แชร์

KABANATA 4

ผู้เขียน: Yenoh Smile
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2023-02-25 20:42:02

Ramdam ni Sylvaine ang panghihina, sakit ng ulo at sakit ng buong katawan noong magkamalay siya. Ni hindi niya alam na nahimatay pala siya kanina. Ang maganda lang ay wala na ang posas sa kamay niya at wala na rin ang panyo sa bibig niya. 

Nangunot ang noo niya at bubuksan na sana ang mga mata kung hindi lang niya narinig ang dalawang taong nasa malalim na pag-uusap. Imbis tuloy na magising, nagpanggap pa siyang natutulog.

"Wala siyang pamilya. Walang maghahanap sa kanya kahit mawala pa siya ng ilang araw o buwan," galing iyon sa di pamilyar na boses ng lalaki.

"Really? That's good. I don't have any plans to send her back home," iyon naman ang boses ng lalaking kinamumuhian niya ngayon. 

Hindi niya mapigilan na ikuyom ang mga kamay. Hindi niya alam kung paanong kilala siya nito, at wala siyang ideya kung bakit siya pa ang napili nitong magbuntis sa tagapagmana nito! At mas lalong hindi siya magbubuntis!

"What about her assistant? That loud woman who kept on crying?" dagdag nito na akala mo ay hindi natutuwang marinig ang mga pag-iyak ni Madonna.

"Nasa tahimik na lugar na," bigkas ng kausap nito na siguradong-sigurado.

Bumigat ang puso niya sa narinig. Si Madonna lang ang naiisip niya sa oras na iyon. Pinirmi niya ang mga labi noong marinig ang tawanan ng dalawa. Hindi siya sigurado kung totoong patay na si Madonna pero ang kapal ng mukha nilang tawanan ang kamatayan ng isang tao!

"Ako na po ang bahala sa lahat at sasabihan ko na rin ang mga katulong para sa hapunan ninyo, Mr. Whitlock."

Narinig niya ang mga papalayong yabag, hindi nga lang siya sigurado kung nakalabas na ba ang lalaki dahil wala siyang narinig na paglalapat ng pinto.

Wala naman din siyang pakialam. Ang isip niya ay napunta sa lalaking daig pa ang halimaw. Mr. Whitlock? Ni minsan hindi pa niya narinig ang apelyido na iyon, hindi rin matunog para sa kanya.

Nagtagis ang mga ngipin niya. Pagmulat niya ng mga mata, handa na siyang makipagsagutan sa tinawag na Mr. Whitlock. Iyon nga lang, umawang ang mga labi niya matapos niya itong makitang prenteng nakaupo sa isang pulang single couch, walang pang-itaas na damit habang humihithit ng sigarilyo. Hindi sa kanya nakatingin kun'di sa salaming dingding, kitang-kita kung gaano kadilim sa labas.

Imbis na magsalita, natagpuan niya ang sariling nakatitig dito. Natagpuan niya ang sariling namamangha sa kung paanong tumatama ang liwanag sa malaki at matipuno nitong katawan. Kita niyang gumalaw ang panga nito, at makalaglag panty iyon, idagdag pa ang bahagyang pagkiling nito sa ulo kung saan kitang-kita niya ang magandang view ng leeg nito pababa sa matigas nitong d*bdib—

"Are you done checking me out?" Humithit muli ito sa sigarilyo at nilabas ang usok sa bibig dahilan upang kumalat iyon sa hangin.

Napakurap siya, napagtantong dalawang matiim na kayumangging mga mata ang nakatitig sa kanya. Napaiwas siya ng tingin at huminga nang malalim. Doon niya lang namalayan na nahipnotismo siya sa katawan nito at nakalimutan ang mga dapat sabihin. 

"Saan mo ko dinala?" malamig niyang tanong, pilit iniipon ang galit niya para sa lalaki.

"In my own castle—"

"I'm not kidding, Mr. Whitlock. Ibalik mo na ako sa clinic ko at hayaang magluksa para sa a-ssisstant ko," muntik ng manginig ang boses niya matapos malamang hindi nakaligtas ng buhay si Madonna.

Ngunit wala naman pakialam ang lalaki kung malungkot man siya. Gumuhit pa ang multo ng ngiti sa mga labi nito.

"Mr. Whitlock?" mahinang bigkas nito, "That sounds nice to me, but you should call me Gray and scream it at night instead."

Sinulyapan siya nito, punong-puno ng pagnanasa ang nakikita niya sa matalim nitong mga mata. Nanghina ang mga tuhod niya dahil doon.

Gray ang pangalan nito?

Pinigilan niya ang sumigaw at pawang paghinga nang malalim ang nagawa niya.

Matalim niyang tinapatan ang titig nito kasabay ng pagtatagis ng kanyang mga ngipin, "I am an OB-GYN and not a surrogate mother."

Muli itong humithit sa sigarilyo, "It's the same thing for me."

Napaawang ang mga labi niya at hindi makapaniwala. Hindi niya matanggap na t*nga ito at hindi alam ang kaibahan ng pagiging doktor at surrogate mother.

"What? Seriously? I think you need to go back to school—"

"School is boring. I don't need an A grade..." Diretsong tumitig ang mga mata nito sa kanya pababa sa kanyang tiyan, "I only need an heir."

Suminghap siya kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata.

"Humihiling ka ng bagay na hindi ko maibibigay—"

Napatigil siya sa pagsasalita noong marinig ang sliding door. Hinintay niya kung sino ang papasok doon hanggang sa makita ang lalaking tuwid na tuwid ang suot na three-piece suit habang walang emosyon ang mukha nito.

"Mr. Whitlock, the dinner is ready," malalim at malamig ang boses nito, kagaya sa narinig niya kanina.

"Thanks, Enzo. We'll go downstairs in a beat."

Tumango ang tinawag nitong Enzo. At noong makalabas ang lalaki, agad na tumayo si Mr. Whitlock.

"I bet you're hungry. You're saying nonsense." Ngumisi ito pero hinintay siyang makatayo.

Umirap siya ngunit sumunod din dito. 

Hindi niya pinansin ang lamig ng paligid at maging ng lalaking sinusundan niya. Inikot niya ang tingin sa paligid, naghahanap ng pwedeng takasan. Kaya lang mukhang mahigpit ang seguridad ng bahay kahit pa puro salamin ang dingding nito.

Lumipad ang tingin niya sa malapad na likod ng lalaki habang pababa sila sa hagdan, sa oras na iyon, gusto niya na lang itong itulak kung hindi niya lang napansin ang masasamang tingin sa kanya ng mga tauhan nito.

Nanlamig siya at tahimik na lamang sumunod hanggang kusina. Kumulo agad ang tiyan niya matapos maamoy ang mabangong amoy ng inihaw na karne at keso. Naalala niyang hindi pa siya kumakain simula noong iwan niya si Tim.

Mas lalong nag-ingay ang tiyan niya dahilan upang sulyapan siya ni Mr. Whitlock mula sa likod nito.

"I guess my baby is hungry—"

"I am not your baby—"

"I am not referring to you. I was referring to your stomach," maanghang nitong bigkas.

Nag-init ang mga pisngi niya lalo na matapos makita ang makahulugang ngisi ni Enzo. Napaka-assumero naman nito!

Umikot ang mga mata niya pairap bago umupo. Binagsak niya ang tingin sa mahabang mesa, lalo na sa mga karne, wala nga siyang nakitang kahit ano'ng gulay.

"Wala ka man lang bang vegetable salad dito?" tanong niya kay Enzo imbis na kay Mr. Whitlock.

Pero si Mr. Whitlock pa rin ang sumagot sa kanya, "We don't eat grass here," malamig na sagot nito, nilagyan pa ng inihaw na karne ang plato niya, "Eat whatever you are seeing. Eat a lot today and tomorrow so you'll have enough energy—"

Galit siyang tumayo at agad na umiling, "Hindi ko gagawin iyang gusto mo!"

Hindi ito natinag, naglaro pa ang ngisi sa mga labi nito, "Let's see. The bed is very ready," makahulugan nitong bigkas.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Entangled with Mr. Ruthless   WAKAS

    After a few months...Mabigay siyang nakatitig sa puntod sa harap niya. Kasing itim ng bestidang suot niya ang kanyang nararamdaman sa tuwing tinititigan ang puntod. Hindi pa rin niya lubos maisip na hahantong sa ganoon ang lahat."I'm sorry, but I have to do that."Bumuntong hininga siya at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Pinagpag niya ang kanyang itim na bestida bago muling sulyapan ang puntod."You scared the hell out of me," malamig niyang sagot dito.Napapikit siya noong umikot ang mga matipuno nitong braso sa kanyang bewang at marahang hinaplos ang kanyang baby bump."Hindi kasi titigil ang ama mo kung hindi ako magpapanggap na patay na," bulong na sagot nito.Napanguso siya at muling tinitigan ang puntod na pinasadya pa nito. Nagluksa pa naman siya ng ilang araw dahil doon. Ngayon nga ay ni-request na niyang paalisin iyon."Kasabwat mo si Gustavo?" Tumikwas ang kilay niya kahit hindi nito nakikita."Gustavo is my friend," tipid na sagot nito na tila sapat na iyong paliwan

  • Entangled with Mr. Ruthless   KABANATA 99

    SYLVAINE'S POV"Baliw," mahinang sambit niya kay Dimitri na ngumisi lang."Yeah~ I'm crazy. Baliw rin si Gray at pinagkatiwala ka niya sa akin. Isn't it exciting?"Nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi nito. Niyakap niyang mabuti si Gabriel. Gusto niyang manghina dahil alam niyang wala siyang ligtas dito ngunit gusto niya ring umasa na manalo si Gray at iligtas sila nito.Nangilid ang luha niya. Gusto niyang bumalik sa bahay at tingnan ang sitwasyon doon."Huwag ka ng umasang bubuhayin pa ni Don Manuel si Gray. Kating-kati pa naman iyon na tapusin—""Shut up!" mahina ngunit gigil niyang sambit.Sinulyapan siya nito. Pinaglandas nito ang dila sa sariling labi bago kinagat ang ibabang labi."Fierce. Gusto ko iyan. Palaban... sa kama," mayabang na bigkas nito.Mas lalo siyang nainis dahil doon lalo pa't naroon lang din si Gabriel. Gusto niya itong suntukin sa mukha ngunit napasigaw siya noong bigla itong pumreno sa kalagitnaan ng daan."F*ck!" pagmumura nito.Hindi niya ito pinansin bag

  • Entangled with Mr. Ruthless   KABANATA 98

    GRAY'S POV"Are you crazy, Gray?! Bakit mo hinayaan si Sylvaine kay Dimitri?" may gigil na kumpronta sa kanya ni Gustavo.Malamig niyang nilingon ang kaibigan. Hanggang ngayon ay nagseselos siya na may gusto ito sa asawa niya pero hindi iyon ang isinaalang-alang niya kanina. He has a plan."You know Dimitri very well," malamig niyang sagot."And you know him too! F*ck! He killed Lea, Gray. Tingin mo ay bubuhayin niya si Sylvaine at Gabriel?" frustrated na tanong ni Gustavo kahit pa parehas silang abala sa paglalagay ng bala sa baril."Ako na lang sana ang pinasama mo sa kanila," hinanakit nito bago nagtago sa likod ng sofa.Pumikit siya nang mariin at bumuntong hininga. Dinig na niya ang palitan ng putukan ng baril sa labas ngunit hindi siya nangangamba."Kung hinayaan ko si Dimitri na manatili dito at pinaalis kita. Tingin mo ba ay tutulungan niya ako?" pagpapa-intindi niya kay Gustavo bago pumwesto sa likod ng pinto."Pagtutulungan nila ako at mas malabong mailigtas ko ang mag-ina k

  • Entangled with Mr. Ruthless   KABANATA 97

    "Seriously, Gray? Hindi mo ko papakinggan?" hinanakit niya rito.Ayaw niyang umalis sa tabi nito. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya sa takot na baka huli na iyon. Ni hindi siya lumapit kay Dimitri sa pag-aakalang magbabago pa ang isip ni Gray. Ngunit sinenyasan nito si Enzo upang kuhanin si Gabriel sa itaas."We don't have enough time. Wait for Gabriel, then go with Dimitri," malamig na utos nito.Napapikit siya nang mariin sa inis. Kinuyom niya ang kamao ngunit hindi siya nakatiis. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang inagaw ang isang baril mula sa malapit na tauhan na kinagulat nilang lahat."What the f*ck, Sylvaine?!" may galit na ang tono ni Gray matapos siya nitong makitang itutok ang baril sa sariling sentido niya.Walang takot niyang tinapatan ang matalim nitong titig. Mas diniin niya rin sa kanyang sentido ang baril. Kung ito lang ang paraan para magbago ang isip nito ay gagawin niya."Gusto mong harapin ang ama ko at mamatay di ba? Sige, uunahan na kita para naman h

  • Entangled with Mr. Ruthless   KABANATA 96

    SYLVAINE'S POV"Lea is dead."Napatayo siya sa kinauupuan matapos marinig ang binalita ni Dimitri na kararating lang. Nanlamig siya."What?" nalilitong tanong ni Gray sa kaibigan.Naibaba nito ang hawak na wine glass at mariing tinitigan si Dimitri."Narinig ko lang sa iba. Patay na si Lea pero hindi no'n ibig sabihin ay titigil si Don Manuel. Sa narinig ko, ikaw ang pinagbibintangan niyang pumatay sa asawa niya," seryosong dagdag ni Dimitri."F*ck! I didn't kill her!" hindi mapigilang sigaw ni Gray at mapatayo mula rin mula sa pagkakaupo.Lalong namilog ang mga mata niya. Malabong si Gray ang gumawa dahil kasama niya ito. Abala ito sa kung paanong maayos ang grupo.Kumibit balikat si Dimitri, "Hindi palalagpasin ni Don Manuel ang nangyari lalo pa't suot yata ni Lea ang kuwintas bago siya mamatay."Muling napamura si Gray habang siya ay napakurap."Paano mo nalaman Dimitri?" hindi niya mapigilang tanong dito.Lumiit ang mga mata nito. Akmang sasagot na ngunit bumukas ang pinto at nilu

  • Entangled with Mr. Ruthless   KABANATA 95

    LEA'S POVNakangisi niyang tiningnan ang sarili sa salamin ng elevator. Bagay na bagay talaga sa kanya ang kuwintas noon pa man. Kaya naman pala niyang masikmura ang ugali at itsura ni Don Manuel. Alam niyang kaunti na lang ay babalik na sa kanya ang lahat lalo pa't lahat ng nasa grupo ay nasa panig na nila.Muling umangat ang gilid ng labi niya noong makarating sa tamang palapag. Hindi pa naman niya nakalilimutan ang lalaking kasama niya sa planong ito. Kapag natalo na si Gray, madali na lang din itapon si Don Manuel. Mas pipiliin niyang gawing hari ang lalaking ito kaysa sa matandang hukluban na iyon.Inayos niya ang kanyang buhok at ang kuwintas sa kanyang leeg bago tinipa ang passcode ng condominium nito. Ngunit nangunot ang noo niya matapos mag-error niyon."Did he change his passcode?" wala sa sarili niyang tanong.Napairap siya at walang pagpipilian kun'di pindutin ang doorbell. Ilang beses pa niyang pinatunog iyon bago bumukas ang pinto. Niluwa noon ang lalaking pawis na pawis

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status