CHAPTER 17TRISTAN'S POVMULA sa pagkakalikot ng cell phone ay dahan-dahan akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang mga yabag palapit sa kinaroroonan ko. Tila slow motion ang naging pag-angat ng ulo ko. Literal na tumigil sandali ang paghinga ko nang makita si Cassie, umiindayog ang balakang nito habang naglalakad papalapit sa kinauupuan ko. Napatulala ako sa kaniya, sino ba ang hindi sa klase ng ayos nito. Nakasuot ito ng dress na kulay pula na hindi man lang umabot sa mga tuhod ang haba niyon. Kitang-kita ang mapuputi, makikinis at mahahabang binti nito. Mula sa mga binti nito ay dahan-dahan kong hinagod ng tingin ang kabuuan nito. Hanggang sa mapadako sa mukha nito ang mga mata ko. Para akong nabato-balani nang makita kong ngiting-ngiti siya sa akin na para bang nang-aakit ang mga ngiting iyon. Anong klaseng laro ba ang gusto mo, Cassie? Huh? Lihim akong napamura nang maramdaman kong pumintig ang nasa pagitan ng aking mga hita. T@ngina hita pa lang iyan, Seth. Umayos ka! Pi
TRISTAN'S POV"BOSS, TARA PO," pagyayaya sa akin ng isa sa mga tauhan ko. "Kain po muna tayo, Boss." Tumayo ako at inayos ang sumbrerong suot ko. "Anong oras na ba?" "Mag-aalas dose na po, Boss." "Oh, tanghali na pala.""Oho, Boss. Tara po sa kubo at makigulo na po kayo sa mga baon naming pagkain." Mabait na sabi nito. Kaniya-kaniyang baon kasi ang mga tauhan ko, maliban na lang sa meryenda na sagot ko na sa kanila. "Naku, hindi na. Sa bahay na lang ako kakain," sagot ko rito habang naglalakad papunta sa kubo. Doon kasi nakatali ang kabayo ko sa may kubo. Hindi na ito nagsalita hanggang sa makarating kami malapit sa kubo. Ngunit ilang hakbang pa ang layo ko sa kubo nang matigilan ako. Napatitig ako sa di-kalayuan mula sa kubo, sa lilim ng punong akasya. Napako ang mga mata ko sa isang particular na tao. Kay Cassie, na ngayon ay nakatikod sa gawi ko habang nagpupunas ng leeg, nakalagay sa kabilang side ang buhok nito kaya naman kitang-kita ang maputi nitong leeg. Tiim-bagang ako
Cassie's POV"ANONG PROBLEMA NO'N?" Naisatinig ko habang habol ng tingin si Tristan. "Napakaarte, siya na nga itong nilutuan tapos hindi man lang kinain kahit tikim lang." Pagmamaktol ko habang pabalik ng kusina. Hindi ko maipaliwanag iyong inis na nararamdaman ko ngayon. Iyong nag-effort akong lutuan siya tapos ni hindi man lang tinikman. "Hmp! Buwisit! Bahala kang mamatay sa gutom, tukmol." Padabog akong kumuha ng plato at sinimulang kainin ang niluto ko. "Siya na nga itong nilutuan, ang arte-arte pa." Sa sobrang inis ko kay Tristan ay naparami ang kain ko. Kung hindi ko lang naramdamang punong-puno na ang tiyan ko ay balak ko sanang ubusin iyon. Busog na busog na tinapos ko na ang pagkain ko dahil baka ang katakawan ko pa ang ikamatay ko, lalo na't gabi na. Matapos ligpitin ang pinagkainan ko ay naglagay ako ng pagkain sa isang plato. Dadalhin ko iyon kay Lalaine. "Lalaine?" Tawag ko rito at kumatok sa pintuan ng kuwarto nito. Hindi naman nagtagal ay bumukas iyon at sumungaw a
TRISTAN's POVMULA nang makabalik ako galing Maynila ay hindi ko magawang patulan ang pang-aakit sa akin ni Cassie. Hindi sa hindi ako tinatablan ng mga pang-aakit niya kun'di dahil palaging si Mia ang laman ng isip ko. Ilang araw na akong wala sa mood dahil sa kaniya. Siya kasi ang dahilan nang pagluwas ko ng Maynila noong nakaraan. Naririndi na kasi ako sa pagsusumbong ni Marchelly maya't maya na umiiyak ang pamangkin ko dahil sa walang kuwenta nitong asawa. Buntis ang pamangkin ko at nag-aalala ako para sa kanilang mag-ina. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanilang dalawa. Kahit anong gawin ko sa lalaking iyon ay ginigiit nito sa akin na kailanman ay hindi nito magagawang mahalin ang pamangkin ko. Na kahit patayin ko pa siya ay hindi niyon mababago ang katotohanang ang ex-fiance pa rin nito ang mahal. Awang-awa na ako sa pamangkin ko dahil wala akong magawa para sa kaniya kun'di ang ilayo ang babaeng kinababaliwan ng asawa nito. Ito na lang ang paraang alam ko para hindi tuluy
TRISTAN's POVMALAPIT na kami sa bahay nang makita kami ni Lalaine, kasama nito ang iba ko pang mga tauhan. Humahangos silang lumapit sa amin. "Boss! Ano po ang nangyari kay Ma'am Cassie?" Usisa ni Rodolfo nang makalapit sa amin. Ang mga mata nila'y kay Cassie nakatutok. Buhat-buhat ko kasi ito na parang sako ng bigas, bahagyang nakasampay sa balikat ko ang katawan nito. Tumango ako nang magpaalam silang babalik na sa kani-kanilang tulugan. Nagpasalamat din ako bago muling naglakad papunta sa bahay. "Anyare sa babaeng iyan?" Usisa naman ni Lalaine at pumunta pa sa likuran ko para silipin ang mukha ni Cassie. "Saan napalaban 'yan, Boss?" tanong pa nito nang sabayan akong maglakad. Maliksi rin nitong binuksan ang pinto para makapasok ako sa loob ng bahay. Hingal na hingal na ibinaba ko sa sofa si Cassie dahil hindi rin naman basta ang timbang ng babaeng ito, lalo na't malayo rin ang nilakad ko habang buhat ang babaeng ito. Naiiling na pinagmasdan ko ito habang habol pa rin ang hin
Chapter 22Cassie's POVNAKAALIS na si Tristan ngunit hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi. May munting kilig akong naramdaman dahil sa babe na itinawag nito sa akin. "Kumusta naman ang puday natin, Cassie?" tanong ni Lalaine sa akin. Medyo nagulat pa ako sa biglang pagsulpot nito. Umupo rin ito sa dining chair, sa tapat ko. Lasing ako kagabi pero wala naman akong natatandaan na may nangyari sa amin ni Tristan eh. Sa pagkakatanda ko natulog lang kami. Pero kaagad nag-init ang pisngi ko nang maalala ko ang sinabi ni Tristan na ginawa ko raw stress ball ang itlog nito. Bigla kong naalala na nananaginip ako kagabi na inis na inis daw ako kay Tristan, at sa sobrang inis ay nilapirot ko raw ang itlog nito. Na hindi ko alam na totoo palang ginawa ko 'yon. "Hoy!" Napaiktad ako nang hampasin ni Lalaine ang mesa. "Ano ba?" Naiinis na sabi ko. Ngumisi lang naman ito sa akin habang nagtaas-baba ang kilay. "Kumusta ang puday?" "Puday pa rin." Lalong ngumisi ang gaga at dumu
NANG araw ding iyon ay nagsimula kaming mag-practice ng mga basic steps. Sa una, paa lang ang pinapagawa ko sa kanila para makabisa nila ang bawat galaw ng mga paa. Nang medyo makuha na nila ay sinunod ko naman ang mga kamay kasabay ang mga paa. Sasandali pa lang kaming nagpa-practice pero madami na kaming steps na nagawa. Hindi kasi sila mahirap turuan, marahil dahil gusto talaga nilang manalo o sadyang may talento na silang sumayaw. Kulang lang sa practice at magtuturo. Nang mapagod ako ay hinayaan ko muna silang mag-practice ng kanila. Umupo ako sa damuhan at pinanuod ang bawat galaw nila. Nakakatuwa dahil lahat sila ay marunong at nakakasabay. Wala pa silang ideya kung anong kanta ang gagamitin namin sa steps na itinuro ko sa kanila.At ngayon pa lang ay excited na ako kapag nilapatan na namin ng tugtog ang mga steps na itinuro ko sa kanila. "Okay, from the top, girls!" Sabi ko nang matapos nila ang isang pasada. May ngiti sa kanilang mga labi na muling kinabisa ang steps mula
TRISTANHINDI mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi habang nag-aayos ng mga gamit ko. Katatapos ko lang tawagan si Cassie at masayang-masaya akong marinig ang boses niya. Tatlong araw na ngayon na hindi ko siya nakikita at excited na akong umuwi bukas. Kaya ngayon pa lang inaayos ko na ang mga gamit ko dahil balak kong madaling araw umalis para hindi ako abutin ng tanghali sa daan. Hindi man niya sinabing miss na rin niya ako ay sapat na sa akin na marinig ang boses niya at malamang hindi siya umaalis kung saan ko siya iniwan. I miss her. I really do. Pag-amin ko sa sarili ko. At sa sobrang pagka-miss sa kan'ya ay hindi ko napigilang gumawa ng mga chessy moves. Umorder ako ng bulaklak para sa kan'ya at nilagyan ng sweet message. "Tito." Natigilan ako sa ginagawang pag-aayos ng mga gamit ko nang marinig ko ang boses ng pamangkin ko. Mula sa ginagawa ko ay dahan-dahan akong humarap sa kan'ya. Na sana'y hindi ko na lang ginawa dahil nakita ko ang malungkot na mukha ng pamangkin ko.