Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2024-05-06 08:35:34

Nasa harap ko pa rin ang sasakyang nag-cut sa ‘kin kanina. Napakabagal ng takbo niya kaya sinubukan kong mag-overtake. Pero napakunot ang noo ko nang bigla niyang hinarang ang sasakyan sa harap ko. I thought it was a coincidence, pero matapos ang ilang saglit, napansin kong sinasadya na niya.

I honked again three times. “Ano bang problema nito?” bulong ko sa sarili.

Dahil sa init ng ulo at sa gutom na rin, pinaharurot ko ang sasakyan para makapag-overtake. Hindi na niya nagawang harangan ang harap ko nang tumapat ang bumper ko sa likod ng kotse niya. Kung pipilitin niya ay tiyak magkakabanggaan na kami.

Nang magkatapat ang sasakyan namin ay napatingin pa ako sa bandang driver’s seat kahit na tinted naman ‘yon. Nakita ko na lang ang sarili kong nakikipag-unahan sa kaniya. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko nang gitgitin niya ang sasakyan ko. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang tawagan ulit si Gab. 

He answered immediately. “Are you home, love?”

“Can you track my phone? Someone’s trying to mess with me. Ayaw niya talaga akong tigilan.”

“Anong nangyayari?”

“Ginigitgit na ako ng sasakyang nag-cut sa ‘kin kanina. He was going slow kaya nag-overtake ako. Pero ito siya ngayon, sinasabayan ko at halos gitgitin na ako. Nasa highway na kami.”

“Listen to me, okay?” Narinig ko ang pagbuhay ng makina sa kabilang linya. “I’m on my way. Stop the car as soon as you can.”

Naghanap agad ako ng lugar kung saan pwedeng huminto pero wala akong nakikita. Hindi naman ako pwedeng huminto basta-basta dahil nasa highway ako. At isa pa, nasa kaliwang bahagi ako ng daan at nahaharangan ako ng sasakyan sa bandang kanan.

“Malayo-layo pa ako sa pwedeng paghintuan,” sabi ko.

“Then, slow down. Go to the slow lane.”

“I can’t. Ginigitgit niya ako sa fast lane. Wala akong choice!”

Narinig ko ang pagmumura niya kasabay ng pagharurot ng sasakyan. Napapamura na lang din ako nang mahina dahil isang maling galaw lang ay magtatama na ang mga sasakyan namin. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Muling napamura nang malakas si Gab. “Traffic pa. Bwisit!” Sunod-sunod niyang pinindot ang kaniyang busina.

“I need to call someone,” aniya.

I panicked. “You’re going to end the call?”

“No. It’s a conference call.”

Hindi nagtagal ay may ibang nagsalita sa kabilang linya. “Na-miss mo ba ako agad? Kagagaling ko lang sa office mo, ah?” Kumunot ang noo ko nang mapansing pamilyar ang boses ng lalaki.

“Tigilan mo ‘ko, Lance. I’ll send you coordinates,” utos ni Gab. “Drop everything you’re doing and drive like your life depends on it.”

“May problema ba, boss?”

“They’re here.”

Hindi na sumagot si Lance at agad binaba ang tawag. Hindi ko naintindihan kung anong ibig niyang sabihin do’n pero ayon sa tono ng boses ni Gab, hindi ‘yon maganda.

“Anong nangyayari?” tanong ko.

Ilang sandali pa bago siya nakasagot. “I’ll explain everything later. Magulo pa ang utak ko ngayon. Just… stay focused. Huwag mong ibababa ang tawag. Just talk. I need to know you’re okay.”

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Tinatagan ko ang loob ko at tinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Two of the things I’ve learned for the past four years are how to drive a car smoothly and how to drive roughly. Sa oras na ‘to, kung ayaw kong magpagewang-gewang sa highway, I need to drive as smoothly as I can.

“Is someone after my life?” Hindi ko na rin napigilan pa ang mapatanong pero hindi niya sinagot. “Kailangan ko na sigurong mag-hire ulit ng bodyguard. I wonder if Iwatani’s up for it again.”

Akala ko ay aangal siya pero iba ang sinabi niya. “Kung pwede lang akong maging bodyguard mo 24/7, gagawin ko.”

“Why not? Mukhang exciting ‘yon.” Pilit pa akong tumawa.

Nagitla ako nang may sumingit na sasakyan sa harap namin. Mabuti na lang at hindi ko nagalaw ang manibela ko. Huminga ako nang malalim upang kumalma. Anything can happen now. I need to prepare myself.

Tumapat ang isang itim na sasakyan sa kotse na pilit akong ginigitgit bago binagalan ang pagpapaandar. Hindi na ako nagdalawang isip pa at muling pinaharurot ang sasakyan ko kaya mabilis akong nakaalis doon.

Tumingin pa ako sa rearview mirror kung saan tanaw ko kung paano harangan ng bagong dating na kotse ang kanina lang na gumigitgit sa ‘kin. Nang matanaw ko na kung saan ako liliko ay agad akong nagtungo roon. Nang hindi sumunod ang sasakyan sa ‘kin at dumeretso lang sa toll gate ay doon lang ako nakahinga nang maluwag.

“Hindi na niya ako sinusundan,” sabi ko.

Hindi sumagot si Gab kaya napatingin ako sa phone ko. Akala ko naputol ang tawag pero bukas pa rin naman ang phone ko at naririnig ko pa ang tunog ng mangilan-ngilang busina sa kabilang linya.

“Are you okay?” tanong ko.

“Of course not. May gustong manakit sa ‘yo, Chantria. Paano ako magiging okay?” He is mad, but he isn’t mad at me. Galit siya sa kung sino ang gustong manakit sa ‘kin. And I’m feeling just the same.

Sasabihin ko sana na baka prank lang ‘yon o ano, pero naalala ko ang sinabi niya kanina. “Who’s here exactly? May hindi ba ako nalalaman?”

“I’m on my way to your house,” aniya imbis na sagutin ang tanong ko.

Binaba na namin ang tawag nang makarating ako sa bahay. Sinigurado ko sa mga guwardiya na higpitan ang pagbabantay sa vicinity pero hindi ko muna sinabi kung ano ang nangyari. I don’t want to stir any confusion. Kailangan ko munang malaman kung ano ang nangyayari.

I took a mental note na mag-add ng security na maaaring mag-roam sa labas ng bahay lalo na tuwing gabi. I also need a personal bodyguard and a good driver. Mas maganda kung two in one na. Ayoko namang maraming taong nakapalibot sa ‘kin.

Sa sala ko piniling hintayin si Gab. Hindi pa ako nakakakain pero hindi ko ramdam ang gutom. Nandito pa rin ang adrenaline dahil sa nangyari kanina. Hindi pa rin ako makakalma nang tuluyan. The thought that someone wants to hurt me brought back a lot of memories. Paano kung mangyari na naman ‘yong dati? What if someone gets hurt because of me again? 

Lance could’ve gotten hurt a while ago trying to block that car for me. Paano kung siya ang mawalan ng kontrol? Hindi ko na mapapatawad ang sarili ko. I swore to myself that Joaquin would be the last. Ngayong may kakayahan na ako, hindi na ako papayag na may masaktan pa dahil sa ‘kin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Eternal Retribution (Revenge of an Heiress Sequel)   Chapter 17

    Muli akong nagpasalamat sa mga kambal ko bago sila umalis.“Bumabawi lang kami sa ‘yo,” sabi ni Chanel. “Alam naman naming ang tagal naming hindi nagpakita sa ‘yo kaya hayaan mo na kami.”“Kami na rin pala ang bahala sa pagkausap bukas sa magiging venue natin tutal nakapili ka naman na kung sino ang maggagayak ng place,” sabi ni Carleigh. Muli akong nagpasalamat sa kanila at niyakap sila pareho nang mahigpit.“Sige na,” ani Chanel. “Mauna na kami at ayaw naman naming magtagal dito. Baka maabutan pa namin ang future husband mo.”Natawa na lang ako at kumaway na sa kanila. Pinapasok ko muna si Lance sa loob para makainom muna ng kape. Buong araw din kasi namin siyang kasama kaya tiyak na napagod rin siya.“Pauwi na raw si boss,” ani Lance. “Sige. Magluluto na ako ng dinner.”“Ako na ang bahala sa dinner. Magpahinga ka na lang sa sala.”Tiningnan ko naman siya nang deretso. “You cook?”Napangisi siya. “I can practically do anything.” Medyo matigas pa siyang mag-english pero nakakatuwang

  • Eternal Retribution (Revenge of an Heiress Sequel)   Chapter 16

    Nang ma-discharge ako, napagdesisyunan naming doon muna ako sa apartment niya tutuloy. He wanted to hire help but I rejected his offer. Hindi naman ako baldado. Isa pa, masyadong risky ang mag-hire ng isang tao na hindi ko naman gaanong kakilala.I can ask Lance for help lalo na kung may kailangan akong buhating mabigat. I’m sure he wouldn’t mind. At hindi rin naman ako madalas magbuhat ng mabibigat kaya hindi ko rin kailanganin masyado ng tulong niya.Habang papunta kami sa parking lot, napatingin agad ako kay Iwatani na palapit sa ‘min ni Gab. I automatically smiled at agad siyang binati.“I heard what happened,” panimula niya. “Nag-alala ako kaya pinuntahan agad kita. But I see you’re in good hands.” Napatingin siya kay Gab at bahagyang tumango.“Mauna na ako sa loob ng sasakyan,” ani Gab. He kissed my lips before walking away. Nang makapasok siya sa loob ng sasakyan ay saka ko lang hinarap si Iwatani.“I am. Thank you sa pag-alala. But I’m fine.”Napatingin siya sa kamay kong naka

  • Eternal Retribution (Revenge of an Heiress Sequel)   Chapter 15

    Dumaan ang araw ko na nasa loob lang ako ng office. Tinapos ko ang lahat ng dapat tapusin sa araw na ‘yon dahil may kliyente akong kailangang i-meet bukas ng umaga. Napagdesisyunan naming sa isang mamahaling restaurant magkita upang pag-usapan ang next project namin. Pumayag na rin ako dahil masyadong stuffy sa office. Kailangan ko ng ibang malalanghap na hangin.Napahawak ako sa gilid ng lamesa ko nang pagtayo ko ay biglang umikot ang paningin ko. Nang tingnan ko ang orasan ko ay halos alas otso na naman ng gabi. Hindi pa ako nakakapag-dinner.Nagsimula akong maglakad palapit sa pinto ngunit hindi tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Nang mahawakan ko ang doorknob ay sinubukan ko ‘yong buksan, ngunit biglang bumigay ang tuhod ko at dumilim ang paningin ko.*Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Noong una ay madilim ang paligid, at nang mag-adjust ‘yon ay saka ko napagtantong nasa hospital ako. Tanging lampshade lang ang ilaw na mayroon sa loob ng silid, ngunit sapat lang para maki

  • Eternal Retribution (Revenge of an Heiress Sequel)   Chapter 14

    Matapos kong pirmahan ang kontrata, doon lang ako nakaramdam ng ginhawa sa dibdib. Parang may nagtanggal ng bato sa dibdib ko na pumipigil sa ‘kin makahinga nang maayos.I trust Rainier and his security. Kung may dapat man akong ipagmalaki, ‘yon ay ang pagpapahalaga niya sa mga kasunduang pinipirmahan niya. After all, he’s a businessman. Sa oras na hindi niya magampanan ang end niya, alam niyang malaki rin ang mawawala sa kaniya. He badly wants Iwatani in his team, so I guess mas malaki ang gain niya sa oras na mapasakaniya na si Iwatani.And if Iwatani is ready to sacrifice himself, I should be ready as well. They are both on the same field. Siya na rin ang nagsabi na kilala niya si Rainier pagdating sa ganito. He’s the best on their field. Wala naman akong dahilan para hindi siya paniwalaan.For starter, mayroong mga tauhan si Rainier na nakaatas sa building ko. Hindi ko alam kung ilan sila, pero upang ma-distinguish ko sila mula sa kalaban, they’ll be wearing this gold pin on their

  • Eternal Retribution (Revenge of an Heiress Sequel)   Chapter 13

    Sabay kaming napatingin ni Lance sa nagsalita. Nasa isang dulo siya habang nakatanaw sa labas ng glass wall. May hawak din siyang kopita na naglalaman ng wine. Ni hindi niya kami tinapunan ng tingin. Tanging si Iwatani lang ang nakikita niya dahil hindi maalis ang tingin niya rito.Yumuko lang ang guard na naghatid sa ‘min bago umalis. Naiwan naman kami roon na nakatayo lang at hinihintay na paupuin kami.Isang malaking tao si Rainier. He’s older than us pero hindi nalalayo ang edad niya sa ‘min despite being a billionaire. He’s the youngest billionaire in our country, after all. Kung hindi ako nagkakamali, he’s even the youngest billionaire around the world.Halos six foot din ang height niya ngayong nakita ko siya sa personal. Mas matangkad siya kina Gab, Iwatani o kahit kay Lance na halos six footer na rin. He’s also muscular na para bang palagi siyang nasa gym.Malinis din ang mukha niya at walang bigote at balbas kaya mas nagmukha siyang mas bata. Honestly, he’s really hot. Para

  • Eternal Retribution (Revenge of an Heiress Sequel)   Chapter 12

    Napabuntonghininga ako habang nakatitig sa harap ng laptop ko. Kahit anong focus ang gawin ko, nawawala lang din ako sa sarili dahil sa mga nangyayari. There’s this constant fear, frustration, and worry lingering around me.Hindi ko maiwasang hindi mag-alala para kay Iwatani dahil sa naging desisyon niya. At hindi ko rin maiwasang hindi mag-alala sa mga mahal ko sa buhay na madadamay dahil dito. Ang masaklap pa, ang layo nila sa ‘kin para maprotektahan ko.Carleigh and Chanel are out there on who knows where. Alam kong kaya nilang protektahan ang mga sarili nila, but this is different. Napahawak na lang ako sa sentido ko nang kumirot ‘yon. I barely had any sleep last night dahil din sa pag-aalala. Miski ang pagkain ko, hindi na rin maayos. I’m trying, but the stress is getting into me. I just want to take a break for a while.Napaangat ang tingin ko sa pinto nang magbukas ‘yon. Pumasok si Gab na may ngisi sa mga labi bago ako nilapitan. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang itsura k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status