Share

Chapter 2

Author: LelouchAlleah
last update Last Updated: 2023-03-03 21:52:32

Asper Reign Dahlia’s Pov

“So, ano ba ang pagbabago na mayroon ngayon sa cafe?” tanong ko sa kanya habang inilalagay ko na sa box ang mga cupcake na order sa amin ng isa sa suki ng cafe.

Isang beses sa isang buwan lang kung bumisita ako doon at madalas ay naaabutan kong marami itong customer kaya hindi na ako nakikigulo pa sa loob at umuuwi na lang din.

Hinihintay ko na lang na si Miracle ang magsabi sa akin ng nangyayari doon dahil malaki naman ang tiwala ko sa kanya.

“Nag-hire uli ako ng dagdag na server dahil dumadami na ang dumadayo sa cafe natin.” Inilapag niya sa gilid ng mesa ang ilang folder. “Nandyan ang resume nila at may note na diyan ang mga nakapasa sa interview. Aside from that, naghire na din ako ng dalawa pang bagong delivery driver dahil kahit ang mga order for delivery ay nadadagdagan na din.”

“Ibig sabihin, sa loob ng limang buwan ng cafe, nagsisimula na itong makilala sa buong Yain City?”

Tumango siya. “Maganda din kasi ang naging encounter nyo ni Saraya,” sabi niya. “Malaking tulong ang ginawa niyang pagpunta sa cafe natin.”

Isang Internet Influencer si Saraya. Mahilig siyang mag-travel sa iba’t-ibang lugar para i-feature ang mga cafe tulad ng establishment ko.

At sa hindi inaasahang pagkakataon ay habang nagbi-video siya para sa bago niyang target cafe ay nabangga niya ako.

Medyo malakas iyon kaya natumba ako at na-sprain kaya naman dinala pa niya ako sa pinakamalapit na clinic para agad akong magamot.

At doon ay sobra-sobra ang paghingi niya ng sorry kahit na sinabi ko na ako din ang may kasalanan kasi hindi din ako tumitingin sa paligid ko.

Pinagkamalan pa akong pulubi na naghihintay sa labas ng Sweetheart kaya nang magamot ako ay agad din niya akong dinala doon at nilibre.

Tapos nagustuhan niya ang mga cakes at iba pang sweet product ng cafe ko kaya naman imbes na iyong kabilang cafe ang ipi-featured niya ay iyong akin na lang.

Syempre, hindi ako pumayag na mapasama sa mga video niya kahit pa pinipilit niya ako dahil kung hindi daw kami nagkabangga ay hindi niya mapupuntahan ang cafe ko.

Hindi din pumayag si Miracle na magpa-video kaya hinayaan na lang namin siya na i-tour ang buong shop at i-featured ang mga employee which is bring a good result.

Bahagyang natawa ni Miracle ng maalala ang nangyaring iyon. “At hanggang sa makaalis siya ay hindi niya alam na ikaw pala ang may-ari ng SweetHeart.”

“At hanggang huli ay isang pulubi pa din ang tingin niya sa akin.” At ako naman ang natawa.

“Kung bakit ba naman kasi nakasilip ka lang sa labas ng cafe ng araw na iyon,” naiiling niyang sabi. “At talagang hindi ka man lang nag-abala na mag-ayos ng sarili mo.”

“Nagmamadali kasi ako noon na bumisita dito dahil sinabi mo noon na walang masyadong customer,” sabi ko tsaka inilapag sa harap niya ang limang large box ng cupcakes. “Pero pagdating ko doon ay bigla naman silang dumami kaya hindi na ako nag-abala pang manggulo.”

“And speaking of that woman.” Naubos na niya ang tsaa na ibinigay ko sa kanya kaya tumayo na siya at inayos ang mga dadalhin niya. “Tumawag siya sa akin kahapon at hinahanap ka sa akin. Baka daw nakita uli kita na tumatanaw sa loob ng shop.”

“Bakit?” tanong ko. “Babalik siya dito?”

Nagkibit balikat siya. “Wala pa naman siyang nababanggit,” aniya. “Sinabihan lang niya ako na kapag nakita ulit kita sa labas ng shop ay bigyan uli kita ng makakain.”

Bahagya akong natawa. Talagang hindi nawala sa isip niya na isa akong pulubi ah. Ano kaya ang gagawin niya kapag nalaman niya na ako ang may-ari ng SweetHeart?

“Talagang nakuha mo ang atensyon ng babaeng iyon, huh.”

“Wala naman akong ginagawa noh.” Inihatid ko na siya hanggang sa labas ng gate namin at tinulungan ko siyang ilagay ang mga box sa loob ng kotse niya. “Kapag tumawag nga siya, sabihin mo na sa kanya ang totoo para naman hindi na siya nag-aabalang isipin ako.”

“Ayoko nga,” aniya. “Natutuwa ako sa kanya eh. Tsaka ko na sasabihin sa kanya kapag bumalik na siya dito.”

Napailing na lang ako. At talagang nakuha pang pagkatuwaan si Saraya.

Bago siya makasakay sa loob ng kanyang kotse ay may isang malaking truck ang tumigil sa katabing lote ng bahay ko.

Naglalaman iyon ng iba’t-ibang klase ng materyales ng construction.

“Oh, may nakabili na pala ng lote na iyan,” ani Mira.

“Ngayon ko lang din nalaman,” sabi ko. “Sino kaya ang nakabili?”

Bumaling siya sa akin. “Gusto mo bang alamin ko?”

Napaisip ako.

Mas mabuti na din siguro iyong handa ako nang sa gayon ay alam ko kung dapat ko ba itong iwasan.

Kung diyan siya titira sa katabing bahay ko ay hindi imposible na magkita kami at hindi ako basta maaaring makita ng sinuman.

“Sige,” sabi ko. “Kahit basic information lang naman. Para lang alam ko kung dapat ba siyang iwasan o hindi.”

Tumango siya. “Okay,” aniya. “Sasabihan kita agad kapag nalaman ko.” Tuluyan na siyang sumakay sa kanyang kotse at binuhay ang makina. “Oh siya, aalis na ako. Siguradong naghihintay na ni Misis Santiago.”

“I-send mo na lang din agad sa akin ang mga bagong order para maiayos ko na, okay?” sabi ko. “At ise-send ko na din sayo ang list ng mga kailangan para sa stocks ko. Ipabili mo na agad kina Saki at Sari.” Ang dalawang iyon ang pinakaunang empleyado namin kaya sa kanila namin pinaubaya ang pamimili ng stocks na kailangan ko para sa pagbe-bake.

“Okay.” Tuluyan na niyang pinaandar ang kanyang sasakyan at tinanaw ko na lang ito hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin ko.

At doon na ako nagpasya na bumalik sa loob ng bahay ngunit agad akong natigilan dahil may isa pang sasakyan ang tumigil sa likod ng truck na dumating kanina sa tapat ng katabi kong lote.

Nanatili lang akong nakatayo sa tabi ng gate ko at hinihintay ang paglabas ng kung sino mang sakay ng kotse na iyon ngunit nainip na ako’t lahat ay hindi pa din ito bumaba kaya napabuntong hininga ako.

Baka tauhan iyon ng nakabili ng lupa at tinitingnan lang kung nakarating na ba ang construction team na kanilang inupahan upang gawin ang kung ano man ang gagawin sa lote na iyon.

Hihintayin ko na lang siguro ang malalaman ni Mira tungkol sa magiging kapitbahay ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Enticing Series 1: Nightmare   ES1: Nightmare (Part 1) Last Chapter

    Caspian Jyn's Pov “Something is wrong,” iyan ang sambit ni Rajiv matapos ibaba ang kanyang cellphone pagkuwa’y tumingin sa akin. “They are acting weird.” “Who?” “Lucky and the rest of Asper’s bodyguards,” sagot niya. “What makes you think that they are weird?” I asked. “Asper changed, Jyn,” he said. “Sa isang taon natin siyang hindi nakita, malaki na ang pinagbago niya. At hindi na siya iyong tipong mananatili lang sa isang tabi, tatahimik at walang gagawin.” “Sa tingin mo ay pagtatakpan siya ng mga iyon kung mayroon man siyang ginagawa nang hindi natin nalalaman?” Nagkibit-balikat siya. “I don’t know how Asper thinks now. At alam ko kung gaano katakot ang mga iyon sayo, hindi pa din maalis sa isip ko na may ginagawa si Asper.” “Pull out the last batch of security details that we send there and just send Azure. Just make sure that she will not learn his identity at the group.” Ibinalik ko ang tingin sa mga papeles na hawak ko ngayon. “Kahit gaano kalakas ang pinanghahawakan niy

  • Enticing Series 1: Nightmare   Chapter 97

    Asper Reign Dahlia’s PovDad told me not to worry too much after I mentioned to him about what Hector said to me. Siniguro niya ako na nakahanda siya at si Aasiyah sa kung anuman ang maging hakbang ng palasyo.He already learned his lesson. Kaya wala na din siyang planong pangunahan pa si Aasiyah sa kung ano ang magiging desisyon nito kung sakali man na mag-propose ang palasyo ng kasal para kay Cloven.Well, kilala ko naman ang kapatid kong iyon. Kahit siya ang bunso at medyo sheltered ng buong pamilya ay hindi siya magpapakontrol sa mga taong nasa paligid niya.Tulad ko ay lalaban siya kung hindi niya gusto ang sitwasyon kaya alam kong hindi siya basta magpapadala sa mga iyon.At para makasigurado ay sinabihan ko na din si Miracle. At siniguro niya na gagawin ang lahat upang hindi maulit kay Aasiyah ang nangyaring pangha-harass sa akin ng mga nasa palasyo noon.Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. At least, alam kong kahit wala ako doon ay mapoprotektahan si Aasiyah. Hindi ko k

  • Enticing Series 1: Nightmare   Chapter 96

    Asper Reign Dahlia’s Pov“Ang sabi ko, ipinasa ko na nang tuluyan kay Aasiyah ang pamamahala sa foundation,” ulit ko. “Tapos nang asikasuhin ng mga lawyer namin ang pagta-transfer ng management noong isang taon pa at noong isang buwan iyon na-finalized.”Hindi pa din nawawala ang gulat sa mga mata niya matapos ang narinig. At maliban doon, bakas din ng matinding pangamba ang kanyang mukha na para bang isang maling pagkakamali ang ginawa ko.“Aware ka naman siguro na mula nang umalis ako, si Aasiyah na ang namamahala sa foundation,” dugtong ko. “At dahil nga sa nangyari sa akin at sa buhay na pinipili ko ngayon, nagdesisyon akong bitiwan ito. Nagprisinta si Aasiyah na akuin ang responsibilidad dahil nagustuhan niya din ang pagtatrabaho dito.”“You…” Napasapo siya ng noo at napaupo sa damuhan. Hindi ko alam kung anong problema niya pero para bang isang malaking balita ang narinig niya.Hindi naman mahalaga para sa foundation kung sino ang namamahala dito. As long as tuloy-tuloy ang mga

  • Enticing Series 1: Nightmare   Chapter 95

    Asper Reign Dahlia’s Pov“Sira ulo ka din talaga, noh?” natatawa na sabi ni Hector matapos kong ikwento sa kanya ang ginawa ko sa mga tauhan ni Jyn na bodyguard ko ngayon. “Isinangkalang mo ang sarili mo para lang mapasunod ang mga iyon.”“That is all I have, okay?” sabi ko. “I can only take advantage of Jyn’s feelings for me to make them do what I want.”Napailing siya at itinuon ang atensyon sa pagpapaligo sa isang kabayo. “You like taking advantage of everything to make sure that every situation will side with you.”Nandito kami sa kwadra ng mga kabayo. Nagtatrabaho siya habang ako naman ay nakaupo lang hindi kalayuan sa kanya.“Mas malala pa ang ginagawa mo noon, noh!” Inirapan ko siya. Kung makapagsalita ang lalaking ito, akala mo ay hindi niya inabuso ang posisyon niya bilang crown prince noon para makuha ang lahat ng gusto niya.“Kaya nga nagbabago na ako, hindi ba?” balik niya sa akin. “Eh ikaw? Parang lalo kang lumalala habang tumatagal.”“Well, sa mundo ng mafia na pinapasok

  • Enticing Series 1: Nightmare   Chapter 94

    Asper Reign Dahlia’s PovPagdating sa farm ay agad akong sinalubong ni Hector. At agad niyang sinabi na ang trabahong napili niya ay ang pag-aalaga ng mga kabayo.Ang alam ko ay mahilig siyang mangabayo. May mga alaga sila sa palasyo at ilang beses na din siyang sumali sa mga horseback tournament kaya siguro iyon ang pinili niyang gawin habang nandito siya.Kaya kinausap ko agad si Layno, ang namamahala sa pag-aalaga sa lahat ng hayop dito sa farm, at sa kanya na ibinilin si Hector.Pagkatapos noon ay nagpahinga muna ako buong araw. Ginising lang ako ni Manang Judith para maghapunan at nang malalim na ang gabi ay tsaka ko tinipon ang lahat ng bodyguard na ibinigay sa akin ni Jyn.Nasa malawak na garden kami. Nakaupo ako sa ilang baitang ng hagdanan habang ang sampung miyembro ng security detail ko ay nakaupo sa damuhan.“So?” Tinaasan ko sila ng kilay. “Kayo lang ba talaga ang pinadala ng boss niyo para bantayan ako?” Isa-isa ko silang tinitigan.“Yes, Miss Asper,” sagot ni Lucky. “Th

  • Enticing Series 1: Nightmare   Chapter 93

    Asper Reign Dahlia’s Pov“Sorry for that, Dad.” Iyan na lang ang nasabi ko kay Daddy na kausap ko ngayon sa cellphone habang nakatitig ako sa chopper niyang binabalot ng apoy na bumubulusok mula sa himpapawid. “I am still not sure about how much money I have right now but I will try to buy a new chopper for you.”Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Daddy mula sa kabilang linya. “Don’t worry about that. Plano ko na namang ibigay na lang sa kuya mo iyan at bumili ng bago.”Napakamot ako ng ulo. “Then, nawalan pa tuloy si Kuya ng pinakamadaling transportation niya para makapagpabalik-balik siya ng Yain City nang hindi napapabayaan ang trabaho niya.”“But are you okay?” tanong ni Daddy. “Mabuti at agad niyong napansin na may problema ang chopper at nakababa agad kayo.”“Siguro ay dahil sa patuloy na pagte-training ko ay naging matalas na din ang pakiramdam ko kapag may panganib sa paligid ko.”“Are there any casualties?”“Wala naman,” sagot ko. “Sa dagat naman bumagsak ang chopper at wal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status