"Eternity"
C H A P T E R T W OPor's POVDumating na din yung araw na pinakahinihintay ko, Graduted na ako. Natapos na yung graduation cermony, nakatingin lang ako sa paligid, nakakainggit kasi sila may mga kasama na nag pipicture ako wala. Sana andito nalang din parents ko at nakaramdam ako ng lungkot.
Hindi bale, dadalaw nalang ako sa sementeryo mamaya para maikwento kala mama at papa na graduted na ako. Tinanggal ko na yung graduation cap ko nung biglang lumapit saakin si Blake at inakbayan ako yung isa niyang kamay nakapeace sign, napangiti naman ako habang tinitignan ko siya. Doon ko lang narealize na pinicturan pala kami ni mama niya nung napansin ko yung flash sa camera.
"Isa pa, tingin sa camera, por" sabi saakin ng mama niya habang nakangiti.
Kaya tumingin naman ako sabay ngumiti si Blake naman ang higpit ng yakap saakin at nung natapos na yung picture mabilis din naman niya akong binitawan.
"Congratulations saatin por, graduate na tayo sana kahit graduate na tayo hindi maputol yung communication natin ah? Kapag malungkot ka tapos gusto mo ng makakausap wag kang mahiyang tawagan ako ah?" nag aalala niyang sabi sa akin.
"Landlord kita Blake kaya pwede kang pumunta ng apartment ko any time," At sabay naming tawa na realize siguro ni Blake na tama ako at ang awkward nung tawang nakita ko sa kanya.
Naputol yung tawanan namin nung nag salita siya ulit "Atsaka ito," at kapa niya sa bulsa niya sabay suot niya saakin ng rose gold na bracelet na may hearts.
"Hala? Mukhang mahal to ah? hindi ko matatanggap to" nahihiyang sabi ko.
"Hindi, tanggapin mo yan kundi magtatampo ako! Atsaka pasasalamat ko to kasi lagi ka anjan kapag may mga game ako. Tapos graduation gift ko na din yan sayo" ngiti niya.
"Ikaw talaga," at yakap ko sakanya dahil natouched ako. "Salamat," dagdag ko.
"Ikaw pa ba?" Nakayakap pa din kami sa isa't isa.
"Por , kakain kami sa labas baka gusto mong sumama?" invite saakin ng mama ni Blake.
"Hindi na po may pupuntahan pa po ako maraming salamat po sa offer" pag tanggi ko sa invitation niya.
"Sure ka?" Tanong saakin ni Blake.
"Oo naman ayos lang ako ano ka ba?" at ngiti ko sakanya.
At nag paalam na sila Blake saakin, may mga tao pa naman dito yung mga nag papapicture.
"Sana ako din" bulong ko at unti unti kong tinatanggal na yung graduation gown ko at sabit ko nito sa braso ko. Pag angat ko ng ulo ko.
Sa kalayuan may unti unting lumalapit saakin na lalaki kasabay nito nag sihawian ang mga tao sa paligid nag tataka kung sino ito. Dahil meron siyang malakas na karisma na hindi mapipigilan lingunin ng mga kababaihan napansin ko din naman na may hawak siyang bouquet at hindi niya maalis ang mga kulay tsokolate niyang mga mata sa akin. Hindi ko din kayang iiwas ang paningin ko sakanya dahil inaalala ko kung saan ko nakita ang mukha niyang sobrang pamilyar.
Naramdaman kong biglang bumagal ang oras at paligid ko. Sa wakas, naalala ko na kung sino siya. Siya yung lalaking may payong na nakita ko noon. Tulad ng nakita ko sa kanya, Siya ay mayroon pa ring magandang fashion sense at ito ay nakamamangha. Ang alam ko lang ngayon ay nakatayo siya sa harapan ko, habang nakatingin kami sa isa't-isa. Siya ay may magandang hulma ng mukha at may magandang na pangangatawan tulad ng isang Greek God. Masasabi mong gwapo siya ngunit may malungkot na ngiti.
"Para sayo" inabot niya sa akin ang mga bulaklak, at ngumiti, ngunit malungkot pa din ito. Gusto kong malaman kung ano ang nasa likod ng mga ngiting iyon.
Nanginginig ang baba ko, habang kinukuha ko ito, hindi ko ibinaling ang tingin ko sa kanya. Natatakot ako na baka mawala siya sa paningin ko.
"Salamat" hindi ko alam bakit merong parte saakin na hindi ko maintindihan bakit ganito pakiramdam ko.
"Congratulations, I'm so proud of you" sabi niya saakin at yakap niya kasabay ng tuloy tuloy na pagpatak ng mga luha ko.
Nanginginig pa rin ang labi ko, at unti unting inalis niya ang pagkakayakap sa akin. Pagkatapos ay pinunasan ang aking luha at hinaplos ang aking kulay kayumangging buhok.
"See you soon" binigyan niya ako ng isang mapait na ngiti saka dahan-dahang tinalikuran ako sabay lakad niya palayo. Hindi ko inalis ang tingin ko sakanya hanggang makalabas siya ng auditorium.
Parang ako na estatwa. Maraming tanong ngayon ang nag lalaro sa isipin ko Kaya na patakbo ako palabas ng auditorium at hanggang sa nilibot ko na ang buong campus hindi ko na siya na abutan.
Napatingin ako sa bulaklak na hawak ko, "Kilala niya ba ako? O yung mga magulang ko?" bulong ko sa mga bulaklak na konti nalang ang mga petals nasira nung tumakbo ako.
Nag flashback ulit yung imahe ng mukha niya sa utak ko dahil sa kirot na nararamdaman ko napahawak ako sa dibdib ko at na bitawan ko ang mga hawak kong bulaklak mula sa kanya.
Mas lalo pa to sumakit at sa sakit napaiyak ako ng sobra na parang ako na ang pinakamalungkot na tao sa balat ng lupa. Ano bang meron sakanya? Hindi ko man lang na tanong pangalan niya. Bakit ganto na naman nararamdaman ko ang sakit para akong tinutusok sa puso ng paulit ulit.
----
Nag sindi ako ng kandila sa tapat ng puntod nila mama at papa, at tinabi ang binili kong bulaklak.
"Ma? Pa? Graduate na po ako sa wakas, galing ko no? May medal din po ako, cum laude po ako" napaupo ako sa harap ng puntod nila "may lalaki pa lang dumating sa graduation ko kanina binigyan niya ako ng flowers, pero ang weird po kasi nung nakita ko siya at natitigan lumuha po ako, feeling ko po matagal ko na siyang kilala at ngayon lang po kami nag kita, wala naman akong na alala na meet na ganong mukha. Baka kilala niyo po siya? Matangkad, gwapo at may mga malulungkot na ngiti" at nag flashback ulit ang mukha niya sa utak ko.
"Sino kaya yung misteryosong lalaki na yun?" isang tanong na pumasok sa aking isipan.
"See you soon" mga huling salita niya so? Mag kikita ulit kami? Ano kayang pangalan niya? Mukhang kilala niya talaga ako eh~
"Mr. Flower" Bulong ko saka tumingin sa mga binigay niyang bulaklak at hindi mabura ang mga ngiti ko sa labi.
"Eternity"C H A P T E R T H R E EPor's POVTuwing gabi napapanaginipan ko pa din yung lalaking dumating sa araw ng graduation ko, at ito ay isang malaking palaisipan kung sino siya? At mula nang nagtapos ako, naghanap ako ng trabaho. May mga offers na saakin, pero hindi ko alam kung bakit hindi parin ako tumatanggap ng kahit isa sakanila.Nakapagpasa na rin ako ng mga requirements para sa iba't ibang mga kumpanya para sa mas maraming tiyansang magkaroon ng mas magandang trabaho. Si Blake naman ay kinukulit pa din ako tungkol sa hindi pag-alis ko ng trabaho sa fast-food chain. Sinabi ko sa kanya na hindi ko na magagawa ang trabahong iyon; May pangarap din ako para sa sarili ko.Biglang may
"Eternity"C H A P T E R F O U RPor's POVHabang nasa office ako at inaayos yung mga papers ni Mr. Zamora. Naalala ko na naman si Mr. Flower. Kaya napahinto ako sa ginagawa ko, napabuntong hininga din ako. Isang taon na din nakakalipas yun.Ang bilis ng mga araw talaga, maganda din naman lahat trato ng mga tao dito sa trabaho ko. Mas lalo na si Mr. Zamora. Pero wala pa din akong nagiging kaibigan hindi ako masyado magaling sa pakikipagkaibigan si Blake nga lang kaibigan ko diba?"See you soon"Nag flashback na naman yung mga sinabi saakin ni Mr. Flower, Soon daw eh? Taon na nga nakalipas eh."Ms. Montecillio" nagu
"Eternity"C H A P T E R FIV EPor's POV Hindi pa rin kami lahat umiimik, nakitingin pa din siya saakin. Nakita ko yung pag ngiti niya, yung mga mata niya may mga sinasabi at nung nakita ko siya ngumiti hindi ko alam bakit nanggigilid na naman nga luha ko. "Kilala mo ba siya por?" Tanong saakin ni Xander. "Oo" sabi ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero bigla ako nag lakad palapit sakanya. Parang may magnet na nakakabit sa amin, at nagkatitigan lang kami habang nakatingin sa kanya. Naluluha na naman ako. Bakit? Ano ang mali sa akin? Kahit ang kabog ng dibdib ko ay napakabilis, at ang alam ko ay nasa
"Eternity"C H A P T E R S I XPor's POV "Patungo na ang prinsepe, upang ika'y dalawin kamahalan" dahil sa kanyang tinuran mas lalo akong nasabik kaya'y agad akong lumabas ng aking silid at tumakbo. Bigla akong na pahinto dahil ako'y bumangga sakanya muntikan na rin akong mapaupo sa kongkreto ngunit nahawakan niya ang aking likod. At sabay nagkatagpo ang aming mga mata. Sa pag kakataong ito pakiramdam ko huminto ang ikot ng aking mundo habang nasa ganito ang aming posisyon, pakiramdam ko lahat ay nababalutan ng mahika. "Ika'y mabigat aking kamahalan" sam
"Eternity"C H A P T E R S E V E N Xander's POV Hindi pumasok ngayon si Por ng trabaho dahil masama ang kanyang pakiramdam, namimiss ko na siya kaya punta ako sa office niya para maramdaman ko man lang ang presence niya. Pag pasok ko sa office niya bumungad saakin ang amoy niyang na pakabango na parang fruity and carries a light touch of vanilla scent that clings to the air. Napapikit ako at napasingot sa hangin na kakaadik talaga amoy niya kung ihahalintulad sa isang amoy ng bulaklak katulad ng lilac. Natapos na ang trabaho ko at na pagdesisyunan kong dalawin siya bumili muna ako ng bulaklak para sakanya dahil naalala ko na birthday niya ngayon. Pag-punta ko ng apartment ni Por, hindi pa ako nakakaayat naririnig ko na ang mga us
"Eternity"C H A P T E R E I G H TPor's POV Hanggang ngayon barado pa din ang ilong ko sa sipon tapos may kasama pang pag ubo kapag tumatayo naman ako nahihilo pa din ako nahihirapan ako ibalance sarili ko kapag mag lalakad na need ko pa humawak sa pader sobrang sama talaga ng pakiramdam ko, pagkatapos ng birthday ko nakuha ko agad ko kaya nagamit ko pa ulit yung iba kong leave. Nung mga nakaraang araw 3 days straight na akong nilalagnat, grabe ang lagnat ko dahil nanginginig talaga ako hindi ako makabangon sa kama ko buti ngayon medyo okay na ako pero minsan bumabalik pa din lagnat ko nauubos na yung gamot ko hindi pa din humihinto to. Pag katapos ko paalisin ng apartment ko si Ezekiel bigla nalang nanghina katawan ko
"Eternity"C H A P T E R N I N EPor's POV Binigyan pa ulit ako ng isa pang araw para mag pahinga dahil baka mabinat daw ako. Hanggang ngayon iniisip ko pa kung si Ezekiel ba talaga ang pinagbukasan ko ng pinto nung araw na yun. Kasi hindi ako nag kakamali nakita ko si Sir Xander talaga yun. Calling blake... "Hello?" mabilis kong sagot. "Por! Kailangan ko ng tulong mo. ASAP TO!" na paiwas naman ako sa phone ko kasi pasigaw siyang kinausap ako. "Teka kumalma ka nga muna Blake, hinga munang malalim" katulad ng sabi ko narinig ko naman sa kabilang linya yung pag hinga niya.
"Eternity"C H A P T E R T E NPor's POVTahimik kaming bumalik ni Ezekiel sa venue. Bumalik kami sa aming kanya kanyang mga mesa. Ngayon ay abala siya sa pag aasikaso ng kanyang mga kasosyo sa negosyo, at hindi ko mapigilan ang sarili kong tumingin sa kanya. Sa tuwing mag tatama ang aming mga mata, napapaiwas ako ng tingin sakanya at para pakalmahin ang sarili ko, iniinom ko ang aking cocktail.Kapag naalala ko yung kanina hindi ko maiwasan kiligin at muli napalingon ako sa direksyon niya sabay pinipigilan ko ang sarili kong ngumiti.Bigla siyang umupo sa harap ko, at hinaharangan ang view ni Ezekiel at sinabing: "Stop staring" mapang assar niyang sabi."Huh?" sabi ko sakan