Mag-log inI am a headstrong woman. A black ship to my family. And a rebel to the society. Not until I met a stranger who blames me for something I am not even aware of and the next thing I knew, I became his prisoner.
view more"Hanggang kailan mo ba plano na maging pabigat!?" Parang hangin lamang na dumaan sa aking harapan ang mga katanungan ng aking Ina. I should be sad and devastated, I know in the pits of my stomach that I should feel sad pero hindi iyon ang naramdaman ko. Sa halip ay kasiyahan ang bumalot sa akin, kasiyahan na may kaakibat na pamamanhid.
Ilang beses na nga ba nila akong binagsakan ng mga masasakit na salita? Hindi ko na mabilang na sa tuwing sinasabi nila ang mga katagang iyon ng paulit-ulit ay wala na akong maramdaman. Isang malutong na sampal ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Napatingin ako sa aking Ina na nanggagalaiti ang mga mata habang nakatingin sa akin. "Am I not talking to you Sophia Alexandra Montenegro!?" Ibig kong mapa-bulanghit ng tawa dahil para ng mapuputol ang mga litid ni Mommy sa leeg habang galit na galit na nakatingin sa akin at dinuduro ako. I bit my lower lip harder noong dumilim pa lalo ang mga tingin nito. "What is happening here?" Napaupo ako ng tuwid noong pumailanlang ang isang malamig na boses. Kahit hindi ko nakikita ay hindi ako maaaring magkamali sa kung sino ang nagmamay-ari ng boses na ito. Tinignan ko si Mommy na tulala at parang gulat na gulat habang nakatingin sa akin. But I know na hindi ako ang tinitignan nito kung hindi ang tao na nasa likod ko. Ramdam ko ang pagbabago ng aura sa opisina ni Mommy. Ang kanina ay maaliwalas na atmosphere ay biglang dumilim at lumamig. Walang nagsalita isa man sa amin, kung kaya naman napalatak ang nagmamay-ari ng malamig na boses. Kakaibang kilabot ang naramdam ko sa aking buong katawan dahil lang sa simpleng pagpalatak nito. "What did you do this time, little rascal!?" Nanlamig ako at kusang kumuyom ang mga kamay ko dahil sa narinig kong itinawag nito sa akin. Little Rascal, iyan ang nakagawian nitong itawag sa akin kapag may nagagawa akong kasalanan. I hated it dahil pakiramdam ko ay para akong aso na walang halaga. Muli kong binalingan ng tingin si Mommy para palihim na magmakaawa dito na huwag na nitong sabihin kung anuman ang mga nagawa ko nitong nagdaang araw. Pero ngisi lang ang naging tugon nito sa akin bago tinignan at naglakad palapit kay Daddy. Lumubog ang puso ko sa ginawang iyon ni Mommy. "Well, this worthless of a daughter of yours have been in and out of the bar recently. And apparently last night, someone saw her making out in front of a hundreds of people." Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala na ang sarili kong Ina ay nagawa akong ilaglag sa kabila ng tahimik kong pagsusumamo. My lips quivered and my hands began to tremble uncontrollably. It's just a matter of time, I know it and I felt it. It was the same feeling I felt whenever my father's about to hurt me. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at tahimik na hinintay ang pagtama ng palad nito sa mukha ko. Pero ilang minuto na ang nakalipas ay walang sampal na dumating. Akala ko ay okay na kaya naman dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko pero isang matalim na tingin at malutong na sampal ang umalingawngaw sa buong silid. Isa-isang pumatak ang luha ko kasabay ng pamamanhid ng mukha ko dahil sa malakas na sampal na tumama dito. "YOU LITTLE SLUT!" Sigaw nito na puno ng pandidiri at panunuya bago ako muling nilapitan. "Stop it, Armando!" Maagap na pigil ng aking Ina sa halos magwala ko ng ama. Kaagad na pumiglas si Daddy sa pagkakahawak ni Mommy dahilan para makaramdam ako ng takot para sa sarili ko. Tinignan ako ni Mommy na puno na rin ng takot ang mga mata. "Get out and don't you ever come back!" Sigaw nito. "What are you waiting for!? Leave now!" Hindi ako kaagad nakakilos pero habang tumatagal at unti-unting nagsi-sink in sa akin ang mga sinabi ng Mommy at Daddy ko ay mabilis akong tumayo. Slut! That's who I am sa paningin ng mga magulang ko. Nagmamadali akong tumakbo palabas ng building na pagmamay-ari ng aking pamilya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, wala akong masyadong kaibigan, hindi rin ako pwedeng tumakbo sa iba naming kamag-anak dahil kagaya ng mga magulang ko ay tutol din ang mga iyon sa ginagawa ko. Ngayon ko napagtanto na sobra pala akong nakakaawa. No one wants me. Habang nakatayo ako sa ilalim ng tirik na araw ay isang mukha ang biglang pumasok sa isipan ko. Nakaramdam ako ng pag-asa ng dahil doon, kaya naman dali-dali kong pinara ang isang paparating na taxi na kaagad naman huminto sa tapat ko. "Sa Ayala Heights po." Ani ko sa driver nung nakapasok ako sa loob ng sasakyan nito. Ilang minuto munang tumingin sa akin ang driver bago ito nagsimulang magmaneho. Kumunot ang noo ko sa pagtatakha kung bakit tumagal ang pagtitig nito sa akin, pero kaagad ko rin itong nasagot nang magawi ang paningin ko sa salamin. Napapahiyang inayos ko ang magulo kong buhok at sunod kong pinahiran ang mga luha ko na unti-unti ng natutuyo. Hindi ko maiwasan ang mapabuntong hininga habang binabagtas namin ang daan papunta sa matandang balara, kung saan nakatayo ang isa sa malaking village sa Quezon city. Habang patuloy ako sa pagpapakawala ng buntong hininga ay nakikita ko ang madalas na pagtingin sa akin ng driver ng taxi na sinasakyan ko. "May problema po ba manong?" Tanong ko sa driver nong hindi na ako nakatiis. Ngumiti ang driver. "Okay ka lang ba iha?" Tanong nito ng hindi inaalis ang tingin sa kalsada. Napatanga ako dahil ito ang unang tao na nagtanong sa nararamdaman ko. Sa dami ng tao na nadaanan ko kanina habang palabas ako ng Montenegro Holdings ay walang sinuman ang naglakas ng loob na tanungin ako. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kasiyahan dahil sa simpleng pagtatanong lang nito. Ngumiti ako dito bago ko muling ibinaling ang tingin ko sa labas. "I will be fine." Hindi ko man nakikita ang reaksiyon nito pero alam ko na masaya ito sa narinig mula sa akin. Ilang minuto ang itinagal bago namin narating ang isang magarang bahay na nakatayo sa pinaka-centro ng village. "Thank you po!" Masiglang ani ko kasabay ng pag-abot ko dito ng isang one thousand bill. Tumango lang ito at lumisan na pagkababa ko. Nung ako nalang mag-isa ay nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga bago ako nagdadalawang-isip na naglakad papunta sa pintuan. Pag dating ko sa tapat ng nakasaradong pinto ay pinindot ko ang doorbell. Kaagad naman bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang isang bagay na nakapagpalaki sa mga mata ko. "What the hell!"VLAD POINT OF VIEW "Where are you taking me?" Tinignan ko si Sophia na nagtatakang nakatingin sa akin at sa daan na tinatahak namin. This is bad! Reagan will definitely kill me and Carina will hate me for taking Sophia into my custody. But what can I do? I am seeing her on her. I ignore Sophia's question and continue driving without a concrete destination. Sophia seems to understand that I am not into answering her question or hindi nalang nito pinilit na marinig ang kasagutan dahil bakas sa mukha nito ang kaligayahan na makakaalis na ito sa puder ng magkapatid. "Wala akong ideya kung saan mo ako dadalhin pero lubos akong nagpapasalamat dahil inilayo ko ako sa magkapatid na iyon." Ibinaling ko ang tingin ko dito bago ako bumalik sa pagtingin sa madilim na kalsada. "Hindi kita tinutulungan kaya huwag ka magpasalamat." Malamig na sagot ko. Gusto ko tignan kung ano ang magiging reaksiyon nito pero hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaibang takot. "Okay ka l
Vlad point of view Nagpakawala ako ng malalim na paghinga matapos akong iwan ni Reigan para bantayan si Sophia. Habang bagot na bagot ako sa kinauupuan ko ay hindi maiwasan na maglakbay ang isip ko sa kung ano na ang ginagawa ni Reigan at ni Carina. Muli akong napabuntong hininga. Hindi na bago sa akin na may nangyayari sa dalawa na iyon. Matatanda naman na ang mga ito at alam na ang tama at mali. "Aisht! This is no fun. Buti pa ang kaiban ko ay siguradong nag-eenjoy na yun!" Naiingit at may halong inis na ani ko. Naghikab ako at nagtangka ng umalis nung nakarinig ako ng kaluskus sa higaan. Tinignan ko ito at nakita ko na nakatitig na sa akin si Sophia. "Finally awake huh?" Sarkastikong tanong ko. Ilang segundo na nanatili ang titig nito sa akin bago ito magkakasunod na napakurap na para bang hindi makapaniwala sa nakikita. Ang hindi makapaniwala nitong titig ay napalitan ng galit kasabay ng luha. "Masaya na ba kayo?" tanong nito sa paraan na nakakakilabot dahil Puno n
REIGAN POINT OF VIEW Sabay kaming naglalakad ni Vlad papunta sa kinaroroonan ni Sophia. Katatapos lang namin mapanood ang huling sampong segundo ng buhay ni Benz at Andrian kaya naman naisipan kong bisitahin si Sophia para ibalita dito ang nangyari sa dalawa niyang kasama. Sigurado ako na gising na ito ngayon. "Man! That was the best ten seconds scene I have ever watched." Vlad can't hide his delight and neither did I. It was indeed the best ten seconds. Specially if it is about getting the justice you deserve. In my case, it is about my sister who became a victim of drugs and rape. "Are you satisfied?" Napaisip ako sa tanong ni Vlad. Am I satisfied? "No, I am not." Diretso kong sagot. "I am not gonna stop until I saw Sophia in her grave with my own eyes." Dugtong ko at saka ko padarag na binuksan ang pinto ng kwarto kung saan nakakulong si Sophia. Kung may mababakas sa mukha ko ay yun ay ang gulat, tuwa at galit. Parang isang setting sa p**n movies ang nakadisplay sa har
Sophia point of view Staying here, in this place with him is a torture. I wonder kung kailan niya tatapusin ang buhay ko, hindi ko kasi alam kung hanggang saan ko pa kakayanin ang pagpapahirap nito. Hindi ko alam kung anong oras akong nagising or kung nakatulog ba ako kasi pakiramdam ko ay hindi dumalaw ang antok sa akin. Nakatitig lang ako sa kisame habang inaalala ang buhay ko nang mga nakaraang taon. I realized that I am so blessed for having everything I want. "Kumusta na kaya sila Mommy at Daddy?" Hindi ko maiwasang isipin kung nag-aalala ba ang mga ito sa akin or tuluyan na nila akong kinalimutan. "Aww! You are worried about your parents? Nakaka-touch naman." Mabilis pa sa kidlat na pumaling ang ulo ko sa pinanggalingan ng boses. Hindi makapaniwala ang mata ko sa nakikita nito ngayon. The person whom I thought is dead is standing right in front of me. I opened my mouth to say something but I ended up closing it. I couldn't find my own voice. It feels like it's be












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.