side upang tumayo at magtungo sa banyo. Tnanggal niya ang kumot na nakapulupot sa kanyang katawan ngunit agad din niyang ibinalik iyon ng mapagtantong wala siyang kahit na anong saplot sa katawan. Sa pagkakataong iyon ay pumasok sa kanyang balintataw ang nangyari sa kanila ni Ezekiel kagabi. Naalala niyang magkayakap silang natulog kagabi pagkatapos ng mainit nilang pagniniig, bakit nawala na ito ng siya’y magising? Sabagay tanghali na, bukod sa hindi ito bed lover ay busy na tao ang binata at palaging may ginagawa. Baka may early appointment kaya hindi na niya ito nagisnan sa kanyang tabi. Medyo guminhawa naman ang pananakit ng kanyang ulo pagkatapos
Halos mapatalon si Anna ng biglang magsalita sa kanyang tabi. Sa Lalim nga ng kanyang iniisip hindi niya namalayang ang paglapit ni Brent.“Grave ka! Muntik na akong atakehin sa puso, ah?”, napahawak siya sa kanyang dibdib ngunit dahil sa matinding pagkabigla ay nabigwasan din niya ito sa balikat. Sa ginawa niya ay natawa ng malakas si Brent na tuwang tuwa sa kanyang pagkagulat.„Bakit kasi nag-iisa ka dito? Para namang may hinihintay kang engkanto.”, nakatawang turan ni Brent at napalo niya ulit ito sa braso.„Ikaw talaga, kaaalis lang naman nina Arabella. Sinamahan niya si Tyron para magbihis.”, saad niya at napangiti ito.„Ganon pala talaga kapag may -asawa na kailangan kasama pati sa pagbibihis.”, si Brent at siya naman ang natawa dito.„Ganon talaga, nagsumpaan ba namang magsasama sa hirap at ginhawa.”, pahayag niya dito.„Oh, okay. I’m not ready for that yet.”, parang biglang allergic na turan ni Brent at nailing siya dito. Sa itchura nito ay malabong magpapatali."Let's go insi
At dahil nakatingin sina Brent at Ezekiel sa direksiyon niya ay hindi na siya pwedeng magback-out na kagaya ng iniisip niya kanina. Parang gusto na lamang kasi niyang bumalik sa taas kaninang makita niyang nag-uusapang dalawa. Hanggat maaari sana ay ayaw niyang makaharap at makasama si Ezekiel. Hanggang ngayon ay nanggigigil pa rin siya sa lalaki. Saan naman kaya nito nakuha ang notion na sinundan niya ito sa Singapore? Ni wala nga siyang kaalam alam kung saan lupalop ng lupa ito napadpad matapos nitong hindi magparamdam. Kung noon ay namimiss niya ng sobra ang lalaki, ngayon naman ay tila ayaw niyang makita kahit anino nito. Pinagsisihan niyang iniiyakan niya ito gabi-gabi at sa tuwing naaalala niya ito. Gosh! Wala na talagang natitirang matinong lalaki.Bago lumapit sa dalawa ay kinompos niya ang sarili. Wala namang kinalaman si Brent sa inis niya kay Ezekiel kaya sinikap niyang ngumiti ng maganda habang palapit sa mga ito. Pero siyempre kay Brent nakatuon ang kanyang mga mata haban
Pagbalik ni Anna sa silid ay agad siyang nagbihis. Pinalitan niya ang damit niyang pang-upisina at isinuot ang dinala na extra casual clothes. Para kasing nagparamdam sa kanya noong nag-iimpake siya na makapamasyal siya sa Singapore bago man lamang sila bumalik sa Pilipinas. Simpleng white shirt na pinaresan ng lagpas tuhod na denim skirt na may slit sa gitna at white sneakers. Naglagay din siya ng kaunting make-up at inilugay lamang ang hanggang balikat niyang buhok. Natuwa siya sa sarili ng tignan ang kabuuan sa full length mirror na nakakabit sa kanyang kuwarto. Para siyang bumalik sa pagiging college student, hindi niya alam kung epekto lamang ito ng once in a blue moon niyang pagsusuot ng ganitong damit or dahil nasanay lamang siya sa everday niyang suot na formal attire. Back in her earlier years ay nakasunod din siya sa uso when it comes sa pananamit. Palagi nga siyang isinasali sa mga fashion show sa school nila noon dahil maganda siyang manamit at bagay na bagay ang lahat ng
Halos kutosan ni Anna ang sarili dahil sa kinalabasan ng pagyakap niya kay Yael. Sa kabila ng paghingi niya ng paumanhin ay may pagdududang tumingin si Abby sa kanilang dalawa ni Yael. Gusto niyang magpaliwanag dito subalit bigla itong tumalikod at halos patakbong lumayo. Labis tuloy siyang nag-alala kay Yael, baka awayin ito ni Abby o di naman kaya maging sanhi pa ng hindi nila pagkakaunawaan. Akmang susundan ni Yael ang kasintahan subalit pinigilan niya ito.“Ako na.”, saad niya kasabay ng paghawak sa kamay ni Yael. Kahit tumaas ang dalawang kilay nito ay wala naman siyang nakitang kahit na anong pagkainis sa mukha nito.“Ako ang may kasalanan kung bakit siya nagtampo kaya dapat lang na ako ang magsettle dito. Pasensiya ka na.”, wika niya dito.“Sigurado ka?”, paninigurado naman ni Yael at tumango siya dito.“Okey. Pero ano nga pala ang dahilan kung bakit napayakap ka saakin?”, si Yael na may gana pa yatang makipagchismisan sa kanya.„Yun nga, ibabalita ko sana na approved na yung s
Ngayon lang yata kumain si Anna ng napakabilis. Subo lang siya ng subo at hindi tumitingin sa paligid. Ang goal niya ay tapusin na agad ang inilagay ni Ezekiel na pagkain sa kanyang plato upang makapagdisappear na agad. Ngunit napairap siya dito dahil naglagay na naman ito sa kanyang plato. Aangilan na sana niya ito subalit kumuha ito ng table napkin at pinunasan ang kanyang labi pagkatapos ay kinuha ang glass of water at inilapit sa kanya kaya hindi siya nakapagsalita at itinuloy na lang ulit ang pagkain.„Tama na.”, turan niya dito ng tangkain na naman nitong maglagay sa kanyang plato. Busog na talaga siya at wala na talagang paglagyan sa loob ng kanyang tiyan.„This is a dessert, try it.”, saad ng binata na sa wakas ay normal na sa pandinig ang tono nito. Parang nagtantrums lang kanina dahil nagugutom o gutom lang kaya nagtatantrums. May kasabihan kaya na “an angry man is a hungry man” o di naman kaya ay “a hungry man is an angry man”, basta ganon. Hindi na siya nakatanggi ng kumuh