Share

Freedom

Author: Shea.anne
last update Last Updated: 2025-06-01 19:57:57

Tahimik ang buong paligid habang naghihintay si Dominic sa mga gamit na ipapadala sa kanya—ilang damit, ilang personal na kagamitan, at ilang dokumentong kailangan niya sa ospital kung saan nakaratay pa rin si Avigail. Kasalukuyang nakaupo si Mrs. Luisa sa tapat niya, may hawak na tasa ng tsaang malamig na, hindi man lang niya namalayang hindi niya naiinom.

"Dominic," mahinahon ngunit may kabigatang wika ni Luisa, "nakiusap ang ama ni Lera sa iyong ama. Hindi ba natin sila pagbibigyan?"

Itinaas ni Dominic ang tingin mula sa hawak niyang cellphone, dahan-dahang ibinaba iyon sa mesa. Nakatingin siya sa kanyang ina, ngunit hindi galit ang nasa mga mata niya kundi sugat—isang galit na hango sa kabiguan, isang sugat na hindi basta napagagaling ng paliwanag.

"Mommy, ikaw ang tatanungin ko," panimula niya, paos at mababa ang boses. "Ayos lang ba sayo na pinahamak ni Lera ang buhay mo... para lang makuha ka sa panig niya? Hindi mo ba naiisip na nilinlang ka niya?"

Bahagyang napayuko si Luisa,
Shea.anne

Sorry Guys! may mga event lang ako nitong nakaraan kaya naman hindi ako masyadong nakapagsulat. bawi ako sa inyo!

| 11
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Analyn Arañez Reyes
kainis nmn ung nanay ni Domenic bkit gusto p palayain ung mamatay tao
goodnovel comment avatar
Anne Soriano
update please
goodnovel comment avatar
Vinabonavic Mangubat
thank sa update... lgi ko hinihintay ang update mo ang ganda kc ng story mo...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Attorney

    "Mommy naman..." mariing bulong ni Dominic habang nilalapit ang sarili sa kanyang ina. Napansin niyang nagsisimula nang mapansin ng kambal ang tensyon sa paligid. "Halika, doon tayo mag-usap sa hindi maririnig ng mga bata. Baka isipin nilang pinahirapan ko ang mommy nila kaya pinili niyang umalis."Pero tila hindi matitinag si Mrs. Luisa. Umiling ito, mariin at walang bahid ng pagdadalawang-isip. "Hindi na!" tugon nito, medyo may pagtaas na ng boses. "Kahit anong sabihin mo, Dominic, hindi magbabago ang desisyon ko. Kung wala silang matutuluyan, hindi sila pwedeng tumuloy sa puder mo. Doon sila sa akin—mas mabuti! Para mas madami akong oras kasama ang mga apo ko."Parang may bumagsak na tanikala sa balikat ni Dominic. Napatingin siya sa kambal na hindi makatingin nang diretso sa kanila—mga inosenteng matang nakatingin sa paligid, nagtataka. Naramdaman niya ang hapdi ng pagkatalo—hindi sa argumento, kundi sa pagiging ama. Tila ba siningil siya ng sarili niyang ina sa isang kasalanang h

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Freedom

    Tahimik ang buong paligid habang naghihintay si Dominic sa mga gamit na ipapadala sa kanya—ilang damit, ilang personal na kagamitan, at ilang dokumentong kailangan niya sa ospital kung saan nakaratay pa rin si Avigail. Kasalukuyang nakaupo si Mrs. Luisa sa tapat niya, may hawak na tasa ng tsaang malamig na, hindi man lang niya namalayang hindi niya naiinom."Dominic," mahinahon ngunit may kabigatang wika ni Luisa, "nakiusap ang ama ni Lera sa iyong ama. Hindi ba natin sila pagbibigyan?"Itinaas ni Dominic ang tingin mula sa hawak niyang cellphone, dahan-dahang ibinaba iyon sa mesa. Nakatingin siya sa kanyang ina, ngunit hindi galit ang nasa mga mata niya kundi sugat—isang galit na hango sa kabiguan, isang sugat na hindi basta napagagaling ng paliwanag."Mommy, ikaw ang tatanungin ko," panimula niya, paos at mababa ang boses. "Ayos lang ba sayo na pinahamak ni Lera ang buhay mo... para lang makuha ka sa panig niya? Hindi mo ba naiisip na nilinlang ka niya?"Bahagyang napayuko si Luisa,

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Safety First

    Sinundo ni Avigail ang kambal—sina Dane at Dale—mula sa eskwelahan. Tahimik lamang ang kambal habang nasa sasakyan, ngunit pagdating nila sa Villafuerte Mansion, bumungad sa kanila ang mahigpit na seguridad. Maraming tauhan ang nakaantabay, at halatang pinalakas ang proteksyon ng buong paligid."Wow, Mommy... dito ba tayo titira ngayon?" inosenteng tanong ni Dane habang hawak ang kamay ng kapatid."Sandali lang, anak. Habang inaayos ang villa natin," sagot ni Avigail, pilit na ngumingiti. Ngunit sa loob-loob niya, ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. Isa lang ang malinaw—hindi na ligtas ang villa para sa kanila."Bakit Mommy? may nasira ba?" tanong naman ni Dale. "May nag-leak lang na tubo ng tubig. Halika na, ibaba niyo lang ang gamit niyo at magpalit nitong mga damit na binili ko kanina. Pupunta tayo sa hospital, gumalaw na si SKylie." "Talaga MOmmy?" Tumango naman si Avigail at tuwang tuwa naman ang kambal kaya mabilis silang kumilos.Samantala, si Dominic ay kasalukuyang nasa vi

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Skylie's Condition

    "Gumalaw na daw si Skylie?" nagtatakang tanong ni Avigail.Kanina, habang nagbabasa siya at nag-iimbestiga kung paano napunta ng bansa si Skylie at pinalabas na patay na ito, tumawag si Dominic. Umiiyak ito habang masayang sinasabi na gumalaw si Skylie. Kaya naman nagmadali siyang pumunta sa ospital."Oo, Avigail!" Masayang sabi ni Dominic habang muling tumingin sa ICU room kung saan nakahiga si Skylie. "Kanina, habang kinakausap ko siya at kinukuwento kung paano kita muling nililigawan, gumalaw ang kamay niya... at lumuha ang mata niya. Sa tingin ko, tuwang-tuwa siyang magiging mommy ka na niya. Matagal na kasi niyang hinihiling iyon sa akin.""Ano bang sinasabi mo d'yan! Mommy ka agad?" kinikilig na sabi ni Avigail. Iniwas pa niya ang mukha sa lalaki dahil masyado siyang apektado sa sinasabi nito. Para bang may kung anong kumikiliti sa puso niya.Kung ganito si Dominic noon—six years ago—baka hindi na siya umalis. Pero nang maalala niya ang mga nangyari, bigla siyang napalalim ng bu

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Step 1

    "Good morning," nakangiting bati ni Dominic, kasabay ng marahang pag-abot ng isang bungkos ng sariwang pulang rosas habang nakatayo sa pintuan ng Villa.Napataas ang kilay ni Avigail, halatang hindi sanay sa ganitong klaseng eksena tuwing umaga. Naka-robe pa siya, hawak ang tasa ng kape, at bagong gising pa ang mukha. Tiningnan niya ang mga bulaklak, tapos si Dominic, at muling bumalik ang tingin sa bulaklak."Para kanino 'yan?" tanong niyang diretso, halatang hindi na makatiis sa kaba at pagtataka."Para sa'yo," simpleng tugon ni Dominic, sabay abot nito sa kanya. May halong pag-aalangan sa mata niya—parang hindi sigurado kung tatanggapin ito o itatapon ni Avigail pabalik sa kanya."Mommyyy!""Who's that?"Sabay na sumulpot ang kambal mula sa hallway. May suot silang uniform, halatang nagmamadaling bumaba para sa almusal nila bago pumasok sa kindergarten. Ngunit agad napahinto ang dalawa nang makita kung sino ang nasa pintuan."Daddy?" sabay na tanong ng kambal, parehong naguguluhan

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Just Respect

    “Avigail…” tawag ni Dominic, mababa ngunit mariin, habang nakatingin sa mga bata sa loob ng ICU. Nasa loob si Mrs. Luisa Villafuerte, nakaupo sa maliit na upuan at binabasahan ng kwento ang kambal habang tahimik na nakahiga si Skylie sa kanyang kama. Sa kabila ng kanyang mariing pagtanaw, may kirot sa tinig ni Dominic—isa itong tinig ng lalaking matagal nang naghihintay, umaasa, at ngayon ay muling nagtatanong.Napalingon si Avigail sa kanya, bahagyang nagtaas ng kilay. “Bakit?”Tumikhim si Dominic, saka muling nagsalita—ng buong tapang ngunit may halong pag-aalinlangan. “Kung sakaling ligawan ulit kita, maaari mo ba akong pakasalan… ulit?”Tahimik. Tila huminto ang oras para kay Avigail. Tinitigan niya si Dominic, sinisipat kung seryoso ba ito o isa lamang itong biro na may halong pahiwatig. Ngunit nang makita niya ang pananatiling panatag ng lalaki habang nanunuod sa mga bata, alam niyang hindi iyon biro. Alam niyang totoo ito.“Naiisip ko lang kasi…” dugtong ni Dominic habang hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status