Share

Kabanata 4

Kabanata 4

 “ARE you happy, love?” Josh asked me while driving.

“Yes, thank you for allowing me to go love.” I told him as I placed my head on his shoulders. Finally, I’m with him. I always feel this comfort whenever I’m with him, like my soul, my mind and my heart are all at peace.

“Matulog ka na muna at mag pahinga. Pag gising mo nasa restaurant na tayo.” He kissed my forehead habang nakatigil kami sa stoplight at dahan-dahan ko ng ipinikit ang mga mata ko. Napangiti ako dahil sa kasiyahang nararamdaman ng puso ko. Hindi ko na namalayan, nakatulog na pala ako.

 After I don’t know how many minutes, Josh woke me up at sinabi niyang nandito na kami.

“Love, I need you to put this blind fold on. 'Wag mo tong aalisin ha, may kukuha sa'yo dito,” Josh told me and I simply nodded because I’m still sleepy. Naramdaman kong umalis na siya at maya-maya ay may narinig akong taong papalapit. Nagising ang diwa ko noong bigla akong hinawakan. Hawak palang, alam ko na agad kung sino ito.

“Nicole. Is that you? Ano bang meron?” Hinawakan ko ang braso niya at tinanong siya. Sure ako si Nicole ‘to. Ano ba ‘to at may pa blind fold blind fold pa?

“Shhh. Wag ka magulo, ihuhulog kita dyan sige.” Marahang hinila ni Nicole ang buhok ko. Napaisip ako. Nung umalis ako sa resort, nandoon pa sila ha? Bakit ngayon, nandito na siya?

Ang dami kong naiisip ngunit hindi na ako nagtanong pa. We started walking at naramdaman kong para kaming umakyat sa hagdan dahil lumamig bigla ang simoy ng hangin. Nakarinig din ako ng tunog ng violin. Nasa isang restaurant na siguro kami.

"Nicole, ano ba ang meron dito?" naramdaman ko ang biglang pagkunot ng aking noo ng tanungin ko siya. Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng aking puso. Kinakabahan ako.

"Basta, 'wag kang mag alala, sigurado ako magugustuhan mo ito." aniya sa akin.

Nanunuot sa aking laman ang lamig ng simoy ng hangin na yumayakap sa aking katawan. Pakiramdam ko ay nakakadagdag pa ito sa kaba na bumabalot sa aking buong pagkatao. Sa totoo lang, hindi ako fan ng mga surpresa. Alam ko naman na ang lahat ng ito ay pakulo ni Josh kung kaya naman labis akong natutuwa.

Sa mahigit anim na taon naming pagsasama, madalang namin surpresahin ang isa't isa. Kung tutuusin ay bilang lamang sa daliri ang mga okasyon na ipinagdiwang namin ng may sorpresa. Hindi ko alam kung bakit pero parehas namin naiisip na gastos lamang ito. Napangiti ako sa mga bagay na naiisip ko.

"Magkano binayad sa'yo ni Josh para dito?" natatawang tanong ko kay Nicole.

"Gaga! Pero isa lang masasabi ko, masaya ako para sa'yo." Awtomatiko namang napangiti ang aking labi sa tugon niyang iyon. Alam niyo, sa totoo lang ay napakaswerte ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kanilang suporta at pagmamahal kung kaya naman nagpapasalamat talaga ako na biniyayaan ako ni Lord ng mga taong laging nandito para sa akin.

Nagulat ako ng napahinto kami bigla. "Nandito na ba tayo?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

Hinawakan niya ako sa aking dalawang kamay at nagulat ako ng naramdaman kong magkaharap kaming dalawa.

"Athena, bata pa lang tayo magkasama na tayong dalawa. Ayaw kong ispoil yung surpise pero gusto ko lang sabihin sa'yo na deserve mo lahat ng 'to. Okay?" aniya sa mahinang boses na siya namang nagpatahimik sa akin.

Ano ba 'tong surprise na 'to at bakit parang ang drama? Kahit nakablind fold ay tumingala ako dahil nararamdaman kong bubuhos na ang mga luha ko. Iyakin pa naman ako simula bata. Napatango rin naman ako bilang tugon sa mga sinabi ni Nicole. Pakiramdam ko kasi ay kapag nagsalita ako, kusa ng tutulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Alam ko, matagal mo na rin to gusto pero kahit ano pang maging sagot mo, tandaan mo na nakasuporta lang ako sa'yo ha. Bestfriends tayo for life!" Dali-dali kong niyakap si Nicole sa mga sinabi niyang iyon na nanuot sa aking buong pagkatao.

Bigla ko naman siyang hinampas. "Bakit? Mag aasawa na ba ako ha? Bakit sa tunog ng boses mo mukhang magpapakasal na ako," natatawang biro ko sa kanya. Porket ba may surprise, magpapakasal na agad? 

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla kong maalala kung ano ang meron sa araw na 'to. Oh shoot! Hindi ko namalayan pero nagulat ako, na sa kamay ko na ang blind fold at mababakas mo sa aking mukha ang labis na pagkagulat.

"Hala! August 8 ba ngayon?!", natatarantang tanong ko kay Nicole.

Bigla niya naman akong pinitik sa noo. "Oo, August 8 ngayon. Hoy! Yang blind fold mo ibalik mo at malalagot ako kay Josh!", saad ni Nicole sa napakatining na boses. Hindi na niya hinintay na ako ang kusang magsuot ng blindfold, inagaw niya ito at muling isinuot sa akin.

"Monthsarry pala namin ngayon ni Josh! Hindi ko naalala. Hindi ko man lang siya nabati kaninang umaga!" Napayapos ako sa aking mukha ng marealize ko na maghapon ko siyang hindi binati. Anim na taon na kami, ngayon ko lang nakalimutan!

Masiyado kasi akong preoccupied sa mga pangyayari maghapon kaya naman nawala sa isip ko. Teka, hindi rin ako binati ni Josh. Siguro nga ay ito ang surpresa na 'yon! 

"Kaya niya siguro ako isusurpise 'no! Kasi monthsarry namin ngayon? Ano ba yan, hindi na surprise," saad ko. 

Binatukan naman agad ako ni Nicole dahil sa sinabi ko. "Alam mo, 'wag mo ng hulaan kung bakit ka sinurprise. Halika na nga dun! Baka mamaya kung ano-ano pa maisip mo, imbis na may surprise wala na!" naiinis na tugon sa akin ni Nicole. Sungit talaga ng babaeng 'to kahit kailan. Natawa nalang ako.

Habang paakyat kami sa hagdan ay paulit ulit kong binabanggit na alam ko na ang surprise ni Josh sa pakantang tono. Sasabihin ko na lang sa kanya na nakalimutan ko dahil balak ko rin siyang isurprise.

Pagkalipas ng ilang minutong paglalakad, tumigil na kami. Naguluhan na naman ang isip ko. Ano bang pakulo ito?

“Ayan, we’re here. In the count of three, alisin mo na blindfold mo okay?” I nodded habang pinakikiramdaman ko ang paligid. Malamig ang simoy hangin lalo na naka off shoulder ako. Tila ba niyayakap ng hampas ng hangin ang buong pagkatao ko. Para tuloy akong kinilabutan, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko, naghalo na ang tuwa at kaba ngunit nagulat ako ng biglang nag iba ang tugtog ng violin. My favorite song! Runaway. Kung kaya naman bumilang ako ng tatlo.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

At inalis ko bigla ang blind fold sa mga mata ko. Kumurap pa ako ng limang beses bago umayos ang paningin ko.

"Love, sorry happy-"

Babatiin ko pa lang si Josh at magsosorry dahil nakalimutan ko na monthsarry namin ngayon ngunit nagulat ako dahil sa pag ayos ng paningin ko, siya ang una kong nakita.

Naramdaman ko ang biglaang pag init ng aking pisngi because Josh is there, in front of me! Kneeling! With a ring! My eyes opened widely. Napahawak ako sa bibig ko sa sobrang gulat. Pumikit pa ulit ako ng maraming beses dahil pakiramdam ko ay hindi ito totoo.

"Ouch!" pasigaw na saad ko dahil kinurot ko ang aking pisngi para mapatunayan na hindi ako nananaginip. At hindi nga!

I looked around and I see familiar faces, my closest friends are there. I looked again at Josh, still kneeling.

“Happy monthsarry, love! Hindi talaga kita binati kanina dahil gusto talaga kita isurprise. Alam ko nakalimutan mo pero ayos lang 'yon, parte naman ng plano ko na makalimutan mo rin at sakto umayon naman. I have waited for this to finally happen. I know kakahinga mo palang ng maluwag because of your closure with Daniel but I can’t wait. I can’t wait any longer. Isang araw nagising ako, nakita kita nakangiti. Epiphany. Narealize ko, ikaw na. Ikaw na talaga. Hindi na kita kayang mawala pa sakin. Everyday, I’m hoping and I’m praying you’ll be my wife soon. I can’t wait for us to build a family. For the past 6 years that we’ve been together you and I made the best memories. You made me the happiest and I can’t wait to give you the world. I love you so much, Athena. Will you marry me?” nagsimula ng mabasag ang boses niya at nakita ko ang tuloy-tuloy na pagtulo ng luha mula sa mga mata niya habang nakangit. I cried and immediately ran to him. Without hesitations, I hugged him.

“Yes! Yes! Why are you still asking me, I already told you hundred times I’ll marry you in a heartbeat!” I cried so much. We stood up and hugged each other tightly. He took my hand and placed the ring in my finger. I can’t believe this is happening right now!

Josh hugged me again and I looked up into the sky. I closed my eyes and thanked God because this is all I want. And this is all I have been praying for ever since.

Yung panaginip kong naudlot kaninang umaga dahil sa tawag ni Nicole, heto nandito na sa harap ko. Naging totoo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status