Share

Chapter 19 - Status: Real Relationship

Palipat-lipat ang tingin ni Serenity sa dalawang lalaki sa kan’yang harapan. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o hindi. Hindi siya sigurado kung kailangan na ba niya na tawagan ang mga bodyguards niya na hindi niya sinama, o kung kaya pa ba niya na manatili na naka-upo kasama ng dalawa. Hindi niya alam kung kaya pa ba niya na hintayin ang pagdating ng nobyo sa presensya ng dalawang lalaki sa kan'yang harapan.

Hindi niya rin alam kung bakit nasabik pa siya para rito, pero ang unang pagkasabik na naramdaman niya na iyon ay napalitan ng pag aagam-agam sa ngayon. Napapalunok na lamang siya at pilit na pilit ang ngiti na sumisilay sa kan’yang labi. Hindi siya sanay na kinakabahan pero sa oras na ito ay lubha talaga ang pagdagundong ng puso niya sa takot sa mga kaharap niya.

Pa-ngiti-ngiti naman sa kan’yang harapan ang dalawang lalaki na pareho na maskulado at balbas sarado. Mga guwapo naman sila kaya lamang ay hindi na niya magawa pa na kiligin ngayon dahil nauunahan na siya ng takot
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status