แชร์

Chapter 3

ผู้เขียน: LelouchAlleah
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2023-03-03 21:53:06

Asper Reign Dahlia’s Pov

Sa buong maghapon, wala naman akong ibang pinagkakaabalahan kundi ang pagpe-prepare ng lahat ng umo-order sa shop namin.

Sa gabi ay inaasikaso ko ang mga papeles na ipinapadala ni Aasiyah.

Maliban pa doon ay may sapat na oras pa din ako para sa pagre-relax, pag-e-exercise, maging ang paglilinis ng bahay ko.

Kaya naman kahit hindi ako lumalabas ng bahay ay hindi ako naiinip dito kahit hindi naman talaga ako sanay nang lagi lang nasa loob.

Aba’y noon ay lagi akong nasa labas at nakikihalubilo sa lahat ng makasalamuha ko pero sa nakalipas na isang taon kung saan iilang tao lang ang nakakaharap ko sa bawat araw ay unti-unti akong nasasanay.

And being in solitude is actually addictive.

Mas nakakapag-isip ako ng mga bagay-bagay at kapag naman gusto ko ng kausap ay madali namang tawagan si Miracle.

Muli akong sumilip sa bintana at nakitang nagsisimula na ang construction team sa ibaba na sukatin ang buong lote.

Nakita ko na ipinapaskil na nila ang kanilang mga building permit kaya sinimulan ko nang isara ang mga bintana na nakatapat sa lote na iyon.

Sigurado kasi na magiging maingay ang paggawa nilang iyon. At ayoko naman na maistorbo ng ingay na iyon ang tahimik kong buhay.

Ngunit agad akong natigilan nang makita ang isang lalaki na naglalakad palapit sa gate ng bahay ko. At ilang sandali lang ay nag-ring na ang doorbell ko.

Agad kong hinablot ang contact lens ko at isinuot iyon tsaka ginulo ang buhok ko upang bahagyang maitago ang aking mukha.

At doon pa lamang ako bumaba at binuksan ang gate ko. "Hi," bati ko sa lalaking iyon. Bahagyang nakaharang ang bangs ko sa mga mata ko kaya hindi ko din masyadong matitigan itong lalaki sa harap ko.

"Hello, Miss," balik niya sa akin. "I am Raj, isa sa titira sa gagawing bahay diyan sa katabing lote mo." Inilahad niya ang kamay na agad ko namang tinanggap.

"H-hello." Bahagya pa akong yumuko. "Asper Reign." I am still using my own name here pero sa tuwing nagpapakilala ako ay inaakala ng mga pinagbibigyan ko ng pangalan ay Asper lang ang pangalan ko habang Reign naman ang apelyido ko.

Hindi ko naman kasi basta maaaring banggitin ang mismong apelyido ko. Ayaw ko din namang magsinungaling at magbigay ng pekeng pangalan.

"Anyway, it looks like you are busy." Binitiwan na niya ang kamay ko. "Nagpunta lang ako dito para magpakilala at para na din bigyan ka ng warning na magiging maingay ang pagpapagawa namin ng bahay."

"Oh, don't worry about that," sabi ko. "Once I close my windows, I won't hear anything from inside."

Ngumiti siya. "That would be great," sambit niya. "Anyway, nice meeting you, Miss Asper."

Kumaway na lang ako sa kanya nang tuluyan siyang magpaalam at nang tumalikod siya ay agad na din akong pumasok ng bahay.

Chineck kong muli ang mga bintana ko at nang masiguro na sarado na ang lahat ay hinablot ko ang cellphone ko tsaka tinawagan si Miracle na mabilis naman na sumagot.

"Aba'y na-miss mo na agad ako?" Iyan ang bungad niya sa akin nang sagutin ang tawag ko.

"Sira," ismid ko. "May pumunta na lalaki dito kanina. Isa daw sa titira sa bahay na ipinapatayo sa katabing lote."

"Oh?" Bahagyang naging seryoso ang kanyang boses. "Did he give you his name?"

"Just his first name," I said. "It's Raj."

Actually, Miracle knew my whole identity. She knows that I am the second child of the Axia's duke, and she knows that I am the famous Asper Reign Dahlia na nagbigay ng problema sa palasyo dahil higit pa akong minahal ng mga mamamayan ng Hexoria kaysa sa mismong royal family ng bansa.

Galing din kasi siya sa syudad at ilang beses na niyang nakita ang mukha ko sa mga tv, dyaryo, magazine at internet.

Kaya nang magkasalubong kami at wala akong suot na kahit anong disguise ay agad niya akong namukhaan.

At ipinagpapasalamat ko na lang dahil nangako siya na hindi niya ipagkakalat kung nasaan ako. 

Hanggang sa nagkita kaming mula sa malapit na supermarket dito sa bahay ko.

Muling nagkausap at naging magkaibigan.

At ngayon nga ay siya na ang pinagkakatiwalaan ko sa pagpapatakbo ng business ko. Maliban doon, kapag may mga bagong tao na napapalipat malapit sa bahay o sa shop ay sa kanya ko ipinauubaya ang pag-alam sa identity ng mga iyon nang sa gayon ay malaman namin kung dapat ba akong mag-ingat.

Sa tulong ni Miracle ay nagawa kong makapamuhay ng tahimik at ligtas kaya pareho naming ayaw mawala ang pinaghirapan namin kaya ginagawa namin ang lahat masiguro lang na walang makakakilala sa akin at walang sinuman ang makakaalam kung nasaan ako.

"I will get it done before sundown," aniya. "Medyo kinakabahan ako diyan sa bago mong kapitbahay."

"He actually looks harmless." Sumilip ako sa bintana upang silipin iyong lalaking nagpakilalang Rajiv. "Tall, slightly moreno and handsome. Though, he has some dangerous aura around him."

"Then, lock all your doors and windows," she said. "And if someone from those people knock on your house again, pretend as if you are busy or sleeping."

"Eh?"

"Hindi naman sa nangja-judge tayo pero mabuti na iyong sigurado, okay?" sabi pa niya. "Mag-isa ka lang diyan kaya mas mabuti na iyong nag-iingat."

Medyo may pagka-praning din kasi ang babaeng ito at madalas siyang mag-alala sa akin dahil masyado daw akong careless.

"I already locked the windows because they already started making loud noises." Bumaba na akong muli sa first floor ng bahay ko para simulan namang i-lock ang mga pinto. "Now, nai-lock ko na ang mga pinto so pwede ka nang mag-relax."

"Good," aniya. "Bukas ko na ipapa-deliver ang mga new stocks mo diyan para hindi ka na magbukas ng pinto."

"Okay." Bumalik ako ng kusina at sinimulang ihanda ang dinner ko. Inilapag ko na muna sa counter ang cellphone ko at ni-loudspeaker ito dahil kausap ko pa din si Mira. "Anyway, natapos ko na ang mga order na ide-deliver bukas. Pumunta ka na lang ng maaga dito at isabay mo na sina Saki at Sari para madala na din dito ang mga stocks ko."

"Sige, ako nang bahala," sagot niya. "Siguraduhin mo lang na gigising ka ng maaga, huh! Baka mamaya ay katulad na naman kanina na inabot pa ako ng isang oras sa labas ng bahay mo bago ka gumising."

Bahagya akong natawa nang maalala ang itsura niya kanina. "Promise, gigising ako ng maaga."

"You better be," ismid niya.

Kung bakit ba naman kasi ayaw niyang tanggapin ang susi ng bahay ko na ibinibigay sa kanya. Eh 'di sana ay hindi na niya ako kailangan pang hintayin na magising para makapasok siya.

With that, she can just get the orders even though I am still sleeping.

"Sige na," sabi pa niya. "Iyong mga bilin ko, huh." Hindi na niya ako hinintay pang makasagot at agad na niyang pinatay ang tawag kaya napailing na lang ako.

At ipinagpatuloy na ang paghahanda ng dinner ko.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Enticing Series 1: Nightmare   ES1: Nightmare (Part 1) Last Chapter

    Caspian Jyn's Pov “Something is wrong,” iyan ang sambit ni Rajiv matapos ibaba ang kanyang cellphone pagkuwa’y tumingin sa akin. “They are acting weird.” “Who?” “Lucky and the rest of Asper’s bodyguards,” sagot niya. “What makes you think that they are weird?” I asked. “Asper changed, Jyn,” he said. “Sa isang taon natin siyang hindi nakita, malaki na ang pinagbago niya. At hindi na siya iyong tipong mananatili lang sa isang tabi, tatahimik at walang gagawin.” “Sa tingin mo ay pagtatakpan siya ng mga iyon kung mayroon man siyang ginagawa nang hindi natin nalalaman?” Nagkibit-balikat siya. “I don’t know how Asper thinks now. At alam ko kung gaano katakot ang mga iyon sayo, hindi pa din maalis sa isip ko na may ginagawa si Asper.” “Pull out the last batch of security details that we send there and just send Azure. Just make sure that she will not learn his identity at the group.” Ibinalik ko ang tingin sa mga papeles na hawak ko ngayon. “Kahit gaano kalakas ang pinanghahawakan niy

  • Enticing Series 1: Nightmare   Chapter 97

    Asper Reign Dahlia’s PovDad told me not to worry too much after I mentioned to him about what Hector said to me. Siniguro niya ako na nakahanda siya at si Aasiyah sa kung anuman ang maging hakbang ng palasyo.He already learned his lesson. Kaya wala na din siyang planong pangunahan pa si Aasiyah sa kung ano ang magiging desisyon nito kung sakali man na mag-propose ang palasyo ng kasal para kay Cloven.Well, kilala ko naman ang kapatid kong iyon. Kahit siya ang bunso at medyo sheltered ng buong pamilya ay hindi siya magpapakontrol sa mga taong nasa paligid niya.Tulad ko ay lalaban siya kung hindi niya gusto ang sitwasyon kaya alam kong hindi siya basta magpapadala sa mga iyon.At para makasigurado ay sinabihan ko na din si Miracle. At siniguro niya na gagawin ang lahat upang hindi maulit kay Aasiyah ang nangyaring pangha-harass sa akin ng mga nasa palasyo noon.Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. At least, alam kong kahit wala ako doon ay mapoprotektahan si Aasiyah. Hindi ko k

  • Enticing Series 1: Nightmare   Chapter 96

    Asper Reign Dahlia’s Pov“Ang sabi ko, ipinasa ko na nang tuluyan kay Aasiyah ang pamamahala sa foundation,” ulit ko. “Tapos nang asikasuhin ng mga lawyer namin ang pagta-transfer ng management noong isang taon pa at noong isang buwan iyon na-finalized.”Hindi pa din nawawala ang gulat sa mga mata niya matapos ang narinig. At maliban doon, bakas din ng matinding pangamba ang kanyang mukha na para bang isang maling pagkakamali ang ginawa ko.“Aware ka naman siguro na mula nang umalis ako, si Aasiyah na ang namamahala sa foundation,” dugtong ko. “At dahil nga sa nangyari sa akin at sa buhay na pinipili ko ngayon, nagdesisyon akong bitiwan ito. Nagprisinta si Aasiyah na akuin ang responsibilidad dahil nagustuhan niya din ang pagtatrabaho dito.”“You…” Napasapo siya ng noo at napaupo sa damuhan. Hindi ko alam kung anong problema niya pero para bang isang malaking balita ang narinig niya.Hindi naman mahalaga para sa foundation kung sino ang namamahala dito. As long as tuloy-tuloy ang mga

  • Enticing Series 1: Nightmare   Chapter 95

    Asper Reign Dahlia’s Pov“Sira ulo ka din talaga, noh?” natatawa na sabi ni Hector matapos kong ikwento sa kanya ang ginawa ko sa mga tauhan ni Jyn na bodyguard ko ngayon. “Isinangkalang mo ang sarili mo para lang mapasunod ang mga iyon.”“That is all I have, okay?” sabi ko. “I can only take advantage of Jyn’s feelings for me to make them do what I want.”Napailing siya at itinuon ang atensyon sa pagpapaligo sa isang kabayo. “You like taking advantage of everything to make sure that every situation will side with you.”Nandito kami sa kwadra ng mga kabayo. Nagtatrabaho siya habang ako naman ay nakaupo lang hindi kalayuan sa kanya.“Mas malala pa ang ginagawa mo noon, noh!” Inirapan ko siya. Kung makapagsalita ang lalaking ito, akala mo ay hindi niya inabuso ang posisyon niya bilang crown prince noon para makuha ang lahat ng gusto niya.“Kaya nga nagbabago na ako, hindi ba?” balik niya sa akin. “Eh ikaw? Parang lalo kang lumalala habang tumatagal.”“Well, sa mundo ng mafia na pinapasok

  • Enticing Series 1: Nightmare   Chapter 94

    Asper Reign Dahlia’s PovPagdating sa farm ay agad akong sinalubong ni Hector. At agad niyang sinabi na ang trabahong napili niya ay ang pag-aalaga ng mga kabayo.Ang alam ko ay mahilig siyang mangabayo. May mga alaga sila sa palasyo at ilang beses na din siyang sumali sa mga horseback tournament kaya siguro iyon ang pinili niyang gawin habang nandito siya.Kaya kinausap ko agad si Layno, ang namamahala sa pag-aalaga sa lahat ng hayop dito sa farm, at sa kanya na ibinilin si Hector.Pagkatapos noon ay nagpahinga muna ako buong araw. Ginising lang ako ni Manang Judith para maghapunan at nang malalim na ang gabi ay tsaka ko tinipon ang lahat ng bodyguard na ibinigay sa akin ni Jyn.Nasa malawak na garden kami. Nakaupo ako sa ilang baitang ng hagdanan habang ang sampung miyembro ng security detail ko ay nakaupo sa damuhan.“So?” Tinaasan ko sila ng kilay. “Kayo lang ba talaga ang pinadala ng boss niyo para bantayan ako?” Isa-isa ko silang tinitigan.“Yes, Miss Asper,” sagot ni Lucky. “Th

  • Enticing Series 1: Nightmare   Chapter 93

    Asper Reign Dahlia’s Pov“Sorry for that, Dad.” Iyan na lang ang nasabi ko kay Daddy na kausap ko ngayon sa cellphone habang nakatitig ako sa chopper niyang binabalot ng apoy na bumubulusok mula sa himpapawid. “I am still not sure about how much money I have right now but I will try to buy a new chopper for you.”Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Daddy mula sa kabilang linya. “Don’t worry about that. Plano ko na namang ibigay na lang sa kuya mo iyan at bumili ng bago.”Napakamot ako ng ulo. “Then, nawalan pa tuloy si Kuya ng pinakamadaling transportation niya para makapagpabalik-balik siya ng Yain City nang hindi napapabayaan ang trabaho niya.”“But are you okay?” tanong ni Daddy. “Mabuti at agad niyong napansin na may problema ang chopper at nakababa agad kayo.”“Siguro ay dahil sa patuloy na pagte-training ko ay naging matalas na din ang pakiramdam ko kapag may panganib sa paligid ko.”“Are there any casualties?”“Wala naman,” sagot ko. “Sa dagat naman bumagsak ang chopper at wal

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status