Share

3 Seconds

Author: AI Ragas
last update Last Updated: 2021-08-03 15:10:43

Ang Pumapatay

~*~*~*~

MUNTIK na akong mahulog sa kama sa kakapalit ko ng pwesto. Nahihirapan ako sa pagtulog lalo na’t buhay na buhay pa sa isipan ko ang sinabi ni Shintaro. Anong alam niya at parang kinakabahan ako sa bawat salita niya? Bakit parang ang laki ng tiwala niya sa akin at sinama niya pa ako sa paglalakbay niya? Ganito na ba talaga ako kaganda at naakit ko nalang siya ng basta-basta? Alam naman pala niyang dahil lang sa points kaya ko siya kinausap pero... Wala akong idea bakit! Nakakainis!

“Ate! Magpatulog ka nga ng mahimbing!” Reklamo ng kapatid ko sa akin.

“Heh! Matulog ka nga diyan ng mahimbing!” Ginugulo mo pa ako eh ang laki na nga ng problema ko sa utak!

Sinabi ni Shintaro sa akin na bago niya napagdesisyonang tulungan ako, pinuntahan muna niya ang hinaharap. Kaya may alam talaga siya! Lokong abnormal iyon, ‘di manlang nag-share sa akin kung anong nakita niya sa hinaharap! Aba, malay natin, baka mas matulungan niya ako. Pasilip lang naman sa future, men!

“ANO itong narinig ko kay Riri na hinahanap mo raw si Terrano? Nabagok ba ‘yang ulo mo? Close na kayo?”

Binalewala ko nalang ang mga tanong ni Letty at patuloy na nginunguya ang bubble gum na binili ko kanina sa canteen. Lunch break namin kaya pwede kaming magliwaliw. Hindi ko na nakausap si Shintaro ng matino. Sa t’wing nilalapitan at tinatawag ko siya ay lagi siyang umiiwas. Mukha na akong manliligaw na sawi sa pag-ibig. Hays. Ang weird niya talaga. Kung makaiwas siya, parang ang sama-sama ko.

“Letty, naniniwala ka ba sa time travel?” Biglaang tanong ko.

Uminom siya ng tubig saglit bago tumikhim. “Sa kakapanood ko ng mga movies at sa kababasa ko ng mga libro na connected diyan sa tinatanong mo, oo, naniniwala ako. May nabasa kasi akong quotes na kung ano ang maabot ng imaginations ng tao ay totoo.”

Napatango ako. Ah. Iyong kay Pablo Picasso na, “Everything you can imagine is real.” Tama nga naman. Kung ano ang maaabot ng imahinasyon ng tao ay totoo. Paano kapag ang imaginations ng tao ay hubad lahat? Maaari, pero yucks. Maganda sana kung masarap lahat.

“Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang nakaraan, ano iyon at bakit?” Nanliliit ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Iniisip niya sigurong nababaliw na naman ako. Parati naman.

“Iyong mga long tests. Tutal alam ko na naman ang mga answers, eh iyon ang ‘sasagot ko!” Proud na sabi niya.

“Cheater!”

Ngumisi lang siya. “Mana sa’yo...”

Napaubo ako. Alam ba niyang nandaya nga ako? Nandaya ako para sa points! Hindi lang pala mga salita ni Shintaro ang makakapagpakaba sa akin, maaari rin pala ang mga normal na taong nakapalibot sa akin. Napaparanoid na tuloy ako! Si Shintaro naman kasi ‘e.

“Ah, sige, Letty! Mauna na ako! Pakisabi nalang kina Riri at Jev!” Paalam ko sa kanya bago ako umalis.

Sinundan ko ang kung ano mang sinasabi ng utak ko. Kailangan kong makausap si Shintaro. Dahil kung hindi, maaaring mababaliw ako. Simula noong malaman ko kung ano talaga siya, parang siya ang pinakakumportableng tao na maaari kong makausap. Kasi kahit na ‘yong tatlo ang kausap ko, feeling ko ang weird ko na. Gah. Ako na ba ang totoong weirdest?

Pinuntahan ko ang kanyang lugar. Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang makita ko siya sa mismong puno kung saan kami nakapag-usap. Bakit tinatago na naman niya ang kanyang totoong kagwapuhan? Ang weird niyang tignan! Kagaya ng una kong paglapit sa kanya, may hawak rin siyang makapal na libro. Tumikhim ako bago tumabi sa inuupuan niya. Akala ko ‘di niya papansinin ang beauty ko nang magsalita siya. Naging malikot na naman ang daga sa dibdib ko kasi sobrang seryoso ng boses niya.

“Alam mo bang pinag-uusapan ka na ng ibang estudyante nang dahil sa akin..?”

Tumango ako at napapikit. “A-Alam ko.”

“Bakit nilalapitan mo parin ako?”

“Ano ngayon?” Malakas na singhal ko at marahas na tumingin sa kanya. “Sila ba ang nagpakain sa akin?!” Juice ko. Ni minsan ‘di nga sila nakapagsaing sa amin, ‘e. Sasapukin ko na sana siya sa pinoproblema niya nang bigla siyang tumawa ng bahagya at hinawakan ako sa kamay.

Hays, better. Nakahinga na ako ng maluwag nang marinig ko ang tawa niya. Akala ko ba ay ‘di niya na ako papansinin? Akala ko talaga, balik abno na naman siya. Iyong kahit kailan ‘di ko siya nakausap. Ah, buti nalang talaga at kinausap ko siya.

“Kung lalakbay ako kahit sa anong oras ‘o kahit saan, sasama ka ba?” tanong niya.

Napaawang ang bibig ko at agad ring nagkibit balikat. “..ewan. ..depende. ..siguro.” Pinanliitan ko siya ng mga mata. “Saan mo ba ako balak isama?” Sa kama? Syempre, joke lang!

“Saan mo ba gusto?” aniya.

Napaisip ako ng malalim. “Saan? Saan ka ba tutungo?”

Bumuntonghininga siya. “Past, present at future ang lalakbayan ko... Hindi lang basta lugar. Saan ‘o anong oras ang gusto mong mapuntahan?” Anong nakaraan ko ba ang gusto kong balikan? May gusto ba- Tama! May naisip na ako!

NAMISS ko ito! Time flies so fast nga talaga!

Agad ring bumaba ang gilid ng labi ko nang maalala kong ‘di ko na pala makikita sa hinaharap ang taong sinadya ko talaga sa panahong ito. Nagulat pa ako kanina nang sabihin ni Shintaro sa aking maaaring ako ang magdedesisyon sa pupuntahan namin sa pamamagitan lang ng pagbukas ng isipan niya sa akin at paghawak ko ng kanyang kamay. Hinayaan niya akong pumasok sa isipan niya at ito ang dahilan kaya napunta kami rito!

“Aura, bakit tayo nandito?” Nagtatakang tanong ni Shintaro nang iginala-gala ko ang aking mga mata.

“Hahanapin natin si Eliz!”

“Sinong Eliz?”

Umirap ako. Gravity ha! ‘Di niya kilala si Eliz ha, samantalang si Eliz ‘yong namatay kong kaibigan noon. Sabagay, kahit magkapitbahay na kami simula noon, ay sa kolehiyo lang kami nagka-schoolmate. Ewan ko ba saan siya noong high school.

“Iyong kaklase kong namatay. Gusto ko kasi siyang yakapin ngayon at iparamdam sa kanyang kahit konting panahon lang ang naging pagsasama namin, minahal ko na siya at tinuring na totoong kaibigan...”

“Anong nangyari sa kanya? Bakit ito ang napili mong oras para magkita ulit kayo?”

Ngumiti ako ng mapait. “Ang saya kasi niya ngayong araw. ‘Di namin inakalang maaaksidente siya sa kinagabihan ngayon. Nasagasaan siya ng isang motorsiklo. Ito ang huling araw na nakasama namin siya nang nakangiti pa.” Suminghot ako. Eliz, binalikan kita. Bakit ba kasi ang aga mong nawala sa amin? “Shintaro... Pwede ba akong mandaya ngayon? Kung maaari, maiiwasan ni Eliz ang aksidente...”

Umiling siya kaya may kumawalang isang butil sa luha ko. Bakit? Akala ko ba life changer siya? Bakit ‘di niya mapipigilan ang pagkamatay ni Eliz? Okay lang… Naiintindihan ko naman ‘e. Ang importante, si Eliz. Kinabig niya ako palapit sa kanya at marahang tinapik ang aking likod. Nakakainis! Akala ko ba mababago niya ang hinaharap? Ang bata-bata pa ni Eliz at ang dami niya pang pangarap! Aura, naiintindihan mo na iyan, ‘di ba? Hindi maaari. Buhay ng tao na ang nakasalalay.

“Aura, walang makakapigil sa kamatayan ng isang tao. Hindi kasi ito nagkataon lang. Hindi kasi siya pinapatay ninoman. Alam mo ba kung sino talaga ang pumapatay? Ang oras. Ang oras talaga ang totoong pumapatay. Iyon nalang talaga ang oras na nalalabi kay Eliz. Kahit sabihan mo siya ngayon na mag-ingat, umiwas sa aksidente at lumayo sa kahit anumang sasakyan.. Mamamatay at mamamatay talaga siya sa kahit na anong paraan. Kasi.. iyon na ang kanyang oras. Wala nang makakapigil nito. Kaya ang dapat nating gawin, kung may nawala man sa buhay natin ay ang tanggapin ito kahit masakit.” Tiningala ko siya. Ngumiti siya sa akin. “Kaya hahanapin natin si Eliz ngayon at sabihin mo sa kanya ang gusto mong sabihin sa kanya bago siya nawala sa inyo. Okay ba?”

Napahikbi na ako at tumango. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Every Second Count   40 Seconds

    Not Bad~*~*~*~HABANG pinagmamasdan ko sina Jev at Letty na naglalambingan, si Riri na nang-aasar sa akin habang naliligo sa pool at sina Mama at Papa na parang batang nagtatalo habang nag-iihaw, alam kong naging mabuti ang takbo ng plano na tinuloy nila para sa akin. Masaya ako kasi sa kabila ng lahat, ganito na kami. Sa lahat ng iyak, takot at saya ay magkakasama parin kami.Hindi na muna bumalik si Austin pero tumawag naman siya kanina. Sinabi niyang maganda ang pinagbabakasyonan niyang lugar. Though, hindi niya sinabi kung nasaan talaga siya. Naalala ko pa 'yon sa plano ko, mawawala siya at tutulungan ako ni Shintaro na mahanap siya upang magkalapit kami. Nakakatawa na nangyari nga iyon at sobrang kinabahan ako. Hindi ko na talaga uulitin ang ganun, nakakamatay pala sa kaba.Pero sa t'wing maaalala ko ang mga pangyayari

  • Every Second Count   39 Seconds

    Smitten~*~*~*~SINABI ko na kay Shintaro ang tungkol kay Drake. Nagulat siya pero wala na siyang magawa. Nakakapagdesisyon na ako na hindi na itutuloy ang plano. Ang tanging matutuloy ay ang pag-inom ko ng gamot upang makalimot.“Ayaw mo na ba talagang makilala ang isang weird na time-traveler na si Shintaro Terrano? Baka magsisi ka. Minsan mo na nga lang akong makikitang weird tapos hindi pa matutuloy? Tss. Pinapaalis mo pa ako. Akala ko ba si David lang ang kakalimutan mo?” Nakasimangot na tanong niya.Napailing ako at bahagyang napangiti. “Magpakilala ka nalang ulit sa akin. Sa ngayon ay bumalik ka na muna sa dati mong buhay. Nagpapasalamat ako kasi nandito ka parati para sa amin Shintaro pero sasabihin ko sayo, hindi lang sa amin, sa akin umiikot ang mundo mo. May buhay ka rin na dapat mong alagaan. Hi

  • Every Second Count   38 Seconds

    Emosyon~*~*~*~NAGISING ako nang maramdaman ko ang paninitig sa akin ng kung sino. Napabalikwas agad ako ng bangon. Nasa kwarto ako! Bakit narito si Shintaro? Nang makita ko ang takot sa mga mata niya ay saka ko napagtantong ako ang dahilan kung bakit siya nandito sa kwarto ko. Kung bakit katabi ko siya sa kama ko.“B-Bakit hindi ka natulog?” Nauutal na bulong ko.Nanatili siyang nakahiga habang nakayakap sa aking bewang ang kanyang braso. Napagpasyahan ni Mama na samahan ako ni Shintaro ngayong gabi. Ayaw sana ni Papa pero dahil sa ginawa kong stunt kanina habang yakap ako ni Shintaro ay sobrang nagpakaba sa kanila. Nabahala sila na baka may gagawin na naman akong ikapapahamak ng sarili ko. Si Jev ay nasa kwarto ni Austin samantalang sina Riri naman at Letty ay magkasama sa guest room.Pina

  • Every Second Count   37 Seconds

    Segundo~*~*~*~PARANG kahapon lang ang mga alaalang bumalik sa akin. Parang kahapon lang na sobra akong nasaktan. Sa kabila ng kalaliman ng gabi, pinaharurot ko pabalik sa amin ang sasakyan. Hindi ako pinayagan ng tatlo pero nagmamatigas ako. Gusto kong makausap sina Mama. Gusto ko silang makausap tungkol sa lahat ng nangyari. Gulong-gulo na ang utak ko at hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa kanila pagkauwi ko. Hindi ko na inabala pang punasan ang sariling luha.Sobrang pamilyar ng eksenang ito. Nagpapatakbo ako ng kotse habang umiiyak. Sumagi sa isip ko ang ibangga nalang itong kotse sa kung ano. Ayaw ko na. Sawang-sawa na ako sa lahat ng ito! Si David. Bullshit. Si David! Ilang mura na ang nasabi ko at ilang suntok na ang binigay ko sa manibela.Wala na akong pakialam kung makaabala ako ngayon sa iba na bumibyahe rin katulad ko. A

  • Every Second Count   36 Seconds

    Binalikan~*~*~*~MAY nararamdaman akong humaplos sa mukha ko kaya unti-unti akong nagmulat. Sinalubong ako ng malungkot na ngiti ni Mama. Iaangat ko na sana ang sarili ko nang pigilan niya ang aking braso at siya ang humiga sa aking tabi. Nasulyapan ko ang laptop at nasa study table ko na ito.“Ang lahat ng ayaw kong makita sa'yo, Triz.. Ang umiiyak ka. Kaya kahit labag man sa kalooban ko, sinusuportahan kitang kumalimot. Ayaw kong araw-araw kang nasasaktan.” Malumanay na wika niya.Tumagilid ako at iniyakap kay Mama ang aking braso. Sumiksik ako sa kanya na parang bata. Ako ang panganay na anak pero sa t'wing magkakasama kaming apat, parang ako pa 'yong baby sa kanila. Lalong lalo na kay Austin. Minsan ay itinuturing niya akong bata.“Kapag 'di ko po 'to maiiyak, baka ano na ang nangy

  • Every Second Count   35 Seconds

    Cheat~*~*~*~NAGING mahimbing ang tulog ko nang dumating ang gabi. Tinigil muna namin ang brainstorming. Ayaw kong matuyo ang utak ko. Ang hirap pala nito. Tinulungan nila akong lahat. Hindi lang ako ang naghihirap, pati narin pala sila. Tinulungan nila ako kasi mahal nila ako.Nagpabili ako ng bagong cellphone kay Mama. Iyong mga gamit ko na nakakapag-alala sa akin kay David ay tinago ko narin. Tsaka ko na gagamitin ang bagong cellphone ko kapag mainom ko na ang capsule. Binilin ko naman kay Mama na siya na ang magtatago ng magiging dati kong cellphone.Ayaw ko kasing magkaroon ng ebidensiya sa planong ito pagdating ng panahon. Pagkagising ko ay masigla kong inunat ang aking kamay at paa. Bukas pa kami ‘magme-meeting’ ulit kaya iba ang gagawin ko ngayon. Kinuha ko ang aking cellphone at tinitigan ko ang mukha n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status