Share

Chapter 2- Zane Lardizabal

It has been three months or more; they even lost track of it, but the search for the missing woman with the long, straight black hair remains futile. Nauubusan na rin ng mga paraan ang mga tauhan niya. Sinubukan na nila na mag-abang sa mga posible na pagtatambayan muli ng babae pero talagang wala silang makita na tutugma sa kaisa-isang deskripsyon na naaalala ni Zane.

Kaya ano pa nga ba ang aasahan kung hindi ang init ng ulo na kakaharapin ng mga miyembro ng mga Bastardos buhat sa kanilang lider na si Zane Lardizabal. Ang Bastardos ang grupo ng mga kalalakihan ngayon na ang tangi na rason sa pagiging bahagi ng magulong mundo ng mafia ay para pasakitin at guluhin ang mga tahimik na buhay ng mga magulang nila. Mga magulang na nang-iwan at nagpabaya sa kanila. Life has never been easy for them, and they vow to get revenge in every possible way.

Zane Lardizabal, anak sa pagkabinata ng senador na si Jaime Lardizabal. Ang pangako na kasal ng kan’yang ama sa kan’yang ina ay nabaon na lamang sa limot nang ipagkasundo sa babae na kabilang sa angkan ng mga politiko ang tatay niya.

His father needed that marriage because of his own desires to enter the world of politics. And growing up without a father, Zane vows to make his father’s life hell. Kaya naman simula ng magbinata siya ay naging sakit na siya ng ulo ng kan’yang ama.

At nang maluklok bilang senador ang ama niya ay mas lalo na sumidhi ang galit niya dahil sa araw-araw ay nakikita niya ang pagkaka-iba niya sa mga anak nito sa sarili na pamilya nito. When his father's children are exposed for the world to see, he is kept in the shadows as part of his dark secret. And he can no longer tolerate being referred to as a big mistake.

Iyon ang madalas na sinasabi ng ama niya sa kan'yang ina noon mga panahon na nakikipag-komunika pa ang ama niya sa kanila. And when his father totally stopped caring about him, he vowed to get his fair share of secrets. And then he started his organized crime syndicate to make his father's life on the verge by blackmailing him into bringing out the many truths about his father for the whole country to see.

At iyon ang simula sa pagpasok niya sa magulong mundo na ito. Wala siyang balak na pasukin ang magulong buhay na ito, but Zane finds it hard to stop dahil sa mga kagaya niya na bastardo na nakikilala niya na sumasama sa grupo nila.

The Bastardos started with Zane and Jed. Si Zane ang humahawak ng pinakamataas na posisyon sa samahan nila at siyang nagtatag ng grupo nila, habang ang pangalawa na lider nila ay ang malapit na kaibigan nito na si Jed Alcantara. Then there is Chino Cenidoza and Bogs Yeesal, tumatayong mga lider din sa kanilang grupo.

Tahimik ang mga kalalakihan at naghihintay sa pagdating ng dalawa sa mga pinakamataas na boss nila.  Ang lahat ay naghahanda na sa pananabon na sigurado na matatanggap nila buhat sa kanilang lider sa araw na iyon.

Bumukas ang pintuan at maangas na pumasok ang dalawang lider nila at diretso na naupo sa dalawang bakanteng upuan. Inilibot ni Zane ang kan’yang paningin sa mga tao sa silid na iyon saka nagsalita. "Ano ang balita? May nakahanap na ba?"

"Wala talaga, Zane. Gabi-gabi ay may tumatambay na sa mga bar na malapit sa hotel at kahit sa hotel mismo para hintayin ang babae na may mahaba at itim na buhok, pero walang napunta na gano’n. Ilang bar na rin ang pinostehan namin, pero wala talagang makakita sa babae." sagot ni Chino.

Umpisa pa lamang ng miting nila ay nag-iinit na agad ang ulo ni Zane dahil sa hanggang ngayon ay nawawala ang impormasyon na binayaran niya ng milyon. "Hindi ninyo man lamang ba naisip na maaari na nagpagupit na siya, nagpakulot na, o kaya ay nagpakulay ng buhok kaya may tsansa na hindi na mahaba at itim na buhok ang dapat na hanapin ninyo?" muli ay naiinis na tanong ni Zane.

"Boss, iyon na nga ang problema, maaari na nagpakulot o nagpagupit na siya kaya paano mo naman inaasahan na makikita namin ang isang babae na iyon lamang ang natatandaan mo na deskripsiyon?" sagot naman ni Bogs sa kan'ya.

"Bogs, baka gusto mo na samain ka ngayon din? Ano, ako pa ang mag-iisip kung paano siya mahahanap?" Alam ni Zane na hindi niya dapat binubungangaan ang mga tauhan niya sa kasalanan na siya ang may gawa pero sa oras na ito ay kailangan niya na mailabas ang inis niya sa kan’yang sarili. Maraming oras na ang nawawala sa kanila at lalo lamang tuloy ang galit niya sa babaeng magnanakaw na iyon. 

Zane knows that time is critical for their operations right now. Kailagan na nila na magsimula sa mga susunod na hakbang lalo na at mas magiging matagal ang plano dahil sa ang easiest way nila ay naglaho na kasama ng jacket niya.

"We better proceed to the backup plan. Wala naman na iba pa na puwede na magawa." Dismayado na sagot ni Zane. "There are no other options left but to take the hard and long route. Ibigay mo na ang detalye ng plano, Jed."

Binuksan ni Jed ang laptop sa kan’yang harapan at ang lahat ng naroon sa silid na iyon ay agad na nakatutok ang atensyon sa projector screen kung saan makikita ang litrato ng isang matandang bilyonaryo na siyang paksa ng usapan nila ngayon. 

"Our backup plan. Mas mahaba at mas matagal, but the only option we have at the moment. Siya si Manolo Enriquez, president and CEO of EMG Corporations. Hawak ang karamihan sa mga kilalang artista at personalidad sa buong entertainment industry sa Pilipinas. Mayaman at maimpluwensya ang pamilya simula noon hanggang ngayon. Hindi maikakaila na malaki ang papel na ginagampanan ng matanda na iyan sa pag-usbong ng karera hindi lamang ng mga artista kung hindi pati ng mga politiko sa bansa. And he is the target of our operations." Dire-diretso na pagpapakilala pa ni Jed sa kanilang magiging target.

"Si Manolo Enriquez, mayaman, malaki ang impluwensiya at ating kalaban sa ngayon. He knows a part of our secret, and we know something about him as well at kaya naman bago niya tayo maunahan, kailangan na natin siya na unahin. Hindi natin maaari na isapalaran ang mga impormasyon na alam niya tungkol sa atin. He has the media and the politicians to back him up, while we only have our guts and our brains. At mayro'n na tayo na mga hakbang na gagawin para maunahan siya, ang problema nga lamang natin sa ngayon ay nawawala ang mahalagang piraso ng mga impormasyon na nasa microchip na nasa jacket ni Zane na ninakaw ng babae, kaya babalik tayo sa long and hard way."

Tahimik ang lahat at patuloy na nakikinig kay Jed habang si Zane naman ay nakasandal lamang sa kan’yang kinauupuan at mukhang malalim ang iniisip sa mga oras na iyon. Jed cleared his throat and proceeded to explain the plan. "Ang long and hard way, getting information the ancient way. Magpapasok tayo ng espiya sa kumpanya niya upang makakuha ng mga impormasyon na kalaunan ay magagamit natin upang takutin siya at mapa-ikot siya sa ating mga palad."

"The microchip contains all valid information about the company, its officers, and all their transactions. Milyon ang ibiniyad ko kaya sa pagkawala noon ay milyon din ang nasayang. This is the reason why we can’t request another similar set of data. And now we revert to the hard way, as Jed puts it," Zane said out of nowhere. Ang mga mata niya ay nakatitig pa rin sa litrato ng matanda na nasa kan’yang harapan.

"Dalawa sa inyo ay ipapasok natin bilang empleyado ng kumpanya. May nakausap na ako at nabayaran upang masigurado na matatanggap ang mga tauhan natin, then we can get information. Vital information na makakapagpakaba kay Manolo Enriquez para sundin ang nais natin. Mas mahirap at mas matrabaho pero ito ang tanging solusyon na mayro’n tayo ngayon."

Mataman na nag-iisip si Zane sa kung ano ang kan’yang mga magiging susunod na hakbang. Kailangan niya na maging maingat sa bawat utos at desisyon na kan’yang susuungin. He cannot make another mistake again. Masyado nang malaki ang nawala sa kan’ya because of that stupidity he did, and he cannot afford to lose more millions, lalo na at marami na silang transaksyon na inaasahan sa labas ng bansa. 

"We will then do two projects simultaneously." saad ni Zane. "Habang nangangalap tayo ng impormasyon patungkol kay Manolo ay isang grupo rin ang patuloy na maghahanap sa babae na iyon. We can’t stop looking for her. Sigurado ako na makikita at makikita natin siya. She can hide, but she can definitely not run from us. Masyado na importante ang ninakaw niya sa akin at hindi ko iyon basta na mapapalampas."

Muli na pumindot si Jed sa laptop at ang panibagong litrato naman ang rumehistro sa projector screen. "Iyan ang kanilang opisina sa Makati. Pag-aari nila ang buong building bukod pa sa ilang studio in and out of Metro Manila. Telebisyon, radyo, print media at pati internet ay pinangungunahan nila. Dahil sa Makati ang opisina ay nakahanap na rin tayo ng condo unit para sa magpapanggap na empleyado nila. Nothing fancy, of course, but still manageable to live in."

"Any other things that we have to note?" muli na tanong ni Zane.

"Things will not be easy, men. Mayroon tayong posible na kaharapin na isang problema sa pagpasok sa EMG." At ang mga salita na iyon ni Jed ang nagpakunot sa noo ni Zane. Shit! Ayaw niya sa lahat ay ang mga problema hindi pa man sila nakakapagsimula.

"What is it again, Jed? Hindi pa man tayo nagsisimula ay problema na agad?" tanong ni Zane. 

Napabuntong hininga si Jed at nag-aalangan sa muli niya na pagpindot ng laptop niya. And all the men can’t help but gawk at the picture of the woman on the projector screen. Nakasuot iyon ng very short shorts at bitin pa ang pang-itaas. Maputi at sexy ang pangangatawan. Wavy ang hanggang balikat na buhok nito na mamula-mula ang kulay.  Simply put, the woman is perfect. "She is the problem." dagdag pa ni Jed.

Nakaarko na ang kilay ni Zane habang nakatutok ang atensyon sa magandang babae na sentro na ngayon ng usapan nila. "Sino siya?"

"Roughly eight months ago, this woman entered EMG out of nowhere. As per reports, malakas ang kapit niya kay Manolo. Ayon pa sa ilang impormante, ang babae na ito ang siyang bagong laruan ni Manolo."

"Laruan? Kabit, gano'n ba?" Gulat na gulat na bulalas ni Zane sa sinabi ni Jed. Napahimas pa siya sa kan’yang baba at hindi mapaniwalaan ang mga impormasyon na iyon. "Kailan pa nagkaroon ng batang kabit ang matanda na iyon?" Pagtaas na agad ng boses niya. 

"Walang direkta na makapagsabi kung sino ang babae at ano ang tunay na relasyon niya kay Manolo. Sinubukan ko nang kuhanin ang lahat ng detalye at impormasyon pero pagdating sa babaeng iyan, halos wala talaga. It seems that she is being kept hidden, away from the limelight. Sa ngayon, ang hawak namin na impormasyon ay ang posibilidad na siya ang bagong babae ni Manolo. Balo na ang matanda at sa mahabang panahon simula nang mamatay ang asawa ay hindi na muli na nag-asawa pa, pero bigla-bigla na lamang na dumating ang babae na iyan sa eksena. And poof, para siyang may mahika na napapasunod si Manolo sa lahat ng nais niya."

"Nasaan ang babaeng anak ni Manolo? Alam ba niya ang tungkol sa kabit ng ama niya?" Nakakunot ang noo na tanong muli ni Zane.

"Nasa Amerika pa rin at kasama ng tiyahin niya. Ayon pa sa impormasyon na nakuha namin ay walang balak ang nag-iisang anak na bumalik ng Pilipinas at malaki ang posibilidad na ang kabit ang dahilan."

Napapa-iling na lamang si Zane habang hindi magawa na alisin ang kan’yang atensyon sa babae. He needs to get to the bottom of things. Kailangan niya na malaman ang katotohanan sa babae na ito. Hindi niya inakala na may kabit ang matanda pero mukhang marami talaga na sikreto na itinatago ang mga mukhang matitino, gaya na lamang ng walang kuwenta na ama niya.

At tama rin si Jed na maaari na maging sagabal sa landas nila ang babae na ito kapag nagkataon. Kaya bago pa mangyari iyon ay kailangan na niya na masiguro na mapapa-ikot niya ang babae sa kan’yang mga palad. If she is a gold digger, at pera lamang ang habol sa matandang bilyonaryo, he can definitely provide for her. Tatapatan niya ang kayang ibigay ni Manolo sa babae para lamang masiguro na hindi siya magiging problema sa plano nila. 

"Kailangan ko ng kompleto na detalye tungkol sa babae na iyan. Name, age, constant hang-out. Every bit of information that we can have. If she is really a mistress, we might need to get her out of our way because she will definitely cause us problems in the future. At ayaw ko nang dagdagan pa ang problema na mayro'n na tayo ngayon."

Tumango-tango si Jed sa kan’ya. "Copy, boss. Now, we just have to decide kung sino ang ipapadala sa kumpanya. I am thinking of sending Chino and Bogs to EMG."

Tahimik ang lahat at naghihintay sa susunod na abiso niya sa sinabi ni Jed. But his next words caught everyone in surprise. "Chino and Bogs will lead the team that will locate that woman who stole my jacket. We will go undercover and personally learn about Manolo, Jed." Sagot pa ni Zane na nagpamulagat kay Jed.

"What? What do you mean we?" tanong pa nito sa kan'ya.

"You heard me, Jed. I want to be as hands-on on this as possible, kaya tayo mismo ang papasok at magmamanman sa Manolo na iyan habang hinahanap ng grupo nila Chino ang babae. I am taking full responsibility of the mistakes I committed, kaya ko ito ginagawa."

"Zane, puwede naman tayo magpadala ng iba para gawin ang trabaho na iyan." Pagpipigil pa ni Jed sa plano na nais na mangyari ng amo niya.

Madidilim ang tingin na ipinukol niya sa kaibigan, hindi na siya natutuwa sa ginagawa na pagsagot at pagpipigil nito sa kan'ya. "Sino ba ang boss sa atin dalawa, Jed?" 

"Pero, Zane, alam mo naman na hindi puwede ang gusto mo. Is it because of the woman? Siya ba ang dahilan kaya gusto mo na pasukin ang EMG? We can deal with her even without going in."

"Shut up and just follow my orders!" bulyaw niya. "Kapag sinabi ko na tayo ang gagawa, puwes, iyon ang mangyayari. Tayo ang papasok doon dahil gusto ko na personal na aralin at tutukan ang operasyon ni Manolo Enriquez."

"Pero paano kung-"

Agad na niyang pinutol ang sinasabi nito. "Walang paano. Walang mangyayari na masama sa atin. Basta sundin mo ang utos ko at ihanda ang mga kakailanganin para sa pansamantala na mundo na gagalawan natin. We will need a makeover for our cover-up."

Time is ticking for all of them, lalo na at buwan na ang nakakalipas ay hindi pa rin nila mahanap ang babae na nagnakaw ng jacket niya. Malakas ang pakiramdam ni Zane na sa mundo ni Manolo Enriquez niya muli na makakaharap ang babae na iyon. And that woman better be ready to meet him again, dahil kapag muli sila na magkita malaki ang tiyak na pagbabayaran niya at hindi basta sirang panty lamang ang papayagan niya na maging kabayaran sa lahat ng paghihirap na susuungin niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status