ANMELDENPara kay Kiara Valencia, maliit na sakripisyo lang ang dalawang taon ng pagtitiis sa malamig na trato at pang-aapi ng mayayamang pamilya para sa lalaking mahal na mahal niya. Bilang asawa ng bilyonaryong si Nathan Montenegro, handa niyang harapin ang lahat ng panlalait ng ibang tao, dahil naniniwala siyang sapat na ang marriage certificate nila para patunayan na siya ang legal na Mrs. Montenegro. Pero biglang nagbago ang lahat nang malaman ni Kiara na peke lang pala ang kasal nila. Ang bawat mga pangako ni Nathan ay plano lang pala para makuha nito ang buong mana at yaman ng pamilya Montenegro. Mas masakit pa rito, pati ang sarili niyang pamilya at mga kaibigan ay kasabwat sa panlolokong ito para manatili siyang sunod-sunuran sa bilyonaryo, habang palihim naman palang may minamahal na iba si Nathan. Ngayong siya na ang may hawak ng sitwasyon, gagamitin ni Kiara ang kanyang bagong yaman at impluwensya para simulan ang isang matinding laban sa negosyo laban sa mga Montenegro. Handa siyang bawiin ang lahat ng investments at pabagsakin ang kumpanya ng lalaking sumira sa tiwala niya. Sa oras na magsimulang magkaproblema ang kumpanya ni Nathan at lumuhod ito sa harapan niya para magmakaawa, mananaig ba ang galit ni Kiara, o may puwang pa ang pagsisisi sa pusong tuluyan nang nasaktan at nagbago?
Mehr anzeigenKIARA VALENCIA POV
Pinupunasan ko ang gilid ng counter habang hinihintay na mag-alas siyete ng gabi. Nakahain na sa mesa ang paboritong beef stroganoff ni Nathan. Simple lang naman ang gabing ’to—second anniversary namin bilang mag-asawa. Walang malaking handaan, walang bisita. Sanay na ako na kaming dalawa lang, lalo na’t alam kong hanggang ngayon, hindi pa rin ako tanggap ng pamilya Montenegro. Para sa kanila, isa lang akong swerteng ulila na napangasawa ng nag-iisang Nathan Montenegro—ang bilyonaryong tagapagmana ng Montenegro Group of Companies. “Gold digger.” “Walang pinag-aralan.” “Disgrasyada.” Lahat ng salitang ’yan, narinig ko na sa nakaraang dalawang taon tuwing may charity gala o event kaming pinupuntahan. Naaalala ko pa noong huling party, sadyang tinabig ng pinsan ni Nathan ang baso ng red wine kaya natapunan ang suot kong gown. Tumawa lang ang mga nasa paligid namin habang ako, nagmamadaling tumakbo sa banyo para umiyak. Pero okay lang. Tiniis ko lahat ng iyon dahil sa tuwing uuwi kami, yayakapin ako ni Nathan, hahalikan ang noo ko, at sasabihing, “Hayaan mo sila, Kiara. Ang mahalaga, ikaw ang asawa ko.” Ang mga salitang ’yon ang naging lakas ko sa lahat ng sakit. Napatingin ako sa orasan. May tatlong oras pa bago siya makauwi mula sa opisina. Naisip kong linisin muna ang study room niya para sorpresahin siya. Bihira akong pumasok doon dahil ayaw niyang nagagalaw ang mga papeles niya, pero dahil aniversary naman namin, gusto kong makatulong kahit paano. Habang nagpupunas ako ng bookshelf, aksidenteng nasagi ng siko ko ang isang makapal at lumang wooden box na nakatago sa pinaka-itaas na bahagi. Nahulog ito sa sahig. Bumukas ang lock at nagkalat ang mga lumang dokumento, mga litrato, at isang pamilyar na pulang folder. Bigla akong kinabahan. Nagmamadali akong lumuhod para pulutin ang mga papel, pero dahil sa taranta ko, nahila ko ang pulang folder at hindi ko sinasadyang napunit. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Ang original na kopya ng marriage certificate namin, punit na ngayon sa gitna. Ang pirma ko at ang pirma niya, tuluyang nagkahiwalay. Pakiramdam ko ay hihinto ang tibok ng puso ko sa takot. Magagalit ba si Nathan? Sobrang halaga ng dokumentong ’to. Agad kong kinuha ang phone ko at tiningnan ang oras. Alas-otso pa lang ng umaga ang operation ng City Hall bukas. Kung aalis ako nang maaga bago siya magising, baka maihabol ko ang pag-apply ng bagong kopya nang hindi niya nalalaman. Kinabukasan, hinarap ko ang malamig na aircon sa loob ng City Hall. Mabigat ang dibdib ko habang hawak ang priority number. Nang tawagin ang numero ko, agad akong lumapit sa bintana kung saan nakaupo ang isang middle-aged na babaeng clerk. Inabot ko ang napunit na papel. “Good morning po. Itatanong ko lang sana kung paano ang proseso para makakuha ng replacement nito? Aksidente ko po kasing napunit kagabi.” Tiningnan ng clerk ang papel, tapos ay tumingin sa akin gamit ang mga matang mukhang pagod na sa trabaho. Nag-type siya sa kanyang computer. Lumipas ang isang minuto. Dalawang minuto. Kumunot ang noo niya, binaligtad ang papel, at muling nag-type. “Miss Kiara Valencia?” tanong niya. “Opo. Kiara Montenegro na po ngayon,” pagtatama ko na may kasamang pilit na ngiti. Binitawan ng clerk ang mouse at sumandal sa kanyang upuan. Tiningnan niya ako nang may halo ng awa at pagtataka. “Ma’am, chenek ko na po ang system natin pati ang central registry. Walang record ng kasal sa pagitan ninyo ni Mr. Nathan Montenegro.” Napatigil ako. Parang biglang nawalan ng hangin sa paligid ko. “Po? Baka po nagkamali lang ng spelling? M-O-N-T-E-N-E-G-R-O.” “Ma’am, tama naman po ang spelling. At itong hawak ninyong certificate…” Itinaas niya ang papel at itinuro ang seal sa ibaba. “Peke po ang barcode at registry number nito. Nakapangalan po ito sa ibang mag-asawa na kinasal noong 2018. Fake po ang dokumentong ito.” Hindi ako nakasagot. Nakatitig lang ako sa gumagalaw na labi ng clerk pero wala na akong naririnig. Peke? Paanong magiging peke ang kasal na dinaluhan ng pamilya ko? Ang kasal na may pari, may mga testigo, at pinaghandaan namin nang anim na buwan? Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng City Hall at kung paano ako nakauwi sa mansyon. Pagpasok ko sa pinto, tahimik ang bahay. Dire-diretso akong umakyat patungo sa study room ni Nathan. Kailangan kong maghanap ng sagot. Kailangan kong patunayan na nagkamali lang ang computer sa City Hall. Habang papalapit ako, nakita kong nakabukas nang bahagya ang pinto. May naririnig akong nag-uusap sa loob. Si Nathan… at ang kanyang ina, si Rebecca. “Kailan mo ba tatapusin ang palabas na ’to, Nathan?” inis na tanong ni Rebecca. “Dalawang taon mo nang tinitiis ang babaeng ’yan sa bahay mo. Hindi ba sapat ang perang nakukuha mo sa mana ng lolo mo?” Napatigil ang kamay ko sa hawakan ng pinto. Bahagyang nangatog ang mga tuhod ko. “Malapit na, Mom,” sagot ng boses na kabisadong-kabisado ko. Ang boses ng lalaking niyayakap ko gabi-gabi. Pero ngayon, wala itong kahit anong lambing. Malamig at walang pakiramdam ang bawat salita ni Nathan. “Sabi ng mga abogado, kailangan kong makumpleto ang dalawang taong kasal bago tuluyang mailipat sa pangalan ko ang huling fifty percent ng shares sa Montenegro Group. Kung hindi ko pinakasalan si Kiara, mapupunta ang lahat sa pinsan ko.” “Nandidiri ako tuwing nakikita ko siya sa mga party natin. Mukha siyang basahan na pinilit suotan ng mamahaling alahas,” asik ni Rebecca. “Paano kung malaman niya na peke ang kasal ninyo? Na binayaran lang natin ang pekeng pari at pati ang pamilya niya ay kasabwat natin para manatili siyang tahimik at masunurin?” “Hindi niya malalaman. Masyadong tanga si Kiara at masyado siyang nakadepende sa akin,” walang emosyong sagot ni Nathan. “Alam mo naman kung sino ang totoong mahal ko, Mom. Si Clara. Tinitiis ko lang si Kiara para sa yaman natin. Sa oras na mapasaakin ang buong kumpanya, itatapon ko rin siya. Hayaan mo muna siyang maging perpektong Mrs. Montenegro para sa publiko.” Napaatras ako. Napahawak ako sa dingding dahil biglang nawalan ng lakas ang mga binti ko. Ang pamilya ko. Ang mga kaibigan ko. Lahat sila, alam ang totoo. Kaya pala palagi akong pinipilit ng nanay ko na magtiis kay Nathan kahit tinatrato ako ng masama ng mga Montenegro. Kaya pala pinipilit nila akong mag-ampon ng anak ng ibang babae para lang daw 'mabuo' ang pamilya namin. Lahat sila ay binayaran. Lahat sila ay kasabwat sa pagpapanatili sa akin sa loob ng bahay na ito na binuo mula sa mga kasinungalingan. Pumasok ako sa kwarto namin at naupo sa sahig sa may sulok. Doon ko na hinayaang pumatak ang mga luha ko. Ang dalawang taon ng sakripisyo, ang mga pasong nakuha ko sa kusina, ang bawat gabing pag-iyak ko dahil sa panlalait ng ibang tao—lahat ng ’yon, para lang pala maging kasangkapan sa pagpapayaman ng lalaking binigyan ko ng lahat. Habang nakaupo at umiiyak, biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Isang hindi kilalang numero ang tumatawag. Habang pinapakalma ang paghinga ko, sinagot ko ito. “Hello?” paos kong sabi. “Is this Miss Kiara Valencia?” Isang pormal at baritonong boses ng lalaki ang narinig ko sa kabilang linya. “Ako si Atty. Raymond Santos, ang chief legal counsel ng yumaong Don Severino. Miss Kiara, matagal ka na naming hinahanap. Kayo po ang nag-iisang nawawalang anak at legal na tagapagmana ng buong ari-arian at bilyun-bilyong kumpanya ng pamilya Valencia.” Natahimik ako. Ang pamilyang nagpalaki sa akin ay hindi ko pala totoong mga magulang, at ang totoong ama ko ay ang lalaking madalas kong mapanood sa balita na pinakamayamang tao sa bansa. “Narito na po sa akin ang lahat ng mga legal na dokumento,” patuloy ng abogado. “Gusto ko lang po sanang i-verify ang huling detalye para sa paglilipat ng mga ari-arian sa pangalan ninyo. Ayon sa background check ng mga tao ko, may mga balita na nakatira kayo ngayon sa mga Montenegro. Para po sa legal records, ano po ang inyong kasalukuyang marital status, Miss Kiara?” Tiningnan ko ang napunit na pekeng marriage certificate na hawak ko pa rin sa kaliwang kamay ko, bago ito tuluyang nilukot at itinapon sa basurahan sa gilid ko. Pinunasan ko ang luha sa mga pisngi ko at nagsalita nang seryoso at walang emosyon. “Hindi ako kasal. At wala akong asawa.”“Maam, ano ang ginagawa niyo dito mag-isa?” Lumapit sa akin si Ace mula sa likuran.“Pwede bang Miss Kiara na lang itawag mo? Masyado naman kasing pormal ang maam, e.”Nagkibit-balikat siya at naupo sa buhangin katabi ng bato na inuupuan ko. “Oh, bakit diyan ka naupo?” tanong ko.Napalingon siya dahil sa pagtataka. “Bakit, Miss Kiara? Wala naman ako ibang uupuan, e. Alangan tumabi ako sa inyo.” pagdadahilan niya.May point naman siya.“Bakit nga ba nandito kayo mag-isa?” tanong ulit niya.“May iniisip lang,” sagot ko bago bumuntong-hininga.“Mukhang…malalim yata ang iniisp niyo para mapag-isa kayo dito.”“Siguro nga.”Matamlay ang boses ko at siguro ay napansin din ito ni Ace. Hindi ko nga alam kung bakit ba wala akong gana magsalita ngayon. Siguro sobrang bigat lang talaga ng nararamdaman ko.Biglang tumayo si Ace at pinagpagan ang mga buhangin na dumikit sa kanyang short. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko na siya rin namang ikinabigla ko. Bago ko tanggapin ay tumingin muna ak
Inilibot ako ni Ace pero hindi naman kami masyadong lumayo. “Pwede bang dito muna tayo kahit sandali? Gusto ko sanang hintayin ang pagsikat ng araw,” mahina kong sambit habang patuloy pa rin ang paghanga sa unti-unting pagsikat nito at ang kulay nito ay nagre-reflect sa tubig.“Sige po, maam.” Ibinaba ni Ace ang sagwan at tumanaw din sa pagsikat nito habang nakaupo siya sa kabilang banda ng bangka.“Ang ganda, diba?”Tumingin ako sa kanya pero nagtagpo ang mga mata namin dahil nakatingin pala siya sa akin.Umiwas siya agad ng tingin at nagkunwaring nakatingin na siya sa dagat. “A-Ah, opo. Grabe! Ang ganda naman noon, maam!”Napataas naman ang kilay ko at napangisi. Hindi ko napigilan ang mahinang pagtawa. Ang pangit naman niya magsinungaling, sobrang exaggerated ng acting skills.“Alam mo, mabuti pa magsagwan ka na lang. Nararamdaman ko na rin na medyo nagugutom na ako,” natatawa kong sabi.“Yes, maam!” Nagkunwari pa siyang sumaludo sa akin at muntikan mahulog. Mabuti na lang ay nabala
Paggising ko, nag-unat ako ng bahagya bago imulat ang mga mata. Ang sakit ng katawan ko. HIndi naman ako napagod kahapon o kagabi. Hindi nga ako uminom.“Ah! Aray…” angal ko nang biglang sumakit ang likod ko.Alam ko na. Siguro dahil masyado ako malikot matulog kagabi. KAsi naman. Hindi ko alam paano ako pupwesto at anong pwesto gagawin ko dahil hindi ako makatulod. Gusto ko na nga magpasuntok kagabi para lang makatulog. Alang-alang sa beauty rest ko.Napukaw ng pansin ko ang ready-made breakfast sa beside table. Mayroon itong sliced banana, glass of milk, and sandwich with few slices of strawberries. Napangiti agad ako nang makita ito. Ang cute kasi ng pagkaka-arrange ng stawberries sa plate. Nakahugis puso ang mga ito.“Good morning, maam,” bati ni Manang Ester. “Sa tingin ko ay nagustuhan niyo ang breakfast na inihanda ko.” Malawak ang kanyang ngiti. Lumapit siya sa akin at kinuha ang ready-made breakfast na iyon para ilagay sa harapan ko.“Kanina pa po ba kayo diyan, manang?” tano
Gabi na at napagpasyahan ko na magkasiyahan muna kami kahit papaano kasama ng mga tauhan ng villa.Tahimik ko silang pinanood habang nagkakasiyahan. Hanggang sa nilaptan ako si Ace.“Maam, hindi magandang nagsasaya kami habang kayo nandito sa sulok,” aniya bago ako abutan ng barbeque na bagong ihaw lang. “Iniisip niyo pa rin ba ang asawa niyo?”Nabigla ako sa tanong niya kaya naman hindi ako agad nakasagot. Siguro ay napansin niya rin ang pagkabigla ko. Pero agad ko rin nabawi ang sarili mula sa pagkagulat. “Hindi ko siya asawa.”Tumango na lamang si Ace at yumuko na parang nagpipigil pa ng tawa. At napansin ko iyon. Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan ng masama. “At anong nakakatawa sa sinabi ko?”Umiling lang siya. “Wala po, maam. Sorry po. Di ko lang talaga mapigilang mapatawa sa kumpiyansa niyo po. Balita ko kasi mahal na mahal niyo yung asawa niyo na yon e—I mean si Nathan pala.”Hindi ko alam kung trip lang ba ako nitong lalaki na ito o talagang nakakatawa ang sinabi ko. Kung
KIARA VALENCIA POV Lumipas ang isang linggo na puro paghahanda ang inatupag ko kasama si Atty. Raymond. Hindi muna ako nagpakita sa publiko, pero halos araw-araw kong sinusubaybayan ang balita sa corporate world. Sabi nga sa mga news article, bagsak ang stock value ng Montenegro Group simula nang
KIARA VALENCIA POV Kinabukasan, maaga akong nagising kahit halos apat na oras lang ang tulog ko. Imbis na mapagod, pakiramdam ko ay punong-puno ng energy ang katawan ko. Safe kong masasabi na iba talaga ang nagagawa kapag may pitong bilyong piso ka sa bank account at hindi mo na kailangang isipin
KIARA VALENCIA POV “Sige po, Atty. Raymond. Ipapadala ko sa inyo ang address ng isang cafe malapit dito. Magkita tayo roon pagkatapos ng dalawang oras,” sabi ko habang pilit na pinapatatag ang boses ko. “Mabuti po, Miss Kiara. Ihanda niyo na rin po ang mga valid ID ninyo para mabilis nating map
KIARA VALENCIA POV Pinupunasan ko ang gilid ng counter habang hinihintay na mag-alas siyete ng gabi. Nakahain na sa mesa ang paboritong beef stroganoff ni Nathan. Simple lang naman ang gabing ’to—second anniversary namin bilang mag-asawa. Walang malaking handaan, walang bisita. Sanay na ako na ka


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rezensionen