LOGINHalos hindi maipaliwanang ni Anna ang nararamdaman pagkalabas sa upisina ng CEO ng Eduardo’s Holding. Parang nawalan siya ng pag-asang makakapagtrabaho siya bilang secretary labis labis ang panghihinayang sa dobleng pasahod. Napakalaking tulong kasi para sa kanilang magkakapatid ang malaking sahod upang matugunan ang pangangailangan nila araw araw lalong lalo na sap ag-aaral ng mga kapatid. Pagpasok niya sa elevator pababa ay pabuntunghiniga niyang isinandal sa ang likod sa wall nito pagkatapos ay lupaylpay ang balikat na tila wala sa sariling nakatingin sa taas. Mabuti na lamang at mag-isa siyang lulan dito kung kayat feel na feel niya ang pagsesenti. Kung bakit naman kasi ganon ang mga katanungan ng nag-interview sa kanya, sigurado bang CEO ang lalaking iyon? Imbes na yung mga kakayahan niya ang tinanong nito ay para namang schoolboy na tinatanong kung attractive ito at may potential itong maging boyfriend niya. Jusko Lord, kung ibang babae lamang siguro siya wala ng tanong tanong. Napakagwapong lalaki kaya nito at kung hindi lamang siguro siya broken hearted at may pananagutan sa mga kapatid ay hinayaan niya ang sariling magswoon dito. Mabuti na lamang at hindi niya priority ang paglalandi kung hindi ay baka nasabi niya dito ang totoo.
Pagdating sa ground floor ay mabibigat ang mga pang inihakbang ang mga paa upang lumabas sa bumukas na elevator. Wala, wala na talaga siyang pag-asa pa na makabalik pa dito kaya kailangan niyang mag-isip pa ng additional na pagkakakitaan. Baka patusin na rin niya ang pag-oonline selling pero hindi naman siya mahilig sa social media. Haist! Baka kailangan na talaga niyang mag-abroad pero paano niya mababantayan ang mga kapatid niya? Punompuno ng kung ano ano ang kanyang isip ng magring ang kanyang cellphone, alam niyan isa sa mga kapatid niya ang tumatawag dahil bukod kina Yael at ang ninomg niyang s Atty. Garcia ay ang mga ito lamang ang madalas na tumatawag sa kanya. May problema na naman kaya ang isa sa mga ito? Napabuntunghiniga siya ng malalim pagkatapos ay napailing na lamang kasabay ng paghagilap ng cellphone sa hawak na mini bag. Napakunot noo siya sapagkat new number ang nakarestro sa screen ng kanyang cellphone. Nag-atubili pa siyang sagutin iyon baka yung makulit na home credit na naman pala ang tumatawag at nag-ooffer na mag-avail ng mga gadget.
“Miss Anna Marie Lacuesta?”, narinig niyang turan ng boses babaeng nasa kabilang linya. Nagulat pa siya kung bakit kilala nito ang full name niya.
“Yes, ma’am?”, atubiling tugon niya.
“Hi, this is Mrs. Santos, HR personnel of Eduardo’s Holding Company. You are chosen to be the CEO’s secretary. Can you come back in the office for your orientation and briefing?”, turan ng nasa kabila at hindi siya makapaniwala sa narinig. Gusto niyang sumigaw at magtatalon sa tuwa ngunit nasa lobby siya at may mga pagala galang emplayado at guardiya.
“Miss Lacuesta?’, untag ng nasa kabilang liny.
“Yes, ma’am, I’m coming right away po. Thank you very much.”, masayang pahayag niya dito.
“Okey, I’ll wait for you at the HR office. See you.”, turan nito pagkatapos ay nawala na iito sa sa ere. Sa labis na kasiyahan ay napatingin siya sa may itaas kasabay ng taimtim na pagbigkas ng ‘Thank you, Lord” pagkatapos ay tinungo din agad ang elevato upang umakyat ulit pupunta sa HR office.
Pagdating niya sa HR office ay agad siyang nakita ni Mrs. Santos at sumalubog agad ito sa kanya.
“Miss Lacuesta, mabuti naman at nandito kana agad?”, nakangiting turan nito na tila nawala ang lahat ng agam agam sa buhay pagkakita sa kanya.
“Yes, ma’am, palabas pa lamang kasi ako sa building ng tumawag kayo.”, saad niya at mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito.
“Mabuti! Mabuti kung ganon, halika at maupo tayo doon.”, turan nito sabay turo sa isang mini conference room sa loob ng upisina.
“Hay! Sana naman ikaw na talaga ang magtatagal na secretary ni boss.”, hopeful na wika ni Mrs. Santos at ngumiti siya ng bahagya sabay dalangin sa Panginoon na sana nga. Matindi ang kanyang pangangailangan kaya hanggat maari kahit maging secretary siya ni CEO hanggang makatapos ang kanyang mga kapatid.
„Sana nga po ma’am, kailangan na kailanga ko po ang trabahong ito.”, sinserong pahayag niya at tumango tango ito pagkatapos ay isinenyas na maupo.
„Mabuti kung ganon, Miss Lacuesta, kaya dapat gawin mo lahat ng sasabihin ko saiyo upang tumagal tayong pareho sa trabaho.”, nakatawang pahayag nito at nahawa rin siyang natawa ng bahagya.
„Ito ang company rules, pwede mong basahin mamaya pero since sa CEO ka naasign may mga karagdagang rules na hinding hind imo dapat kalimutan. Una, huwag ma huwag kang magkakacrush sa CEO.”, panimula nito at halos mahulog siya sa kinauupuan dahil sa nakakatawang rule nito.
“Alam natin na magandang lalaki si Sir pero wala tayong karapatang icrave siya, meaning kung crush mo man siya huwag mo nang ituloy dahil masasaktan ka lang at mawawalan ka kaagad ng trabaho.”, patuloy pa nito at hidni niya napigilan ang ngumiti. Gwapo naman talaga ang CEO kaso hindi naman siya nagkacrush dito.
“Pangalawa, huwag na huwag mo siyang ngingititian, baka mamisinterpret niya ang pagngiti at mawawala saiyo ang trabahog ito.”, wika nito at nakatawang kumunot ang kanyang noo. Huh? Kahit pagngiti bawal pala sa upisina ng CEO? Pero sige, kung part iyon ng kanyang trabaho ang importante susuweldo siya ng malaki.
“Pangatlo, huwag na huwag kang magsusuot ng daring na damit, yung lumalabas ang cleavage, yung halos kita na ang pweten sa igsi ng palda. Yan! Yang suot mo nay an, ganyan na lang palagi para safe.”, pahayag pa nito sabay turo sa kanyang suot at napatango tango siya dito. Hindi naman talaga siya nagsusuot ng mga ganoong damit dahil palagi lamang siyang nakaslacks kung pumasok sa trabaho. Kung may inner ay halos hindi pa kita ang kanyang leeg.
Pang-apat, huwag mong budburan ng makapal na make ang iyong mukha, hindi yan maapriciate ni sir kaya mas mabuting ganyan na lamang kasimple total maganda ka naman kahit wala yatang make-up.”, dagdagpa nito at tumango lamang siya.
“Panglima, huwag na huwag kang lumalapit sa kanya kung hindi ka niya tinatawag. Pure employer- employee lamang ang inyong relasyon at wala ng iba pa. Nakuha?”, turan nito at mabiis siyang tumango dito.
“Kuhang kuha po ma’am.”, saad niya kasabay ng pagthumbs-up kung kayat napangiti ito ng napakalawak.
“Mabuti kung ganon dahil tumataginting na fifty thousand pesos ang iyong buwanang sahod plus mga iba pang incentives.”, si Mrs. Santos at sobrang nanlalaki ang kanyang mga mata.
“Fifty thousand pesos? OMG!”, hindi siya makapaniwalang ganon kaagad kalaki ang starting salary niya. Naexcite na tuloy siyang magtrabaho agad dahil sa napakalaki ng kanyang motibasyon.
„Oo, kaya huwag na huwag mong kalimutan ang mga sinabi ko saiyo?”, si Mrs. Santos at dalgli siyang tumango dito.
„Yes ma’am, hinding hindi ko po iyon kakalimutan.”, pagsusure niya dito at ito naman ang tumango tango. Pagkatapos nitong sabihin ang mga do’s and dont’s bilang secretary ng CEO ay inumpisahan naman nitong sabihin kung ano ano naman ang mga gagawin niya bilang secretary ng kanilang boss.
Hapon na ng matapos ang kayang orientation kay Mrs. Santos pero kahit hindi pa oras ng uwian ay pinauwi na lamang siya upang makapahanda para sa first day ng kanyang service sa upisina ng CEO. Tumuloy agad siya sa elevator, sa dinami ng sinabi nito ay tila sumakit ang kanyang batok kung kayat napahawak siya at bahagyang hinilot habang hinihintay ang pagbukas ng elevator. Pagbukas nito ay halos huminto sa pagfunction ang kanyang utak dahil nakatayo sa loob ang CEO habang nakapamulsa. Hindi niya mawari kung ano ang tamang approach niya dto, ngingiti ba siya o sisimangot, or babatiin ba niya ito o huwag na lang. Gosh! Naghalohalo ang mga mga paalala ni Mrs. Santos sa kanya at ang tamang etiquette na alam niya.
“Are you going in or not?”, narinig niyang turan nito sa baritonong boses kalakip ang sobrang pangungunot ng noo.
“Sorry, sir. I’m going in.”, kabadong turan niya kasabay ng pagbow pagkatapos ay mabilis na tumayo sa kabilang gilid. Napakagat labi siya ng mapansing nakaopen pa rin ang pinto kung kayat nakayuko ang ulong lumapit sa pindutan at pinindot ang close button saka pasimpleng bumalik sa kitatatyuan kanina.
“I guess, Mrs. Santos told everything you must know and do.”, halos mapatalon siya sa gulat ng biglang magsalita ito na hindi man lamang lumilingon sa kanya.
“Yes, sir.”, mabilis niyang pahayag ng habang hawak hawak ang dibdib.
“Good! Now, get ready we’re going to attend a meeting.”, turan nito at halos lumaki ang kanyang mga mata. Agad agad?
“Sir?”, hindi niya napigilang bulalas dito.
“Are you deaf?”, supladong saad nito at nakimkim niya ang kanyang bibig.
“No, sir.”, mahinang tugon niya at nakita niya sa reflection nito sa wall ang sarkastikong pagsmirk nito pagkatapos ay sumeryoso ang mukha.
Pagbukas ng elevator ay basta na lamang itong lumabas at diredirecho ang lakad habang malalaki ang mga hakbang na patungo sa exit door ng building. Nawindang man ay halos patakbo siyang sumunod dito hanggang sa bukana ng pinto. Muntik pa niya itong mabangga sa likod dahil bigla itong huminto, mabuti na lamang at mabilis niyang naipreno ang sarili. Sa lapit niya ay naamoy niya ang napakafresh na amoy nito. Hindi niya alam kung dahil sa pabango nito o natural na scent ng katawan nito.
„Huh! Why don’t you write in your bio that you sniff like a dog.”, narinig niyang turan nito at kagyat siyang napalayo sa likod nito habang naramdaman ang sobrang pag-iinit ng mukha. Magsasalita pa sana siya ngunit bigla itong humakbang paalis ng huminto ang magarang sasakyan sa kanilang harapan.
“Stop day dreaming, get in the car!”, pasigaw nitong pahayag bago lumulan sa nakabukas na sasakyan. Bigla siyang naalimpungatan at mabilis pa sa las kuatro ang paglapit sa sasakyan. Agad siyang lumulan upang maupo sa tabi nito ngunit nakita biglang tumaas ang kilay nito kung kayat paatras siyang bumaba para lilipat sa may harap. Nagulat siya ng mapagsino ang driver na nagbukas ng pintuan sa harap para sa kanya.
“Kuya Delfin?”, walang kasinsaya niyang pahayag at nakangiting nagbow ito sa kanya.
“Pasok na, dali!”, nakatawang pahayag nito at bago pa mabagot ang boss nila sa loob ay agad siyang tumalima kahit gusto niyang makipag-usap at kumustahin ito.
Lahat ay excited sa marriage proposal na nangyari. Marami ang nagulat sapagkat wala sa personality ni Ezekiel ang mag-aasawa agad-agad. He’s too focus in administering majority of the Eduardo’s assets, so it surprises the whole family and their friends. Pero siyempre marami naman ang natuwa sapagkat hindi naman ito bumabata at sa edad nito ay kailangan na nitong bumuo ng sariling pamilya. Sa ilan naman ay naging tampulan ng curiosity ang mapapangasawa ng binata. Kilala si Ezekiel sa pagiging metikuloso pagdating sa mga babae, paanong bigla na lamang itong magpropose ng kasal sa babaeng hindi kilala sa sosyedad na ginagalawan nila? Pero over all ay masaya ang lahat sa desisyon nito lalong lalo na ang pamilya ng binata na walang sinayang na oras kundi lapitan si Anna at agad winelcome sa kanilang pamilya.“Welcome to the family, iha, I’m so happy. Bukod sa mag-aasawa na rin sa wakas ang anak ko ay magiging grandmommy na rin ako. Thank you for coming to Ezekiel’s life.”, madamdaming pahay
Totoo pala talaga ang kasabihan na “love is sweeter for the second time around”. Simula kasi noong bumalik ang dating pagtitinginan ng magkasintahan ay mas naging sweet at clingy sila sa isa’t isa. Mas naging masaya at mas lalong binigyan ng halaga ang isa’t isa. Since that day na hindi tumuloy ang binata sa pag-alis upang umuwi kasama si Carl ay hindi pa ito umaalis sa tabi ng dalaga kahit hindi naman ito inoobliga ng huli. Katwiran nito ay hindi ito magkakaroon ng peace of mind kung hindi niya nakikita ang dalaga lalo na at wala itong kasama. Dagdag pa nito ay hindi ito uuwi hangga’t hindi niya kasamang uuwi ang dalaga na tinawanan lang naman ni Anna.Kahit nasa malayong lugar ay masaya ang dalaga sapagkat kasama niya ang pinakamamahal niyang lalaki. Kung siya lamang ang masusunod ay ayaw niyang umuwi lalo at may mga taong hindi nasisiyahan sa relasyon nila ng binata. Masaya siya dito dahil malaya nilang naipapakita ni Ezekiel ang kanilang pag-iibigan ng walang anumang pag-aalinlang
Kahit napakinggan na ni Anna ang mga paliwanag ni Ezekiel ay may pagdadalawang isip pa rin siya kung tatanggapin niya ulit ito. Mukha namang sinsero ang binata sa kanyang mga sinabi ngunit hindi pa rin matanggal sa kanyang isip ang napagdaanang sakit at pagkalungkot. Mahal pa rin niya ang binata ngunit hindi naman ganon kadaling basta na lamang tatanggapin niya ito na parang walang nangyari. Ganon naman talaga yata kapag nasaktan “it takes time to heal” ika nga nila. Ang importante naman ay nawala ang mabigat na pinapasan sa dibdib at nakakausap na niya ito ng walang pagngingitngit. Kung kailan babalik yung dati nilang pagtitinginan ay hindi pa niya alam lalo at ilang araw na lamang ay aalis na ulit ito sa kanyang tabi dahil kailangan nitong bumalik sa Pilipinas.Sa mga nalalabing araw na naroon ang binata sa kanyang tabi ay ramdam naman niya ang pagpapakita ng sinserong pagmamahal sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanilang magkapatid. Ipinagluluto sila ng masarap na pagkain, at napakaa
“I love you.”, walang hesitation na wika ni Ezekiel sa sinabi niyang isang laro lamang ang nangyari sa kanila. Bahagya siyang natigilan. Nakaset na sa kanyang puso at isip na kakalimutan na niya ang anumang tungkol sa binata. Pero hindi siya makapaniwalang maririnig pa niya ang mga katagang ito mula dito. Bago siya lumipad patungong Australia ay ilang araw din niyang inasam na sana bigla itong dumating at sabihing mahal siya nito. Ngunit hindi iyon nangyari which push her to go abroad and start a new life ng walang kahit na anumang bakas na nag-exist ito sa kanyang buhay.Bakit kung kailan nasimulan na niyang kalimutan ang lahat ay saka naman ito biglang nagpakita at ngayon ay inuudyok na pag-usapan ang tungkol sa kanila? Seriously? Ezekiel was a master of disguise. Napakagaling magpaikot. Wala sigurong maisip na ibang gawin dito kaya he’s trying to lure her baka sakaling kumagat siya and then aalis na naman na parang walang nangyari.“Parang ang bilis lang magsabi ng “I love you” per
Bago sila tumuloy sa pamamasyal ay dumaan muna sila sa isang sikat na Australian fine dining upang kumain. Dahil ramdam na rin niya ang pagkagutom ay hinayaan na lamang niya si Ezekiel na pumili ng kanilang kakainan ganon din ang mga inorder nitong pagkain. Naupo na lamang siya at inentertain ang napakaraming katanungan ni Carl tungkol sa lugar. Hindi naglaon ay dumating ang mga pagkain at nagulat siya dahil may ibang pagkain na inorder ang binata para sa kanya.“Here’s a special pumpkin soup just for you. It'll keep you warm and help you stay healthy." wika ng binata kasabay ng paglapag nito ng isang bowl ng sopas sa kanyang harapan.“Salamat.”, tugon niya kahit may kaunting pag-aatubili sa pagiging thoughtful nito. Nagugutom na talaga siya kung kaya’t isinantabi muna ang pagiging distant niya sa binata. Isa pa nakakatakam ang mga pagkaing inorder nito minabuti niyang enjoyin ang pagkain ganon din ang simpleng pagsisilbi nito sa kanya. Kahit mukhang istrikto at suplado ay may pagkas
“Salamat sa magic soup mo, nabusog ako.”, wika ni Anna sa binata pagkatapos niyang kumain. Ngayong lamang ulit siya napadami ng kain at mabusog ng ganito simula noong dumating siya sa dito Australia. Hindi niya alam kung part lamang ng pagbubuntis niya ang pagiging picky eater niya nitong mga nakaraan o bearing lang talaga na ang binata ang naghanda. Pero agad din niyang dinismissed ang huling naisip. Kung ano man ang dahilan ng pagluluto nito ay hindi na niya dapat binibigyan pa ng kahulugan dahil pagkatapos ng trip nito sa Australia ay sigurado naman siyang hindi na uli sila magkikita.“I’m glad that you like it, and I hope it makes you feel better. Sa susunod sabihan mo ako kung anong gusto mong kainin at yun ang lulutuin ko.”, masiglang pahayag ng binata at hindi niya alam kung ngingiti siya o hindi sa tinuran nito. Sa tono nito ay tila may balak itong magluto muli. Bakit?“Huwag na. Hindi naman uso dito ang magluto luto parang waste of time lang lalo na at busy ang lahat sa traba







