Wala nang panahon para magpaliwanag. Ayaw din niyang makaabala pa lalo sa mga kaibigan niya.Ngayon na wala siyang matatakbuhan, unti-unting kumakalat ang kaba sa dibdib niya.Samantala, tahimik na pinagmamasdan ni Dane ang gilid ng mukha ng ina. Naalala niya ang dalawang tawag nito kanina. Kahit wala siyang narinig, parang nahulaan na niya ang sitwasyon nila ngayon.Siguradong humingi si Mommy ng tulong, pero walang sumagot o walang makakatulong.Dahil sa naiisip, biglang naging seryoso ang ekspresyon ni Dane. “Daddy...” tawag ni Skylie, halos wala na sa wisyo sa sakit, instinct na lang ang nagtulak sa kanya para maghanap ng comfort.Narinig ni Dane ang tinig ng kapatid, at may biglang pumasok na ideya sa isip niya. Palihim siyang tumingin kay Avigail na nasa labas pa rin ng kotse. Kita niya ang lalim ng kunot sa noo nito.Ilang saglit pa, inalis niya ang tingin at tinawagan si Dominic gamit ang kanyang smartwatch.Sa Villafuerte Group, kasalukuyang nasa conference room si Dominic, w
Sa isang iglap, para bang nawalan ng lakas si Skylie at isinubsob ang sarili sa dibdib ni Avigail, mahigpit na yumakap, parang kuting na naghahanap ng init.Napapikit si Avigail, ramdam ang sakit na pilit ikinukubli ng bata. Nang dumilat siya, agad niyang tiningnan si Dale.Nag-angat ng tingin si Dale at pilit na ngumiti. “Okay lang po ako, Mommy.”Hinaplos niya ang ulo nito habang sinasabi, “Kahit ikaw. Hindi mo kailangan magpakatatag palagi para sa akin.”Pagkatapos noon, niyakap din niya si Dale gamit ang isang braso.“Babalik na tayo ng siyudad ngayon. Medyo matagal ang biyahe. Sabihin niyo agad kung may nararamdaman kayo. Huwag niyong kimkimin.”Tumango ang mga bata na parang maliliit na sundalong sumusunod sa utos.Paglabas nila ng tent, wala nang oras para mag-empake pa.Ang tanging bilin lang ni Avigail kay Dane ay kunin ang mga halamang gamot na nakuha niya kanina, at agad na silang sumakay sa sasakyan pauwi sa siyudad.Ngunit pag-andar pa lang niya, agad nang sumagi ang pags
Noong una, akala ni Avigail ay hindi nila kakailanganin ang mga gamit na iyon. Sino’ng mag-aakala na ’yon pala mismo ang makakapagligtas sa buhay ng mga bata?Pagkakita niya sa maliit na palayok na inihanda ni Dominic para kay Skylie, lumabas na agad si Avigail mula sa tent.Hindi na siya nag-aksaya ng oras—naglagay siya ng tubig sa palayok at inilagay ang mga halamang gamot at dalawang dahon bago sinimulang pakuluan ang timpla.Habang hinihintay na maluto ang gamot, bumalik si Avigail sa loob ng tent at binuhat sina Dale at Skylie papasok. Sa sobrang sakit, wala nang buhay ang mga mata ng mga bata at basang-basa na ng pawis ang kanilang noo.Tinakpan ni Avigail ng ilang pirasong damit ang dalawa bago marahang hinaplos ang ulo nila at bulong, “Konting tiis na lang, giginhawa na rin kayo.”Bahagya lang tumango sina Dale at Skylie, pero hindi na nila kayang magsalita.Pagkatapos maayos ang dalawa, tumayo si Avigail at muling lumabas ng tent.Paglabas niya, agad niyang naramdaman ang pag
Si Dale naman ay nakakunot-noong humaplos sa tiyan niya.“Medyo masakit din po tiyan ko, Mommy, pero kaunti lang,” paliwanag niya, sabay gamit ng kamay para ipakita na talagang hindi siya ganoon kaapektado.May bahid ng pagdududa sa mukha ni Avigail habang muling napatingin kina Dane at Skylie.Limang minuto na ang lumipas mula nang bigyan niya sila ng gamot, pero parang walang pagbabago.Si Skylie, sa sobrang sakit, hindi na gumagalaw. Nakatagilid na lang siya sa gilid ng tent, balot ng malamig na pawis ang maliit na mukha niya.Halos hindi na makahinga si Avigail sa sobrang lungkot at pag-aalala.“Mommy…” biglang tawag ni Dale.Parang sinakal ang dibdib ni Avigail at agad siyang napalingon.Mahigpit na nakakunot ang noo ni Dale at seryoso ang tingin nito.“Alam ko na kung bakit sumakit ang tiyan nina Dane at Sky!”“Ano ’yon?” Agad na kumislap ang pag-asa sa mukha ni Avigail.Akala niya magsasabi ito ng kung anong ginawa nila habang wala siya.Pero laking gulat niya nang tumakbo si D
Magsasabi na sana siya sa kuya niya nang mapansin niya ang bahagyang basa sa tabi ng mga paa ni Skylie. Nang itaas niya ang tingin, nakita niya ang luhang patago nang dumadaloy sa pisngi nito.“Sky, anong nangyari sa’yo?”Kahit nasasaktan, lumapit siya kay Skylie dala ng pag-aalala.Hindi na nakayanan pa ni Skylie at tumingala siya kay Dane na may luha sa mata.“Masakit na masakit na po tiyan ko…”Humihikbi siya habang sinasabi, “Kasalanan ko ’to. Kung hindi dahil sa’kin, mas na-enjoy sana ninyo ni tita at Dale ang araw na ’to, pero dahil sa’kin, puro sakit na lang.”Gusto sanang aliwin ni Dane si Skylie, pero bigla na lang may sumakit nang matindi sa kanya kaya hindi na siya makapagsalita.Nang makita ni Dale na sabay bumagsak sa lupa ang dalawa, dali-dali siyang tumakbo palapit sa kanila.“Dane! Sky!” sigaw niya, puno ng takot at pag-aalala.Sobrang sumakit ang tiyan nina Dane at Skylie kaya hindi na nila magawang pansinin si Dale. Si Skylie, tuloy-tuloy lang sa pag-iyak, parang wal
Nang makita ni Avigail na basang-basa na ng pawis ang mga bata, sakto siyang tumawag sa kanila.“Uy, sobra na kayo sa pawis. Halika muna rito at magpahinga kayo bago kayo sipunin.”By that time, busog na busog na sila sa kakalaro, kaya agad silang sumunod at umahon sa tubig. May hawak pang isdang maliit si Dane na napilitan niyang pakawalan bago umalis.Si Skylie naman, inipon lahat ng maliliit na batong ibinigay sa kanya ng kambal at tinupi sa palda niya, maingat na iniingatan habang naglalakad papunta kay Avigail.Nang mapansin kung gaano kabigat para sa bata, agad siyang sinalubong ni Avigail at tinulungan. Lalo namang gumaan ang hakbang ni Skylie nang mabawasan ang bigat ng dala-dala niya.Pagdating nila sa pampang, kinuha ni Avigail ang mga tuwalya na inihanda niya kanina pa at isa-isang pinunasan ang mga bata.Pagkatapos, binalot ng tuwalya ang tatlo at bumalik sila sa tent. Doon, isa-isang inilatag ni Skylie ang mga batong nakuha nila para patuyuin.Piling-pili ng kambal ang mg