Share

Envenomed
Envenomed
Author: Adjaxxent

Prologue

Mabilis ang pintig ng aking puso. Waring lalabas na ito sa kaniyang kinalalagyan. Nanlalambot na rin ang aking mga tuhod dulot ng kanina pang pagtakbo upang takasan ang mga lalaking kaklase ko na tinaguriang bully ng campus. 

Anumang oras ay maaari na akong sumalampak sa sahig, magalusan sa tuhod at hindi na kayanin pang tumakbo. No, I won't let them chase me! 

“Iyon!” Nabuhay ang pag-asa kong makapagtago at matakasan sina Zurich at Gabby nang matanaw ang isang Mercedes Benz na nakaparada sa labas ng LPU Campus Main gate. 

Tumatakbo, nilingon ko ang mga lalaki sa likod ko. Laking pasasalamat ko sa likod ng gusaling nilabasan ko at hindi pa sila nakakalabas mula roon. 

Binilisan ko pa lalo ang aking pagtakbo upang nang sa gayon ay makasakay ako sa Mercedes Benz upang magtago mula sa mga ito. Bahala na! 

Nang makapasok sa sasakyan, agad kong itinungo ang aking ulo, itinago ang katawan sa ilalim upang hindi makita nila Zurich at Gabby. 

“Aria Chantelle Yniguez! Bullshit! Hanapin mo nga ang lintek na babaeng 'yon, Gab!” 

Si Zurich iyon! Damn. Papalapit na sila sa sasakyang pinagtataguan ko! Please, God. Don't let them see me. 

Kapag nahuli ako ng mga ito ay siguradong tatakutin nila ako o hindi kaya naman ay sasaktan kahit pa babae ako, huwag ko lang silang isumbong sa mga guro namin. 

I am not that stupid! They broke into the faculty room one night to steal the answer keys in our first quarter exam for Pete's sake! Napakahunghang. 

Habol ang sariling hininga, pinagpapawisan ng matindi, itinakip ko ang aking palad sa aking bibig upang masigurong hindi nila ako maririnig.

“Putangina, Rich. Mayayare tayo nito kapag hindi natin napigilan ang babaeng iyon sa gagawin niyang pagsusumbong. Punyetang babae,” mura ni Gabby.

Ramdam ko ang pagtulo ng aking pawis. Nanginginig rin ang aking labi, tuhod at kamay sa takot. Shit.

“Badtrip. Paano ba kasi nalaman ng babaeng iyon na pumuslit tayo roon, ha? Punyeta talaga.” Pigil ang gigil na tanong ni Rich kay Gabby.

Hindi nakasagot si Gabby. Gusto ko silang tingnan at silipin sa pamamagitan ng bintana kaya lang kapag ginawa ko iyon, mahuhuli nila ako.

I heard Gabby's smirk already. No doubt, they're one step closer to where I am hiding. Oh, God. Humigpit ang pagkakayakap ko sa aking bag, pinipigilan ang sariling maluha. Natatakot ako.

Ipinapanalngin ko na sana'y biglaang pumasok ang may-ari nitong sasakyan at dagliang imaneho paalis para makatakas na rin ako.

Ilang minutong katahimikan. Wala na akong naririnig na usapan sa labas. Did they leave already? Hopefully, yes.

Naghintay pa ako ng ilang minuto upang kumpirmahin na umalis na nga sina Rich at Gabby. Hanggang sa magpasiya akong dahan-dahang iangat ang aking ulo at umayos ng upo sa backseat ng sasakyan.

Dinungaw ko ang bintana. Inilinga sa kaliwa't-kanan ang mga matang pinangingiliran ng luha. Madilim na ang paligid at wala na talagang tao. Lahat ng estudyante ay nagsiuwian na. 

Mas maaaga silang makakauwi kaysa sa akin dahil hindi naman sila Student Assistant ng school. Ako SA kapalit ng free tuition ko. 

Pinakiramdaman ko ang paligid ko. Mukhang ako na nga lang talaga ang tao. Mukha kasing tuluyan na ngang umalis sina Rich at Gabby.

Napahinga ako. “Thanks, God.” 

Pinunasan ko ang aking mukha at noo. Isinukbit nang maayos ang aking bag bago maingat na lumabas ng sasakyan.

Pigil ang hininga kong muling sinuyod ang paligid. I'm just checking if they really are gone.

“Huli ka!” 

Nawala ako sa balanse nang gulatin ako ni Rich mula sa aking likod. Napasalampak ako sa sementadong sahig, dinamdam ang tinamong galos sa aking binti.

May takot sa aking mata nang tingnan ko si Rich at Gabby na nakatayo sa harapan ko, nakangisi ngunit kita ang gigil sa bagang.

Napasinghap ako nang biglaang maupo sa harapan ko si Rich at mariing hawakan ang baba ko. “Ayaw mo naman sigurong masaktan, hindi ba? Huh, Arci?” Nagbabantang tanong niya.

I shoved his hand away. “Hindi mo 'ko matatakot, Rich Salvero. Ang mga gaya niyong mag-aaral ay dapat tinuturuan ng leksyon!” Sigaw ko sa mukha niya.

Natawa sila ni Gabby. Nagkatinginan pa bago nagmake-face. Mukha silang unggoy!

“O, e, ang labas dadaanin ka na lang sa dahas? Ikaw rin.” Kibit-balikat na aniya.

Hindi ko ipinakita ang pag-usbong ng aking biglaang takot dahil sa tinuran. Paano ko sila matatakasan? Sana ay may maligaw sa pwesto namin at sitahin sila.

“Pare, masyadong matuwid si Miss SA. Gusto lahat ay nasa tama. Ikaw na maghatol.” Makahulugang ani Gabby, tumawa.

Animo'y manyak si Rich nang ako ay sipatin mula ulo hanggang paa. Nang bumalik sa aking mukha ang mga mata niya, “Bibigyan kita ng magandang pagpipilian, Miss SA.” Aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin, hindi nagsasalita. Baka manginig ang tinig ko kapag ginawa ko iyon. Maging dahilan pa upang mas lalo nila akong takutin.

“Hindi ka kakanta o...dadalhin kita sa kama?”

Halos mapugto ang aking hininga dahil sa sinabing iyon ni Rich sa akin. Hindi ko na halos magawang ikurap ang aking mga mata. No way...

“Sumagot ka!” Panggugulat bigla ni Gabby. Napakislot ako ng bahagya. “Pft. May kinatatakutan, pare.”

With trembling lips, “D-Don't do this, please.” I pled, teary-eyed.

Hinaplos-haplos ni Rich ang aking pisngi. Nanghilakbot ako dahil sa hawak niya. Oh, God. Please, end this. Inilayo ko ang aking mukha ngunit hindi ko inaasahan na hahablutin nito ang aking batok. “Hindi mo kami isusumbong hindi ba?”

Napalunok ako. “R-Rich...” May takot sa tinig ko. Hindi ako makakalaban sa mga ito pero hindi pwedeng hindi ako lalaban pagdating sa mali. 

Nag-igting ang kaniyang panga. “Hindi ba, Miss SA?” Pagdidiiin niya pa. Nais niya talaga na hindi ako makapagsumbong.

“Oo nga, Miss SA. Ipinapangako namin na hindi na ito mauulit. Una at huli na 'to—”

I cut Gabby off, glaring. “Hindi ako maniniwala sa inyo.” I roared. 

Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan. Marahas akong hinila patayo ni Rich. Kulang na lang ay matagtag ang aking braso sa sobrang lakas ng pagkakahila niya roon. 

Napaawang ang labi ko nang walang modo niya akong itulak sa pinto ng Mercedes-Benz. Tumama ang aking likod sa hawakan kaya hindi ko napigilang mapadaing kasabay ng pagtulo ng aking luha.

“A-Ah,” daing ko. 

Muling hinawakan ni Rich ang aking mukha, mahigpit at nakakasakit. “Isang maling sagot, makakatikim ka, Miss SA—”

Hindi nito naituloy ang pagbabanta sa akin nang makarinig kami ng napakalamig na tinig mula sa lalaki na biglaang sumulpot.

“Move.”

Halos magkakasabay kaming tatlo na nilingon ang lalaking nagmamay-ari ng malamig na tinig.

Halos mapatulala ako sa lalaking may shaved ang kanang kilay. May napakatikas na pangangatawan. Matangkad din at napakagwapo...pero halatang may pagkasuplado.

“Sino ka naman, ha? Pakielamero ka, dude.” Suyang tanong ni Gabby. 

Hindi nag-abalang tingnan siya ng lalaki. Imbes, diretso akong tiningnan nito. Halos mangilabot ako sa tindi ng lamig ng titig niya. Namamasok hanggang kalooban! 

“This is my car. So, move.” He coldly ordered. 

Napapalatak sina Gabby at Rich. Just then, Rich faced him. “Yabang mo, a? Anong pinagmamalaki mo—”

Out of impatience, the cold guy suddenly took out his Heckler and Koch USP Compact 9x19mm gun and pointed it to Rich's forehead. Oh, God. Bakit may baril?!

“Move.” He ordered menacingly. “Too loud, tss.” 

Nasaksihan ko kung paano lumunok ang dalawa. Wala sa sariling naiatras nila ang mga paa, igting ang panga at nagsusumiklab ang galit sa mga mata.

Sinulyapan ako ni Rich. “Huwag mo akong subukan, Arci. Malaman lang namin? Gulo buhay mo.” Makahulugang banta niya. “Tara, Gab.” Yaya niya sa kasama bago tuluyang nanakbo palayo.

Sapo-sapo ko ang aking dibdib, hinahabol ang animo'y nawala kong hininga dulot ng nangyari ngayon. I'm safe now.

“And you? What are you still doing here? Leave.”

Wala sa sariling tinitigan ko ang lalaki. Sa tantya ko ay mas matanda siya sa akin ng apat na taon. Hindi lang halata dahil ang gwapo niya talaga. Ang angas. 

“H-Huh?” Natatanga kong tanong.

His brows furrowed. “I said leave, Miss. Paano ako makaka alis kung nakasandal ka pa riyan?” Tone of somewhat irritated, he asked.

Napagtanto ko naman agad ang kaniyang sinabi kung kaya't umalis ako sa pagkakasandal sa Mercedes-Benz niya, tumindig nang ayos sa harapan niya.

“P-Pasensya na, Sir.” Paumanhin ko.

“Tss.” Singhal niya, itinago muli ang baril na dinukot niya kanina lang.

Pinanood ko siyang maglakad pasakay sa kaniyang sasakyan. Hindi man lamang ba siya magtatanong kung anong nangyari? Bakit ako tinatalo ng mga iyon? 

“A-Ah, Sir!” Bagi pa man siya tuluyang makaalis, humarang ako sa daraanan niya.

Naalala kong wala na akong uuwiang bahay. Pinalayas sa inuupahan kong apartment dahil hindi ako nakakabayad. Tapos kakatanggal lang sa akin sa trabaho ko. Nag-aaral pa ako at kailangan ko ng mapagkukunan kahit man lang pambaon o panggastos sa miscellaneous ko sa school. Siguradong mayaman siya dahil sa istilo at pananamit niya.

Magbabaka sakali akong magagawa niya akong tulungan. I need to support myself. Lalo na at nag-iisa na lang ako sa buhay.

“S-Sir...” I uttered. 

Dumungaw siya sa bintana ng sasakyan niya. He looked at me coldly. “What?” Grumpy, he asked. 

I bit my lip. “P-Pwede ho bang makisabay?”

Sobra ang hiyang nararamdaman ko nang itanong iyon pero kung papairalin ko ang hiya, walang mangyayari sa akin. Baka pulutin ako sa kangkungan. 

Halos mapataas ang kilay niya. “Bakit ko gagawin? Do I even know you?” Masungit talagang tanong niya.

I gulped. “H-Hindi po. Pero—”

“So, why should I? Don't block my way, kid. Leave.”

Yanong sungit naman. Gusto ko sanang magtaas ng kilay kaya lang naalala kong ako ang may kailangan dito. Dapat mapagkumbaba.

Huminga ako nang malalim. “S-Sir, ang totoo po kasi ay wala akong mauuwian. G-Gabi na po at gustuhin ko mang maghanap ng apartment na tutuluyan ay hindi ko rin po magagawa.”

“Why?” Pasungit na tanong niya. 

“Wala na po akong pera.” Pag-amin ko, nahihiya. Wala ka bang puso, Sir? Gusto kong itanong kaya lang hindi akma sa sitwasyon.

“Is that my fault why you don't have money left, kid?” He retorted. “Ako rin wala ng pera, nagreklamo ba ako?” 

Sungit. Medyo napahiya ako. Humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko. Paano ba 'to? Ang sungit-sungit naman kasi niya.

Umiling ako. “H-Hindi naman, Sir. Pero kasi...” 

He scoffed. “Don't fool me, kid. Nag-aaral ka rito sa LPU na may halos 60 thousand tuition fee, tapos sasabihin mo wala ka ng pera?” Sarcastically, he questioned. 

I bit my lip. “H-Hindi naman ho kasi ako nagbabayad ng tuition diyan. Libre po. Kapalit niyon ay magiging Student Assistant ako.” I explained. 

Abot-abot na talaga ang hiya ko sa kaniya. Mukha pa naman siyang naiirita na dahil hindi pa rin ako umaalis sa harapan ng magara niyang sasakyan. 

Isa pa, hindi niya naman ako kilala pero kung makapag-demand ako rito, wagas na. Walang-wala na ako, e. Desperada na rin. Kung hindi niya ako tutulungan ngayon ay baka sa kalsada ako matulog. 

Nadinig ko ang hindi tagalog niyang pagsasalita, mukhang napapamura? Damn. 

“Mierda.” 

Naglakad ako papalapit sa bintana ng sasakyan niya. “S-Sir, kung hindi mo ako tutulungan ay baka matulog ako ngayong gabi sa kalsada.” Sabi ko. 

Malamig ang mga mata at salubong ang kilay niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. “E, ano naman?” Walang kwentang tanong niya.  

Wala na. Wala na talaga akong hiya sa katawan ko. Bahagya kong iniyuko ang aking ulo. “Pasensya na po, Sir. S-Salamat na lang ho.” Wika ko. 

Bagsak ang balikat, iniinda ang humahapding galos mula sa aking binti at kumakalam na ang sikmura, pinili kong talikuran ito at mag-umpisang humakbang paalis. 

Ganoon na lamang ang pagtalon ng puso ko nang marinig ang sasakyan nitong sumasabay sa aking paglalakad. Mabagal lang ang takbo niyon kaya napantayan niya ako. 

Tumigil ako sa paglalakad upang sana tingnan siya. Kaya lang, nilampasan na ako ng sasakyan niya. Lalong bumagsak ang balikat at mata ko. Wala na. Kalsada ako matutulog ngayong gabi. Kung sanang may kaibigan ako. Wala din. 

Halos mapakislot ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang pagbabalik ng sasakyan nitong paatras niyang iminaneho. Muling tumigil sa tapat ko!

“Get in.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status