LOGINWhen Eliana Cruz loses her parents, she loses everything that once made her life safe—her home, her future, and the relatives who once swore they would never abandon her. Buried beneath crushing debts and betrayal, Eliana has only one place left to go: the house of Gabriel Alvarez, the powerful billionaire CEO of Regal Crown International Resorts & Hotels. Fifteen years older and dangerously untouchable, Gabriel is the son of her mother’s best friend—and the man Eliana has loved since she was young. But Gabriel refuses to see her as anything more than a responsibility. A promise he must keep. A girl he must protect. To him, Eliana is off-limits in every way that matters. Except Eliana is no longer a girl. And living under the same roof with the man she has always wanted becomes its own kind of torture—one filled with stolen glances, forbidden touches, and sleepless nights where temptation whispers louder than reason. As Eliana grows bolder, Gabriel’s iron control begins to crack, pulling them into a dangerous passion that could destroy them both. But just as their secret desire begins to turn into something deeper, Gabriel’s ex-fiancée, Aria, returns with one goal: reclaim him at any cost. Armed with lies, scandal, and stolen intimate photos, Aria threatens to ruin Eliana’s reputation and shatter Gabriel’s empire. Worse, Gabriel’s ruthless corporate rival, Nikolai Rivera, sets his sights on Eliana—determined to possess her and use her as the perfect weapon against Gabriel. Caught between lust and power, love and betrayal, Eliana and Gabriel must fight not only for their forbidden relationship… but for their lives. And when the greatest twist of all is revealed, Gabriel must finally choose: protect his empire—or claim the woman he was never supposed to love.
View MoreELIANA
"Time of death... 9:17 PM." Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ng doktor habang malungkot na nakatingin kina Mama at Papa. "We did everything we could, pero pareho pong maraming dugo ang nawala sa kanila. We're so sorry for your loss." Sabay tapik nito sa balikat ko bilang pakikiramay. Unti-unti kong nilapitan sina Mama at Papa habang tinatanggalan na sila pareho ng life support at oxygen mask ng mga nurse. Kahapon lang ay nagpa-plano pa kami para sa birthday ko at wedding anniversary nila for next month, tapos ngayon, burol at libing na pala nila ang aasikasuhin ko. "Ma... Pa..." nanghihinang tawag ko sa kanila habang hawak ko pareho ang mga kamay nila. "Bakit n'yo ako iniwan agad? Paano na ako ngayon? Hindi ko 'to kaya." Napaluhod na lang ako habang nag-uunahang lumabas ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Wala na akong pakialam kung ano bang itsura ko o kung gaano na kalakas ang iyak ko dito sa gitna ng emergency room ng hospital. Hindi ko inakala na sa isang iglap lang dahil sa isang aksidente ay magiging ulila ako. Last month lang, nag-celebrate pa kami dahil naka-graduate na ako sa college. Ang sabi ko pa sa kanila na ako naman ang manlilibre sa kanila, ako naman ang magbibigay ng pera pag nakahanap na ako ng trabaho. Pero hindi ko na pala magagawa 'yon dahil wala na sila. Hindi ko na namalayan pa ang mga nangyari, basta't ang alam ko ay si Uncle na ang nag-asikaso ng papers para mailabas sila sa hospital at sa burol. "Condolences, Hija," may pag-alala at awang sabi sa'kin ng isa sa mga kaibigan nila. "Mabubuting mga tao ang mga magulang mo, kaya't kung nasaan man sila ngayon ay sigurado akong okay sila." Dagdag pa nito bago tuluyang umalis. I smiled bitterly habang naiiyak na naman na nakatingin sa dalawang malaking picture frame sa ibabaw ng kabaong ng mga magulang ko. Pang-apat na araw ng nakaburol ang mga magulang ko and this will be their last night. Bukas ay ililibing na sila. Tuluyan ko na silang hindi na makikita. "Ano nang plano mo pagkatapos ng libing bukas?" tanong sa'kin ni Uncle Max, ang panganay na kapatid ni Mama. "H-hindi ko pa po alam," sagot ko rito. "Aba'y dapat lang maghanap ka na ng trabaho. Paano ka mabubuhay ngayong ulila ka na?" sabat naman ng asawa nito. "Maghahanap po agad ako ng trabaho," sagot ko na lang dito, dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan. "Good! Nang mabayaran mo ang Uncle Max mo sa lahat ng ginastos niya dito para sa mga magulang mo," hirit pa nito bago kami talikuran. "Huwag mo nang intindihin ang Auntie mo at iyong mga ginastos. Dito man lang ay makabawi ako sa Mama mo." Ramdam ko ang sakit at lungkot sa boses ni Uncle. Kahit na hindi sila laging magkasundo ni Mama, magkapatid pa rin sila at alam kong mahal na mahal din niya si Mama. "Eliana, may naghahanap sa'yo." Bigla namang lumitaw sa kung saan ang pinsan kong si Sheila, kasama ang isang lalaking hindi ko naman kilala. “Good afternoon, Miss Eliana Cruz. I’m Jaime Ramirez, account officer of MASA Finance and Solutions.” Bahagya siyang tumigil at sumilip sa likod ko bago muling bumalik ang tingin sa'kin. “I know this is bad timing, but I’m here regarding your parents’ overdue loan.” Sabay abot niya ng isang folder na may lamang mga dokumentong hindi ko naman maintindihan. “Our company notified them six months ago, but the account remained unsettled. Due to missed payments and accumulated interest, the total balance is now five point eight million pesos.” Parang biglang nanikip ang dibdib ko sa mga narinig. Paanong nagkaroon ng ganung kalaking utang sina Mama at Papa? Saan ako kukuha ng ganung halaga para mabayaran 'yon? “And since both of them have passed…” sandali siyang huminto at diretsong tumingin sa mga mata ko, “…we have no choice but to proceed with asset repossession.” Bahagya niyang itinuro ang paligid. “The property listed as collateral… is this house.” Ilang minuto nang nakalipas mula nang umalis si Mr. Ramirez pero nakatulala pa rin ako sa mga dokumentong hawak ko. "Bakit napakalaki ng utang ng mga magulang mo?" galit na tanong sa'kin ni Tita Lenny. "Akala ko ba sa'tin na mapupunta ang bahay na'to dahil wala na sila?! Hindi naman pala ganun ang mangyayari!" bulyaw nito kay Uncle Max na dahilan ng lalong pagsikip ng dibdib ko. All this time, ang akala ko ay kahit papaano may pakialam sila sa'min, sa'kin. Pero gusto lang pala nilang makuha ang bahay namin. "Uncle?" may hinanakit na tawag ko sa taong akala ko'y kakampi ko pero hindi naman pala. "Marami na kaming problema, Eliana. Huwag ka nang dumagdag pa. Pagkatapos ng libing, mag-isip ka na kung saan ka pwedeng tumira. Pero hindi pwede sa bahay namin." Galit pa rin na sabi sa'kin ni Tita. Ni hindi pa man ako humihingi ng tulong, tinanggihan na agad ako ng mga taong dapat sana'y gagabay sa'kin. Natapos nang tahimik ang libing ng mga magulang ko at pagdating ko sa bahay ay nakaimpake na ang lahat ng mga gamit ko. "Tita, baka pwede pong..." "Hindi ka pwede sa'min." Putol nito sa dapat sanang sasabihin ko. Ngayon, wala akong ibang dala kundi ang isang maleta at ang dalawang picture frame nila Mama at Papa sa labas ng bahay namin. Natawagan ko na yata lahat ng mga kaibigan at kamag-anak namin pero ni isa, walang gustong tumanggap sa'kin. Hanggang sa isang tao na lang ang pwede kong lapitan. "K-kuya," pigil na iyak kong tawag dito. "Where are you?" Ilang sandali lang ay may humintong mamahaling sasakyan sa harap ko at bumaba siya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. May bakas ng galit at pag-aalala sa mga mata niya. "Kuya Gab—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tuluyan siyang lumapit at niyakap ako. Doon na ako napaiyak nang tuluyan. "You should've told me sooner." Hinawakan niya ang kamay ko. "You're coming with me."ELIANA"This is why you should've stayed away from me."Hindi ko alam kung bakit parang mas lalo akong nanghina sa boses niya.Pero bago pa man ako makapagsalita, muli niyang hinuli ang mga labi ko.Napapikit ako.Mas naging mapusok ang halik niya dahilan upang mahirapan akong huminga."Kuya..." halos pabulong kong tawag.Parang mas lalo siyang nawalan ng kontrol dahil sa boses ko. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa beywang ko, sapat para hilahin ako palapit.Kusang napakapit ang mga kamay ko sa batok niya.Napasinghap ako nang maramdaman 'kong unti-unti na ding gumagapang ang kamay niya sa katawan ko.Pero hindi nagtagal ay biglang umikot ang paligid. Parang nawalan ako ng lakas."E-Eliana?"Iyon ang huli kong narinig.Hindi na malamig ang boses niya. Hindi na rin galit, kundi nag-aalala.Pagkatapos noon, hindi ko alam kung bakit tuluyang nagdilim ang paligid.----------Malamig ang unang naramdaman ko, kasabay noon ay ang malambot na kama ko.Hindi ko alam kung gising ba ako
ELIANA Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang mangyari iyon sa amin ni Kuya Gab sa hallway. At ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita matapos noon. Ang sabi ni Yaya Magda ay lagi daw siyang maagang umaalis papunta sa trabaho at kapag nandito siya sa bahay ay nagkukulong lang siya sa kwarto niya. Iniiwasan niya ako. Pero tulad ng sinabi ko, hindi ako titigil. "Maglalakad lang po ako saglit," sabi ko kay Yaya Magda. Nginitian ako nito at nagpatuloy sa gawaing bahay. Paglabas ko ng bahay, agad kong naramdaman ang hangin sa mukha ko. Pakiramdam ko ay ang tagal kong nakakulong. Naglakad-lakad ako sa garden at sa may pool banda. Gusto ko sanang maligo sa pool pero naalala kong hindi pala ako marunong lumangoy. "It seems that you're lost." Napahinto ako nang may marinig na hindi pamilyar na boses. Paglingon ko, may lalaking nakatayo ilang hakbang lang ang layo sa akin. Matangkad. Maayos ang suot. At halatang sanay sa atensyon. "You don't look like you belong
ELIANA Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa sarili ko sa harap ng salamin suot ang isang simpleng sleeveless top at maiksing shorts pantulog. Maganda naman ako. May hubog rin naman ang katawan ko. "Hindi na ako bata," mahinang sabi ko sa sarili. "At papatunayan ko 'yan sa'yo, Kuya." Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko dahil, tulad ng sinabi ni Kuya Gab, dito lang dapat ako sa bahay. Kaya wala akong ibang ginawa kundi ang mag-mukmok at magsagawa ng mga plano. Kung iiwas siya sa akin... ako ang lalapit sa kanya. Ilang sandali pa ay narinig ko si Yaya Magda sa labas ng kwarto. Sinabihan niya ako na maghahapunan na kaya sumunod din agad ako rito. Nakita ko si Kuya Gabriel na kumakain mag-isa sa dining area. Pero muntikan na siyang mabilaukan nang makita ang ayos ko. "What are you wearing?" matalim na tanong niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti nang bahagya dahil sa reaksyon niya. Kitang-kita ko kung paano niya ako titigan at kung paano mag-igtin
ELIANA Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Hindi ko agad naalala kung nasaan ako. Ang alam ko lang ay malambot at mabango ang kamang hinihigaan ko. Tahimik ang paligid at malamig din ang hangin galing sa aircon. Pero nang tumingin ako sa paligid at nakita ang mamahaling chandelier, bumalik sa akin ang lahat. Patay na sina Mama at Papa. Wala na ang bahay namin. Pinagtabuyan ako ng mga kamag-anak ko. At nasa bahay ako ni Kuya Gabriel. Parang gusto ko ulit maiyak dahil sa masakit na reyalidad na iyon, pero pinilit kong pigilan. Ayokong magsimula ng panibagong araw na mabigat ang dibdib ko. "Good morning," bulong ko sa dalawang picture frame nila Mama at Papa na nasa side table. Pagbangon ko, napansin ko ang isang paper bag sa baba ng kama. Nakadikit doon ang isang maliit na note. For your convenience. -G.A. Sa loob nito ay ilang gamot, vitamins, at basic essentials. Parang may nag-isip kung ano ang kakailanganin ko, kahit hindi ko naman sinabi. Pagtingin ko sa c


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.