Share

Chapter 7.1 - Mr. Right and Ms. Wrong cont.

Tahimik na nakaupo sa coffee shop si Zane habang iniinom ang inorder na kape. Mayroon pa siyang halos isang oras para makapasok sa trabaho kaya gagamitin niya muna ang oras na ito para pag-isipan ang kan’yang mga susunod na hakbang. Kailangan niya na makahanap ng ibang paraan dahil masyado na pakipot si Aliya. Hindi puwede na tumagal nang tumagal ang misyon nila.

Sa kan'yang pag-iisip ay muli na nabalik ang alaala niya sa babae na iyon na anak pala ng CEO ng EMG. Kung tutuusin ay maganda rin naman talaga ang heredera na iyon at kung hindi lamang siya nabubuwisit sa mga kilos no’n at mga kalokohan ay malamang na makursunadahan niya rin iyon. Ngunit dahil sa malaking abala na ginawa niya sa unang araw nila ni Jed sa trabaho ay naiinis tuloy siya rito.

"It’s you." Matinis na boses ng babae ang nagpaangat ng ulo ni Zane sa pagkakayuko. At doon sumilay sa kan’ya ang matatamis na ngiti ng babae na kaharap niya.

Tipid din siya na napangiti nang makita ang mala-anghel na itsura ng kahara
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status