Share

Kabanata 10

Kabanata 10

Naiwan akong nakatayo at nakatanaw habang naglalakad si Josh palayo sa akin. Hindi ko namalayan may tumulo na pa lang luha sa mga mata ko na dali-dali ko namang pinunasan. Nang mawala na siya ng tuluyan sa paningin ko, huminga ako ng malalim. Oras na para umalis na rin ako.

Habang naglalakad ako palayo, tila ba parang binabalot ng kalungkutan ang buong pagkatao ko, bawat hakbang ay sobrang bigat sa dibdib. Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Josh habang naglalakad siya palayo sa akin? Hindi ko rin alam pero sana nga.

Hindi rin nagtagal nakarating na ako sa parking lot. Nanatili akong nakatayo sa gitna habang ang mga tao ay naglalakad sa paligid ko. Tumingala ako at pag tingin ko sa itaas, nag aabang sakin ang milyon milyong mga bituin na kumikislap at ang bilog na buwan na para bang sinasabihan ako na ayos lang ang lahat. Napangiti ako, tama. Magiging ayos lang ang lahat, kailangan ko lang maniw

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status