로그인Pagdating nila sa parking lot ng isang mamahaling rezto ay agad bumaba si Delfin upang pagbuksan ng pintuan ang CEO. Bumaba naman agad ito pagkatapos ay walang sinsalitang tinungo ang entrace ng rezto. Kung hindi lamang sumenyas si Delfin kay Anna ay hindi pa siya kumilos upang sundan ang kanyang bagong boss. Sa haba ng biyas ng mga legs nito ay napakatulin nitong maglakad kumapara sa biyas ng isang 5’2 na katulad niya kung kayat halos tumakbo na naman siya upang makahabol dito.
“Don’t get inside!”, narinig niyang utos nito bago ito pumasok sa pintuan ng rezto. Para naman siyang sasakyan na biglang nagpreno pagkaarinig sa instruction nito habang hinabol na lamang ng kanyang tingin ang pagpasok ng CEO. Nang mawala ito sa kanyang paningin ay napabuntunghininga siya ng malalim pagkatapos ay napailing na lamang habang tumungin sa paligid. May nakita siyang upuan malapit sa entrance door at napagpasiyahan niyang doon na lamang niya hihintayin ang kanyang boss. Akala niya mapapasabak siya agad sa pagiging secretary yun pala gagawin pala siyang guard sa labas ng rezto. Noong una ay naaaliw pa siyang luminga linga sa paligid, puno ng sosyal na kainan ang street na iyon at ibang iba ang nakikita niyang ambiance. Ngunit hindi nagtagal ay nabagot din siya sa katitingin kung kayat inilabas niya ang kanyang cellphone at nagsimulang itext ang mga kapatid. Ilang minute na lamang at mag-aalas singko na kaya pinaalalahanan niya ang mga itong mag-ingat sa pag-uwi. Nahagip din ng paningin niya ang number ni Yael dahil isa rin ito sa pinapadalhan niya ng paalala tuwing hapon ngunit napangiti na siya ng may pait ng maalalang hindi na siya parte ng buhay nito at sinimulang burahin ang itinipa nitong mensahe para dito.
“Anna?”, halos naalimpungatan siya sa ginagawa ng marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan. Nag-angat siya ng mukha mula sa pagtipa sa cellphone at nagtatanong ang mukhang luminga sa paligid. Bigla siyang napatayo ng makita si Yael habang nakatayo sa may bukana ng resto at sa ngayon ay nakatingin sa kanya.
“Anong ginagawa mo dito?”, saad nito ng makalapit sa kanya.
“Ah, wala naman… I mean may hinihintay ako sa loob.”, turan niya na parang batang hindi nakapagpaalam sa magulang at bigla siyang naguilty. Napukunot ito ng noo habang ipinaglipat ang paningin sa kanya at sa loob ng rezto.
“Umalis kana sa bangko?”, tila hindi makapaniwalang wika nito pagkatapos at tumango siya kasabay ng bahagyang pagngiti.
“Bakit? Dahil ba saakin?’, agad rumehistro ang guilt sa mukha ni Yael at agad siyang umiling.
“Hindi! Hindi!”, saad niya at napatingin ito sa kanyang mukha.
“I’m sorry.”, pahayag nito at siya naman ang napatingin sa mukha nito. Hindi niya mawari kung lungkot at pagsisisi ang nakarehistro sa mga mata Yael ngunit nginitian na lamang niya ito upang pagtakpan ang nararamdamang sakit sa kanyang puso.
“Wala yun!”, nakangiting saad niya kahit sa loob loob niya ay gusto niyang maiyak.
“Babe?”, mula sa may bukana ng pintuan ay naroon ang bagong girlfriend ni Yael.
“Coming!”, tugon ni Yael kahit nakapokus pa rin sa kanya ang paningin nito.
“We’ll talk next time. Ingat ka palagi.”, paalam ni Yael at bahagya lamang siyang yumuko dito pagkatapos ay sinundan niya ng tingin ang papalayong binata hanggang makalapit sa napakganda at eleganteng babae na naghihintay sa may pinto. Halatang mayaman ang girlfriend ni Yael base sa napakaclass nitong poise at pananamit; bagay na bagay sila ni Yael lalong lalo na sa estado ng pamumuhay. Napaisip tuloy siya kung paanong nagustuhan siya ng binata noon samantalang hindi naman lingid sa kaalaman nito na hindi sila magkalevel ng uri ng pamamumuhay. Sadya nga sigurong mabait si Yael at pati ang naitulong nito sa kanyang pamilya ay halos hindi na niya mabilang kaya hindi niya magawang magalit dito after all he deserved someone better naman talaga.
Napakunot ang noo ni Ezekiel ng makitang mahaba ang nguso ng pinsang si Abie pagpasok pa lamang nito sa kinaroroonan nilang VIP room sa rezto kasunod ang boyfriend nitong si Yael. Napagkasunduan kasi nilang magpipinsan na magkitakita sapagkat paalis na naman ang pinsan nilang si Daniel patungo sa Australia. Hindi naman sa hindi nila ito mapuntahan sa kung saan man ito naroon ngunit parepareho silang busy sa buhay at tinetake advantage lamang nila ang mga ganitong pagkakataon.
“Why the long face, Abigail?”, pabirong turan ni Daniel sa nag-iisang babaeng pinsan nila at halos humagalpak ito ng tawa ng lalong bumusangot ang maganda nitong mukha kasabay ng pag-upo nito sa kanyang tabi.
“What’s up?”, soft tone niyang turan kay Abie kasabay ng paghagod sa likod nito. Siya ang eldest sa kanilang apat na magpipinsan at kahit pagbaliktarin niya ang mundo ay pet niya ang pinakabunso at nag-iisang babaeng Eduardo.
“I hate leeches!”, nakasimangot nitong pahayag at nagkatinginan silang tatlo.
“What do you mean?”, hindi makaapaniwalang turan ni Andrew sa pinsan sapagkat kahit sobrang arte nito ay ngayon lamang niya marinig na magsalita ng ganito si Abie.
“Ano pa nga kundi ang babaeng naghahabol kay Yael, she’s so obsessed with my boyfriend hindi ko alam kung paano niya nalamang pupunta kami dito.”, nakasimangot pa ring turan nito at hindi napigilang tumawa nina Daniel at Andrew.
“Babe, I told you, it’s a coincidence nagkataon lamang na may hinihintay siya dito sa loob.”, agad namang paliwanag ng boyfriend nitong si Yael habang palapit din sa kanilang kinauupuan.
“Hmmp! Ewan ko saiyo, palibhasa gustong gusto mo namang makita ang babaeng yun!”, nakarole eyes na pahayag ni Abie at hindi makapaniwalang umiling si Yael sa pagseselos ng kasintahan nito. Tumingin sa kanilang tatlo si Yael ngunit halos sabay sabay silang nagkibit ng balikat dito. May pagkabrat si Abigail pero ayaw naman nilang iinvalidate kung anoman ang nararamdaman nito.
“You’re impossible! Baka sabihin ng mga pinsan mo inaagrabiyado kita ha?”, nakatawa na lamang nitong pahayag kasabay ng pag-upo nito sa tabi ng pinsan at malambing na inakbayan ito.
“Don’t worry dude, we know her so well.”, pahayag ni Andrew at nagkatawanan ang lahat. Bahagya lamang ang ginawang pagngiti ni Ezekiel, one hundred percent sure siya na ang bagong secretary niya ang tinutukoy ni Abie na babaeng obsessed sa boyfriend nito. Baka yumakap na naman ito pagkakita kay Yael na hindi iniisip kung may mga tao sa paligid o kung may masasaktan ito. Ganun naman ang mga taong obsessed, mga sariling kaligayan lamang ang iniisip at walang pakialam sa mga masasaktang tao. Sa isiping iyon ay mas lalong nakaramdam siya ng matinding inis sa kanyang bagong secretary, na meet nito ang kanyang standard pero hindi niya hahayaang patuloy nitong saktan ang kanyang pinakamamahal na pinsan. Nag-enjoy muna siya sa pagkain at pakikipagkwentuhan sa mga pinsan ng halos lagpas sa isang oras. Nang malapit na silang lumabas ay nagsend siya ng message kay Mrs. Santos upang pauwiin na si Anna na kasalukuyang naghihintay sa labas ng resto. Napangiti siya pagkatapos habang nakikinita ang magiging reaction nito pagkatapos nitog maghintay g matagal sa labas.
“Ma’am?”, si Anna matapos pindutin ang answer button sa kanyang cellphone. Sinave niya ang number ni Mrs. Santos kanina kaya sinagot niya agad ito.
“Ms. Lacuesta, pwede ka nang umuwi.”, turan nito at nagtaka siya kung inuutusan na siyang umuwi samantalang hindi pa lumalabas si Mr. Eduardo.
“Ma’am, nasa loob pa si Sir hindi pa po lumalabas.”, saad niya dito.
“Okey lang yan, tutal lagpas alas singko na wala ka nang pananagutan sa kanya.”, pahayag ng nasa kabila.
“Sigurado po kayo? Baka sisantehin niya ako agad ma’am, alam niyo namang kailangan ko ang trabahong ito.”, may pag-aalinlangang pahayag niya at narinig niya ang bahagyang pagtawa nito.
„Oo, sige na! Umuwi ka na mas lalong mawawalan ka ng trabaho kung hindi mo susundin ang sinasabi ko.”, si Mrs. Santos kung kayat dagli siyang napatayo.
„Okey ma’am, paalis na po ako. Salamat po.”, mabilis niyang pahayag kay Mrs. Santos pagkatapos ay dalidali siyang umalis sa kinauupuan at pumunta sa gilid ng kalsada upang pumara ng taxi. Ang weird naman, pinaghintay siya ng pagkatagal tagal sa labas na parang timang pagkatapos ay ora orada ding pauuwiin? Nakakaloka! Matino pa ba ang pag-iisip ng Ezekiel Eduardo na iyon?
Lahat ay excited sa marriage proposal na nangyari. Marami ang nagulat sapagkat wala sa personality ni Ezekiel ang mag-aasawa agad-agad. He’s too focus in administering majority of the Eduardo’s assets, so it surprises the whole family and their friends. Pero siyempre marami naman ang natuwa sapagkat hindi naman ito bumabata at sa edad nito ay kailangan na nitong bumuo ng sariling pamilya. Sa ilan naman ay naging tampulan ng curiosity ang mapapangasawa ng binata. Kilala si Ezekiel sa pagiging metikuloso pagdating sa mga babae, paanong bigla na lamang itong magpropose ng kasal sa babaeng hindi kilala sa sosyedad na ginagalawan nila? Pero over all ay masaya ang lahat sa desisyon nito lalong lalo na ang pamilya ng binata na walang sinayang na oras kundi lapitan si Anna at agad winelcome sa kanilang pamilya.“Welcome to the family, iha, I’m so happy. Bukod sa mag-aasawa na rin sa wakas ang anak ko ay magiging grandmommy na rin ako. Thank you for coming to Ezekiel’s life.”, madamdaming pahay
Totoo pala talaga ang kasabihan na “love is sweeter for the second time around”. Simula kasi noong bumalik ang dating pagtitinginan ng magkasintahan ay mas naging sweet at clingy sila sa isa’t isa. Mas naging masaya at mas lalong binigyan ng halaga ang isa’t isa. Since that day na hindi tumuloy ang binata sa pag-alis upang umuwi kasama si Carl ay hindi pa ito umaalis sa tabi ng dalaga kahit hindi naman ito inoobliga ng huli. Katwiran nito ay hindi ito magkakaroon ng peace of mind kung hindi niya nakikita ang dalaga lalo na at wala itong kasama. Dagdag pa nito ay hindi ito uuwi hangga’t hindi niya kasamang uuwi ang dalaga na tinawanan lang naman ni Anna.Kahit nasa malayong lugar ay masaya ang dalaga sapagkat kasama niya ang pinakamamahal niyang lalaki. Kung siya lamang ang masusunod ay ayaw niyang umuwi lalo at may mga taong hindi nasisiyahan sa relasyon nila ng binata. Masaya siya dito dahil malaya nilang naipapakita ni Ezekiel ang kanilang pag-iibigan ng walang anumang pag-aalinlang
Kahit napakinggan na ni Anna ang mga paliwanag ni Ezekiel ay may pagdadalawang isip pa rin siya kung tatanggapin niya ulit ito. Mukha namang sinsero ang binata sa kanyang mga sinabi ngunit hindi pa rin matanggal sa kanyang isip ang napagdaanang sakit at pagkalungkot. Mahal pa rin niya ang binata ngunit hindi naman ganon kadaling basta na lamang tatanggapin niya ito na parang walang nangyari. Ganon naman talaga yata kapag nasaktan “it takes time to heal” ika nga nila. Ang importante naman ay nawala ang mabigat na pinapasan sa dibdib at nakakausap na niya ito ng walang pagngingitngit. Kung kailan babalik yung dati nilang pagtitinginan ay hindi pa niya alam lalo at ilang araw na lamang ay aalis na ulit ito sa kanyang tabi dahil kailangan nitong bumalik sa Pilipinas.Sa mga nalalabing araw na naroon ang binata sa kanyang tabi ay ramdam naman niya ang pagpapakita ng sinserong pagmamahal sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanilang magkapatid. Ipinagluluto sila ng masarap na pagkain, at napakaa
“I love you.”, walang hesitation na wika ni Ezekiel sa sinabi niyang isang laro lamang ang nangyari sa kanila. Bahagya siyang natigilan. Nakaset na sa kanyang puso at isip na kakalimutan na niya ang anumang tungkol sa binata. Pero hindi siya makapaniwalang maririnig pa niya ang mga katagang ito mula dito. Bago siya lumipad patungong Australia ay ilang araw din niyang inasam na sana bigla itong dumating at sabihing mahal siya nito. Ngunit hindi iyon nangyari which push her to go abroad and start a new life ng walang kahit na anumang bakas na nag-exist ito sa kanyang buhay.Bakit kung kailan nasimulan na niyang kalimutan ang lahat ay saka naman ito biglang nagpakita at ngayon ay inuudyok na pag-usapan ang tungkol sa kanila? Seriously? Ezekiel was a master of disguise. Napakagaling magpaikot. Wala sigurong maisip na ibang gawin dito kaya he’s trying to lure her baka sakaling kumagat siya and then aalis na naman na parang walang nangyari.“Parang ang bilis lang magsabi ng “I love you” per
Bago sila tumuloy sa pamamasyal ay dumaan muna sila sa isang sikat na Australian fine dining upang kumain. Dahil ramdam na rin niya ang pagkagutom ay hinayaan na lamang niya si Ezekiel na pumili ng kanilang kakainan ganon din ang mga inorder nitong pagkain. Naupo na lamang siya at inentertain ang napakaraming katanungan ni Carl tungkol sa lugar. Hindi naglaon ay dumating ang mga pagkain at nagulat siya dahil may ibang pagkain na inorder ang binata para sa kanya.“Here’s a special pumpkin soup just for you. It'll keep you warm and help you stay healthy." wika ng binata kasabay ng paglapag nito ng isang bowl ng sopas sa kanyang harapan.“Salamat.”, tugon niya kahit may kaunting pag-aatubili sa pagiging thoughtful nito. Nagugutom na talaga siya kung kaya’t isinantabi muna ang pagiging distant niya sa binata. Isa pa nakakatakam ang mga pagkaing inorder nito minabuti niyang enjoyin ang pagkain ganon din ang simpleng pagsisilbi nito sa kanya. Kahit mukhang istrikto at suplado ay may pagkas
“Salamat sa magic soup mo, nabusog ako.”, wika ni Anna sa binata pagkatapos niyang kumain. Ngayong lamang ulit siya napadami ng kain at mabusog ng ganito simula noong dumating siya sa dito Australia. Hindi niya alam kung part lamang ng pagbubuntis niya ang pagiging picky eater niya nitong mga nakaraan o bearing lang talaga na ang binata ang naghanda. Pero agad din niyang dinismissed ang huling naisip. Kung ano man ang dahilan ng pagluluto nito ay hindi na niya dapat binibigyan pa ng kahulugan dahil pagkatapos ng trip nito sa Australia ay sigurado naman siyang hindi na uli sila magkikita.“I’m glad that you like it, and I hope it makes you feel better. Sa susunod sabihan mo ako kung anong gusto mong kainin at yun ang lulutuin ko.”, masiglang pahayag ng binata at hindi niya alam kung ngingiti siya o hindi sa tinuran nito. Sa tono nito ay tila may balak itong magluto muli. Bakit?“Huwag na. Hindi naman uso dito ang magluto luto parang waste of time lang lalo na at busy ang lahat sa traba







