Bigla ang pagdilat ng mga mata ni Serenity nang maalimpungatan siya. Madilim ang silid at ang tangi na nagbibigay ng liwanag ay ang desk lamp na nasa may kabilang gilid ng kama. Nakatingin lamang siya sa kisame nang mapagtanto niya kung nasaan siya. Hindi siya gumagalaw dahil sa labis na kaba at dagundong ng puso niya.
Humugot siya ng malalim na hininga at pilit na pinatatatag ang kalooban niya saka siya dahan-dahan na bumangon sa kama at gumapang sa sahig. Hindi siya maaari na makalikha ng kahit na ano na ingay o kaluskos man lamang. She needs to be as discreet as possible, or her life is at stake.
Nang makarating sa bandang gitna ng silid ay lumuhod siya at muli na sinilip ang kama. Tulog na tulog pa rin ang lalaki na nakatalikod sa kan’ya. Muli siya na gumapang upang maabot ang kulumpon ng mga damit nila na nagkalat sa sahig.
She has been stupid again. And all because of her drunken state, ito ang inabot niya. She wasn’t supposed to end up in his bed, but she did. She isn’t a virgin, pero ito ang unang beses na nakipag one-night stand siya. And she is regretting it now.
But she can’t blame herself; the man is ruggedly handsome and insanely muscular kaya nabuhay ang kakaiba na pagnanasa sa kan’ya na pinalala pa ng kalasingan niya. But she needs to leave. He may be hot, but he is not her type at this time. Kaka-break lamang niya sa maton niya na boyfriend kaya hindi na muna gano’n na tipo ang ipapalit niya. She would prefer the boy next door type, which is something that this man is definitely not.
Patayo na dapat siya nang muli na gumalaw ng bahagya ang lalaki kaya mabilis na dumapa si Serenity ulit. Kailangan niya na talaga na makaalis dahil hindi na sila kailangan na magkakilanlan pa ng lalaki. Habang nakadapa ay pilit niya na isinuot ang kan’yang bestida. Maya’t-maya pa niya na sinisilip-silip ang lalaki na mukha naman na mahimbing pa rin ang tulog.
Nagpalinga-linga pa siya sa sahig at hinanap ang mamahalin na string panty niya. Nang makita niya iyon katabi ng isang jacket ay mabilis niya na ginapang iyon, ngunit laking pagkadismaya niya nang makuha ang underwear niya. Lintik! Winarak nga pala ng lalaki kagabi ang mamahalin niya na underwear. Paano siya uuwi ngayon na walang panty?
She is wearing a very short dress at isang kendeng niya lang ay sigurado na makikita ang perlas ng silangan niya. How stupid of her! Bakit ba naman kasi makikipag-sex na nga lang siya ay sa isang lalaki na wild pa, pero malay ba naman nga niya. Napasapo na lamang siya sa kan’yang ulo habang patuloy na umiisip ng paraan kung paano malulusutan ang kalokohan na naman niya na ito.
Nagpalinga-linga siya muli at may kung anong espiritu ang humatak sa atensyon niya sa itim na leather jacket na suot ng lalaki kagabi. May parang bumbilya na umilaw sa kan’yang ulo sa pagpasok ng isang ideya sa kan'ya. Sinilip niya muli ang lalaki na tulog na tulog pa rin saka mabilis na kinuha ang jacket. Sinipat-sipat niya pa iyon at bahagya na nagdalawang isip nang makita ang tatak nito, pero mamahalin din naman ang underwear niya na walang habas nito na winarak kagabi. And she doesn’t want to steal it, but at this point, it is her only option kaysa naman ang pantalon nito ang kunin niya.
Tumayo siya at ipinulupot ang jacket sa kan’yang beywang. Perfect fit. Bahala na kung nanakawin niya ang jacket na ito tutal ay hindi naman na sila muli na magtatagpo pa. Naiiling-iling na nangingiti pa siya na muli na sinulyapan ang lalaki na nakahiga saka siya muli na gumapang upang abutin ang kan’yang mga gamit. Nang masiguro na nakuha niya ang lahat ng mga gamit niya ay nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at dahan-dahan na tumayo at saka lumabas ng hotel room na iyon.
—--
"Puta! Anong wala na? Paano nakaalis na wala maski isa sa inyo ang nakakita? Nasaan kayong lahat at natakasan kayo ng isang babae?" Galit na galit na sigaw ng lalaki buhat sa kan’yang hotel suite. Nakaupo siya sa couch at hanggang ngayon ay nanggagalaiti siya na paggising niya ay wala na ang babae na nakasama niya kagabi. Mas lalo pa ang galit niya na wala maski sino sa mga tauhan niya ang nakakita sa pag-alis nito kanina.
"Anong oras umalis? Saan direksyon nagpunta? Fuck it!" Hindi naman magkandatuto ang kan’yang mga tauhan kung paano rin ipapaliwanag sa kan’ya na nakaalis na ang babae na sinama ng amo nila kagabi at wala maski isa sa kanila ang nakapansin dito. "Sagot! Anong katangahan na naman ang ginawa ninyo at wala man lamang na nagbantay sa may pintuan ng kuwarto ko? Hindi siya dapat nakaalis kung mayroon naka-isip sa inyo na magbantay."
"Zane, calm down." Sagot naman ng lalaki na nakatayo sa may harapan ng galit na lalaki na hindi naman kinababakasan ng takot sa lider nila. "Alam mo na walang puwede na tumayo sa labas ng silid mo dahil tawag atensyon agad iyon. We need to be as discreet as possible."
"Calm down? You want me to fucking calm down, Jed? Nakaalis na siya at hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. I need to see her. Fuck!" bulyaw muli nito sa mga tauhan niya.
"Bakit ba kami ang tinatanong mo sa mga detalye na ikaw dapat ang nakakaalam? Tang-ina, Zane! Ikaw ang kasama niya kagabi, ang tanong, bakit hindi mo namalayan na wala na sa tabi mo?" And Jed is fucking right. Dapat ay alam niya at naramdaman niya ang pag-alis ng babae. But he was so satiated and tired that he slept through it all.
Tumayo siya at nag palakad-lakad siya paroo’t-parito sa silid habang napapahilot na lamang sa kan’yang batok. Puta talaga! Ang aga-aga ay problema agad ang sumambulat sa kan’ya paggising pa lamang niya. Problema na dala ng isang makulit na babae na naisipan niya na isama kagabi. Ano nga ba ang pumasok sa isip niya at bigla niya na binitbit ang babae na iyon na ayaw siya na lubayan? That is so unlikely of him.
Sumenyas si Jed sa iba pang mga kalalakihan na nasa silid at isa-isa naman na lumabas ang mga iyon. Nang maiwan sila ni Zane ay muli niya na binalingan ang kaibigan niya. "This is so unlike you, Zane. That is just a one-night stand. Are you expecting something out of her? Alam na alam mo naman that, just like probably what she is assuming, what happened between the two of you is nothing serious. Huwag mo sabihin na masyado ka na nagalingan sa performance ng babae na loka-loka na iyon na bigla na lamang na humarang sa'yo kagabi at ikaw naman na si tanga ay bigla rin na pumatol."
Muli na naupo si Zane. Sumasakit na talaga ang ulo niya kanina pa. How can that woman suddenly leave? Hindi man lamang nagpaalam sa kan'ya at nawala na lamang na parang bula. "This is fucking bullshit!" Dismayado muli na salita niya. He is at a loss for words at this point.
"Zane, forget her. Marami naman mga babae riyan. Mas maganda at mas sexy at higit sa lahat mas mahigpit ang turnilyo sa utak."
"Hindi mo naiintindihan, Jed." Naiiling na sagot muli ni Zane. Kinapa-kapa niya pa ang gilid ng upuan kung saan niya isinuksok kanina ang gamit na iniwan ng babae. Nang makuha niya iyon ay isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya kasabay sa pagwagayway nito sa harapan ng kaibigan niya. "She left me this one." Namilog ang mga mata ni Jed at napakagat pa sa ibabang labi niya. "She left me her fucking g-string underwear."
Pagtaas-baba ng kan’yang ulo lamang ang naging tugon ni Jed habang titig na titig sa underwear na iwinawagayway ni Zane sa harapan niya. "At ngayon ay alam ko na kung bakit hinahanap-hanap mo siya."
"It’s not what you think, asshole." Maagap na sagot pa ni Zane. He knows what Jed is thinking kaya ngayon pa lamang ay sasalungatin na niya ang kahibangan na sasabihin nito sa kan’ya. "Maling-mali ang tumatakbo sa isip mo."
"Yeah? Mali nga ba? That is a fucking g-string undies na sira, dude! Ibig sabihin lang ay lumabas na naman ang pagka-wild mo kagabi. And you fucking expect your men to stay put and watch over your door? Puta! Kung ako man ang utusan mo no’n ay hindi ako tatayo riyan sa pintuan mo para lamang makarinig ng mga halinghing at ungol at kung ano-ano pa na klase ng mga ingay at kalabog buhat sa kuwarto na ito."
"Shit talaga!" Napakuyom na lamang si Zane sa kan’yang kamao at sa nanggigigil na tono ay sinagot si Jed. "Mali ang iniisip mo! Nagwawala ako dahil kinuha ng babae na iyon ang jacket ko. Ninakaw niya ang jacket ko at pinalitan ng sira na panty niya."
"What?" Humagalpak ng tawa si Jed sa kan’yang narinig. Hindi niya mapaniwalaan ang kabaliwan ng babae na iyon na nakasama ni Zane kagabi. "An undies traded for your jacket? Not bad. Ano palitan kayo ng gamit para may remembrance kayo ng one-night stand ninyo? Hayaan mo na ang jacket mo tutal iniwan naman niya ang panty niya sa'yo."
And that does it for Zane. Naputol na ang pisi niya dahil sa inis sa magnanakaw na babae na iyon. "Hindi ko puwede na hayaan na lamang ang jacket ko. Kailangan ko ang jacket na iyon dahil nasa lintik na jacket na iyon na ninakaw ng lintik ng babae na iyon ang buhay natin. The microchip with the details of EMG is in the fucking secret pocket of that jacket, asshole!"
"What?!" sigaw na rin ni Jed. "Shit! We have to find her. Kung hindi ay nagsayang tayo ng milyones kagabi para sa wala. How can you be this stupid?"
"I am still the boss here, Jed. Watch your fucking mouth. Kanina ka pa nakakarami sa akin." Muli na tumayo si Zane na hawak-hawak pa rin ang panty ng babae. Gigil na gigil siya sa kan’yang sarili pero may punto si Jed. He is stupid. He is fucking stupid to play around when he is at work. And now this happens.
"We need to find her, Zane."
"Sa tingin mo hindi ko alam iyon? We really need to find her dahil kapag hindi, puta, mas magiging mahirap ang lahat sa atin!"
"I need details, Zane. Ipapahanap ko siya ngayon din. Shit! What does that woman even look like?" Wala sa sarili na tanong pa ni Jed. Hindi naman din nila talaga kasi pinagtuunan ng pansin ang babae, lalo na at kay Zane iyon lumapit. If the woman is for Zane, none of them are even allowed to look.
"That’s the biggest problem, Jed."
Sa mga salita pa lamang na iyon ni Zane ay may hinagap na si Jed. Napapikit na lamang siya at napahilot sa kan’yang noo saka pabagsak na naupo sa sofa. "Don’t say it, Zane. Huwag mo sabihin sa akin na hindi mo alam dahil nag-request siya ng lights off? O hindi naman ay magdamag ka na pumikit para hindi siya makita? Puta talaga! Ano ba ang kamalasan at katangahan na ito?"
"I don’t have any other choice but to say it. Hindi ko alam. Hindi ko siya matandaan sa sobrang kalasingan ko. Long straight black hair. Iyon lamang ang natatandaan ko sa lintik na babae na iyon!"
Tapos na po ang story nina Zane at Serenity. Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa at sana po ay nagustuhan ninyo. Pasensya na po kung natagalan ng sobra ang pagtatapos ng kuwento nila dahil naging sobrang busy po sa work. Again, thank you to all the readers. Sana po ay basahin ninyo rin ang iba ko pa na story sa GN. (Completed) The Invisible Love of Billionaire Married to the Runaway Bride Falling for the Replacement Mistress The Rise of the Fallen Ex-Wife My Back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) (On-going) In Love with His Brother's Woman (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress The Runaways' Second Chance Mate
"We’re home! Finally!" Patakbo pa na pumasok si Serenity sa mansyon ng mga Enriquez na animo batang excited na excited sa muling pagbabalik. Masayang-masaya rin niya na binabati ang mga kasambahay at tauhan nila na naroon para salubungin siya. After so many months away from home, she is finally back. They are finally back. "Welcome back, Mam Serenity." bati pa ng mga tauhan sa kan'ya. "Kamusta kayong lahat? Kamusta ang mansyon na wala na si Daddy?" tanong naman niya. "Ibang-iba, Mam Serenity, dahil parang laging may kulang." sagot ng mayordoma nila. "Miss na rin namin si Sir Manolo." "Ako rin naman, pero hindi niya gugustuhin na malungkot tayo. Let's enjoy that I am back for good now." Matagal-tagal din siya na nawala dahil halos kalahating taon din sila na namalagi sa ibang bansa at tumira sa magulang at kapatid ni Zane bago sila nagdesisyon na mag-asawa na magbalik na sa Pilipinas. Idagdag pa roon na bago pa mangyari ang mga kaguluhan ay hindi na rin siya madalas na umuuwi sa m
“Babe, I miss you.” Nakangiti na bati ni Zane sa asawa niya na kasalukuyan na nasa garden. Napangiti naman agad si Serenity pagkakita sa kan'ya kaya naman nang makalapit siya ay mabilis din na pumulupot ang mga braso niya sa beywang nito kasabay sa paghalik sa labi nito. "How was your day?" "I miss you." Sagot naman ni Serenity sabay ganti ng halik sa kan'ya at pagyapos din sa beywang niya. "Will you two stop with the PDA?" Pagrereklamo naman ni Ace na kasama ni Zane na dumating. "Kailangan ba talaga na lagi ninyo na gagawin iyan sa harapan ko?" Nagkatawanan lamang ang mag-asawa at nagpatuloy sa paglalambingan nila habang patuloy na binabalewala ang pagrereklamo ng kapatid ni Zane sa tabi nila. It has almost been four months since Zane made the decision to walk away from the people he considers his family, and life has been different for him. Does he regret doing so? Of course not, because he is living his life with the person he considers his salvation, but he can't deny the fact
"Tanga ka ba, Zane? Bakit umalis ka pa rin?" Hindi maiwasan ni Jed na mainis sa kaibigan nila matapos nito na ikuwento sa kan'ya ang panibagong problema na kinakaharap nito sa asawa nito na si Serenity. "Gago ka rin talaga. Binigyan ka na pala ng ulitmatum, umalis ka pa rin? Sigurado ka ba na kaya mo na harapin ang magiging desisyon ng asawa mo kung sakali? Ang lakas ng loob mo na makipagsabayan sa pagmamatigas niya pero sa huli ikaw naman ang maghahabol." "Ano ang gusto mo na gawin ko, Jed? Basta na lamang ako na umayon sa gusto niya?" tanong naman ni Zane pabalik sa kaibigan niya. "Tang-ina! My life is so messed up. Natapos ko nga ang problema natin sa tarantadong ama ko pero ito na naman at panibagong problema na naman ang kakaharapin ko. And what’s worst is that this time I don't think I can be able to solve this." "Why can't you? Madali lang naman ang problema na iyan, ibigay mo lang ang sagot na nais na marinig ng asawa mo at matatapos ang problema mo. It's as simple as that, s
It took him roughly a week to recuperate and be back on his toes, and all throughout it was his wife who was by his side. Hindi siya iniwan ni Serenity at lagi na nakaalalay ang asawa niya sa kan’ya sa lahat ng pgkakataon. Isang linggo matapos niya na magising ay nagdesisyon sila ng mga Bastardos na mangibang-bansa pansamantala at lumayo muna sa kaguluhan. Mainit pa ang usapin sa pulitika lalo na ang pagkakahuli sa ama niya. Oo, hindi siya ang nanaig na nag-iisang Lardizabal dahil gaya niya ay buhay pa rin ang ama niya. Napuruhan man niya si Jaime pero katulad niya ay nakaligtas din sa kamatayan ang ama niya. Tunay nga na ang dugong Lardizabal ay hindi basta-basta na namamatay, So has he failed the mission? No. Hindi man siya ang natirang nag-iisang Lardizabal sa laban nila ng ama niya ay napabagsak naman nila ang sindikato nito gaya ng plano nila. Kasalukuyan nang nakakulong ang senador habang hinihintay ang paglilitis sa patong-patong na kaso na kahaharapin nito. Nakabantay rin an
It was the same scenario that she is in. Parehong-pareho sa tagpo nila ng ama niya noon kung saan nakaratay si Manolo habang ang pagtunog lamang ng mga aparato na nakakabit sa pasyente ang maririnig ang kinakaharap niya na senaryo. Iyon na iyon din ang parehong sitwasyon niya habang nasa loob siya ng silid na kinaroroonan ng asawa niya na siya naman na nakaratay ngayon at nag-aagaw-buhay. It took her a lot of courage to be able to be here. She wanted to see Zane, but she was terrified of what she would see kaya naman nagpalakas muna siya ng loob niya. Mabuti na lamang din at nakapag-usap sila ni Jed kanina at iyon ang nakapagbigay lakas at kumpiyansa sa kan’ya na puntahan na ang asawa niya at kausapin. Umaasa siya na mag-iiba naman ang takbo ng kapalaran nila at kapag kinausap nga niya si Zane ay talagang lalaban ang asawa niya para mabuhay. She had tried the same tactic with her father before, but still, her father chose not to fight, and that is the reason why she is so scared to fa