Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2024-05-06 08:30:29

“Are you feeling better now?” tanong ni Gab nang makapasok kami sa sasakyan niya.

I just finished bawling. Sinakitan lang ako lalo ng ulo dahil sa ginawa ko. Ang buong akala ko ay gagaan ang pakiramdam ko kapag nailabas kong lahat ng sakit kanina, pero mas lalo lang sumama ang pakiramdam ko.

Sinubukan kong ngumiti. “I think so.”

Inabot niya ang kamay ko at muli iyong pinisil. “It’s okay if you’re not. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo sa harap ko. Naiintindihan ko.”

Dahil sa sinabi niya ay bumagsak ang mukha ko at nawala ang ngiti sa mga labi ko. “This is the first time someone betrayed me like this. Kaibigan ko pa. And it hurts so damn much.” Muling may tumakas na luha mula sa mata ko na agad kong pinunasan. “Ilang taon kaming magkaibigan, Gab. Halos araw-araw kaming magkasama. Nandiyan kami palagi para sa isa’t isa. Hindi ko ma-imagine kung paano niya natiis na makasama ako sa mga taon na ‘yon nang may tinatago siyang galit sa puso niya.”

Napayuko na lang ako. Akala ko, naiyak ko na lahat kanina. Pero ito ako at lumuluha na naman. Wala yatang kapaguran ang mga mata ko ngayon.

“Hindi ko alam kung anong sasabihin sa ‘yo ngayon,” ani Gab. Napaangat ang tingin ko sa kaniya. “I never had a friend so close to me.”

Kumunot ang noo ko. “What about Lance? Akala ko ay magkaibigan kayo?”

“We are. Pero hindi kami gano’n kalapit sa isa’t isa. And he’s too talkative. Minsan, lumalabas na lang talaga sa kabilang tainga ko ang sinasabi niya.”

I laughed, maybe the most genuine I did today. “What about Iwatani?”

Napataas ang isang kilay niya. “You mean, your first love?”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. “He’s not my first love! Crush ko lang siya no’n.”

“Oh, really?”

“Wait!” Naningkit ang mga mata ko sa dereksyon niya. “Are you still jealous of him? Ni hindi ko na nga siya nakakausap dahil busy siya sa kapatid ko. He loves Carleigh!”

“I’ll forever be jealous of men you fell in love with, Chantria.”

Napangiti ako. “You jealous of yourself, then?”

Unti-unti siyang napangiti dahil sa sinabi ko pero hindi nagsalita. Umiling-iling lang siya at tumingin sa labas ng sasakyan niya pero hindi pa rin binuhay ang sasakyan.

“Thank you,” sabi ko.

Napatingin siya sa ‘kin. “For what?”

“For making me feel better.”

Hinalikan niya ang likod ng palad ko na hanggang ngayon ay hawak niya pa rin. “It’s my pleasure.” Matapos ‘yon ay hinalikan niya naman ako sa noo bago binuhay ang sasakyan niya at dumeretso sa restaurant kung saan una kaming nag-date noong high school pa kami.

Everything isn’t perfect right now. Marami pa rin akong kinahaharap na problema, at tiyak mas darami pa ‘yon sa mga susunod na araw. But who wants perfection? Certainly not me. I should be happy as long as may mga tao pa ring nagtitiwala at nagmamahal sa ‘kin.

Lorreine might not think of me as a friend anymore, pero alam ko sa sarili kong magiging kaibigan ko siya habang buhay. She was, after all, one of my best friends who had my back in school and at work.

And not to mention, I still have my precious people around me. Sa likod ng nangyari sa ‘min ni Lorreine, tinitiyak kong hindi pa rin ako mawawalan ng tiwala sa mga taong nakapaligid sa ‘kin. Because as I grew up, na-realize kong may mga tao talagang dadaan lang sa buhay ko para turuan ako ng leksyon. I just have to accept it.

I smiled. Seeing this place again after four years just makes me so damn happy. Hindi ako makapaniwalang ganito pa rin ang itsura niya matapos ang maraming taon. Four years lang ang dumaan, oo, pero in-e-expect kong kahit papaano ay magkakaroon ito ng pagbabago. Pero kahit saan ako tumingin ay bumabalik lang ang lahat ng alaala ko sa lugar na ‘to.

This is where our first date took place.

Mabilis akong tumakbo papunta sa railings at tinanaw ang napakagandang lugar. Huminga ako nang malalim at nilanghap ang malamig na simoy ng hangin.

Alam na alam talaga ni Gab kung kailan ako dapat dalhin sa lugar na ‘to. Hindi mainit, pero hindi rin masyadong malamig. Papalubog na rin ang araw at ilang minuto lang ang makikita na namin ‘yon sa parteng ‘to. Hindi kasi namin naabutan ang paglubog n’on noong unang beses kaming nagpunta rito.

“This place never ceases to amaze me,” sabi ko nang maramdaman kong tumayo siya sa tabi ko. “How did you even find this place? Mas maganda ‘tong lugar na ‘to kaysa do’n sa pinagdalhan ko sa ‘yo.”

“My mom used to bring me here. Kapag nag-t-tantrums ako, dito niya ako dinadala at hindi sa mga mall o kung saan-saan. This was our secret place.”

Napatingin ako sa gawi niya. “And you brought me here?”

He looked back. “I wanted to share this place with people I hold dear.”

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa sinabi niya. “Thank you.”

Tahimik lang kaming dalawa habang hinihintay ang paglubog ng araw. At halos mahigit ko ang hininga ko nang unti-unting bumaba ang araw at nilamon ng dilim ang liwanag. 

There was something magical about it. Dahil sa oras na dumilim ang paligid, muling nagliwanag ang tanawin dahil sa kumikisap na mga ilaw na nanggagaling sa mga gusali sa ibaba. Para iyong mga bituin na kumukuti-kutitap.

Hindi ko maiwasang hindi maging sentimental habang nakatayo roon. “I miss Louella.” Naramdaman ko ang pagtingin niya sa ‘kin. “Kung meron mang pinakanaapektuhan sa nangyari, si Louella ‘yon. They were best friends, you know,” I said, pertaining to Lorreine.

“That’s why she left, I guess. Hindi pa siya handang harapin ang lahat.”

Dahan-dahan akong tumango. “You’re right. Kaya kahit na gusto ko siyang makita, hindi ko magawa. I want to give her time.”

Everything was too much for all of us. Apat na taon din kaming walang contact ni Louella noong mga panahong busy ako sa paghihiganti ko. We drifted apart. Si Lorreine ang palagi kong kasama noon kaya ang hirap para sa ‘kin na tanggapin ang nangyari. I guess binibigyan din nila ako ng oras para i-sort out ang sarili ko.

Miski sina Chanel at Carleigh ay kinailangang magpalamig matapos ang nangyari. Mahirap mag-adjust lalo pa at apat na taon din ang lumipas. Nag-uusap pa rin kami sa phone at ganoon pa rin ang closeness namin, pero alam ko sa sarili kong may ilangan na rin dahil sa nangyari, especially Chanel.

I can’t control anything. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa hinaharap. Pero naniniwala akong babalik din ang lahat sa dati. We just all need time. And I just hope hindi pa huli ang lahat para maibalik sa dati ang relasyon namin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Eternal Retribution (Revenge of an Heiress Sequel)   Chapter 17

    Muli akong nagpasalamat sa mga kambal ko bago sila umalis.“Bumabawi lang kami sa ‘yo,” sabi ni Chanel. “Alam naman naming ang tagal naming hindi nagpakita sa ‘yo kaya hayaan mo na kami.”“Kami na rin pala ang bahala sa pagkausap bukas sa magiging venue natin tutal nakapili ka naman na kung sino ang maggagayak ng place,” sabi ni Carleigh. Muli akong nagpasalamat sa kanila at niyakap sila pareho nang mahigpit.“Sige na,” ani Chanel. “Mauna na kami at ayaw naman naming magtagal dito. Baka maabutan pa namin ang future husband mo.”Natawa na lang ako at kumaway na sa kanila. Pinapasok ko muna si Lance sa loob para makainom muna ng kape. Buong araw din kasi namin siyang kasama kaya tiyak na napagod rin siya.“Pauwi na raw si boss,” ani Lance. “Sige. Magluluto na ako ng dinner.”“Ako na ang bahala sa dinner. Magpahinga ka na lang sa sala.”Tiningnan ko naman siya nang deretso. “You cook?”Napangisi siya. “I can practically do anything.” Medyo matigas pa siyang mag-english pero nakakatuwang

  • Eternal Retribution (Revenge of an Heiress Sequel)   Chapter 16

    Nang ma-discharge ako, napagdesisyunan naming doon muna ako sa apartment niya tutuloy. He wanted to hire help but I rejected his offer. Hindi naman ako baldado. Isa pa, masyadong risky ang mag-hire ng isang tao na hindi ko naman gaanong kakilala.I can ask Lance for help lalo na kung may kailangan akong buhating mabigat. I’m sure he wouldn’t mind. At hindi rin naman ako madalas magbuhat ng mabibigat kaya hindi ko rin kailanganin masyado ng tulong niya.Habang papunta kami sa parking lot, napatingin agad ako kay Iwatani na palapit sa ‘min ni Gab. I automatically smiled at agad siyang binati.“I heard what happened,” panimula niya. “Nag-alala ako kaya pinuntahan agad kita. But I see you’re in good hands.” Napatingin siya kay Gab at bahagyang tumango.“Mauna na ako sa loob ng sasakyan,” ani Gab. He kissed my lips before walking away. Nang makapasok siya sa loob ng sasakyan ay saka ko lang hinarap si Iwatani.“I am. Thank you sa pag-alala. But I’m fine.”Napatingin siya sa kamay kong naka

  • Eternal Retribution (Revenge of an Heiress Sequel)   Chapter 15

    Dumaan ang araw ko na nasa loob lang ako ng office. Tinapos ko ang lahat ng dapat tapusin sa araw na ‘yon dahil may kliyente akong kailangang i-meet bukas ng umaga. Napagdesisyunan naming sa isang mamahaling restaurant magkita upang pag-usapan ang next project namin. Pumayag na rin ako dahil masyadong stuffy sa office. Kailangan ko ng ibang malalanghap na hangin.Napahawak ako sa gilid ng lamesa ko nang pagtayo ko ay biglang umikot ang paningin ko. Nang tingnan ko ang orasan ko ay halos alas otso na naman ng gabi. Hindi pa ako nakakapag-dinner.Nagsimula akong maglakad palapit sa pinto ngunit hindi tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Nang mahawakan ko ang doorknob ay sinubukan ko ‘yong buksan, ngunit biglang bumigay ang tuhod ko at dumilim ang paningin ko.*Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Noong una ay madilim ang paligid, at nang mag-adjust ‘yon ay saka ko napagtantong nasa hospital ako. Tanging lampshade lang ang ilaw na mayroon sa loob ng silid, ngunit sapat lang para maki

  • Eternal Retribution (Revenge of an Heiress Sequel)   Chapter 14

    Matapos kong pirmahan ang kontrata, doon lang ako nakaramdam ng ginhawa sa dibdib. Parang may nagtanggal ng bato sa dibdib ko na pumipigil sa ‘kin makahinga nang maayos.I trust Rainier and his security. Kung may dapat man akong ipagmalaki, ‘yon ay ang pagpapahalaga niya sa mga kasunduang pinipirmahan niya. After all, he’s a businessman. Sa oras na hindi niya magampanan ang end niya, alam niyang malaki rin ang mawawala sa kaniya. He badly wants Iwatani in his team, so I guess mas malaki ang gain niya sa oras na mapasakaniya na si Iwatani.And if Iwatani is ready to sacrifice himself, I should be ready as well. They are both on the same field. Siya na rin ang nagsabi na kilala niya si Rainier pagdating sa ganito. He’s the best on their field. Wala naman akong dahilan para hindi siya paniwalaan.For starter, mayroong mga tauhan si Rainier na nakaatas sa building ko. Hindi ko alam kung ilan sila, pero upang ma-distinguish ko sila mula sa kalaban, they’ll be wearing this gold pin on their

  • Eternal Retribution (Revenge of an Heiress Sequel)   Chapter 13

    Sabay kaming napatingin ni Lance sa nagsalita. Nasa isang dulo siya habang nakatanaw sa labas ng glass wall. May hawak din siyang kopita na naglalaman ng wine. Ni hindi niya kami tinapunan ng tingin. Tanging si Iwatani lang ang nakikita niya dahil hindi maalis ang tingin niya rito.Yumuko lang ang guard na naghatid sa ‘min bago umalis. Naiwan naman kami roon na nakatayo lang at hinihintay na paupuin kami.Isang malaking tao si Rainier. He’s older than us pero hindi nalalayo ang edad niya sa ‘min despite being a billionaire. He’s the youngest billionaire in our country, after all. Kung hindi ako nagkakamali, he’s even the youngest billionaire around the world.Halos six foot din ang height niya ngayong nakita ko siya sa personal. Mas matangkad siya kina Gab, Iwatani o kahit kay Lance na halos six footer na rin. He’s also muscular na para bang palagi siyang nasa gym.Malinis din ang mukha niya at walang bigote at balbas kaya mas nagmukha siyang mas bata. Honestly, he’s really hot. Para

  • Eternal Retribution (Revenge of an Heiress Sequel)   Chapter 12

    Napabuntonghininga ako habang nakatitig sa harap ng laptop ko. Kahit anong focus ang gawin ko, nawawala lang din ako sa sarili dahil sa mga nangyayari. There’s this constant fear, frustration, and worry lingering around me.Hindi ko maiwasang hindi mag-alala para kay Iwatani dahil sa naging desisyon niya. At hindi ko rin maiwasang hindi mag-alala sa mga mahal ko sa buhay na madadamay dahil dito. Ang masaklap pa, ang layo nila sa ‘kin para maprotektahan ko.Carleigh and Chanel are out there on who knows where. Alam kong kaya nilang protektahan ang mga sarili nila, but this is different. Napahawak na lang ako sa sentido ko nang kumirot ‘yon. I barely had any sleep last night dahil din sa pag-aalala. Miski ang pagkain ko, hindi na rin maayos. I’m trying, but the stress is getting into me. I just want to take a break for a while.Napaangat ang tingin ko sa pinto nang magbukas ‘yon. Pumasok si Gab na may ngisi sa mga labi bago ako nilapitan. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang itsura k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status